Napagusap ng mga kenkoy na blogger na sina Jin, Yanah at Marko na magkita-kita sa araw ng Linggo sa bahay kubo ni Pralines. Hindi naman maliit ang haus niya gaya ng sinasabi niya, studio type nga eh kaya lam mo na ang size nun. Medyo takot sa tao si Marko kaya laging nakasara ang bahay. Inisip ng iba siguro kung may nakatira nga ba dyan. Baka natatakot sila sa makikita nila na may nagpapahid ng langis pag gabi na pagsilip sa bintana at aswang pala itong si Marko.
Pasensya na sa kanila at medyo late na akong nakarating. Dahil na nga inasikaso ko pa itong blog links ko etc. Ayun nauna na sila nagkita. Sinabi ko sa kanila, wag na nila akong antayin dahil 1hr ang travel time ko. Hindi na halo-halo ang pinabili at ice kwem na lang para tipid. Pagdating sa haus, kaunting salo-salo. Ayun may pusit, sinigang, langka etc. Nabusog kami kasama na ang tawanan at kwentuhan.
Pahinga mode. Kwentuhan pa rin sa buhay-buhay. Kinalikot mga gamit ni Marko. Then sobrang init talaga, pawis na kami kakatawa. Ang lakas pa ng fan, bumili ka na ng industrial fan kasi para lumipad na tayo. Then mga hapon, napagpasyahan na dumaan sa UP Diliman, tutal supah lapit lang naman. Naligo muna kami. Nakakahiya sa labas, kasi lahat ng tao nakatingin sa amin. Akala siguro nila nag threesome kami sa loob. Nakakahiya tuloy. Haha!
Ayun pagdating sa UP. Lakad. Kwento. Tigil sandali sa oblation. Lakad ulit. Kung anu-anu mga comments namin sa mga dumadaan na mga tao. Tuwing Sunday pala parang Luneta itong UP, natalo pa ang Parks and Wildlife. Hehe! Dumaan sa isawan ni Mang Larry. Kawawa naman si tatay Larry, may picture pa tlaga sa cart. Napagkatuwaan. Akala ko naman malalaki ang isaw nila, pareho din pala sa iba. Kaya dinudumog kasi walang kumpetesyon.
Kumain. Bumili ng inumin sa UP Arcade. Then dumaan sa Parish of the Holy Sacrifice para dumaan at magsimba naman si Yanz. Then pagod. Sumakay na sa Toki palabas sa Philcoa. Super antok na ako nun kaya hindi na ako sumama pabalik sa kubo nina Marko. Salamat guys sa bonding moment. Nag-enjoy po ako promise! Hanggang sa muli. Excited na ako next month. Sana marami pa akong maka-meet na bloggista sa mga darating na buwan. Amen!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Aswang pinagsasabi mo dyan! grrr!
eMPi
March 8, 2010 at 3:00 PMpati efan ko pinag-tripan niyo. hmmp! lols
eMPi
March 8, 2010 at 3:01 PMhaha. kaw naman naglalambing lang!
Jinjiruks
March 8, 2010 at 9:38 PM