Naka-leave ako yesterday pero parang wala lang din. Hindi ako nag-enjoy sa araw na iyon. Lalo na't wala naman akong malaruan ng matino. Mula nang masara ang shop ng ka-berks ko. Parang nahawa ako sa umay effect talaga. Mula umaga nakatunganga ako sa higaan ko. Ayoko bumangon. Nanood lang ng TV. Natulog mag-hapon. Hanggang sa pumasok na nga ako ngayon sa office. Gusto kong magpunta sa Wawa sa may amin pero dahil sa wala akong makasama, heto hindi na naman natuloy.
Last Sunday naman ganun din, tamang trip lang na kumain sa Burger Machine nung umaga at gabi. Na miss ko rin ang burger chain na ito dahil nung nasa elementary palang ako ito na kinalakihan ko at may promo pa silang lunchbox that time. Siyempre maraming nagbago, hindi na siya kasing laki at kasingsarap, marahil nagbago na rin ang panlasa ko. Naglakad buong gabi, gusto ko mag-net pero hindi ko alam sang shop. Naiilang ako sa ibang shop at hindi kumportable. Nagpapawis lang ako talaga at nagbawas ng calories.
Mapupurnada pa ang planong Clark namin this Feb dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kaya heto isip ng alternative kung saan makakapag-unwind kasama mga berks. After nitong interview na ito, makakahinga na ako ng maluwag. Ang hirap maging empleyado talaga, kailangan paghirapan lahat ng gagawin mo. Kelan kaya ako makakapag-simula ng aking business.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Umay na Lunes
Post a Comment