M03W01

Adjustment. 1st week sa bagong team. Couple of meetings, getting to know part. Congratz kay insan Dave, promoted to Supervisor. Nabawasan na ng tower of power ang LTDM. So far ok naman silang kasama, though hindi pa ganun ka-close at few interactions with them. Sa seat naman, kainis nasa dulo pa ako at kita ni Boss yung ginagawa ko. Hehe! Kaya todo minimize muna ang ibang extra-curricular. Medyo malamig sa pwesto kaya hooded jacket palagi. Ok naman mga katabi ko, nakakausap ko minsan, kahit na super focus ako sa prod dahil nga 1st week kasi.

Ewan ko pero bakit ganun, lang gana ako kumain this week. Unmotivated. Uninspired. Dahil ba sa maraming iniisip. Nakakalimutan nang kumain minsan. Usually puro Milk and IcedTea nalang pag nasa work. Ewan ko, hindi ko mahuli kung anung ok sa tastebuds ko. Salamat nalang sa ibang nag-tetext at email to cheer me up. Medyo Ok napo ako. Minsan lang talaga andun tayo sa lows pero bilog naman ang gulong kaya tataas ulit. Hehe! Yebah!

Kakulitan pa rin sina Markotuts at Yanz mula texting hanggang dito sa Blog. Supposedly magkikita with Dan and Yas kaso moved nalang next week pati na rin si Tuks. Medyo walang budget mga tao ngayon, naubos nung sale siguro sa SM. Haha! This Sunday naman punta kina Mark with Yanz. Kukulit, finalize na namin yung trip namin this April sa Sagada. Next week, Dan/Elias, meet tayo sa Riverbanks.

Tumatanda na sina Pa at Ma at napilitang gamitin ang health card nila, almost a week na kasing nasa haus si Pa at ayun puro pahinga. Ilang weeks na rin kasi yung hika niya at bara sa sinus area. Tigas-tigas ng ulo. Sinabi nang magpatingin sa duktor para hindi na lumala. Buti napapayag ko kahapon. Eto dagdag gastos ang medication pero Ok lang para sa kanila naman iyon. Nag-restock ulit ng mga supplements at vitamins para sa family. Hayz, ang hirap maging breadwinner.

Kahapon galing UP Diliman, unwind mode. Liwaliw. Parang nasa Luneta lang, hehe! Actually first time kong pumasok sa loob na ganun ka extensive ang napuntahan. Buti nga hindi ako naligaw. Hinanap ko lang ang Malcolm Hall at Church of the Holy Sacrifice pati na ang Sunken Garden. Kakatuwa kasi imbes na football makikita ko dun eh adik sa Frisbee ang mga pips doon. Nung napagod sumakay na rin sa Toki jeep then headed home. Sobrang pagod, nakatulog nang maaga.

Welcome home nga pala, Vinz  ang Sadako ng batch namin. 2 years ka ring nawala. Miss you na po. Sensya na kung hindi ako nakapunta kahapon kina Nescel. Ngayon ko lang kasi nabasa yung reply mo sa Facebook, well I hope magtagal kapa kahit ilang weeks, para magkausap tayo. Tagal na rin tayong hindi nagkikita, parang dekada na sa tagal hehe. Miss ko na bonding with you guys. Sensya na at maraming priorities sa buhay. Maski weekends super busy. Kala mo artista. Hehe!

Eto katangahan na naman kahapon sa pag-aayos ng layout. Gusto ko kasi back to basic black kagaya ng dati. Hindi ako natutuwa sa layout dati, ang laki-laki ng font. Back to being a minimalist. Ayan sa kaartehan ko, since walang post date at post time lang nakalagay. Tumingin ng mga online guides, sinubukang tweak ang html codes, ayan nagka-leche-leche na at worse nawala pa ang mga blog links ko, mahihirapan na naman akong mag traceback nito at please bear with me guys. Tanga lang talaga ako at super confident na hindi mangyayari ito. *Kutos* Next time, backup backup at isa pang backup. Kainis. Grr! Hanggang sa muli.

0 Reaction(s) :: M03W01