Lang Gana

Alanganin akong nagising kanina. 3 oras lang tulog ko. Dahil na rin sa init ng panahon at ingay ng palabas sa TV. Nag-reply muna sa mga nabiting text messages. Dumiretso sa netcafe. Sobrang init ng panahon. Sabi nga ni Anne, parang disyerto na tayo - sobrang lamig pag gabi at tindi ng init pag tanghali. Pagdating pa dun, mag-aantay pa ako ng ilang minutes dahil puno.

Usual FB updates. Ka-chat sina Marco at Yanah. Nag-react sa mga wall post ng ilang fwens. Monotonous. Tumama na naman pagkatamad ko. Umuwi na agad ako at hindi na inubos ang time. Pag-uwi, lang gana kumain. Ewan ko, ilang taon na nilang niluluto mga putahe. Nagsawa na siguro panlasa ko. Nagluto nalang ako ng itlog. Panigurado mamaya gutom na naman ako.

Friday na, pero hindi ako excited. Wala lang, samantalang ang iba tuwang-tuwa dahil last day ng work ako, wala lang. Parang dadaan lang ito at paggising mo Monday na naman. Maski sa biyahe tamad na tamad ako, andami kong iniisip. Lumilipad ang aking diwa. Hindi ko nasasagot ng maayos text messages. Hindi lang siguro ako motivated at inspired.

Sana this weekend, may magbago para tuloy-tuloy na next week.

*UPDATE*

Eto nasa work, sobrang antok na antok. Siguro dahil ilang oras lang ang aking tulog. Hindi ko tuloy alam kung nakapag-prod ako nang maayos. Hay buhay. Ilang oras nalang naman at uwian na, babawi nalang ako paguwi sa amin.

2 Reaction(s) :: Lang Gana

  1. you remind me of the zombies in plants vs. zombies. sino ka kaya dun?

  2. hala.. nde ko pa kaya nalalaro yan. malamang pig zombie ako.