Sa ospital

Habang nasa ospital ako kanina at nagpapa-check up. Bigla akong napatingin sa white board kung ano ang diagnosis - hindi ko maintindihan ang medical term pero sinabi niya na kailangang lagyan ng maliit na tubo ang aking lalamunan para doon ipasok ang pagkain. Hindi ko alam kung bakit kailangang gawin iyon. Pero sa sarili ko, ayokong gawin iyon at mabuti pang mamatay na lang ako kaysa malagyan ng tubo.

Kaya naman nang aktong dadalhin na ako para sa operasyon, pumiglas ako at tumakbo. Naintindihan ng isang nurse ang dahilan ko kaya naman tinulungan niya akong makatakas. Naka black slacks at plain white shirt lang ako na tumatakbo. Nang nasa gitna na kami ng hallway eh tinakpan ako ng tumulong sa aking nurse para hindi ako mapansin nang mga humahabol sa akin. Buti na lang at marami akong kapareho ng suot kaya hindi nila ako napansin.

May narinig akong boses mula sa malayo na sinasabing "Alas-kwatro na!", Hindi ko alam kung anung meron sa oras na iyon. Naramdaman ko na lang na kinikiliti ang paa ko ng aking Tatay hanggang sa magising na lang ako at tumingin sa wall clock namin. Panaginip lang pala. akakabitin. Kelangan ko na pala maligo at papasok pa ako.

7 Reaction(s) :: Sa ospital

  1. natakot ako. LOL tapos yun pala panaginip lang. sus.

  2. Ay Jin. Kung may oras ka, ikukuwento ko sayo yung panaginip ko. Akala ko totoo at ninais kong naging totoo na lang sana yun.

  3. @eben
    akala ko rin nga eh. nabitin nga lang at nde ko alam bakit un napanaginipan ko.

    @zwei
    hmm kwento mo yan sa blog mo

  4. ayos yung panaginip na yun ah! hahaha! very supportive si nurse! hehehe!

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

  5. hindi kaya isang pahiwatig si nurse? Di ka siguro nag pray bago matulog, lol

  6. akala koh nung una totoo... then nabasa koh 'ung part na pinatakas ka nang nurse... nagduda akoh.. sabi koh siguro make-up story lang... kala koh next scene eh may lovin' scene kayo nang nurse... haha.. lolz... tapos 'un... dream palah... wehe... ingatz kah parekoy... Godbless! -di

  7. @fjords/enhenyero/dhianz

    iyon nga eh. ayoko nang nabibitin kasi. ginising ako bigla samantalang may extra hour pa ako para magayos at pumasok.