October 26, 2009

Antok na naman

Dahil sa hindi ako nakatulog nung hapon. Heto mula nang nasa biyahe ako, grabe kulang nalang maglatag ako ng banig sa jeep sa sobrang antok ko. Kainis, tinatamad akong pumasok dahil malamig din ang panahon at masarap mag-kumot at himbing na matulog.

Maski sa bus din, antok pa rin. Nahawa na ata ang girl na katabi ko, at sumandal pa sa balikat ko habang natutulog. Hindi ko nalang ginising at baka magalit pa sa akin. Nagising naman siya nang malapit na kami sa bus stop. Sana lang hindi umepekto ang espiritu ng umay ngayon at nag kape na agad ako pagdating palang sa office.

3 Reaction(s):

xtian1978ii said...

ako kahapon sobra din antok ko

Jinjiruks said...

kaka-antok minsan pag super lamig!

xtian1978ii said...

lalo na pag wala katabi sa pagtulog :(


Teh Other side of [Jin] © 2008. Free Blogspot Templates Sponsored by: Tutorial87 Commentcute Blogger Templates | Best Credit Card Offers