Changes

- Mas mahigpit ngayon dahil 1:1 na ang ratio ng error, unang araw palang meron nang mali hehe. Wish ko lang na sana maging Ok ang dispute at madaan sa technicality. Hehe! Pero kung ano man ang kalalabasan igagalang ko siya. Mukhang mapapadalas ang paggawa ko ng ganitong action ngayong taon. Mahirap na makabawi pag nagkamali sa una palang.

- Sa shift naman, salamat naman at huling linggo nalang ng aking kalbaryo sa pagiging midshifter. Next week, nightshift na ulit kami. Sana nga lang, hindi ako ma-headbang gaya ng dati.

- Sa career, good luck nalang next time, still thinking of applying to other position. Bahala na si Batman.

- Sa Transpo naman, been trying to take other route aside sa nakasanayan na. Medyo napapauwi kasi nang alanganin dun sa conventional na dinadaanan ko. Tried yesterday ibang route, maaaga umuwi. Butas naman ang bulsa ko. *sigh* Last na itong experiment na ito. Sa ngalan ng maagang makakapasok at uwi.

- Seeing someone again, wish me luck to both of us. Ayaw ko na mag kwento, ma pre-empt lang.

- Sad naman na mababawasan na naman ang mga holidays namin sa office. Recession kasi sa US kaya tipid mode ang company. Ok na rin kesa naman walang trabaho.

- Sa gaming, balik online ulit, sa all time fave na "World of Warcraft". Bumalik na naman ang gamer's urge ko and pangako Tauren Druid ko, lalakas ka sa aking mga kamay.

- Pangako ko sa sarili ko, ngayong taon, - maglalakbay ako sa buong Pilipinas. No matter what. And February will be a jumpstart. Excited na ako lalo na't kasama ko aking mga ka-berks at pag may time - with my special someone. *kilig*

Hanggang sa muli..

0 Reaction(s) :: Changes