Maambon-ambon nang ako'y umalis sa amin bandang alas-4 ng umaga. Pero kampante ako at maganda ang panahon sa pupuntahan namin ngayong araw na ito. Mabuti nalang at walang OT sa office kaya hindi ako pagod at energised ika nga. Nag-text kina Empi at Tolits na nasa byahe na ako at ganun din sila.
Alas-5.30 nang makarating ako sa EDSA-Crossing at kumain muna ng breakfast habang inaantay ang mga kasama. Alas-6 nang nakaalis kami at sumakay ng jeep papuntang Binangonan. Pa-byaheng Talim Island kami at ang bundok Tagapo ang aming pakay ngayong araw na ito at sinamantala na namin ang maulap na panahon, mabuti na ito kesa naman maulan.
Muni-muni at silip sa ruta ng jeep habang binabagtas ang daan sa Pasig, Junction area, Taytay, Angono hanggang sa Binangonan Port para sumakay sa bangka na pumapalaot papuntang Talim Island.

Inabot na ng Laguna Bay ang mabababang parte ng kabahayan dito sa Port ng Binangonan, dahil sa hindi gumagalaw ang tubig at sa naging stagnant na ito at hindi na maganda ang amoy ng tubig niya na mistulang parang estero na ang itsura niya, maraming business ang nalulugi sa paglipas ng araw dahil sa perwisyo ng habagat na sa tantya ng ilan eh aabutin ng ilang buwan bago bumaba at depende parin sa ganda ng panahon
pag-aantay hanggang sa pumatak ang 8.30 ng umaga
lagpas tao na abot ng tubig sa pantalan ng Binangonan
paparating na bangka sa pantalan mula sa Isla Talim
ang bundok Tagapo mula sa aming bangka na sinasakyan
si Sir Archie, ang aming guide sa pag-akyat
ang aking kasamang bloggista na si Empi at Tolits habang tinatahak ang daan pataas
naabutan pa namin si Kuya habang "nagluluto" ng uling
ayun!, malapit na!
ang pag-atake sa tuktok
missing accomplished! 3rd official mountain conquered!
majestic view of Laguna de Bay and Talim Island
Maraming Salamat ulit sa guide naming si Kuya Archie, lalo na kina Empi at Tolits sa pagsama sa akin sa dayhike trek adventure and hopefully andyan parin kayo sa susunod na dayhike trek natin, Bow!
ung 9th photo, un ang totoong pag atake sa tuktuk... hehehe... peace...
Anonymous
August 22, 2012 at 1:19 PMHaha, assault team
Jinjiruks
August 25, 2012 at 5:58 PM