Wawa visit

Supposedly punta kami sa Little Baguio ngayon pero dahil na rin sa umalan ng malakas kagabi kaya hindi kami natuloy dahil masyadong maputik at mataas ang ilog. Disappointed dahil maganda ang panahon last Saturday pero dahil na nga naunahan ako na mag-file ng leave eh hindi kami matuloy. Nakakainis pero chillax lang at alisin ang nega.

Napagkasunduan nalang namin ni Thomas na mag jogging nalang pero instead sa school oval eh sa Wawa nalang, first time ko rin gawin iyon kaya hindi ko estima kung gaano kalayo siya at itatagal ko sa pag-jog. Nagkamita kami sa isang gas station malapit sa amin, then nag-start sa terminal ng jeep sa San Rafael.

Paakyat ang terrain kaya challenge siya. After ng ilang minutes, hiningal na talaga ako at huminto sandali. Sayang at hindi ko na kinaya at naglakad nalang ako pero malapit na naman kami sa Sitio Wawa kaya target ko next time hanggang dun dahil alam ko na ang distance niya. Dumaan saglit sa gotohan at kumain ng mami. Natatawa nga ako kasi akala ko kung anung usok ang nakikita ko sa likod ko. Sarili ko lang pala at nagre-release ako ng body heat. Katuwa nga eh ngayon ko lang napansin. Siguro dahil malamig ang panahon.

Then nagpunta kami sa Montalban Toursim office para magtanong kung saan banda ang Pamitinan Cave, well - ganun talaga kung sino pa ang taga rito eh iyon pa ang hindi nadadalaw sa sariling lugar niya. Maski nga ang Avilon Zoo eh hindi pa ako nakakapunta. Tinuro sa amin ang 2 daan sa baba sa ilog at sa taas naman sa batuhan.

Tumawid na kami ng tulay. Motivated at excited. Nakakalito ang daan kahit merong mga settlers ang andun kaya nagtanong tanong na rin kami kung san banda ang hinahanap naming kweba. Tinuro naman sa amin at nagpatuloy kami sa paglalakad. Lost na kami sa masukal na trail pero tamang tyempo naman at nakita namin si Mang Boy doon na siyang nag-aayos ng patubig sa kanila mula sa bundok pababa sa mga naninirahan sa lugar na iyon.

Grabe ang daanan na tinuro niya, shortcut nga pero jusko, ang hirap hirap at hindi siya friendly path. Kailangan mong kumapit nang matindi sa mga batuhan dahil nagaabang sa kanan mo ang matarik na batuhan pababa sa ilog na ilang feet ang taas. Kaya delikado talaga siya kung hindi ka mag-iingat. Samahan mo pa ng kasukalan ng lugar, mga nagdidikitang mga amorseko at yung mga insekto kagaya ng lamok na takam na takam sa iyo.

Narating rin namin ang kweba at kailangan mo talaga ng ilaw para makausad ka dahil sobrang dilim at kulob ang kweba. Dito ang source ng tubig ng nasa ibaba ebidensya ng mahahabang rubber hose papasok sa kweba. Sinabi pa ni Mang Boy, na though malaki ang kweba sa loob naman nito eh parang ilog tuwing tag-ulan at hanggang balikat ang taas niya minsan pag matindi ang buhos ng ulan. Kaya mas mainam na subukan ito tuwing summer dahil na nga at natutuyo rin siya.

Maraming kwento si Mang Boy, nung lumabas na kami at nag-stop over sa manukan nila. Tungkol sa mga anak niya, sa pagpapaaral niya rito. Ang mga issue nila sa patubig at mga hirap na dinanas niya hanggang sa pagbebenta niya ng towel na umabot pa siya ng Dagupan hanggang Batangas. Pati na rin ang mga dumadaan sa lugar nila at kung paano ma distinguish ang NPA at Militar dahil sa simula palang eh hindi mo talaga malalaman kung alin ang alin sa dalawa dahil pareho lang silang me armas at naka uniporme.

Pagkatapos ng kwentuhan, bumaba na kami at nakasalubog naman ang mga kapitbahay niya na nagbabalat ng isang "cloud rat" na nahuli nila na kumakain ng pananim nila. Parang manok lang pala siya kung balatan. Nag kwento rin si Mang Boy tungkol sa paniki na masarap daw lutuin na hanggang sa matuyo sa mantika. Nagpasalamat kami kay Mang Boy nang nakarating sa kanilang tahanan at naghabilin kami na kung aakyat kami eh siya ang aming sasadyain sa pagtahak sa Pamintinan Cave kung sakaling maisipan ng tropa na magpunta run.

Bumaba na kami sa Wawa at tumawid ng hanging bridge. Napagdesisyunan na huwag nang sumakay ng jeep at lakarin nalang namin ulit gaya ng pagakyat namin kaninang umaga. Kakapagod pero enjoy. Iyon nga lang mas masaya sana pag marami kami, sana nga next time sumama na ang iba at maglaan ng oras. Kaya naman tuwing weekend magiisip lagi kami ni Thomas ng Plan A-C kung sakali hindi pwede ang ibang napag-planuhan. Hanggang sa muli.

3 Reaction(s) :: Wawa visit

  1. wow may ganyan pala sa rizal.
    .
    .
    gusto ko din makapunta. tapos may someone special kang kasama para holding hands in the dark.
    .
    .
    haay nangarap na naman ako. hmpf!

  2. im telling you, hindi romantic ang pagakyat sa matatarik na batuhan lalo nat any moment pwede kang mahulog tuloy tuloy sa ilog. haha!

  3. galing din ako s Wawa last Month ^__^

    sarap magpahangin :D