re-blogged from an old post from my blog-mate Aaron, it's been decades, hope to see you soon..
ika-2 ng Setyembre, taong 2005
8.00 ng gabi
madalas sa buhay hindi maiwasan ang masaktan. sabihin man nating hindi tayo affected, it hurts pa rin. sabihin man nating okay lang tayo, hindi pa rin. sa katunayan, sa rami ng beses na nasabi natin na okay lang tayo, para talaga tayong sasabog sa lungkot. haaay ang buhay nga naman...
madalas sa buhay hindi maiwasan ang mahulog. ang magmahal. ngunit higit sa kalahating porsyento na nasabi natin na pangako ito na ang huli ay hindi totoo. nalilinlang tayo ng ating damdamin.
ano nga ba ang dapat gamitin? ang isip o ang puso? ginamit mo nga isip pero ang dami mo naman nasasaktan. marahil iniisip mo mas mahalagang gamitin ang puso, pero hindi mo ba naisip na marami kang sinasakkripisyo, ngunit karamihan, sa huli ay nabibigo rin at sinisisi ang sarili kung bakit puso ang ginamit nila at hid isip.
kung gagamitin mo pareho, makahanap ka pa kaya? masyado tayong maglagay ng mga batayan para mahulog muli sa isa. lahat nagiging pangit sa paningin dahil hindi pumasa sa pamantasan? ang gulo pero ano nga ba ang pag-ibig? napakahiwaga. puno ng mahika. ngunit ano ba talaga ang tunay na susi? lahat ay nakakapagbukas ng pinto ngunit siyamnapung porsyento ay nahuhulog lang sa patibong. ilan lamang ang naging mahusay? pano naging mahusay? ano ang kanilang sikreto?
kadalsan sa buhay, sabihin man nating hindi mahalaga kung ano ang kanyang itsura basta mamalin tayo ng tunay at handang makipagsalo ng buhay sa atin, swak na. ayos na. pero nagiging plastik tayo sa ating sarili. sino ba ang niloko natin? aminin man natin o hindi, mas nagiging matimbang ang itsura kaysa sa panloob na katangian. mali ako? baka ikaw.bakit mas marami ang sirang relasyon? bakit mas marami ang nagpapakatanga? bakit mas maraming handang masaktan araw araw para lamang sa taong mahal nila ngunit hindi sila lubusang minahal? nakailang relasyon ka na ba? kitam? sabi ko na nga ba. bakit mo siya pinalitan? tama na naman ako ng hinala. nahulog na naman tayo sa panlabas na anyo. ang mukhang nababalutan ng maskara.
madalas, magulo ang buhay. aminin man natin o hindi, masarap pa ring mabuhay sa kabila ng lahat ng problema. ewan. ikaw ano ba ang gusto mong mangyari?
madalas sa buhay kasabay ng panibugho, nasasabi natin na gusto na nating mamatay ngunit sa oras na dumarating na tayo sa puntong naiisip natin na hwak na ng lupa ang isa nating paa, nagdadasal tayo na gusto pa nating mabuhay. ano ba talaga? kelan ba tayo naging seryoso? kapag kailangan? maniwala naman ako sa iyo.hindi mo ba mas gugustuhing makita ang kulay ng buhay kaysa sa itim lamang? kailan ba tayo nag-isip ng matino? halos araw araw nga may nagagawa tayong kasalanan/pagkakamali tapos sasabihin natin "matino ako" o nasa "pasensiya na tao lang/rin". kelangan ba talagang may sisihin para matakpan ang sarili o kelangan magmatigas para masabing matatag?
pagnilayan mo...
0 Reaction(s) :: Pagnilayan mo
Post a Comment