Kanina habang sakay sa MRT. Hindi ko maiwasang pansinin ang mga tao sa paligid habang binabagtas ko ang daan papasok sa Ayala. Hindi po ito panlalait, as much as possible yung pinakamalapit na paghahambing lang sa pagmamasid ko.
- Yung matabang lalaki na nasa harap ko na nakahawak sa railings. Iniisip ko Diyos ko po, ayoko umabot sa ganitong laki. Hindi maganda at prone to cardiovascular disease. Saka mahirap kaya magpa-sadya ng damit na ganun kalaki.
- Lalaking katabi ko sa kanan na puro crater naman ang mukha. Siguro kung pinuputok ko ang bulutong ko dati sa mukha baka yan din ang itsura ko ngayon, buti na lang at hindi ko ginawa masyado yun (kaunti lang naman).
- Naka-blue poloshirt na kita naman ang tiyan. Hehe! I have to admit ganyan ako talaga kaya minsan puro inhale lang ako pag maraming tao para hindi masabing ganun na kalaki ang aking tiyan.
- Naka-yellow jacket na geek. Medyo hawig niya yung officemate ko dati na nasa isang TV station na ngayon. Akala ko nga siya iyon, hawig lang pala. Baka mapahiya lang ako pag nilapitan ko pa siya. Kahit malaki rin siya. Nadadala naman niya at cool lang siya sa porma niya.
- Naka-polo at black slacks. I have to admit na medyo ayoko nang balikan ang ganun pananamit. Pero pag no choice talaga eh wala naman akong magagawa. Pero bagay naman sa kanya.
- Babae na may himulmol ng tela ang bag niya. Hindi niya siguro napansin pero mukhang masisira na ang shoulder bag niya.
- Pinaka-agaw pansin kanina eh ang harutan at tsismisan ng 2 lalaking medyo nasa gitna ng cab. Mukhang taga Accenture, nasa green poloshirt kasi nung isa na incidentally eh kapareho pa kami, akala ko nga taga Chase rin. Pero in fairness me mga panakaw silang holding hands ah. Ang sweet nung dalawa na minsan napapatingin na lang ang iba.
Sensya na po, wala lang magawa nung panahon na iyon. Kaya napansin lang ang mga tao sa paligid!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gawain ko din yan dito :)
Enhenyero
May 27, 2009 at 11:12 PMsa singapore ba. at least hindi puro pinoy makikita mo dyan!
Jinjiruks
May 27, 2009 at 11:38 PMbad bad bad... :P
Anonymous
May 28, 2009 at 12:46 PManung bad dun?
Jinjiruks
May 28, 2009 at 9:02 PM