Naiinis na ako sa sarili ko kung bakit sobrang hina ng immune system ko na kaunting kain lang ng bawal na pagkain eh aya't dadapuan na naman ng paborito kong sakit - tonsilitis/sore throat.
Ewan ko ba, nung dayshift naman ako hindi naman ako ganito. Marahil dahil na rin sa puyat/kulang sa tulog kaya madaling dapuan ng mga ganitong sakit. Hindi ko na alam ano pa ang ire-resetang gamot sa akin this time.
Magaling na kasi ako after a week, kumain lang nung isang araw ng minatamis na saging at hindi na naulit iyon pero heto masakit na naman ang lymph nodes ko at kung hindi lang dahil sa Difflam eh mahirap na namang lumunok nito. Pero nung umakyat ako sa taas eh iba yung Doktora na naka-assign sa araw na ito. Naiinis lang ako kasi hindi man lang niya sinalat yung parteng namamaga sa leeg ko at tiningnan lang ang aking tonsil at sabi niya na hindi pa naman daw swollen. Ewan ko - bukas na lang ako papa-check-up ulit kasi hindi ako kumbinsido sa check-up niya.
Sana nga lumipas lang ito na parang hangin lang na dumaan. Talagang forever na akong hindi pwede kumain ng matatamis at inuming malalamig. Kawawa naman ako. Huhu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Eto na naman ulit
Post a Comment