Maaga palang gumising na para sa usapan namin nina Thomas at Jervin na mag jogging papunta kina Rene sa San Isidro na may kalayuan. Ako unang dumating, si Thomas after 5 mins then si Jervin na kumag, sinikatan na kami ng araw nang dumating, mga alas-7 na nung ng umaga.
Nakasalubong pa namin sa spillway sina Mang Boy Dungca ng Montalban Joggers club, nagsawa na rin siguro sila na panay school oval nalang at kagaya ko gusto rin nila libutin ang buong Montalban sa pag jog which is bagong misyon namin ni Thomas sa pag jogging.
Pagdating sa dapat na tawiran, malas at mataas ang tubig at since naka rubber shoes kami. Hindi kami makakadaan, para nga kaming engot na kumuha ng mga bato para makatawid, pero masyadong mahaba ang daanan ng ilog at matatagalan kami.
Buti nalang nakasalubong namin si Manong na nagooperate ng bulldozer at nakisakay kami sa pagtawid. Tuwang-tuwa kami kasi first time rin namin makasakay dun, iyon nga lang kumusta naman ang damit at kamay namin na puro grasa at alikabok, mas matindi ang nangyari kay Thomas since nakaupo siya, puro grasa ang pwetan.
Nakarating kina Rene bandang alas-8 ng umaga, parang Kasiglahan din pala itong village sa San Isidro, mga na-relocate na mga maralitang taga-lungsod at mga ilang taga Montalban talaga na gustong makipagsapalaran at lumipat sa barangay na ito.
Bumili ng ulam at maiinom sa foodtrip. Beef longganisa at hotdog ang nilantakan namin kasama ng pamilya ni Rene. Kulit ng inaanak ko na si Kurt, kung saan saan naiihi at makataw sa gatas. Maraming napagusapan sa mga buhay buhay tungkol sa mga dating kaklase kung asan na sila ngayon, pati na rin kay Angelo na wala pa kaming balita hanggang ngayon pero pangako at paglalaanan namin ng oras para makibalita at makausap ang kanyang ina.
Umalis pasado alas-10 ng umaga, kagabi pa roon sina Rene at oras nang umuwi sa bahay ng magulang sa may Rosario. Sakay ang tricycle tinahak namin ang path sa Eastwood extension. Buti nalang kaya kami ni Manong driver kahit mabibigat kami sa likuran. Minalas ang mga bahay na aming dinadaanan.
Sa may plaza na kami bumaba nina Jervin at nagpaalam at nagpasalamat sa pamilyang Rene at Ainee. Si Jervin nauwi na muna para maglaba at ako naman sumama kay Thomas sa kanila para kumopya sana ng Beethoven at iba pang classical tracks. Kaso ibang device ang nasa phone ko at walang slot sa mga card reader ni Thomas kaya naman napilitang mag Bluetooth nalang, dahil sa hindi gumagana ang mga classical music eh nag settle nalang ako kay Christian Bautista na available sa phone niya that time. Habang pinakita naman ni Thomas ang Sherlock Holmes na game sa PC, kasama pa nun bago ako umuwi eh dinala ko ang volume 1 ng collection ng novel.
Tanghali na nang nakarating sa bahay, kumain saglit tapos eh umalis na naman ako para makipagkita sa isang kakilala. Maraming napagusapan along the way, buhay buhay niya at mga struggles at paano niya na overcome ang mga ito. Hanga ako sa kanya at well rounded siya, kahit saang field eh nag-eexcel siya. Mapa-programming, sa pagsayaw at sa pagsali na rin sa iba pang mga contest.
Sinamahan niya ako bumili ng mga batteries na pasuyo ni Kuya Al sa may Handyman sa amin sa Montalban Town Center. Then kumain saglit ng ice cream tapos pumunta sa Wawa para bisitahin at humingi ng updates dahil babalik kami bukas dito para sa Pamitinan Cave. Kaya kelangan paghandaan at bisitahin ang mga posibleng daraanan.
Maraming napaguisapan habang tinatahak ang mga matarik na batuhan habang kinakabahan dahil malalim ang ilog na babagsakan magkamali kalang ng apak sa mga bato. Nagpalipas ng buong hapon sa lugar na ito kasama siya. Gabi na ng makauwi, pero dumaan muna dito sa cafe para makapag update ng blog.
Bukas bagong araw na naman, excited na kami sa pagpasok namin sa Pamitinan Cave sa Sitio Wawa,sana nga lang po maki-ayon ang kalikasan sa amin at nawa'y hatidan kami ng magandang panahon para ma-enjoy naman bukas ang pag spelunking namin. Hanggang sa muli.
At sa iyo, salamat sa inspirasyon at masaya ako ngayong araw na ito. Lubos mo akong pinasaya sa araw na ito. Sana magtuloy tuloy itong masaya at bagong kabanata ng aking buhay.

0 Reaction(s) :: Tired but Fulfilled
Post a Comment