Lazy Monday

Potek sobrang katamad ang araw na ito. Naging catalyst pa ang pesteng computer shop na nakita ko along the way na mas mabagal pa sa snail ang connection kahit isang website lang ang nakabukas dahil no choice ako nun sinunggaban ko lang para lang umalis sa amin para mawala pagkabagot.

Hindi kasi natuloy ang overnight kina Rene at kelangan alagaan niya ang anak niya. Excited pa naman ako, well may next time pa naman. Kaantok lang kasi pag nasa bahay ka. Tingin kalang sa 4 corners ng bahay at iyon mag hallucinate ka nalang ng kung anu-anong bagay.

Ako talaga pag weekend eh hindi mo ako mapapa-pirmi sa bahay, baka mamatay lang ako sa pagka-bored talaga, kaya naman ang usual tambayan pag hindi kami nagkikita ng tropa eh dito sa computer shop ni Mang Willy, san kapa 10/hr sulit talaga at mabilis pa ang connection. Nag plug talaga enoh.

Anyways, hindi ko na file ang leave ko ngayon at baka sa Friday nalang dahil sayang nga naman at wala rin naman akong gagawin ngayong araw na ito dahil na nga sa hindi natuloy ang plano. May pinagiisipan pa akong pupuntahan at kailangan ko na itong gawin para rin sa future ko. Hayz, grabe ang hirap maging panganay, masisira ang ulo ko kakaisip ng mga problema sa gastos. Kahit prinsipe ako sa bahay, pagdating sa gastos mamumulubi talaga ako. Ang hirap magpalaki ng pamilya. Hehe!

4 Reaction(s) :: Lazy Monday

  1. nagkataon lang na ikaw ang panganay pero kaya mo yan... :)

  2. panganay din ako par... bakit nga ba nakakatamad ang lunes...dahil bitin sa gimik at bakasyon sa nagdaang weeknd?

  3. buti ka nga panganay. ako nag-iisang anak. buti sana kung may kayamanang ipapamana saken magulang ko. kaso, magandang lahi lang naipamana nila eh. hehehe

  4. @empi
    sana nde nalang ako naging panganay kasi ang daming iniisip na problema

    @moks
    haha, oo bitin talaga, kung pwede lang na 3 days ang dayoff enoh

    @niels
    hehe, sa totoo lang gusto ko nga maranasan yang pagiging unico para sa akin lahat ng luho.