Lababo, Bubong at Gameplan sa Weekend

Natapos rin ang pagkumpuni sa ilalim ng aming lababo at nakahakot ng 1/4 na sako ng ipis mula doon. *sabay tayo ng balahibo* Ilang taon na rin kasing hindi pinapansin iyon at ngayon lang simula nang pumasok ang pusa dun at nasira siya kaya kailangan ayusin. Next naman eh ang bubong ng aming bahay dahil malapit na ang tag-ulan eh kailangan na siyang maayos bago maging waterworld na naman kami na hindi maiiwasan dahil walang pagdadaanan ang tubig at naging catch basin na ang aming subidivision dahil dito.

Makakapagpahinga sa mahabang bakasyon dahil naka-leave ng Friday. Daming gameplan this weekend. Kasama na rito ang jogging namin sa ibang lugar, medyo kasawa na kasi at palaging sa school oval nalang, this time sa San Isidro naman sa bahay ng aming ka-tropa. Then this Sunday naman, tentative palang ang pagpunta namin sa Pamitinan Cave, depende pa rin sa panahon at kung matutuloy ba talaga ang plano na ito. Bahala na siguro. Basta ang alam ko, kelangan kong mag-unwind para makalimot sa stress sa work.

2 Reaction(s) :: Lababo, Bubong at Gameplan sa Weekend

  1. We would like to invite everyone to join and submit their blogs at http://www.philippineblogs.com/ - The Newest Blog Directory of The Philippines

  2. copy