Pamitinan Cave [conquered]

Maagang nagising dahil excited na sa aming pupuntahan ngayong araw, kausap na agad ang mga kasama sa trekking. Nagkita muna kay Thomas, kumain saglit bago dumiretso sa Eastwood subdivision, kung saan ang meeting area bago dumiretso sa Sitio Wawa.

Kala namin eh mag commute kami, meron palang sasakyan si Kuya Al, kasama niya ang kanyang kapatid at friend, lima kaming tumahak sa Wawa para hamunin ang Pamitinan Cave.

Pagdating sa Wawa, sarado pa ang Toursim office at mukhang napaaga ang punta namin. Kaya minabuti na naming puntahan si Mang Boy. Ang kausap namin nung last time na nag check kami sa trail, siya ang nagaayos ng tubo ng tubig mula sa kweba pababa sa bawat bahay na malapit sa kanyang nasasakupan.

Hanging bridge papuntang Pamitinan

Ilan lamang sa mga rocky trail na kailangan namin pagdaanan sa shortcut na ito

kasama si pareng Thomas, sa first base namin

si Mang Boy, ang aming guide
view ng baba ng Wawa mula sa pwesto namin at the middle of the mountain

entrance ng Bat cave, sa wakas napuntahan rin namin

bunganga ng bat cave

thumbs up, parang hindi napagod kaka-akyat sa matarik na batuhan, sulit naman eh sa view

mechanism na ginagamit sa paglipat ng guano (bat dung) para hindi na sbuhatin pa pababa, may wire at pulley para ma transport pababa ang mga ito to save time and energy

marker sa limestone cave na may japanese inscriptions, hindi na mabasa dahil sa kalumaan

historical inscriptions on the entrance of the cave

parang gate sa Enkantadya, haha! pinagbawal kasi ng pamahalaang munisipal ang pagpasok sa kweba pero hindi mo maiiwasan hindi buksan ng mga taga dito dahil sa kweba ang pinagkukunan nila ng tubig

path papasok sa Pamitinan, maputik siya dahil sa ilang tagas mula sa tubo ng tubig kaya kailangan doble ingat at madilim masyado sa loob

group picture muna, ngiti kahit pawis na sa loob at maputik pa

hmm, ano kaya ang tinitingnan ng mga ito, hehe! meron kasi kaming nakasalubong na mga koreano sa trail at mukhang mag-wall climbing sila sa likod na bahagi ng bundok, baka makita namin ang pagakyat kasi nila

Matapos ang ilang minuto na paglalakad sa na kaunting liwanag lang ang gabay, mapuputik na daan, mga maliliit na sugat na aming natamo, matubig at malalim na parte ng kweba, nakaraos din kaming lima at lumabas sa kweba na may ngiti sa tagumpay na aming nakamit.
MISSION ACCOMPLISHED!

6 Reaction(s) :: Pamitinan Cave [conquered]

  1. anong meron sa loob?

  2. excited na ako pare....

  3. wow naman ang ganda..

  4. set nyo lang kelan kayo pwede, weekend mas pabor kasi si mang boy andun yung guide natin

  5. Ganda talaga sa Wawa ^_^
    pero ung cave d ko p napasok

  6. try mo kaya