From Saturday to Monday. Back to online gaming. Halos isang shift nasa shop ako ng ka-tropa ko sa kabilang barangay. Na-miss ko itong panahon na ito. Naalala ko na naman nung kasikatan at pagpasok ng mga MMORPGs sa bansa, halos magdamag kami kung maglaro. Makita lang ang mga areas na may level requirement restrictions. Ilang libo rin ang ginastos ko pagbili ng gametime cards mula sa kanila. Magastos pero nag-enjoy naman ako at iyon naman ang mahalaga kasama ng aking mga kaibigan.
Pero siyempre iba na ang takbo ng buhay ngayon, medyo tipid mode. Twing weekends or pag may time nalang kung makakapaglaro. Sayang nga lang at magsasara na ang shop ni Angelo, pero kahit pang personal use nalang ang mga PC niya, nakakapaglaro pa naman kami. Na-miss ko ang bonding ng PS Boys lalo na nung Playstation days, medyo nag-wane na nga lang nung pagdating ng mga online games sa PC, kasi yung iba loyal pa rin sa PS. Hindi pa naman ako balik as in full-pledge gamer. Siguro semi lang kagaya ng pag semi-retire ko dati.
From Un'Goro with Love
The lush Un'Goro Crater ("God Lands" in the Qiraji language) lies at the southern part of Southern Kalimdor, between Tanaris, Silithus and Uldum. Although the area is almost completely isolated from the rest of the world and sandwiched between three deserts, the region is filled with exotic plant life and even more exotic creatures. Ranging from peaceful earth elementals to raging devilsaurs, the locals are not to be trifled with. (source: WowWiki)
Aside from Searing Gorge, eto ang pinakagusto kong area sa World of Wacraft. Parang blast from the past sa at parang nasa Jurassic Park ako pag nagpupunta ako dito. Malawak ang lugar at yung quest ay contained lang sa area na ito. Halo-halong insekto at hayop at andito kasama na ang Alien Ecology na nasa bandang south ng lugar.
Marshall's Refuge ang neutral base camp ng players
Lakkari Tar Pits, nuff said
Fungal Rock, mga unggoy siguro dito tinubuan na ng mga kung anu anung fungal infection
Masarap sana maligo sa hot springs kaya lang eh nasa likuran lang ng Terror Run ito baka paghahabulin tayo at ilubog sa ilalim ng lake
Punong puno ng mga Ravasaurs ang lugar na ito
Part ng Terror run kung san anito ang isa sa tatlong malalaking Tyrant Lizards kagaya na nga ng Devilsaur, sayang at hindi ko makita ang IronHide Devilsaur habang gumagala ako
South side ng crater, kung saan andito ang mga bugs na nasa movie "Starship Troopers" hehe!
yaiks! ang init siguro niyan pano kaya pag tumalon ako!
hindi naman pala mainit, haha! akalain mo buhay pa ako at habang nasa ilalim ng lava lake!
by
Jinjiruks
8:08 PM
Monster Farm Online
Akalain mo, iyong nilalaro kong Monster Rancher (Monster Farm - Japanese version), eh meron na palang online version nito. Curious na ako paano ang gameplay at kelan ang English version na lalabas..
by
Jinjiruks
1:58 PM
Sirang Araw sa Shop
Sabi na nga ba eh, hindi ko na naman pinansin ang mga signs na nakikita ko. Pagkauwi, gustong-gusto ko na punta sa shop kaso sarado ito. Pinilit kong matulog pero hindi ako makatulog. Hanggang sa nagpunta na nga ako. Sa ganitong oras na magtatanghalian ay hindi gaano maganda ang connection nila.
Ewan ko ba, ang tanga ko at sige pa rin. Ilang minuto ring paputol-putol. Samahan mo na rin ang mga parokyanong swapang sa electric fan. Mabuti nalang hindi ganun kainit pero humid parin since tanghali na nga. Iba talaga pag sa umaga ka naglalaro, walang swapang at mabilis ang connection. Last time na itong pupunta ako dito sa ganitong alanganing oras. Wala man lang akong nagawang matino. Maski ang mga game apps sa FB apektado na rin. Nakakainis lang. Bweset!

May 29, 2010
1:38 PM
Kot enda Midel
Maaga nang 30 minutes umalis sa bahay. Nauna na ako naligo at nagbihis para pagkatapos ng Naruto eh diretso alis na ako at nang hindi ako nagmamadali palagi pagpasok. Medyo umaambon na nang umalis ako sa amin. Nag-offer ang kapatid ko na magdala daw ako ng payong. Hmm. Hindi na ako nagdala at wala naman akong dalang bag.
Hanggang sa tahakin ko ang daan papuntang Quezon City, saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Kakainis, dapat sinunod ko nalang ang advice ng kapatid ko na magdala ng payong. Maliit pa naman ang towel na dala ko. Nang malapit na sa MRT supposedly magpapatila ako sa waiting shed, bigla namang nawala siya parang bula. So sa U-Turn slot nalang sa ilalim ng MRT ako bumaba.
Naglakad hanggang sa overpass. Nag-antay sa middle part at nag-aantay tumila ang ulan. Pinapanood ang mga taong dumaraan na may payong. Mabenta ngayon ang mga payong at si Ate tiba-tiba at sa loob lang ng 15 minutes nakabenta na siya ng 4 pieces na payong, todo ngiti at kumuha ulit siya ng 4 sa bag niya. Ako naman dahil sa 7.30pm na, napilitan na ring bumili ng payong at baka ma-late pa ako.
Kainis talaga, hindi kasama sa budget ko ang pagbili ng payong na yan na ilang weeks lang eh sira na agad. Wala naman akong magagawa, papasok na ang tag-ulan at kailangan handa palagi dahil hindi mo alam kung kailan uulan o hindi. Nang dumaan na ang MRT sa Buendia, walang kaulan-ulan or naulan lang siguro nang maaga at basa lang ang lupa. Pakunswelo lang nitong ulan na ito, ang dala niyang lamig kaya hindi ako pawisan na pumunta sa office. Next time, magdadala na ng payong para hindi ma-perwisyo.

May 28, 2010
8:50 PM
sa Opis
Matapos ang nakakatuwang presentation ng LTDM Idols kagabi. Back to normal na naman ang office kanina. Hindi nawawala ang walang kamatayang latency sa ibang systems na ginagamit namin. Sumama sa panel interview para sa mga applicants sa aming team. Nag-adjust ng time para sa lunch. Ok pala pag 2am sa cafeteria, hindi gaano crowded.
Pagbalik, gawa naman ng reports then prepare sa upcoming meetings. Icebreaker ang tawanan kani-kanina lang. Wawa naman ako Joshua (na anak ni Kris Aquino) ang bansag sa akin, tapos meron na rin kaming BoyNoy (Boy Abunda/Ninoy lookalike). Tapos ang supervisor pa namin si Julius Babao and may officemate pang Sandy Andolong. San ka pa? Halos puro artistahin ang nasa team.

May 27, 2010
4:08 AM
Uyam na sa FB
Ewan ko ba imbes na may upload akong mga pics sa FB eh nitamad na naman ako mag-net. Paano kasi wala namang bago at medyo nakakasawa na rin ang routine na ginagawa ko sa FB. Kaunting variation na lang nga ang ginagawa ko gaya ng sabayang pag message din sa Twitter/Plurk sa update nung moment na iyon. Siguro kaya kong hindi mag FB nang isang buwan.
Sana nga auto upload nalang mga picture pag feed mo sa isang third party site. Hindi ko na rin kasi alam anung pagbubutingting ang gagawin ko sa FB. Ayoko na naman sumali pa sa ibang FB GameApps at maintenance lang mga iyon. Tapos mga ka-chat mo naman ganun pa rin ang kausap mo kaya minsan pag online ako automatic naka-off ang chat section para walang istorbo.

May 25, 2010
8:40 PM
BahayKubo ni MP
Saturday morning. Pahinga lang sandali tapos biyahe ulit sa Megamall para meet si Jayjay. Kumain muna dahil super gutom na rin ako. Ngayon lang ulit kami magkikita kita pagkatapos nang birthday niya na celebrate namin sa bahay niya sa Laguna. Nood ng movie "Here comes the Bride" habang inaantay si Christian. Kulit ng movie na iyon. Puno ang sinehan at tawa nang tawa ang mga tao.
Pagkatapos manood, punta sa Chowking para kitain si Christian. Supposedly kina Jason ang punta namin pero dahil may kasama siya nung mga oras na iyon, balik sa original na plano na kina Marco ang punta. Dumating si Marco mga ilang minuto pagkatapos dumating ni Christian. Usap sandali. Binigay ko kay Christian ang spare USB ko at kinuha ko naman sa kanya ang aking California Maki (*yum*).
Bumili muna ng snacks at sumakay na sa MRT. Grabe ang init ng panahon talaga. Napawi ang init nang nakasakay na kami sa loob ng train. Bumaba sa Quezon Ave., pumasok sa Centris Mall para palamig, tapos sumakay na sa jeep biyaheng UP. Mga ilang minuto rin nag-antay. Sobrang init. Paypay ako nang paypay. Nakarating kami sa bahay kubo ni Mark bandang alas-7 na ng gabi.
Mark palitan mo na yang fan mo, mag industrial ka na. Hehe. Hindi makasingaw kasi ang init sa pad niya kaya naka topless na kami sa loob. Naghapunan at nagpahinga na, kaunting usap-usap. Pakialaman mga gamit niya, pati na mga CD, mga keychains. Salamat nga pala sa vitamins Mark, sa uulitin. Hehe! Umikot kami sa area nila at nagpaantok lang.
Ala-una na ako nakatulog, pasensya na guys sa malakas na paghilik ko. Hindi ata kayo nakatulog hehe. Alas 8 na ng umaga nagising kinabukasan. After mag merienda, gumala muna at pa-picture sa may UP Diliman bago kami nagkahiwa-hiwalay bago mag tanghali. Salamat po sa bonding guys. Sensya kung mabilisang update lang ito.

May 23, 2010
2:27 PM
He Says
"I woke up today with a smile. Last night I had an epiphany. Screw karma; screw it. Who cares if I deserve you or not? Who cares if you deserve me? Who cares why you’re here? What matters is you ARE here, you are mine, and I’ll be the biggest idiot if I ever let you go.
When you see me looking at you like that again, there’s no need to ask me what I’m thinking and why I’m not saying anything. I’ll say it now. When you’re looking at the best thing that ever happened to you, the most beautiful man, your one and only source of inspiration, there really isn’t much to say but this, “Thank you.”"
-What’s On My Mind?, Yoshke

May 22, 2010
1:54 AM
Para kay A (part 2)
A,
Alam ko puro negative ang sinasabi nila sa akin. wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang mga iyon. ayoko nalang mag react at tuloy pa rin po ang buhay. I'm glad na nagkabalikan kayo agad ni J, pinapasabi nga pala ni J din na happy siya at finally magiging happy ka na ulit at hindi nakalugmok at malungkot.
Tama siguro si J sa pagsasabing hindi kayo bagay ni J. pero yung pinadama ni J sa iyo na pagmamahal sa loob ng ilang araw na iyon at totoo at walang pagkukunwari. Sa uulitin, cogratulations at happy si J na naging kayo ulit nang totoo mong minahal dati pa kundi si J. Sana magkaroon ng pagkakataon na magkausap kayo muli ni J pag Ok ka na.
J

12:02 AM
Eksayted Ulit
Pagkatapos ng bakasyon parang ang haba-haba ng workdays na gusto ko nang maging Sabado na para makipagkita sa aking mga ka-tropa text. Mga ilang weeks o buwan na nga since ang huling pagkikita namin. Sina Jay at Christian nung nasa Cabra Island pa kami, tapos sina MYMP (Mami Yanah, Marco Polo) eh nung nasa Baguio/Sagada trip pa ata iyon. Miss ko na kayo guys. See yah sa Saturday.
by
Jinjiruks
May 20, 2010
8:45 PM
Para kay A
A,
Nabasa ko ang iyong blog. Nasabi ko na ang dapat kong masabi sa text at sa iyong blog mismo. Hindi ko ginusto na umabot sa ganun ang nangyari. Inaamin ko naging mahina ako at bumitaw sa pagkapit. Alam ko ako ang may kasalanan. Alam ko ang pakiramdam. Nagdaan na ako diyan ilang beses na. Kung hindi man ngayon sana sa paglipas ng mga araw ay maghilom na ang sugat na nagawa ko sa iyo at tuluyan mo na akong mapatawad sa aking mga kasalanan at maging magkaibigan tayo. Siguro nga tama ang Ex mo sa pagsabing hindi tayo bagay sa isa't-isa (hindi rin naman din kayo bagay, nayayabangan ako sa iyo! *bitter), na mabuting hindi mo nalang tinanggap ang pag-aalok ko ng pag-ibig sa iyo.
Pero isa lang masasabi ko sa iyo, walang pagkukunwari at tunay ang naramdaman ko sa iyo nung mga panahon na iyon. Hindi kita pinagtaksilan kung anu pa man sa loob ng ilang linggo na naging tayo. Umaasa akong magiging Ok na ang iyong pakiramdam at hopefully makakapag move-on ka rin. Makakahanap ka rin ng taong hihigit pa sa pagmamahal na binigay ng mga taong nagdaan sa iyon buhay. Ingat ka palagi. Hanggang dito na lang.
Sumasaiyo,
Jinji

May 19, 2010
8:53 PM
Sleepless in Marinduque (Day 2)
Pagkagising, Linggo ng umaga. Dali-dali kaming nagluto at kumain. Maaga dapat ang biyahe namin. Before 10am dapat nasa Tres Reyes na kami para sa island hopping namin ngayong araw. Umuwi muna sa bahay nina Vien at dinala lamang ang mga kakailanganin para sa pamamangka namin.Halos tanghali na rin nang umalis kami sa Gasan para pumunta sa Tres Reyes Islands, kung san andun ang tatlong pulo ngh Gaspar, Melchor at Baltasar (Tatlong haring Mago).
parang mga terorista sa dagat
buko ba yan o suka?
si Kumander Bobot at Potpot
touchdown, Gaspar Island, Tres Reyes
nice sexyback, wag lang humarap!
team pose plus the scenic beauty of the island
team Marc (sayang hindi kumpleto)
at biyaheng pauwi, mami-miss ka namin, hindi pa namin nalilibot ang 2 pang isla dahil sa kakulangan ng oras. sa pagbabalik namin ay dadalawin namin ang mga lugar na hindi namin narating. Paalam Marinduque
Pagkatapos ng island hopping, umuwi na rin kami at nakarating sa bahay nina Vien bandang alas-6 na ng gabi. Bumili muna ako ng pasalubong sakay ang motor ng ama ni Vien at pagbalik ko, kain na ng hapunan at nagpaalam sa pamilya nina Vien. Maraming salamat po sa pagpapaunlak niyo sa amin at sana hindi kayo magsawa sa aming pagbabalik sa inyong natatanging isla.
Around 8pm nakarating sa Kawit Port, sakay ng Roro. Hindi nakatulog sa biyahe. Siksikan kasi. Buti nalang at mahangin ang pwesto namin. Nakarating sa Lucena Port by 11pm. Sumakay ng bus biyaheng Cubao. Nakarating sa Kamias bandang alas 3 ng umaga, Lunes. Nakauwi sa aming bahay ng eksaktong ika-4 ng umaga.
by
Jinjiruks
May 17, 2010
4:27 AM
Sleepless in Marinduque (Day1)
Saturday 4am. Umalis sa office ang team Marc for our Team Outing. Nag-antay sa baba ng office. Thanks nga pala Pebbs sa car ride. Nakarating sa Buendia terminal ng Jac Liner after a couple of minutes. Nag-antay para sa ibang mga kasama. Nakaalis ang bus almost 5am. Sa simula smooth ang biyahe. Hanggang sa nagka-aberya. Merong sunog malapit sa SLEX at kahit aircon ang bus ramdam namin ang heat radiation. Kaya pala sobrang traffic. Pagkatapos naman nun sinundan na naman ng traffic sa bandang Laguna na. Ayaw kasi magbigayan ng daan kaya ganito ang nangyari, buhol buhol na traffic.
Ang inaasahan at sinusundan naming itenerary hindi nasunod, imbes na makarating kami sa Lucena Port before noon. Hindi nasunod. Ang supercat by 10am. At ang Roro by noon. Hindi namin naabutan pareho. 4pm pa ang next schedule ng supercat kaya wala naman kaming nagawa kundi mag-antay sa port. Kumain ng snacks at lunch. Kaunting pa-picture.
Around 3.30pm nagpasakay na sila. Dali-dali naman kaming nagunahan sa pagsakay. Dahil na rin sa pagod naka-idlip ang karamihan sa amin.
Almost 2hrs ang biyahe hanggang sa Kawit Port sa Boac. Mga past 5pm na kami nakalabas. Sumakay na kami ng jeep para pumunta sa bahay ng officemate namin na dun nakatira ang mga magulang. Mga past 6pm nakarating kami sa bahay, kumain sandali. Mga ilang minuto pa umaalis rin kami papuntang Poctoy White Beach dala ang ilang pagkain at gagamitin namin sa pagluluto.
Ok ang bahay na narentahan namin. For Php 1500, grabe todo tipid na, bukod pa sa andyan na ang mga utensils na kakailanganin mo, maganda at maluwag ang room. Kasya ang 10-15 katao. Na parang apartment mo na for a day. Nagkaroon din kami ng pagkakataon kuhanan ng larawan ang Morion kung saan tanyag ang probinsya pati na rin ang pagsusuot nito.

maasahan ka talaga, salsa and chips
Around 3.30pm nagpasakay na sila. Dali-dali naman kaming nagunahan sa pagsakay. Dahil na rin sa pagod naka-idlip ang karamihan sa amin.
Jinji, Kuya Vic, Sir Marc at Ms Vien
Almost 2hrs ang biyahe hanggang sa Kawit Port sa Boac. Mga past 5pm na kami nakalabas. Sumakay na kami ng jeep para pumunta sa bahay ng officemate namin na dun nakatira ang mga magulang. Mga past 6pm nakarating kami sa bahay, kumain sandali. Mga ilang minuto pa umaalis rin kami papuntang Poctoy White Beach dala ang ilang pagkain at gagamitin namin sa pagluluto.
Ok ang bahay na narentahan namin. For Php 1500, grabe todo tipid na, bukod pa sa andyan na ang mga utensils na kakailanganin mo, maganda at maluwag ang room. Kasya ang 10-15 katao. Na parang apartment mo na for a day. Nagkaroon din kami ng pagkakataon kuhanan ng larawan ang Morion kung saan tanyag ang probinsya pati na rin ang pagsusuot nito.
ang mga Morion na makikita tuwing kapistahan ng Moriones
Jack Sparrow, Jacko, Batista at Mr. Bean Morion
kuya Vic, in full battle gear!
Jinji and Dei
giant pusit na aming inihaw
Pagkatapos kumain, ang iba sa amin ay nakatulog na pasado alas-2 ng umaga. Habang ang iba naman sa amin ay tuloy pa rin sa paliligo. Ang ganda ganda ng beach dito sa Marinduque, sayang nga lang at hindi masyado na pro-promote. Kung gabi, maligamgam at tubig kaya ang sarap sarap lumubog dito. Hindi gaano kaalatan ang tubig-dagat. Malinaw pa ang mga ito at kahit gabi kita mo ang buhangin sa paanan mo. Mga alas-4 na ng umaga nang ako'y umuwi at nakatulog at naghihilig sa upuan.
by
Jinjiruks
May 15, 2010
11:27 PM
Cabra Adventure Memorabol Kots
"#67 Ito at aircon, doon kayo sa Deck 3!" *nakapamewang*
-masungit na pasahero ng barko na kasabayan sa biyahe
"Puro kayo kwento.."
-matandang lasenggero na nakasalubong sa paglalakad
"Malalaman namin kung 500 ba talaga ang nilagay ninyo sa kahon.."
-emcee sa ginagawang sayawan sa Pista sa Sitio
"Pare, wag sana magbabago ang tingin mo sa akin pagkatapos nito.."
-text message na nabasa

May 12, 2010
1:27 AM
Halalan 2010, Nakaboto ka naba?
Sa iyong boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa!
9am palang ng umaga, nakapila na ang aming pamilya sa presinto namin sa may San Jose Elementary School, hindi na kami nagreregister sa current address namin dahil dito na kami nasanay bumoto, nasa larawan ang aking Ama at Ina na sinuong ang mahabang pila
halos 3 oras ang aming inintay sa pila, bandang tanghali na nang makalapit kami sa pintuan, precint 0110B ako (F. San Juan St residents), pero dahil nga sa kakulangan ng PCOS machine ay ginurupo ayon sa cluster at magkakalapit na kalye sa amin
sayang at hindi ko nakuhanan ng larawan habang nilalagay ko sa PCOS machine ang aking balota, salamat na lang at Congratulations ang nakalagay sa screen at tinanggap ang aking balota. Bumoto na ba kayo?
by
Jinjiruks
May 10, 2010
12:27 PM
Sobrang ineet!
Grabe ang init ngayong araw. Nakakapaso at hindi ka makakatulog kahit pilitin mo. Halos 40+c ang reelfeel according sa Accuweather. Parang pugon ang pakiramdam. Mararanasan pa natin ang ganitong init sa pagdaan ng mga araw at hanggang June daw magtatagal ang El Nino. Binabayaran na natin ang ating kasalanan sa Inang Kalikasan.Anu pa ba ang aantayin natin. Masunog nalang tayo bigla sa tindi ng init.
by
Jinjiruks
May 9, 2010
7:01 PM
J&AMD@MOA
Tinagpo si AMD na pauwi na ngayon mula sa wake/burial ng kanyang yumaong lola sa Zambales. Halos sabay lang kami dumating sa MOA at nauna lang ako ng ilang minuto. Usap lang kaunti. Tapos kumain na, hindi ko type sa Greenwich dahil kaunti lang ang servings nila kaya sa may KFC na kami kumain.
Gala mode sa iba't-ibang boutique sa mall. Bluetooth ng Hale MP3s. Usap at kwento. Nagusap nang matagal sa may skating rink. Natanaw pa ang mga cosplayers. Bandang hapon, dumaan sa baywalk. Pahinga at kwento.
Napagpasyahang umuwi na para makapagpahinga naman siya. Sumakay pa talaga ng aircon bus pero nde rin naka-iskor. Hehe. Daming stranded na pasahero sa mga bus lines sa Pasay at Cubao. Si AMD hindi pa nakakasakay at nagaabang pa. Ilang minuto pa ang lumipas at nakasakay na rin siya. Buti naman.
Super haba pila sa Litex, anung oras na kaya ako makakauwi. Paunahan parin kami sa pag-uwi. Nakarating sa bahay mga 11.00pm.
Masaya ako at nakita ko ulit siya at napagusapan na namin kung san kami punta sa aming next monthsary. Hanggang sa muli.

May 8, 2010
11:27 PM
Sic
Hayz, hindi nakapasok. May ubo at lagnat. Nabigla lang siguro sa binuhat na mga bagahe at sa kainitan ng araw pa. Sinamahan pa ng namumulang bungang-araw sa leeg. Magiging Ok rin ako.
by
Jinjiruks
May 7, 2010
10:27 PM
Reloaded
Mula sa mahabang bakasyon, kelangan re-configure ulit ang mindset. Back to reality ika nga. Tapos na ang panahon ng pag unwind at stress-free environment. Balik na ulit sa buhay sa mabangis na lungsod kung saan "survival of the fittest" ang palaging tema ng buhay.
Nanibago lang ulit pagbalik sa trabaho. Kelangan habulin ang mga araw na lumipas. Pag review sa mga updates na nangyari lalo na sa mga critical procedures. Pagdating sa office, pansin agad ang paninibago ng kulay ng aking balat.
Binasa mga tambak na messages (140 lahat), hinanda ang mga reports na kailangan. Then start na ng work. Dahil na rin sa hindi ako nakatulog nang buong araw mula nang umuwi ako. Dun tumama sa office ang esfiritu ng antok at hindi ako tinantanan nito. Resulta - bagsak ang prod at sana hindi makaapekto sa quality.
Sana next week maka recover na ako ulit at makahabol sa stats ng team. Andaming activities ang aking na-miss. Ang potluck o group kainan minsan sa isang linggo. Ang group competition tuwing may meeting. Tapos ang planong team building a Marinduque next week. Grabeng bakasyon na ito. Kada linggo ata eh umaalis ako. Baguio/Sagada then Mindoro at ngayon sa Marinduque naman.
Hanggang sa muli. Sana mawala na ang skin rashes ko sa batok, sakit sa throat. At ngayon slight fever at cough. Huhu! Consequences ba ito ng sobrang pagsasaya sa bakasyon.

May 6, 2010
2:27 PM
Cabra Adventure (Day5) Farewell
Kakalungkot dahil ito na ang huling araw namin sa isla at kailangan madaling-araw palang ay gising na kami dahil susunduin kami ng tricycle sa Libis bandang alas 3.30am pagkatapos nito ay sasakay sa banka bandang 4.00am. Naghanda pa sila ng pasalubong sa amin, isang bag ng sineguelas at pulang kanin. Kung malungkot kami dahil iiwan na namin ang isla, mas nalulungkot si Jay dahil lilisanin na naman niya ang isla.
Tatlong siyang na-miss ng kanyang magulang at eto aalis na naman siya para bumalik sa Maynila at maghanap-buhay. Pero may binitiwan kaming pangako sa kanila na kada taon ay dadalawin namin sila at ang buong isla. Ramdam ko kay Jay ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Umiyak pa nga ito pero hindi na niya pinakita sa iba.

Maraming salamat po Ama at Ina sa pagpapaunlak sa amin sa inyong tahanan. Salamat sa warm hospitality, paghahanda ng pagkain, pag-iigib ng tubig sa amin. Hindi po namin kayo mallimutan. Hanggang sa muli. Salamat na rin sa tuko sa bahay nila na gabi-gabi nalang eh nag-iingay.
Inabot na kami ng umaga sa pagtahak namin sa isla ng Lubang, nakikita namin kung paano lumiliit hanggang sa mawala ang hugis bayawak na isla na minahal namin sa loob ng halos isang linggo. Kalungkot pero masaya at salamat sa memories na binigay sa amin. Sobrang linaw ng tubig dito na makikita mo ang lupa sa ilalim ng dagat. Kailangan i-develop ang lugar na ito para maging tourist spot.
Nang marating na namin ang Tilik, Lubang Island. Nag jeep naman kami papunta sa port nito kung saan rin kami dumaong. Pinili namin na sakyan ang rutang Calatagan, Batangas para maiba naman ang aming biyahe. Kaunting pa-picture muna, bili ng pasalubong hanggang sa umalis sa port ang banka sa ganap na ika-9 ng umaga. Nakarating kami sa Calatagan Port by 11.30am. Sumakay ng bus pa Dasma at balak muna namin dumaan sa Cabuyao, Laguna para makita ang tirahan ni Jay.
Nag celebrate na rin kami ng kanyang kaarawan bukod pa sa isla noong ika-4 ng Mayo. Nagpalipas ng gabi at umuwi ng bandang ala-7 ng umaga sakay ang van rutang Cubao. Nakarating ako sa amin bandang 11am ng umaga. Nagpahinga at nakatulog. At dito nagtatapos ang aking kwento at karanasan sa islang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko.
Salamat Jayson, Christian at lalo ka na Jay sa bonding experience natin magkakabarkada. Lubos akong nagpapasalamat at nakilala ko kayo. Mas malaya kong naipapahayag ang pagiging ako pag kasama ko kayo. Hanggang sa muling paglalakbay natin.
by
Jinjiruks
May 5, 2010
2:27 PM
Cabra Adventure (Day4)
Ilang araw nalang at aalis na kami sa isla. Kakalungkot isipin pero nalalabi nalang ang araw namin. Kaya naman nilulubos na namin ang pageenjoy at unwind. Nitong umaga nagpa-picture at sumakay naman kami sa isang kalabaw na pagaari ni Ama. Sinubukan naming gatasan siya pero walang lumalabas at sumakay na rin. Kakatakot kasi malaki ang sungay nito at baka suwagin ako.
hindi niya ata gusto ang ginagawa ko sa kanya
nakasakay na rin sa kalabaw, pers taym!
Kaunting trivia lang, akalain mo - meron palang dapat sambitin para lumapit ang mga pang bukid na hayop na ito sa iyo. sa Baka - beee beee beee, sa kalabaw - oinkk oinkk oinkk at sa baboy - yikkk yikkk yikkk. Salamat kay Ama at may natutunan na naman kaming bago, sinubukan nga namin at lumapit nga ang mga ito.
Pagdating ng hapon punta ulit kami sa beach para sulyapan siya sa huling pagkakataon. Inabot na kami ng gabi sa daan at talagang nakakatakot siya compared sa nakaraang araw na ginabi rin kami. Kasabay pa naman ng araw na ito ang libing ng ka-nayon nila at dun sa mismong daan pa kami naglalakad.
Kakatakot kasi, walang ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan ang aming guide. Sobrang dilim. Maraming kwento sa lugar na iyon na nanunukso ang mga engkanto. Kasabay na rin ng punong Balete na tumutubo sa lugar na iyon. Akala namin naliligaw na kami dahil halos magkakapareho ang kalsada na aming tinatahak. Kung alam niyo lang kung gaano ang kaba na aking nararamdaman nung mga oras na iyon. Naka-ilang Ama Namin ako, tinakpan ng tuwalya ang kanan tenga ko at todo hawak kamay kami ni Jay para lang maibsan ang sobrang takot na nararamdaman.
Buti nalang at nakita rin namin ang liwanag ng unang streetlight sa nayon at saka kami nagmadaling naglakad patungo dun. Pagkadating sa bahay saka namin naikwento sa kanila ang nangyari sa amin. At sinabi nila na ganitong oras wala nang nagtatangkang maglakad sa daan na yaon. Nagutom kami sa sobrang takot. Kumain ng isdang salisi na pinabili namin at nagluto pa ng buto ng kasoy si Ama para panghimagas namin.

Mahangkig beach, takipsilim
other mini cave formations, sayang at walang na kaming oras para explore ang lahat ng mga ito
sea urchin, ang dami dami nila sa mga sulok at butas
sea slug, wala lang - kahit malaki, harmless naman
by
Jinjiruks
May 4, 2010
2:27 PM
Cabra Adventure (Day3)
Pagkagising, nag-ayos ulit. Salamat po sa hospitality ng pamilya ni Jay. Asikasong BongBong talaga kami sa bahay nila. Ilang beses kaming kumakain. Iniigiban ng tubig ni Ama mula umaga hanggang hapon. Nagluluto naman si Ina ng makakain.
Pumunta naman kami sa ibang parte ng isla na hindi pa namin napupuntahan. Backtrack nga pala tayo nung a-uno ng Mayo, kinagabihan - pista sa sitio nila Jay at since huling araw ng pista sa isla (sunod sunod kasi ang pista sa mga sitio mula April 27 hanggang May 1). Masasabi kong hindi pa nakakapasok ang modernong panahon at patriyarkal pa ang pamumuhay dito.
Napansin ko sa kanilang programa ng pista. Puro sonata ng mga lumang tugtugin. Parang hindi lumipas ang dekada 70 sa islang ito.

ang mga sasayaw sa pista - Christian, Jay at si Ama
Balik tayo sa Mayo 3, kinaumagahan nagpasya kaming puntahan ang sitio Libis para maghanap ng bagong huli na isda. Masasabi kong hindi gaano pangingisda ang pangunahing hanapbuhay nila rito kundi pagaasikaso sa kabukiran. Kaya naman pahirapan ang paghahanap ng isda at may oras pa talaga kung kailan babalik ang mga namamalakaya.
landas papuntang sitio Libis
akalain mo may Grand Reunion sila ngayon
ang kakaibang tricycle na parang jeep dahil 4 seater siya sa likod
frontal view ng traysikol
nang kinahapunan, nanguha na lang kami ng mga shells sa dalampasigan dahil na rin at low tide
kung pwede lang pigain ang araw
by
Jinjiruks
May 3, 2010
2:27 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)