Sa wakas, natapos na rin ang aking kalbaryo ng mga interview nitong linggo na ito. Makakapag-pahinga na rin ako nang maayos. Makakatulog nang mahimbing at hindi na magkakabisa ulit gaya ng ginawa ko ngayong linggo. Ginawa ko naman ang aking best shot para dito. Hindi ako umaasa pero favorable naman ang comment nila sa akin. Bahala na kung makakapunta sa next stage. Pero for the meantime; back to normal ulit ang aking buhay. Cheers to that!
Talagang napaka-stressful kapag may inaantay kang interview. Parang ang tagal-tagal at gustong-gusto mo na siyang matapos para wala ka nang alalahanin pa. Mula nang nabigay ang schedule sa akin last Tuesday, hindi na ako nakatulog nang maayos at super research at pagpupuyat ang aking ginawa. Nag-message na rin sa baby ko na sana intindihin niya ang situation ko na hindi muna tayo magkakausap nang madalas dahil sa malaking part ng time ko naka-allot na sa pagbabasa at review sa mga articles na kinuha ko online.
Yebah! Ang sarap ng pakiramdam na parang nabunutan na ng tinik sa lalamunan. Kaya sinumulan ko na ulit ang pagbabalik sa normal na buhay. Nyahaha! Ang saya-saya ko ngayon. Can't wait na weekend na at makapag-pahinga na rin. Sisimulan ko na pagbawi sa tulog mamayang umaga pag-uwi ko. Balik Facebook ulit, sana lang pumayag ang shop sa may harap namin na ma-install ulit ang WoW. Sayang naman kasi ang pinaglaanan ko ng pera at panahon. Huhu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ano na yung biznes nayen? seryoso yon... kahit manpower muna at small time :)
Anonymous
January 29, 2010 at 7:15 PManung business? ung pinaguusapan natin? puro naman drawing. hmp. ung blog mo hindi makapag-comment.
Jinjiruks
January 29, 2010 at 9:44 PMok na naayos ko na hehe
Anonymous
January 30, 2010 at 2:47 PMwahaha ung business natin kelan natin masisimulan
Jinjiruks
January 31, 2010 at 9:57 AM