Si Angelo, Mike at Ako sa Wawa ulit

Alas-9 ng umaga ang usapan namin nina Angelo at Mike na mag-Wawa dahil sa maganda ang panahon at pagkakataon ulit na mag bonding kaming tatlo. Medyo nakatulog saglit at kinalabasan mga alas-11 na kami  nakaalis, sinundo pa si Angelo sa kanila at inantay naman namin si Mike makalipas ang ilang minuto sa may Wawa. Ayon, malakas parin ang buhos ng tubig sa Dam. Loko itong si Angelo, nalulula daw kaya ayaw tumawid sa kabilang daanan.

Kaunting pictures lang si Mike at ako sa aking phone. Tapos ay nilakad/nag-trek na kami  sa ilang trails sa gilid ng Wawa area para makita rin ni Angelo ang mga nadaanan namin ni Mike nung kaming dalawa lang na sumubok akyatin ang matatarik na daan sa gilid ng Wawa.

Trek data from Endomondo regarding sa Trek Mode with Angelo and Mike

0 Reaction(s) :: Si Angelo, Mike at Ako sa Wawa ulit