Katawa wala na naman akong maisip na title. Kasi paulit-ulit naman ang topic eh. Kahapon, hind maintindihan ang aking pagtulog. Nagising ng 10am tapos tulog ng tanghali. Nagising ng 3pm na naman, naglaro sa shop. Nakatulog ng 6pm. Nagising na naman by 8pm, kumain sandali, nood TV - nakatulog na naman by 10pm. At eto hindi naman nagising kundi, ginising ni Mama kasi magsisimba siya ng 5am. Ako naman eto hindi na nakatulog at naghanda na lang para sa weekly jogging ko. Walang laman ang aking tiyan, goodluck nalang na magutom. Buti nalang may magtataho na dumaan, bumili at geh tuloy lang sa jogging.
Plano ko sana magpunta sa Wawa ngayon, pero mainit na. Mamayang hapon nalang siguro. Wala lang. Gusto ko lang makita ang Wawa bakit ba. Kahit wala akong kasama, ok lang. Senti mode muna. Kukuha ng mga pictures. Hayz, balita ko dami daw naliligo dun. Kainis, hindi na daw maganda ang Wawa. Sana lang nga matuloy ang rehabilitation ng dam para magamit na siya just in case umabot na sa critical level ang Angat Dam na pinagkukunan ng tubig ng mga resident ng Metro Manila. Well hindi naman kami apektado kasi me sariling water pump ang subdivision. Pero siyempre mas ok pag naayos ang dam at gawing tourist attraction ang Pamitinan Cave.
Hindi ko alam anung plano ko, paguwi ko sa shop. Text mode na naman, medyo kakasawa na nga. Kagabi nga, pakiramdam ko latang-lata ako kaka-text, hindi ko na mai-angat ang phone. Lowbat na siya pero hindi ko mai-charge. Nakakatulog ako na hawak ang phone. Paggising mo, daming messages. Reply. Nakatulog. Reply. Ganun ang siste kahapon. Hehe! Parang tanga lang noh.
Balak ko sana punta kina Angelo mamaya at yayain sa Wawa pero paguwi nalang siguro. Sana si Cyril pwede rin. Geh iyon nalang muna. Enjoy your weekends guys. Raniel haberdey. Kala mo nakalimutan kita ah. Ang dami mo nang utang sa akin. Ewan ko nalang anung ipapakain mo sa akin pambawi. Lechon baka na siguro.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: 03.21 Wallpost
Post a Comment