Inaamin ko, maarte ako pagdating sa pagkain. Ayoko ng isda. Kahit anung luto pa siya. Trauma na ako sa tinik dati. Ayoko na maulit pa. Nagsasawa na rin ako sa mga niluluto sa bahay. Palagi na lang ganun. Kaya minsan kahit kay pagkain pa diyan. Magluluto nalang ako ng noodles at iyon ang kakainin.
Ewan ko bakit ngayon hindi ko na ma-appreciate ang tinola at sinigang na niluluto ni Mama. Nasanay lang ba ako sa pagkain sa labas kaya ganito. Maski sa pang-himagas, yung gelati at buko salad. Ayoko na rin. Yung leche flan nalang ata ang natitirang paborito ko ngayon.
Minsan sinasabi ko, bibili na ako ng cookbook sa National para may maluto naman kayong bago. Maski sa spag kasi nakakaumay na rin. Kasawa na ang matamis na red sauce. Ewan. Hehe. Alam ko maraming nagugutom at swerte pa ako. Hindi naman sila kasali sa usapan. Ako ang pinaguusapan dito at hindi sila. La lang masabi. Hanggang sa muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
patay tayo dyan! :)
eMPi
March 5, 2010 at 8:10 AMamf choosy ka kuya! CHOOSY! hmp..
ok hindi ako galet...
Trainer Y
March 5, 2010 at 2:06 PMhehe. talaga. kahit magutom pa!
Jinjiruks
March 5, 2010 at 3:10 PMKung aaraw-arawin mo, kahit anong sarap ng pagkain, magsasawa't magsasawa ka.
I can still eat 2 kilos of pasta in one sitting. I can still munch on fish, may it be fried or not.
But there are days that I will not eat anything just to miss those foods that I love.
Anyway, just my two cents.
Menthos
March 5, 2010 at 7:52 PMgrabe ah 2 kilos. baka sumabog na tiyan ko nyan. ewan ko. siguro nga ilang taon ba naman na ganun palagi. talagang nasagad na ako.
Jinjiruks
March 5, 2010 at 8:38 PM