Lumipas ang ilang linggo na naging mga buwan. Wala nang balita si Jerry kay Kate. Pilit niya itong kinalimutan. Binura at inalis ang mga bagay na makakapagpaalala sa dating minamahal. Matagal ang healing process, sabi niya sa sarili niya. "Matagal, pero kakayanin ko ito; nabuhay ako nang wala siya magagawa ko ulit ito."
Hindi na nakatiis si Jerry, sabik na siya kung ano na ang balita kay Kate. Kaya naman kinaibigan niya ulit ito sa mga social networks kung saan may account din si Kate. Hanggang sa naging magkaibigan ulit sila. Humingi ng tawad si Jerry sa mararahas na salita at aksyon na ginawa niya. Madali naman siyang napatawad ni Kate dahil naiintindihan naman siya nito. Masaya na si Jerry na kahit kaibigan lang, kahit papano'y magkakausap sila ni Kate.
Lumipas pa ang ilang buwan, nawala na rin ang nararamdaman ni Jerry kay Kate. Kaibigan nalang talaga ang turing nito sa dalaga na dati ay halos sambahin na niya. Pero syempre hindi naman mawawala ang pagmamahal at ito'y nagbabagong-anyo lamang. Merong mga oras na hinahanap-hanap pa rin niya ang pagmamahal ng dating kasintahan. Ang mga masasayang sandali nung sila'y magkasama. Alam niyang hanggang sa alaala lumipas na lamang ang mga iyon at hanggang sa puso nalang niya ito muling masasariwa.
Nagbabalik rin ang kanyang diwa sa mga taong dumaan at nagbigay ng pitak sa kanyang buhay. Kung maibabalik lang ang panahon. Muli niyang naalala ni Micah, nakilala lang niya sa isang forums at malapit-lapit lang sa kanilang lugar. Strikto at konserbatibo ang pamilya nito at halos parang prinsesa sa taas ng tore kung ikulong sila sa bahay. Kaya naman halos walang kaibigan si Micah sa kanilang lugar at karamihan ay mga kapwa niya kolehiyala s Maynila.
Napagpasyahan nila na magkita na malapit lang kina Jerry. Umaambon pa noon, naka-kotse si Micah at tinanaw si Jerry na nag-aantay sa upuan sa tapat ng barberya. Sumakay si Jerry sa kotse, at sila'y nag-kumustahan at usap-usap tungkol sa kanilang buhay. Hindi nila pansin ang paglipas ng oras at masyadong naaliw sa pakikipag-kwentuhan sa isa't-isa. Hindi namalayan ng isat-isa na unti-unti na silang nahuhulog sa isa't-isa.
"Isa ito sa mga hindi ko malilimutang araw ng buhay ko", sambit ni Micah. Pero batid nilang dalawa na itong si Micah ay hindi rin makapag-pasya dahil na rin ayaw niyang bitawan ang ilang taon na nilang relasyon ng kanyang boyfriend. Na kung saan niloko siya nito ng ilang taon sa pagaakalang pinsan niya ang kinakasama sa kanilang bahay. Nagagalit si Jerry dahil, sa kabila ng ginawa nung taong iyon. Martir itong si Micah at pilit inaayos ang nasirang relasyon sa kanyang kasintahan.
Nag-usap pa nang kaunti ang dalawa ng iba pang mga bagay-bagay, hanggang sa napagpasyahan ng dalawa na umuwi. Hindi malilimutan ni Jerry ang araw na ito, wala mang kasiguruhan ang mga susunod na araw para sa kanilang dalawa. Kahit papano, nakaramdam ng kasiyahan si Jerry. May taong nag-appreciate sa kaniya at susubukan siyang mahalin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
palagay ko maging mag-syota yang dalawa.
abangan na lang... :)
eMPi
March 9, 2010 at 7:52 AMhappy ako jay jerry,sana maging sila ni micah...
Anonymous
March 9, 2010 at 3:12 PM@marco
haha. honga eh. abangan nalang.
@jay
haha. ewan ko jay!
Jinjiruks
March 9, 2010 at 9:02 PM