Supposedly this weekend, the usual na ginagawa ko - punta sa computer shop ni Angelo para maglaro ng WoW. Nagulat ako sarado. Sabi ng nanay niya tulog daw siya. Umuwi nalang ako. Nag-text ako sa kanya. Reply niya - sarado na ang shop at maghahanap daw siya ng trabaho. Nagulantang ako sa sinabi niya. Wala namang dahilan para isara ang shop at hindi naman ito palugi. In fact last week lang iniisip niya na dagdagan ng PS3 o kaya additional PC.
Hayz ewan ko anu na naman ang pumasok sa isipan nitong kaibigan kong ito. Worried na ako masyado sa kanya. Ngayon ko lang sasabihin ito at patawarin mo ako Angelo kung isusulat ko ito. Minsan kasi napapansin ko bigla nalang siyang nagagalit nang walang dahilan. Makikita mo, tatalsik na naman ang ibang mga bagay sa sahig. Lalo na nung nakaraang linggo, kung saan yung isang sako ng kangkong, hinagis niya sa bubong ng kanilang kapitbahay.
Ok sana kung magagalit siya at magwawala, hindi iyong tahimik pa rin siya at walang imik. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung papaano. Ginagawa ko ang tungkulin ko bilang kaibigan niya, kada linggo dinadalaw ko siya para kahit papano may nakakausap siya. Pero mahirap talaga na ipilit sa kanya na mag-open up tungkol sa kanyang nararamdaman.
Dagdag ko pang balita, na sinabi sa akin ng isa pa naming kabarkada. Nagwala daw siya sa ibang bahay at naghahagis ng mga gamit. Na-praning mga tao sa bahay na iyon na kabarkada rin namin. Hindi ko pa siya nakakausap nang personal tungkol sa bagay na ito.
Hindi ko na alam anung gagawin para sa kanya. Patuloy pa rin siyang nabubuhay sa nakaraan at hindi makapag-move-on mula nang mamatay ang kanyang nag-iisang kapatid. Kagaya nga ng sabi ni ex niya. Sana nga one of these days makita na niya ang liwanag at makapagsimula ulit. Bagong buhay. Naiinis ako, pakiramdam ko inutil ako at hindi ko siya matulungan. Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan niya bakit ganun ang inaasal niya.
Gusto ko bumalik ang dating Angelo na nakilala ko mula pa pagkabata.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Yeah, me too. I want him to be the old Him. I'm not mad at him anymore. I want to understand whats going with him. I'm not his enemy to accuse of weird things. I'm also his friend. We can support him but he needs to help himself. He need to step out of the shadow of his past.
Cy
January 27, 2010 at 2:31 PMiyon na nga kasi ang problema, hindi pa rin siya makapag moveon at sa nakaraan pa rin ang kanyang mindset. nagawa ko na ang maitutulong sa kanya, it's up to him kung gagawa ba siya ng aksyon at magbabago.
Jinjiruks
January 28, 2010 at 11:13 PM