By Myself Again

May 24. Went to SM Fairview to meet Chiny. Watch ng movie "Night at the Museum 2". The movie was Ok but mas maganda ang first movie. Stroll sandali. A little chit-chat about updates sa buhay, work and plano sa relationship. Kumain sa Greenwich. Stroll again. Hindi alam ano pag-uusapan. Recalled hours ago, when i texted an officemate about not being happy anymore on a relationship. We share the same situation. Matagal ko nang iniisip ang relationship namin kung may patutunguhan ba. Hindi siya nagsasalita for a couple of minutes nang makitang mukhang galit ako sa kanya.

Sabi ko ayoko ng ganito - oo nang oo ka lang, hindi mo ako sinasalungat. Ayoko nang ganun. Parang manika tingin ko sa relationship natin na ako na lang palagi ang in-control. Pakiramdam ko hindi na rin ako happy. Pinilit kong mahalin siya sa pag-aakalang natuturuan ang puso na magmahal. Pero nabigo ako. Mas may bigat sa akin ang "mahal ko" factor dahil masaya ako kahit hindi ako alam ang kalalabasan. We went to Robinson, stroll again - hindi nawala ang tension. Hanggang sa napag-desisyunan na umuwi nalang kami. Wala akong lakas ng loob para sabihin na ayoko na at makikipag-break na ako. Dinaan ko sa text.

Umabot hanggang gabi ang usapan. Alam ko - ako ang may problema. Mahal niya ako at marami na siyang plano sa aming dalawa pero hindi ko siya magawang mahalin. Hindi ko sadyang saktan siya pero in the long run kami rin pareho ang masasaktan dahil mas atatched na siya sa akin. Kailangan kong gawin ito kesa mabuhay na hindi masaya at magsisisi sa huli. Kahit masakit, masaya ako sa desisyon ko. Nag-text siya kanina. Napag-isip-isip rin niya na pwede pa naman kaming maging magkaibigan ulit kagaya ng sinasabi niya nung kami pa. Pabor ako sa suggestion na ito.

Nakakapagod na minsan ang maghanap sa taong handa mong ibigay ang lahat nang higit pa sa iyo. Para akong guinea pig na pinag-eeksperimentuhan ng tadhana. Hanggang kailan ako paasahin sa ideyang darating pa ang taong hinahanap ko sa buhay. Sabi ng iba, choosy daw ako at mataas ang standard o hindi nag-eexist ang taong hinahanap ko. Hindi naman sa ganun. Hindi naman ako magandang lalaki para mamili. Pero kung pipili ka na rin lang dun na sa taong gusto mo talaga at masaya ka sa piling niya. Hindi ko na alam kung puro divert na lang ba ang gagawin ko at magpapaka-busy sa trabaho at sa ibang bagay para malimutan na ang paghahanap ng kasama sa buhay. Tanginang buhay ito.

11 Reaction(s) :: By Myself Again

  1. pssst! bawal ang magmura dito hahahaha

    ayos lang yan, hindi lang ikaw ang paulit ulit na nasasaktan sa mundong to.. ako naman, mas pipiliin ko na yung taong "mahal ako", pakiramdam ko din kasi, in the end sya pa rin ang magpapasaya sa akin.. kahit sa ngayon, malungkot pa ako dahil di pa din masyadong sigurado, alam ko naman na magiging okie ang lahat sa amin.. magiging masaya muna ako ngayon sa piling ng mga kaibigan ko ngayon habang nasa labas sya ng pinas.. at maghihintay na lang muna ako sa kanya.

  2. mahirap talagang turuan ang puso..
    minsan, ull just have to put an end to soemthing.. masakit man sa loob mo, lalo na when youre not happy anymroe and when u know na hindi kayo nag-grow with what you have

  3. hayst pagibig nga naman

    btw its nice to be here sa blog mo

    have a great day and God Bless

  4. hindi kc hinahanp un kusang dumarating!

  5. haaaay.. yun lang masasabi ko.

    Naisip ko tuloy ang tanong ni Mew sa LoS:

    "If we can love someone so much, how will we be able to handle it when we are separated?...Is it possible to love someone and never be afraid of losing them? Is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all?"

  6. wow.wow.wow. Alam ko kung gano kahirap yung nagin sitwasyon niyo. Alam ko kasi yan din ang kalagayan ko ngayon. Pero hindi ko pa magawang makipag-kalas. Ewan. Ang hirap. Pero mas parang pinahihirapan ko sarili ko. Tae.

  7. @kheed
    honga eh. mas pipiliin ko ang mahal ko dahil alam kong masaya ako sa kanya.

    @yanah
    thanks yanah at naiintindihan mo ako

    @blue
    salamat sa pagdaan hehe. hawig mo sa bampira.

    @cj
    alam ko yun, pero hanggang kelan.

    @bampy
    hayz yan din naman ang tanong ko sa buhay. parang si mew na rin ako

    @badong
    habang mas maaga. mag desisyon ka na kasi mas tatagal iyon mas lalalim ang attachment niya sa iyo hanggang sa hindi ka na makakatakas pa.

  8. Isa lang masasabi ko sayo Jin: sana ay maging masaya ka sa desisyon mong ito.

    :)

  9. hindi naman ako nagsisisi zwei. masaya nga ako at kahit papano ok ang exit namin.

  10. aaminin ko na pinipilit ko ung sarili ko to be fine despite of what happened. but let me tell you that I am completely honest when I suggested that we can be friends after this. i must say that i had a lot of shortcomings, lapse of judgement and having too much too fantasized on things that I know can't be achieved overnight. I know that I will be completely ok soon, I'm starting to learn to go back to the basics again. pilit kong ginugusto sa sarili ko to be ok and do well. ngaun naniniwala ako na tama ka sa sinabi mo, that we had a lot of compatibility issues like social status, hobbies and interests and all, but still I would like to thank you for a very wonderful time that you spent with me. It may be forgettable but while the memories still sinks in, I want to thank you for that shortest time in the world. All the best Jin. ^_^

  11. salamat rin. sorry kung hindi naging maganda ang kinahihinatnan. it's just mas ok na ganito na lang tayo siguro pero malay natin dba. hindi naman natin hawak ang future.