Sobrang stresfull ang week na ito para sa akin. Lalo na sa work, grabe - ang daming pinapagawa. Going the extra mile ika nga na hindi na kasama sa function mo pero ginagawa mo parin para lang matapos at masarado na ang account.
Kahapon lang, for the first time after a couple of months or even year. Ngayon lang ako na-late ulit. Kahit pa sakop ng grace period. Count pa rin siya as tardiness. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi ang tagal tagal ko sa CR that time. Nyahaha! Sinamahan pa ng suwapang na jeepney driver at rally sa may QC Circle. Kahit pa nagtatakbo ako papuntang work at todo pawis, wala pa rin.
Kanina naman may interview. I admit hindi ako nakapag-handa para dito at akala ko ganun lang kadali. Pero hindi pala. Grabe ang tension na naramdaman ko that time. Binugbog ako nga mga tanong at ako eto nasamahan pa ng mental block. Kaya tuloy utal sa pagsagot at naligoy pa. Hindi na ako umaasa pa dun. Ginawa ko ang makakaya ko. Sapat na iyon. Kahit magsisi pa ako, wala na rin magagawa.
And come to think na for the first time again nagkaroon ako ng pimples kahit pa anung ingat ko na wag magkaroon. Siguro sa stress na rin kaya lumitaw siya. Una sa cheeks then nung nawala eto sa side ng nose naman. Hayz, san naman kaya lilitaw ulit siya.
Finally makakapag-pahinga na rin ako ngayong weekend. Pero maghahanda ulit para sa susunod na interview this week. Hayz, hirap maging empleyado talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Wata Wik Again
Post a Comment