Last Feb14, sinamantala ko na pagpunta sa EK (Enchanted Kingdom), nag-meet kami ni Bhe sa StarMall Shaw, medyo tanghali na nun. Mabilis naman ang biyahe. Akala ko nga aabutin kami ng ilang oras, minuto lang pala. Hindi pa siya nakakarating dun at lalo na sa mga daan papuntang South. Ok naman ang biyahe papuntang SouthExpressway. Mga ilang minuto lang nasa WalterMart na kami. Namamahalan talaga ako sa tricycle at nananaga talaga sila.
Mga ala-una na kami nakarating dun. Ang init grabe, buti nalang kahit papano malamig pa rin ang panahon nung araw na iyon. Third time ko nang makapunta sa EK, medyo nagsasawa na nga eh. Wala naman kasing bago. Pagpunta namin, usual na dami ng tao. Siguro mga gabi pa magpupuntahan ang iba dahil na nga sa fireworks display.
Sinumulan na naming sakyan ang ibang rides habang kaunti palang ang nakapila. Syempre ang peborit ko dun eh ang Jungle Log, ung big dip at splash pababa, buti nalang nagdala ako ng jacket pang-iwas basa na rin. Kahit ayoko mag AnchorsAway, napapilit pa rin ako. Panay ang sigaw ko nun kasi nga takot ako sa heights at biglang swing. Mahilo-hilo ako pagkatapos.
Isa pa yang RioGrande na yan, kainis. Akala ko pa naman makakaiwas na ako mabasa. Hindi pa rin ako nakaligtas. Hehe. Basang-basa ang aking shorts at jacker. Buti nalang kami at hindi inabot ang cellphone at wallet ko. Kakahiya talaga. Sana man lang may dryer sila dun. Kumain muna sa isang fastfood around 5. Then balik ulit kami at nag SpaceShuttle, marami-rami na rin ang tao. Natigil nang kaunti dahil sa fireworks display. Nag resume rin after a couple of minutes.
First time kong sasakay dun, kasi pag napunta ako dati; hindi siya operational. Nakakatakot kasi alam mo na, iniisip ko yung mga gamit ko. Nang turn na namin, eto na siya. Kakatakot talaga, super bilis. Walang tigil ako kakasigaw. Hindi na ako nakadilat kasi pakiramdam ko mahuhulog ako. After nun tawa kami nang tawa kasi para kaming engot.
Last na pinuntahan namin bago umuwi eh yung Rialto. Mahaba ang pila. Nakakainis kasi nangangamoy na kami sa lansa ng tubig sa Rio kaya medyo nakakahiya talaga.
After nun umuwi na kami at sumakay ng bus bound to Cubao. Nakatayo kami. Nakakahiya man wala kaming magagawa. Bahala silang amuyin kami. Supposedly makikipag-kita pa ako sa friend kong si Jay kasama syota niya. Kaso dahil antok, pagod at may pasok pa bukas. Hindi na kami nakasama at umuwi na lang.
Mga past 11pm na ako nakauwi, sakay ng FX bound to Eastwood. Pagkatapos maglinis. Higa agad sa kama at nakatulog nang mahimbing. Sana kahit papano nag-enjoy siya kasama ako sa araw ng Puso.
Hanggang sa muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: EK 3rd Time
Post a Comment