TropaTeks atbp

Mula umaga hanggang hapon, nagugulat nalang ako at naka-ilang text messages kaming tatlong magka-tropa ni pareng Jay at Christian. Halo-halo ang pinaguusapan namin, halos puro kalokohan. Excited na rin kami this May na makapunta sa isla nila Jay para sa pista sa kanilang bayan at celebrate na rin ang kanyang kaarawan. Hindi na kami makapag-antay dahil ilang tulog nalang at byahe na kaming tatlo. Matagal-tagal na rin kaming magkaibigan ng dalawang kumag na ito. Kahit hindi kami madalas nagkikita, sa text naman kung anu-anong kalokohan ang pinaguusapan namin. Hindi ko ramdam ang paglipas ng oras pag sila ang kausap ko. Parang kapatid na rin kasi ang turingan namin sa isa't-isa. Ilang tulog nalang mga parekoy. Antay-antay lang.

Kanina graduation ng kapatid ko sa high school. Salamat naman at college na siya. Ilang taon nalang din at makakapagtrabaho siya at makakatulong sa amin. Hayz, sana makapag-tapos na silang lahat, para makapag-ipon naman ako para sa sarili ko. Halos kasi sahod ko may parte sila dun sa pag-aaral nila. Sana nga lang sulit itong pagsisikap ko na mapagtapos sila ng pag-aaral. Medyo tumatanda na rin kasi ako at kelangan ko na talaga bumukod at mag-ipon pero hindi ko pa magawa sa ngayon dahil marami pa rin nakasandal sa akin at isa ako sa inaasahan sa amin.

Kanina, na-miss ko din si AMD. Parang nangungulila ako sa kanya kahit almost a week palang kaming hindi nagkikita, nagkakausap naman kami sa text pero syempre iba pa rin ang personal na nagkikita kayo at ang mga sweet moments. Ewan ko, sobra ko siyang miss ngayon. Nakakainis wala akong magawa kundi isipin nalang ang ganung mga bagay. Alam naman niya kung gaano ko siya kamahal at nararamdaman naman niya iyon. Masyado lang akong siksik sa sched ngayon pero pangako babawi po ako sa iyo. 5254!

4 Reaction(s) :: TropaTeks atbp

  1. oy! congrats sa kapatid mo... :) makakaahon ka rin... easy lang! :)
    ganun daw talaga pag may mga kapatid ka pang mas bata sayo. mabuting kapatid ka! :)

  2. i am really curious of this AMD. HMMM

  3. @MP
    wahehe. hindi nga. salamat po.

    @yas
    talagang hindi mo ako tatantanan sa kakahula niyan ah. hehe!

  4. ang tanga tanga ko tlaga pare...