Solo sa Jeep

Kanina solo ko ang jeep sa 1st route ko. Sarap kasi mahangin at walang ibang sumasakay. Naging hindi nga lang maganda nung dumaan na sa Payatas kasi puro usok at basura na naman ang malalanghap mo. Nang bumaba sa bandang Quezon Avenue nagbabadya ang malakas na ulan kaya dali-dali akong tumakbo para makaiwas. Buti na lang saka na siya lumakas nung bandang papasakay na ako sa train.

Sa loob naman ng train andun si Cutie, naka-violet siya at nasa bandang gitna. Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa kanya. Puti niya kasi at cute. Nakakahiya nung nagkakasalubong kami ng tingin. Sinubukan kong buksan ang bluetooth ko pero walang nag register. Hehe! Asa pa ako. Bandang Guadalupe station na sita bumaba at sa Ayala naman ako. Hayaan mo na sabi ko sa sarili ko. Karne lang yan. *bad*

Nung isang araw, nagkasalubong kami ni Ey bago bumaba sa may MRT. Medyo hindi naging maganda ang exit naming dalawa. Naging bitter ako at kinalimutan siya. Pero heto  pareho kaming happy dahil nagkita kami ulit. Pero hindi na kagaya ng dati siguro. Lahat naman nagbabago.

7 Reaction(s) :: Solo sa Jeep

  1. haha tlgang bnuksan bluetooth, sana hiningi mo nlang no. pre. ok lang khit di ibigay atleast ngtry ka dba.

  2. Ahaha!! ako din ginagawa ko yang blue tooth na yan ahha!! :D

  3. hehe. trip ko lang naman iyon. malay mo. kasi kanina pa siya nag-tetext eh.

  4. sabi sayo dapat sinundan mo eh.. grrrr.. kagat labi pa bwahahaha

  5. wahaha. ayoko nga. iba pa isipin nun.

  6. hahaha

  7. nde dapat ikaw ang last comment. ako!