Habang nasa ospital ako kanina at nagpapa-check up. Bigla akong napatingin sa white board kung ano ang diagnosis - hindi ko maintindihan ang medical term pero sinabi niya na kailangang lagyan ng maliit na tubo ang aking lalamunan para doon ipasok ang pagkain. Hindi ko alam kung bakit kailangang gawin iyon. Pero sa sarili ko, ayokong gawin iyon at mabuti pang mamatay na lang ako kaysa malagyan ng tubo.
Kaya naman nang aktong dadalhin na ako para sa operasyon, pumiglas ako at tumakbo. Naintindihan ng isang nurse ang dahilan ko kaya naman tinulungan niya akong makatakas. Naka black slacks at plain white shirt lang ako na tumatakbo. Nang nasa gitna na kami ng hallway eh tinakpan ako ng tumulong sa aking nurse para hindi ako mapansin nang mga humahabol sa akin. Buti na lang at marami akong kapareho ng suot kaya hindi nila ako napansin.
May narinig akong boses mula sa malayo na sinasabing "Alas-kwatro na!", Hindi ko alam kung anung meron sa oras na iyon. Naramdaman ko na lang na kinikiliti ang paa ko ng aking Tatay hanggang sa magising na lang ako at tumingin sa wall clock namin. Panaginip lang pala. akakabitin. Kelangan ko na pala maligo at papasok pa ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
natakot ako. LOL tapos yun pala panaginip lang. sus.
Eben
March 21, 2009 at 1:00 AMAy Jin. Kung may oras ka, ikukuwento ko sayo yung panaginip ko. Akala ko totoo at ninais kong naging totoo na lang sana yun.
Anonymous
March 21, 2009 at 1:33 AM@eben
akala ko rin nga eh. nabitin nga lang at nde ko alam bakit un napanaginipan ko.
@zwei
hmm kwento mo yan sa blog mo
Jinjiruks
March 21, 2009 at 2:43 AMayos yung panaginip na yun ah! hahaha! very supportive si nurse! hehehe!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Dear Hiraya
March 21, 2009 at 6:05 AMhindi kaya isang pahiwatig si nurse? Di ka siguro nag pray bago matulog, lol
Enhenyero
March 21, 2009 at 2:30 PMakala koh nung una totoo... then nabasa koh 'ung part na pinatakas ka nang nurse... nagduda akoh.. sabi koh siguro make-up story lang... kala koh next scene eh may lovin' scene kayo nang nurse... haha.. lolz... tapos 'un... dream palah... wehe... ingatz kah parekoy... Godbless! -di
Dhianz
March 21, 2009 at 3:25 PM@fjords/enhenyero/dhianz
iyon nga eh. ayoko nang nabibitin kasi. ginising ako bigla samantalang may extra hour pa ako para magayos at pumasok.
Jinjiruks
March 21, 2009 at 3:28 PM