My Social Rebirth

0 Reaction(s)
Kagabi nakatanggap ako ng text message mula kay Rene, kita-kita raw sa haus nina Angelo sa may San Jose, nagpunta lang that time ako, si Rene, Thomas, Pogs, yung iba kasi me ginagawa ata. Akala ko pa naman eh andun na sina Angelo eh wala pa pala pero mag ilang minuto lang andyan na rin siya. Usap-usap sa latest games kagaya ng Residen Evil 5, Parasite Eve 3 at yung movie na RE: Degeneration. Then napagkasunduan na sa Monday (holiday sa US kaya walang pasok) eh try naming maglaro ng Cabal Online, just like the good old days pero this time no adik mode, just for fun and bonding na rin sa mga barkada. Excited na nga ako.

Then kainan na nanbg kaunti, tuloy ang chatting and balak ko na rin kumuha ng Student License sa Driving para kahit papano eh naka-ready na siya kagaya ng ginawa ko dati for Civil Service. Then mga 10pm, nagpunta na kami sa may peryahan sa may hi-way sa amin, ngayon lang ako ulit nakabalik dun sa lugar ang nag enjoy naman kahit papano, lalo na ang Bingo, nakakatawa si Thomas kasi hindi niya alam, nanalo na pala siya, bawi lang ang pinanlibre niya sa akin. Maaga rin ako umalis nina Thomas at naiwan na sila. Bukas kasi napagusapan na jogging time na and gagawin na naman ito on a weekend basis every morning, alam mo na medyo lumalaki na ang tiyan at mukhang hindi na maganda ito kaya it's about time to burn some fats and eat veggies muna.

Kaninang umaga ako unang nakapunta kina Angelo, akala ko nga indian ako ng mga kumag iyon pala eh late na sila dumating sa meeting place, buti naman kesa naman hindi sila nakapunta - wala kasi akong load that time hehe. Mga 6am na kami nakapasok sa oval area sa elementary school may Php2 na bayad pero sulit naman para sa maintenance na rin ng ground. Ayun stretching muna, buti na lang at may instructor kami at tinuruan kami ni Thomas at kung ilang laps ang jogging at brisk walking. Medyo nakakapagod at hingal pero Ok lang, ganun naman talaga sa simula. Pero mga ilang araw o buwan baka makatakbo na rin kami. Plano rin namin ang mag biking sa area then sa may Wawa area na, buti na lang at may mountain bike kami pero hindi na ako nakakapag practice kaya medyo alalay muna siguro. Marami pa akong plano na gawin bukod pa sa pagsali sa mountaineering club. Masasabi kong ito na ang simula ng malaking pagbabago sa aking buhay. Social Rebirt has just began.

Brings Back the Memories..

0 Reaction(s)


Batibot (Opening Theme)

Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Of being a Loser and Confidence

0 Reaction(s)
eto na naman - dying scene na naman nabasa ko sa Mukamo Forums from a fellow forumer named "Buknoy" from the thread "Best Advice", his daily struggles sa pagpapa-chemotheraphy ng kanyang Dad, nawala siya ng work, nilayuan ng mga relatives, swallowed his pride to beg for help - but as always there's always an end.. after a couple of months his Dad passed away although last year pa itong na post and I hope and really really pray na bumalik ka sa forums - i want to talk to you, i want you to share your burdens and enjoy your life.. sa mga topics mo marami akong natutunan sa buhay, maraming mga pintuang nagbukas, mga daang lumitaw sa akin - naliwanagan ako sa bawat piraso ng advice na binibigay mo sa amin.. you really just don't know how you've changed me totally.. naiba ang pananaw ko sa buhay.. na marami akong dapat ipagpasalamat ngayon sa buhay at hindi ako loser.. na hindi ako ang pinakamalas na tao sa mundo..

i begged for advice/s, because i had admitted and accepted i WAS a luzer.
I asked for help because i believed i was helpless.
i tried getting-off the room where i was TRAPPED, yet i was locked-in.i had survived, and still fighting...

why??

because i cme to realized that life per se is unfair...

accept you are a looser if natures says you are.......and soon u'll realized how great it is to be a winner

accept that you are weak.....for its then and only then you'll know how far your strength can go...

accept that you have nothing....then you'll appreciate having a tablespoon of salt

accept that you are alone......then you'll appreciate the word companionship


i never tried escaping the so-called room where i was trapped...
neither destroying the door for me to get-off
instead i accepted all those facts, and tried asking for someone to hand-over to me the KEY...
still i am looking for it....and very much determined to have it.......

had i given the "confidence" .... is should have not "accepted" all those facts...
instead, i would reserve all those confidence and tried escaping the room where i am currently trapped
i should have been confident enough to just destroy the door for me to get off that room....

Good thing....i was coward once..........bcoz of that, i have learn valuing the word acceptance..

Ok lang

0 Reaction(s)
Mag-isa na naman ako ulit sa buhay, sinabi sa akin ni P na I'm so mean daw, hindi ko alam bakit niya sinabi iyon - wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Sinasagot ko lang ang mga text messages niya and yahoo messenger messages. Lahat na lang iniiwan ako, talagang ganito ang kapalaran - siguro habang buhay na lang akong mag-isa hanggang sa mamatay. Sanay na ako. Mahirap talaga magtiwala sa mga tao ngayon. Hindi mo na alam kung anung kailangan mong gawin just to please them. Kahit na to the point na nagmumukha ka ng tanga, sige go pa rin. Ganun na ba ako ka desperado para magkaroon ng partner. Sinasabi ko lagi sa sarili ko na hindi na ako maghahanap talaga, pero tingnan mo eto pa rin ako patuloy pa rin sa pagpapaka-tanga at umaasa na darating "siya" sa aking buhay. Ang taong mamahalin ang buong "ako" nang walang hinihinging kapalit.

Ubertaym (Karir Mode)

0 Reaction(s)
talagang patayan na ito, hanggat hindi bumabagsak eh sige tuloy pa rin ang overtime.. anung oras na rin ako nakakauwi nito at maagang gigising na naman ng maaga, walang pahinga; ewan ko lang kung hindi pa ako pumayat nito..

kaya naman tingnan mo ang nadulot nang ginagawa kong itong sakripisyo alang-alang sa ngalan ng pera na pambayad sa pang araw-araw na gastos sa buhay.. pagod, ubo at sipon, sakit ng katawan, kulang sa tulog, pagiging iritable minsan. Pero Ok lang para naman sa kanila ito at sa sarili ko na rin, sana nga hindi manghina katawan ko nito, parang sa stresstabs TV ad na itsura ko ata eh.

He Says

0 Reaction(s)
eto na naman tayo.. mga last messages to the departed love ones.. naiiyak na naman ako!

"..i love you so much; i can't stop mourning for you even when you asked me not to.why do you have to go so early and leave me behind in this life?.. i asked you to wait for me before we enter the next life, to become lovers again and fulfill dreams stashed away by the evils of this world like greed and pride, and even lust. You obliged and promised me you will. In return, i will fulfill what you have asked of me -- to live a long happy life and never rush my own end, to find true love again, the kind of love that was taken away from us. I really love you beh... Goodbye, til we meet again, that is when i leave my deathbed into your loving arms again.."
-I Love you Kev, Macky's Room

Ang taba mo pa rin

0 Reaction(s)
Mga dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang pagpapapayat ko..

1) wala akong health guide although marami diyan hindi pa rin ako sigurado kung effective ba
2) walang resource person na pwede mahingian ng advice
3) not financially ready para mag gym, marami pang gastos
4) walang kasabay sa pag workout, jogging etc.. kaya nakakatamad
5) pag stressed-out or depressed sa pagkain ko dinadala kaya parang wala rin
6) walang disiplina sa sarili kaya kain nang kain na lang minsan
7) siguro tanggap na ganun na talaga ako at wala nang pag-asa na pumayat pa ulit

Tanong na walang kasagutan

0 Reaction(s)
Kapag stressed out or depressed ako, yung mga bagay na iniiwasan ko, ginagawa ko. Kagaya ng pagkain ng mga matatabang pagkain kagaya ng chicharon, bumili ako at kinakin ko habang nasa daan. Mabuti pang mamatay nang maaga tutal pareho lang naman nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko wala akong kwenta at napag-kaitan ng tadhana. Hindi mayaman, pangit, walang lovelife at mataba. May pag-asa pa kaya mabago ang aking kapalaran, wala naman akong ginagawang masama sa iba, ginagawa ko naman ang trabaho ko nang maayos, nagbibigay naman ako sa bahay, mabait naman ako sa iba. O baka hindi ko lang talaga mahal ang sarili ko at mababa ang self-esteem ko kaya ako ganito.

Nakakainis bakit hindi ko magawa ang mga gusto ko. Bakit ang daming hadlang sa mga goals mo sa buhay. Bakit hindi na lang kagaya ng isang palabas na napapanood sa telebisyon ang buhay na may "they lived happilly ever after. Bakit kailangan kong danasin mga bagay na ito? Hanggang kailan ganito ang buhay? Ang daming tanong na walang kasagutan at habang buhay na lang hindi masasagot hanggang sa mamatay ka. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan at ituwid ang mga pagkakamali sa buhay.

Lab Song Agen

0 Reaction(s)
naririnig kong naghu-hum officemate ko.. nag-senti na naman ako, iniisip ang masayang buhay nang may nagmamahal sa iyo, paglalaanan mo ng iyong panahon, pag-aalayan mo ng pag-ibig. Ayaw niya ata magpakita sa akin.. tatanda na lang akong nag-iisa..

Take Me I’ll Follow
Bobby Caldwell

Tired of feeling all by myself
Being so different from everyone else
Somehow you knew I needed your help
Be my friend forever

I never found my star in the night
Building my dream was far from my sight
You came along and I saw the light
We’ll be friends forever

Refrain:
I can’t face the thought of you leaving
So take me along
I swear I’ll be strong
If you take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
I want you to take me
‘Cause I long to be
Able to see the things that you see
Know that whenever you do
I’ll follow you

Somebody must have sent you to me
What do I have you could possibly need
All I can give is my guarantee
We’ll be friends forever

I can’t face the thought of you leaving
So take me alongI swear I’ll be strong
When you take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
I want you to take me
‘Cause I long to be
Able to see the things that you see
Know that whenever you do
I’ll follow you

Teach me more with each passing hour
By your side
I’ll follow youI know
I would cover?
Is it true that you have the power
To capture this moment in time

Take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
I want you to take me
‘Cause I long to be
Able to see the things that you see
Know that whenever you do
I’ll follow you

Take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
(I want you to take me…)
I want you to take me…

Tapang

0 Reaction(s)
After reading lots of blog entries today from P and M. Inggit na inggit ako sa inyo. Buti pa kayo nasasabi niyo mga escapades niyo under the sun. Kaya nag eenjoy mga readers niyo na basahin at binabalik-balikan. San ngayon, wala talaga akong guts na gawin ito dahil hindi pa ako handa sa mga consequences na maaring mangyari. Ang laking duwag ko kasi. Nakakahiya talaga, kelan pa kaya ako magkakaroon ng tapang na harapin ang mga ito at nang tuluyan ko nang ma-express ang aking nararamdaman.

Ang lamig

0 Reaction(s)
Ang lamig-lamig ng panahon ngayon, hindi pa ako nakakabili ng jacket (gusto ko hooded!). Kursunada ko iyong nasa American Blvd kaso me nakita ako dito sa office na nagsusuot nun kaso white version naman. Ah basta kailangan ko ng init ngayon.. kahit anung klase papatulan ko na! Tapos mamaya uulan pa nang malakas sana hindi ganun kataas ang tubig at hindi pila na naman sa terminal ng jeep pauwi. Ang mahirap talaga maging tao.

6 months at Chase

0 Reaction(s)
Happy 6th Monthsary to me at Chase!!
Hoping for more fruitful months and even years to come.

Ang hirap-hirap

0 Reaction(s)
I just feel very very sad right now. Hindi ko mailabas ang gusto kong sabihin dahil sa mga pesteng makikitid ang utak. Na hindi man lang nila maintindihan ang nararamdaman ng tao sa ginagawa nilang pangungutya. Alam ng iba wala akong problema lalo na sa office, pero deep inside hindi ko alam kung makakaya ko pa ito, napapaiyak na lang ako minsan. Nagagalit ako sa sarili ko kasi ang hina-hina ko. Wala akong kwenta, hindi ko ma-express gusto kong masabi at maramdaman dahil natatakot ako sa magiging reaction ng mga taong nakapaligid sa akin. Kelan ba matatapos itong paghihirap ko, lahat ng aspeto ng buhay puro nalang kasawian. Wala nang ginhawa, ganito na ba ako kasama para parusahan nang nasa itaas.

Nagsawa na kay P

0 Reaction(s)
2 days nang hindi kami nagkakausap ni P, naiinis lang ako kasi wala man lang siyang effort na tumawag or mag-text man lang sa akin at kailangan ako na naman gumawa ng first move. Dahil kaya ito sa sinabi ko na mas mabuting magkita muna tayo nang personal bago magbitaw ng mga salita na hindi naman sigurado na papanagutan. Nagmumukha na naman akong tanga ngayon dahil parang ako ang naghahabol masyado sa kanya at saka lang sasagot kapag kinausap. Ah ewan.. pag tinuloy pa niya ganyang ugali na yan, magkalimutan na kami.

Get together ng mga anak ng Oso

0 Reaction(s)
Kahapon napag-isipan ng mga dating empleyado ng oso na magkita-kita ulit for about 3-4 years na hindi pagkikita. Pinoy nga talaga, kapag sinabing alas-4 eh darating nang 5pm kaya sayang ang panahon. Maaga pa naman akong dumating that time sa Glorietta (at hindi nag attend ng Sportsfest ng team namin), then dumating si Tatang Yus, Roger, Chunyang - sumunod si Marlene, Barry, Tina at Shiela. Kaunting chit-chat then we have decided na kumain sa labas na lang and sa Iceberg kumain. Tuloy ang usapan, mga nangyari sa buhay-buhay ngayon - kung anung mga tsismis haha sa mga kasamahan at sa aming mahal na Boss, natatawa na lang ako sa mga nangyari sa amin nung panahon na iyon. After that mga 7pm eh napag-desisyunan na umuwi na at pinag-usapan kung kelan ang mas malaking reunion and this time pati yung mga writers eh sana kasama na at sa November 30 at Tagaytay ang tentative na place and time. Ang saya talaga ng reunion na ito, tama ang desisyon ko na ito ang pinili ko, hindi ako nagsisisi at tuwang tuwa ako at finally nakaka-relate na rin ako sa mga tao hindi katulad office na parang may "iron curtain" at hirap ako makihalubilo sa ibang tao.

New Look

4 Reaction(s)
Bagong mukha na naman ang layout ng blog ko. Ang naka XML mode na siya ngayon, pasensya na kung hindi pa masyado ayos ang size ng mga layouts at mga sidebars, ngayon ko pa lang pinag-aaralan kasi. Kakatuwa naman lalo na't me bagong features na naman ang blogger like new widgets (page elements) na pwede mong customized sa blog mo. Pag nakakita ako ng mas Ok na templates baka palitan ko ulit.

Isyu

0 Reaction(s)
Nagdaan na naman ang isang linggo ng trabaho. Sa linggo gaganapin ang sportsfest pero hindi ako makakarating dahil mas priority ko ang get together ng aking mga dating officemates, since hindi naman ganun ka-importante ako sa event na iyon. Ilang taon na rin kasi kaming hindi nagkikita. Nami-miss ko na sila, mas matagal nila akong kilala kaya alam na nila kung hanggang saan lang talaga sila, alam nila kung kelan magbibiro at seryoso. Hindi katulad dito sa office, walang tigil ang tirahan at biruan na walang preno, ako ok lang sa akin pero kapag sumusobra na kasi, iyon ang problema madalas. Mahirap namang sabihan kasi ikaw pa ang mapapasama. Ewan ko ba, balak ko na nga lumipat nang ibang department/function pag eligible na ako. Maski sa mga interest wala akong makausap man lang. Nakaka-OP lang pag sila naguusap talaga.

Si Manong Driver

0 Reaction(s)
Kakatuwa si Manong driver kanina, biyaheng pa-MRT. Nakikita ko sarili ko sa kanya, ang init ng ulo at hyper talaga kung magsalita. Akala mo kung galit ba siya o normal lang sa kanya iyon. Buti hindi napipikon yung mga pasahero, kanina kasi akala niya yung Php50 eh highway at central eh hiwalay pa pala iyon sa isang Php50 na binigay. Nagtatalak na linawin daw at nalilito tuloy siya, nasa harapan lang ako at katabi siya. Napapangiti na lang ako sa mga pinagsasabi niya pati na ang ibang pasahero. Sunod namang na-sermonan niya yung gasoline boy sa Fossil Fuel, sigaw siya nang sigaw ng "Hoy!", alanganin na nga siya sa pwesto siya pa may ganang mang bulyaw hehe. Sinabi pa niya "kung babagal-bagal ka niyan, paano kamagkaka-asawa niyan", hindi naman napikon si gas-boy at natawa na lang. Hindi ako naiinis kay manong , natutuwa ako dahil hindi siya boring at outspoken talaga na kung ano ang gusto niyang sabihin eh sinasabi niya kahit sino pa siya. Yung iba kasi nakakaantok talaga, kaya minsan ako na kumakausap sa kanila regarding sa mga issue sa langis at pamasahe.

Tanghali Tots again

5 Reaction(s)
Hindi pa rin ako maka-recover mula sa blogpost ni Dale, ako kasi pag ganun iniisip ko na ako siya at paanu pag nangyari sa akin mga ganung situation, mga reaction ng mga nakapaligid sa akin, mga ganun. Lalo na ang death of a loved one. Hindi ko maisip kung anu gagawin ko just in case manyari iyon. Kaya minsan pag nasa taas ako namin, gabi, madilim at ako lang eh nagse-senti na naman ako at iniisip ang buhay-buhay. What if pag ako namatay, sino dadalaw sa wake at libing ko. Mga emosyon ng mga tao sa paligid. Isa ko pang iniisip eh mga death moments, paanu gagawing memorable siya (morbid!). Yung tipong may mga huling pasabi pa or stare sa last person na makikita mo habang buhay ka.

Nakakapagod na rin kasi mabuhay, sa totoo lang. Gusto ko na minsan magpahinga na talaga. Dahil hindi ko na makita ang kasiyahan at peace of mind ngayon. Mapapansin sa mga entries ko puro na lang negative at dark ang mga entries. Para sa akin kasi panandalian lang ang happiness at mas mahaba ang panahon ng kalungkutan. Life is always not fair, that's the painful reality. Ewan ko, kelangan ko ngayon ng ilang toneladang head ups, motivation and positive reinforcement.

One of the Best advice

0 Reaction(s)
-natutuwa ako sa advice na ito na binigay ng co-forumer sa Mukamo tungkol sa nagtatanong about identity crisis, it's just a partial part of his advice and I just want to know more about him para mabigyan niya rin ako ng mga advice sa kanyang relationships.. ^^

There's much to learn and dont put yourself into problem you yourself can solve, dont asked yourself a question you yoursefl can anwers, dont make things complicated..Ikaw lang at hindi kami ang nakakalam kung san ka liligaya.

Takot kang baka hindi ka mgiging masaya? How would you know na hindi ka magiging masaya kung hindi mo pa nasusubukan. Fighting the battle is half the fun, and it the end, it doesn't really matter wheter you win or lose, the thing is you've been there.. you were there.. hope you get what i mean..

Just my two cents....."LIFE is ephemeral, and the QUIENTESSENTIAL of living is HAPPINESS, Dont deprive yourself from being happy."

He Says.. (Hurting Inside)

0 Reaction(s)
-this was a part of Dale's blog entry, kakalungkot naman ng entry na ito, somewhat nakaka-relate ako sa situation niya and if you'll gonna read the whole entry, talagang kukurot sa puso mo

When I ended my life's chapter with you, and abt to write the next, I cant start, I tried really hard to compose myself to start the next chapter of my life, but I still failed to begin it, I realized, that when I ended our chapter I also ended my life. Please dont get hold of me, I'm already crushed and broken into pieces, the best gift that you can give is a gift of letting go, my freedom. Let me fly and soar my dark stormy sky, I dont even know where to go or what am I looking for, but despite of storm and darkness, I'd rather fly without direction, because I believe that heaven's wind will lead to a place where I can continue my life, Otherwise, Im gonna live in pain and sorrow, see you getting torn, falling for somebody new, thats the worst situation that i can ever be, I'd rather ask God to take away my life than to witness it right infront of me.

-Jomai's Friendster Testimonial to Dale, Looking Back - Jomai, Bum-Spot, Dale Bacar's Blog

Komon

0 Reaction(s)
Wala namang bago ngayon, same as usual. Ilang weeks na lang bago ang confirmation namin. Samantalang magkakaroon na naman ng SportsFest ang company, nakakainis lang kasi hindi ka na nga kasali eh magko-contribute ka pa nang hindi ko alam kung saan gagamitin.

Kaninang umaga tinawagan ko si P, kagabi kasi sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot, nagtampo ako kasi wala man lang paliwanag bakit ayaw niyang sagutin. Nitong umaga ko lang nalaman na may dance practice pala sila sa nalalapit na competition ata sa area nila. Kaya pinatawad ko na rin siya at iyon nga kaninang umaga nag-usap kami. Ang tagal pa bago siguro kami magkita, taga Cebu siya at Rizal naman ako, ilang milya ang layo pero parang magkalapit lang kami nung nag-usap kami kanina.

Last Wednesday at Thursday OT namin for other function, naging pasaway naman ang mga jeepney driver na yan. Kung kelan ka nagmamadali saka naman tigil bawat kanto na lang at nagpa-gas pa ang magaling. Kaya 30 mins akong delay sa office kaya hindi ko nabuo ang OT schedule ko. Ewan, sayang talaga ang chance na iyon. Ayoko na lang magalit pa nang husto at tanggap ko na, dapat mas maaga pa sa 5.30am na umalis para maaga ka rin makapunta sa office, dahil ang traffic pabigay nang pabigat every minute na dumadaan.

Walang tigil

0 Reaction(s)
Ilang araw na ring umuulan, well good thing siya lalo na't hindi na tayo mag-iisip pa sa water level ng mga dams ngayon, pero huwag naman araw-araw na lang. Wet ang kalsada, kakasira ng get-up ika nga ng officemate kong si Ryan. Hindi pa naman ako nakakabili ng jacket na may hood ngayon. Kanina na-bwisit pa ako kasi yung manong ang laki-laki sakop ang buong upuan sa harap ng jeep nung bumuhos ang ulan, nabasa ang pantalon ko nang kaunti samantalang siya himbing sa pagkakatulog, sana naga lahat ng basa sa pants ko ibuhos sa mukha niya nang magising naman siya. har har!

Kagabi sobrang lamig at nag senti na naman ang inyong lingkod, namimi-miss lang niya ang mga barkada na naman niya kung saan they share the same interest. Unlike sa work niya ngayon, wala maka-relate sa mga hobbies/interests niya dahil halos pamilyado na mga kasama niya sa work. Nakakalungkot talaga dahil limitado lang ang napaguusapan. Sana nga makahanap siya ng mga peeps na same ang interest para kahit papano ma-share naman niya mga nalalaman at mga game trends and updates. *sigh*

Umay na naman

0 Reaction(s)
Sa buong Saturday at Sunday na kakaulan, wala akong nagawa kundi mag-stay sa haus at todo umay talaga naramdaman ko, kaya laging nasa taas ng haus namin lang ako. Latag ng banig, nag unli sa Globe text mga friends and suitors. Ayun kahit papano may progress na ako sa mga nililigawan ko (naks!), pero ayokong umasa na naman baka mamaya wala na naman kagaya nang nangyari kay C kaya cautious na ako ngayon. Na miss ko na nga si P kaso nasa Cebu siya at baka next year pa ang punta niya sa Manila, sana nga siya na ang hinahanap ko nang ilang dekada na. Puro failed relations na lang palagi, kelan ko pa kaya mahahanap yung tamang person para sa akin.

Nagpunta ako sa SM Fairview para bumili ng pants na dark colored kasi mga shirt ko halos ganun na ngayon at ang sagwa talaga pag light jeans na isasabay. Pinanood ang trailer ng God of War, naglibut sa paligid. Bumili ng fruit smoothies sa Fruitas, garlic bread sa French Baker. Then mga hapon umuwi na ako. Akala ko pa naman malilibre na ako ni Raniel kaso nasa work pa daw siya, wala kasi siya sa Tekken area sa Quantum. Mabuti naman at hindi umulan sa paguwi ko at sa pagdating ko na lang sa amin. Kinabukasan pinaputulan ko na (dahil mahal pag sa SM pa), and ngayon eh suot ko na. Sa wakas bagay naman sa akin ngayon.

Naumay ako sa spaghetti ah, nakakasawa yung laging timpla na matamis gusto ko kaunting bland naman kagaya ng burgers sa McDo (mabuhay ang Jollibee), kagabi maisip ko lang iyon parang nasusuka na ako, siguro baked macaroni na lang iisipin ko ngayon para maiba naman. Please no more spaghetti. Ayoko na ng timpla ni Mama o kaya bigay ng mga kapit-bahay. Waa!

Reflections

0 Reaction(s)
Don't waste your emotions on someone who doesn't even care about how you feel. Let your heart find love again.Slowly move out of his circle and be free, give yourself the chance to meet new people, enjoy new friendship and explore the possibility of finding someone who would love you sincerely, someone who can share your dreams and maybe forever.

If you want to forget someone you've got to let someone help you. Give yourself a chance again. Don't remain weak, there's always someone whose ready to love you better.

Senti

0 Reaction(s)
It's You
Ryan Cabrera

Another night goes by without sleeping'
Cause I know I won't wake up next to you
Another life goes by without dreaming
And I can't help but think that mine will too
I'm standing before you with this label on my head
I'm pleading before you for you to understand

Baby it's you
When I look up in the sky I see you
Then I turn and close my eyes, It's you
When I'm sitting all alone in my room
Everything reminds me of you

The time is slow and I am sinking
Into a hole blackened with lies
And though I made it myself
You stand watching as my life passes me by

I'm standing before you with this label on my head
I'm pleading before you for you to understand
How much I adore youI'll be there till the end
When everything falls down
Will you hold my hand

Baby it's you
When I look up in the sky I see you
Then I turn and close my eyes, It's you
When I'm sitting all alone in my room
Everything reminds me of you

Baby it's you
When I look up in the sky I see you
Then I turn and close my eyes, It's you
When I'm sitting all alone in my room
Everything reminds me of you