Nung napanood ko sa MMK last May 15 ang tungkol sa kwento ng mga pagkakabuo ng barkada dahil sa isang sports. Nakaka-relate ako dito sa istorya na ito at nanariwa na naman ang mga alaala ng pagkakabuo din ng PS (Playstation) Boys.
Taong 1999 nang mabuo ang samahan na ito. Nagsimula siya sa isang munting gaming shop na pinapatakbo ni Cyril (Master namin),4th year high school palang kami nun. Nalaman lang namin ang shop na ito mula sa kasama namin sa CAT-1 na sina Rene, Billy at Abundio (miyembro). Sa una, wala pang Playstation sila nun - ang nilalaro palang namin eh 3DO, Atari etc. lalo na yung Yuu-Yuu-Hakusho na laro na iyon. Naadik masyado si Angelo. Tama lang ang laki ng gaming area at ang bahay naman nila ang nasa bandang likod nito. Nasa harapan siya ng highway kaya hindi mahirap hanapin.
Nang dumating ang Playstation dito na nagsimula magtipon-tipon at hanggang kalaunan eh nagkakilala ang magkakabarkada. Maraming laro ang bumulaga sa aking mga mata nung panahon na iyon. Iba siya, hindi kagaya nung nakasanayan na nating mga arcades, famicom/snes etc. Mas maganda ang graphics at sound niya. Mahilig pa naman ang grupo sa RPG kaya madalas ito ang nilalaro doon.
Teh PS Boys (circa 1999)
Naalala ko pa ang first impression ko nung makita ko sila at ilang mga detalye sa mga PS Boys..
Cyril aka Master - nakita ko na siya dati nung nasa 2nd year palang ako, sinabihan pa nga niya ako dati na baka maduling ako dahil ang lapit nang tingin ko sa test paper ko, ayoko ko kasi pakopya nung panahon na iyon. Matinik sa chicks, pugeh kasi eh. Pero pagdating sa game especially RPG matinik ito at ang human guide ng lahat. Talagang pagpupuyatan niya ang isang game at lahat ng mga minute details uusisain niya. Ang may-ari ng shop. Ang pinaka-adik sa grupo. Ang strategist. Determinado pati na rin sa real world.
Angelo (Breath of Fire game specialist) - kababata ko mula grade 3, siya ang dahilan kung bakit adik ako sa video gaming ngayon. Kagaya ni Cyril, ilang beses niyang uulitin ang isang game para lang makumpleto ito. Hindi siya magdadalawang-isip na simulan ulit pag alam niyang may mali siyang nagawa. Breath of Fire fan dahil halos buong PS life niya ginugol niya sa larong ito. Piggy Dragon na nga siya. Joke! Sobrang tahimik. Hindi marunong magalit. Madalas magyaya sa pagkain. Wala kang maririnig na reklamo sa kanya.
Rene (Resident Evil game specialist) - nakilala ko lang ito noong high school lalo na sa CAT-1 year namin, co-officer ko. Ito loyal ito sa iisang laro pag natapos saka lilipat ng ibang game. Mahilig sa mga mecha, survival horror games. Hindi ko kaya maglaro kagaya ng Resident Evil na iyan, gusto ko kasi kontrolado ko ang laro hindi kagaya nito na equal chance lang kayo ng kalaban, at strategy ang kailangan para maka-survive sa game. Nanginginig na ang kamay ko nang masubukan yan kaya give up na ako. Natatawa lang ako pag naalala ko pag Boss part na eh sigaw kami nang sigaw dahil nga diba hinahabol siya lalo na nung big alligator sa sewers, nataranta rin si Rene dahil sa ingay namin. Eventually nag-shift rin si Rene sa mga mecha na game lalo na sa Super Robot Wars.
Factor (GameShark master) - si Mike pero mas gusto naming tawagin siya sa surname niya. Pag name nita paguusapan iisa lang ang nasa isip namin "Cheater', wahaha! wala lang, simula nang maimbento ang GameShark, Codemasters at mga cheats online. Asahan mo laging updated dito lagi si Mike. Nagpapa-print pa yan ng mga codes para para may compilation siya. Kalaban na mortal ni Cyril na anti-cheat moral. Verstatile itong si Mike kahit sang laro pwede siya kasama ng Cheats niya. Hehe! Wala ring katapusan ang motormouth chakra nito pag nag-kwento. Dynamic duo kami niyan lalo na sa mga green jokes. Ahaha! Kami kasi ang joker sa magkaka-berks kaya hindi masaya pag wala si Factor.
Abundio - itong si Adar (surname), minsan lang ito pumunta sa shop, usually weekends lang. May ibang motibo ito kaya naglalaro kina Cy eh, yung kapatid nitong si Cristalyn. Pareho sila ni Angelo nun na nagka-interest sa kapatid ni Cy. Yung tipong bibili pa ng barbeque na tinda nila para mapalapit lang. Hehe! Sorry mga dudes trabaho lang ito. Wala masyadong genre itong si Adar basta kung ano ang gusto laruin sige lang kahit natapos na ng iba halos. More on PC games kasi siya. Seryosong tao ito. Pero madalas sumasama rin sa mga kalokohan.
Billy (Gundam Boy) - actually Ryan ang name niya at ung Billy eh contraction lang ng surname niya na mahirap ispelengin. Pamoso ito sa pagdadala ng pink na japanese-type bike sa shop kasi naghahatid siya ng food sa mother niya na may puwesto sa palengke. Merong nunal sa baba na kung san pinapahaba niya ang buhok niya sa parteng iyon. Baka nga iyon ang sikreto ng kanyang lakas. Haha! Isa pang tawag namin sa kanya eh Buraot master kasi kahit overtime na siya eh sige laro pa rin. Hindi na madalas nagpapakita o sumasama sa grupo ito lalo na't busy sa palengke.
Marami pang ibang nagpupunta sa shop na ka-berks namin pero hindi gaano kalapit sa circle namin. Kasama ko pa nga minsan kapatid ko at kay Factor sa shop minsan. Andun dun si Jerry (aka Jr) na makulit na bata simula noon pa. Malaki na nga at manong na ang dating batang makulit na ito. Si Boss Tammy - hindi ko na nakikita ito dahil siguro me sariling PS na rin nung panahon na iyon. Si Thomas na kaibigan ni Rene na minsan dumadalaw rin para maglaro. Andun din ang pinsan ni Cyril na sina Van at Jay na nakikigulo minsan pag weekends.
Marami nang napagdaan ang PS Boys sa hirap at ligaya. Maski sa panahon ng bagyo sige punta pa rin kami kahit walang kuryente andun pa rin kami at naglalaro ng board game. Minsan tinuturing na naming 2nd family sina Cy lalo na ang kanyang pamilya dahil welcome kami lagi sa kanila. May tipong magluluto pa kami ng pancit canton sa kanila. Lalaro ng board games. Makikipagusap sa mga kamag-anak nila. Siyempre hindi naman habam-buhay andyan ang PS. Dumating ang araw na nawala na ang popularidad nito at napalitan na naman ng mga online games sa PC. Nevertheless hindi na mawawala ang pagsasamahan na pinagtibay na ng panahon. Kung ano kami dati. Ganun pa rin kami ngayon.
xbox boys na o kaya ps3? hehehe..
buti ka pa may mga kilala na gamers.. ako ala maaya... nagtityaga sa pamangkin ko.. hehehe
gillboard
May 27, 2009 at 5:40 AMlol, parang MMK ah... (kaleidoscope world background music) hehe gamesharkin na yan! infinite ammo, lives at kung anu ano pa! :P
Anonymous
May 27, 2009 at 9:30 AMwahaha. mga kababata ko lang mga ito. ps3. isa palang meron sa amin eh. kaya si master palang ang ps3 master. hehe. minsan laro tayo kuya gill.
Jinjiruks
May 27, 2009 at 9:33 AM@toning
lol ka dyan. nde naman kami kasing drama nang napanood mo. nakaka-relate lang ako kasi dun din kami nagkakila dahil sa isang game.
Jinjiruks
May 27, 2009 at 9:40 AM