according to a PEXers perspective..
- Wag mag-Jollibee
- wag mag-take out
- wag mag-fast food
- wag bumili ng pirated DVD
- iwasan magpunta ng SM
- iwasan bumili ng palima-limang pisong ice cream at taho sa kalye
- mag-gulay kayo 3-4 beses isang linggo
- kung housewife si misis, wag nang mag-katulong
- hugutin palagi ang plugs ng kuryente pag di ginagamit
- patayin ang gripo pag nagsisipilyo
- iwasan bumili ng patingi tingi
- kung kailangan ng load araw araw, mag-register ka na lang bilang isang load retailer para makatipid ka 10-12% ng usual mong pagpapaload
- tapos magbenta ka na rin ng load sa tapat ng bahay niyo
- or wag ka na lang magload kung magtatanong ka lang sa asawa mo kung nasan na siya. tiisin ang di pagpapaload
- wag bumili ng kung ano anong gamit sa bahay na hindi naman kelangan
- pati damit, wag ka na rin bumili kung di mo kelangan
- yun mga gamit sa bahay na di mo nagagamit ng 6 na buwan o higit pa, ipa-garage sale mo na
- yun mga pirated dvd na isang beses mo lang pinanood, WAG mo ipamigay... IBENTA mo
- kung umiinom ng mineral water gallon-gallon, ugaliin paalalahanan ang mga anak na UBUSIN ang tubig na iniinom nila at wag nila basta basta itatapon yun mineral water KASI MAHAL ANG MINERAL
- wag mag-taxi
- wag na rin mag-maneho ng sariling kotse kung hindi iisa lang naman ang tao sa loob. parking at toll gate pa babayaran mo. unless pede tong mareimburse ng kompanya
- wag ka na rin mag aso / mag-pet. dagdag gastos lang yan sa pagkain, tubig, at sabon. yun kanin na kakainin niyo bukas, ipangpapakain niyo pa sa aso, yun tubig na ipampapaligo niyo, ipampapaligo niyo pa sa aso
- at higit sa lahat --- wag na wag na wag talaga kayong kakain sa labas. magluto na lang kayo sa bahay
- pumunta na lang kayong mag anak sa parke. wag na wag na wag kayong mag-e-SM
- katapos simulan niyong mag-asawa sa 10% na savings. pero kung 4 na anak niyo, kulang na ang 10% savings. kelangan gumawa kayo ng paraan para lumaki ang kinikita niyong pera.
- ako i save 20%. then i pay my debts. tas saka ko pinagkakasya sa lahat yung natitira.
0 Reaction(s) :: Ways to Save Money
Post a Comment