Hindi maganda ang workstats ko this week kaya kailangan todo bawi next week. Hindi ko alam ang dahilan. Malamig masyado ang area, nakakabagal - at nakaka-antok lalo, ilang beses na rin ako muntik mag headbang. Super tahimik namin, minsan surf nalang ang ginagawa pag idletime. Hindi motivated or inspired.
On the other hand. *sigh* lablayp. No comment. Basta masasabi ko lang, naka-suspend pa rin ako sa ere, hindi ko alam kung may sasalo o lalagpak ako. Sana makaya niya akong buhatin kahit mabigat ako. Supposedly magkikita sana kami this week kaso pinagpasyahan ko nalang na sa susunod na linggo na lang para may resources ako sa pagkikita namin. Cautious mode. Wag muna umasa. Siguro ganun ako sa susunod na mga araw. Mahirap nang mag-assume. Baka makuryente.
Sa berks sa amin. La akong contact, malapit na ang Holy Week at mukhang walang magmamaterialize na gagawin. Nasasayangan ako kasi naka-holiday leave pa naman ako at gusto ko na silang maka-bonding. Pero wala naman akong magagawa kung hindi talaga sila pwede. Masaya sana pag nabuo ulit kami kagaya ng pag-akyat namin nitong mga nakaraang taon. Ok na naman si Angelo, nakikipag-kita na sa amin, lalo na kay Cyril. Kanina narinig ko kasama daw siya sa swimming ng iba pa naming friend. Good development ito mula sa kanya, sana tuloy-tuloy na siya at subukang umusad at hindi magmukmok sa nakaraan.
Ganun pa rin sa FB apps, naglalaan pa rin naman kahit an hour para makapag-laro, grabe na itong kaadikan na ito. Kaya nakukulangan sa tuloy at antukin sa office eh isa ito sa mga dahilan. Patuloy pa rin ang txt mode sa mga friends lalo na sa mga blogmates, officemates and fwenly-fwens. Minsan namamaga na ang right thumb ko, kakatext sa kanila. Walang tigil ang pagpasok ng mga text messages, minsan paggising ko 40+ messages agad tapos hahabol pa ang ibang messages kinalaunan.
Well, enjoy your weekend guys!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: M03W03
Post a Comment