Natapos na ang mahabang bakasyon. Balik na naman sa katotohanan na kailangan mong pumasok para kumita ng pera para sa mga mahal mo sa buhay. Kahit sa kaunting panahon na naging masaya ka kasama ang mga kaibigan sa iyong adventure/trekking nitong weekends. Kahit naka ilang galos at dumi sa katawan. Ok lang. Minsan lang naman ito mangyari at matatagalan pa bago maulit. Sana tuwing weekend laging ganito. Para makalimot sa stress at pressure everytime na papasok ka at magtrabaho.
Siguro problema rin ang sarili ko kung bakit nahihirapan ako. Hirap akong mag-reach out sa kanila, dahil na rin siguro iniisip kong busy sila at naghahabol din ng kanilang stats para ma-improved pa siya. Kelangan ko maging open at magtanong nang magtanong sa mga bagay na hindi ko masyadong naiintindihan sa proseso. Hindi ko maiiwasang ikumpara siya sa nakaraan kong trabaho. Ika nila, wala namang madaling gawain sa simula. Lahat kailangang paghirapan para makarating ka sa itaas. Ang kailangan mo lang tamang strategy kung paano makakarating sa misyon mo. Slowly but surely. Bawat hakbang mo, kelangan planado kung hindi ilang steps backward ang mangyayari sa iyo at hindi ka na makakausad nito.
Dagdag pa nito ang mga isipin sa buhay na kailangan ko pang isipin ang problema ng iba. Kaunti nalang at pagod na pagod na ako. Bakit ako nalang ang kailangan asahan. Kelan ko kaya iiisipin ang future ko. Ilang taon na ako at wala pang nangyayari sa buhay ko. Ganun pa rin kagaya ng dati. Inaaalo ko nalang sarili ko sa mga panandaliang kasiyahan pero pagkatapos nito balik na naman sa mahabang panahon ng kalungkutan. Kelan naman kaya magkakaroon ng pagkakataon na isipin niyo naman ako at hindi puro ako nalang ang nagiisip para sa inyo. Ayoko umabot sa punto na maubos na ang coping mechanism ko sa pag solve sa mga problema sa buhay. Ayoko magaya sa kaibigan ko na hindi na makausad at parang meron nang sariling mundo dahil bumagsak na siya at nalugmok sa mundo na siya lang ang nakakaintindi. Hayz, kaunti nalang talaga.

0 Reaction(s) :: Back to Reality
Post a Comment