Random

4 Reaction(s)
just a repost from my co-bloggers' classmate..

"There are times na hindi ko masabi sa iba ang nararamdaman ko dahil hindi ito tama. Sa tingin ng marami I was a damn who is trying to fall in love with somone na wala namang interest sa'kin ni katiting. The moment na hindi ko maintindihan ang aking sarili the more that I search for something na mare-rescue ako sa ganuong pagdarahop. Oo, minahal ko ang kaklase ko kahil katulad ko siyang lalake at wala akong nakikitang mali. Angt katangahan ko lamang sinabi ko sa kanya. Akala ko kasi, kapag sinabi ko may mangyayari, but vis-a-vis it was not. Its just a suicide. Hindi ko na tuloy siya ngayon makausap ng gaya ng dati, makbayan gaya nuon at mayakap tulad ng kahapon. Does all guys like him. Please, I cant understand.."

Pes**** Init yan!

0 Reaction(s)
Tuwing umaga na lang pagpasok sa work, walang araw na hindi pumapatak ang pawis ko, nakakainis talaga. Ewan!

7th ToyCon at MegaTradehall

0 Reaction(s)

Pess

3 Reaction(s)
Ewan ko umandar na naman ang pagka-senti ko, ngayon kasi napapadalas ang pag-uwi ko nang mag-isa at habang naglalakad sa pedestrian walk from office to Ayala-MRT lalo na pag mahangin pa, nakatingin na naman ako sa mga nagdaraang mga tao sa baba sa mga bituin sa langit. Iniisip na naman ang self worth ko dito sa mundo. Kung may silbi ba talaga ako sa iba at kung mga ginagawa ko eh tama ba o mali. Maraming umiikot sa isip ko na hindi ko na pinapansin ang mga taong nakakasabayan ko, mula sa family to lovelife to career to adventures.

Sa office ilang araw na lang at mag-iiba na ang quota namin dahil na rin sa pangangarir ng mga kasamahaan ko sa incentives at awards, hindi na nila naisip na sila rin ang mapapahamak pag tinodo pa nila ang production, bahala sila.. tao nga naman, talagang kailangan pang maranasan ang consequences sa mga actions na pwede namang iwasan sa simula palang, hinay hinay lang sana kasi marami ang mapapahamak sa ginagawa nyong iyan.

Ilang weeks na ring nde nagtetext sa akin ang ex ko at miss ko na siya and worried kung anu ba talaga ang nangyayari bakit hindi siya nagrereply sa messages ko sa kanya, alam ko nag rereview siya ngayon sa exams niya pero sana mag reply naman siya kung anu na ang balita sa kanya, ilang araw na rin kasi at kung baka anu na ang nangyari sa kanya. Hindi naman siya nagbabasa ng blog ko kaya ewan ko panu ko makokontak siya, hindi pa naman ako nakakapunta sa kanila at nagkikita lang kami madalas.

Nakakadagdag talaga sa pagiba ng mood itong buhok ko, sa dinami-dami ng tao bakit isa pa ako sa mga nakakaranas ng HIV (hair is vanishing) ngayon, alam ko dahil sa lahi siguro nina papa na manipis lang ang hair, pero nde ko talaga alam paano aayusin ang kakarampot na buhok na natitira sa akin, gusto ko sana semikal kaso flat headed naman ako kaya hindi rin maganda.. nakaka-frustrate talaga, lalo na't mahangin or mainit, kita na talaga na tumataas ang hairline at ilang years nalang siguro eh mukhang 45+ DOM na ako, hay buhay. Anung kasalanan ko ba bakit ganito ang aking kapalaran.

One more thing sana magka-work na ang kapatid ko para hindi na ako mahirapan pa at makabili naman ng mga bagay na kailangan ko talaga. Darating pa sa May ang pinsan ko sa mother side na katukayo ko, sana nga mag abroad na lang sila para matigil na itong walan g katapusang problema sa pera. Kung bakit pa kasi naimbento ang bwisit na yan.

Farewell.. Khan Online

0 Reaction(s)
Dear Loyal Khanatics,

We would like to give our heartfelt thanks for the unwavering loyalty and support you have shown us for the past 3 years. Such display of devotion towards the game and its community exemplifies the true spirit of a real Khanatic – hardcore and loyal!

Khan and its community have seen its fair share of changes and cool events throughout these three years together. Let us recall some of Khan’s glorious history all the way from its humble beginnings:

- A new full 3D MMORPG was launched by netGames on September 2004 called Khan Online.
- Khan Online went commercial in January 2005
- Touted as one of the MMORPG’s with the best party system.
- Khan has been known to hold some of the most exciting guild wars!
- Very diverse community known to possess the most “angas” factor be it in-game or in real life.
- LU Live BakbaKHAN 2006 -2007

With the of netGames and Level Up! under the backing of ePLDT, it solidified our position in the market as we pushed Khan towards the next level.
Our colorful Tournaments, EB’s and events in-game made Khan the stuff of legends among local MMORPG’s today.

Sadly, all good things must come to an end…

After much thought, our management has decided to discontinue the contract for Khan which will expire on April 30, 2008, due to the lack of developer support, no new content, and patch fixes for in-game exploits/bugs.

It pains the Khan team to have to say farewell to all of you as the journey thus far has been very enjoyable. However, some things must end for new beginnings to take place. .

As for our compensation, we will be giving out extra MyLu Credits to our Loyal Khan Players and also reimbursing all remaining Tugrik and Game Time: Compensation Mechanics

Level Up! has opened the gates to one of its’ games to welcome migrating players…

Perfect World welcomes all Khan players! Migration into PW's New Server - Serpent on March 31, 2008 will hold compensation for your hard work in Khan and although the loss of Khan is a sad blow, the community can still live on. Hold high the Khanatic spirit as you delve into new adventures amidst the rich and diverse community Perfect World has to offer. To learn more about the Perfect World Migration Package, please click here.

New opportunities are abound amidst the loss, just as Khan served as a bridge to meeting a wonderful community. Allow Perfect World to become your new bridge to new friends and new experiences. Bring that fiery spirit as you meet new communities and encounter new challenges, and let that insurmountable drive bring you success on the new frontier just as it did for Khan.

Lastly, in honor of the true Khan spirit, we will be going out with a bang! Khan will be going free to play as a blowout to its most beloved community! (announcement and details will be posted shortly)

Your extended family in Khan composed of the Game Manager, Game Moderators, Forum Moderators, Community Manager and Brand Manager wish to thank all of you for being a part of our everyday lives. Our treasured Khan experience is all thanks to you.

Although we bid you farewell in Khan, it is not truly goodbye. We still hope to see you in the other offerings of Level Up!

Truly it has been a pleasure serving you!

Wherever you go, whatever Level Up! game you choose, bring your Khanatic Spirit in you and make us proud!

Hope to see you soon!

source: Khan Online - Philippines

*****

Paalam nga pala KHAN ONLINE salamat sa ilang buwan na pagpupuyat.. kahit masyadong minadali ang pay to play mo.. nag enjoy ako sa mga eventsmo online at sa forums na rin, lalo na sa castle siege naramdaman ko kung gaano ka importante ang mga sorcerer na kagaya ko sa castle siege (teleportation+pk combo), salamat sa mga naging guild ko dati bago ako umalis dun; sana eh magkita kita pa rin tayo.. (ang drama!)

Napamahal na kasi sa akin ang khan lalo na nung beta period marami akong nakilalang mga online friends na nakilala ko on the real world, kudos to the khan powerboards mods.. sa mahabang pasensya sa akin, kung alam nyo lang ang mga kalokohan na ginagawa ko sa message boards na iyon, lalo na't isa ako sa mga spammers. Hanggang sa muli.. salamat sa masayang experience na paglalaro at sa community, andito kayo sa puso ko palagi! another piece from a gamers' heart!

Kasabihan

3 Reaction(s)
mga naglipanang makabagong kasabihan ngayon mula sa SMS at mundo ng Internet..

  1. "aanhin mo ang gwapo kung mas malandi pa sau"
  2. "walang matinong lalake sa malanding kumare"
  3. "wala ng hihigit pa sa malansang isda.. kung hindi ang isang baklang balahura"
  4. "sa hinaba-haba ng prusisyon.. bading din pala ang iyong karelasyon"
  5. "ang tumatakbo ng matulin.. may gwapong hahabulin"
  6. "matalino man ang bading.. napeperahan pa rin"
  7. "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, sa call center naglipana"

Kras

0 Reaction(s)
dear Kras,

Musta ka na kaya?, hindi mo naman ako kilala at wala naman akong balak rin. Pag nakikita kita sa production area natin eh napapangiti na lang ako at gumaganda ang araw ko, kahit medyo pagod at stressed-out eh parang napapawi pag nakikita ko ang mga ngiti sa iyong mga labi.

Gusto ko man kunin ang cp# mo, wala naman akong koneksyon dyan sa iyo, at baka iba ang interpretation mo pag inalam ko pa sa mga officemate mo na malapit sa iyo, pero darating rin tayo dyan na makikilala rin kita nang harapan, sa ngayon wala pa akong sapat na lakas ng loob na gawin iyon.

Alam kong may asawa ka na kaya hindi na pwede maging tayo, sapat na sa akin na ikaw ang aking inspirasyon sa office. Ingat ka palagi at.. wag na lang!


Sumasaiyo,
Jinji

Frustrations

2 Reaction(s)
Pag oras na naman ng sahod eh isa ata ako sa mga hindi masaya talaga, hindi dahil sa bunga ng pagpapagod ko at ilang oras na nakaharap sa PC kundi dahil sa parang hangin na naman na dadaan lang sa palad ko ang perang pinagpaguran ko.

> halos tuwing sahod na lang lagi na lang halos lahat eh napupunta sa bahay, hindi ko naman maiwasang magbigay dahil responsibility ko ito at yung tindahan ang source ng livelihood namin kaya hindi talaga pwedeng pabayaan.

>hindi ko man lang maayos ang sarili ko (literally), mukha na akong haggard na panot na naglalakad along Makati pagpasok dahil sa hindi maayos na buhok na bukod sa manipis eh pawisin pa ako kaya ewan ko hindi ako makatingin ng maayos sa iba, naiinis ako dahil wala akong ginagawang action at walang pera para ayusin ang sarili ko.

>yung kapatid ko pa na ilang taon nang umaasa at ayaw ata o walang balak maghanap ng trabahon, hindi ba niya nakikita na nakukuba na kami ni Papa kaka trabaho samantalang siya naman eh oo nga't nakakatulong nga eh pera ang kelangan namin ngayon at kaya na nina Mama yung gawain sa bahay, kasi alam niyang may makakapitan siya kaya wala man lang tiyaga at pagkukusa na maghanap ng work para kahit papano eh gumaan naman ang pasan namin sa likod, nakakainis na kasi na ilang taon na siyang tambay sa bahay at inaantay na lang ata ang pagtanda niya sa amin.

>ako ang nagyayaya minsan na pumunta sa mga events usually anime and related, kaso ako rin ang unang hindi pumupunta at indianero ika nga, nakakahiya tuloy sa iba kong mga kasama na andun na, usual reason pera, lagi na lang sila ang inuuna ko at hindi na naiisip pa ang sariling kaligayahan ko, parang alipin na ako nila na wala man lang kakayahan na sumaya kahit kaunti na sila lagi ang reason bakit hindi natutuloy ang mga lakad ko

>yung utang na loob sa kanila na sila ang nagpaaral sa akin at parang habambuhay kong babayaran, alam ko obligasyon ko iyon mula nang magtapos ako ng kolehiyo, pero bakit ganun, parang up to now kahit lagpas 25 na ako eh hindi pa rin ako makaalis sa pagkakagapos nila at lagi na lang sa kanila napupunta halos ng sinasahod ko, bakit sila ganyan, pinapakita nila na dapat akong mag-guilty kapag hindi ako nagbigay at sasabihan pang madamot kapag hindi ka nagbigay sa kanila, kaya nga gusto ko nang mag-dorm para maging independent at magkaroon ng peace of mind kahit saglit man lang then uwian na lang pag weekends, ewan ko ba.. sana nga nanalo na lang sila ng lotto para yung sinasahod ko eh sa akin lang, na ako na ang bahala kung anu ang gagawin ko, hindi talaga ako makapag-ipon dahil sa kanila.

>gusto ko bumili ng ganito nang ganyan pero wala pera or hindi aabot dahil matatamaan na ang budget ko para sa transpo, lagi na lang umuutang ako sa iba pag nagigipit ewan ko ba, kaya nakakalbo ako kakaisip sa mga problema na andyan lagi nakakapit at pasan na ata sa likod ko.

> frustrated rin ako kasi ang mga pangarap ko sa buhay eh hindi pa natutupad at ewan ko kung anu mga kelangan kong gawin para magkatotoo ang mga iyon, pati na rin sa lovelife wala rin akong swerte at nag-aantay pa siguro kung talaga bang may darating pa na para sa akin, o kathang-isip ko lang ito at masyado lang ako kumakain ng Nagaraya kaya ang utak ko eh pumutok na rin.

>gusto ko na makapag pahinga man lang kahit mga isang buwan siguro sa isang isla at pahingain ang pagod at manhid ko nang utak, ayoko na.. lagi na lang ganito ang nangyayari pag sasahod ako, kelan kaya darating ang panahon na magbibigay ako sa kanila na maluwag sa kalooban ko, yung aantayin na lang nila at hindi magde-demand na parang hold-up na lang paguwi sa bahay. Pag walang nangyari sa mga nakaraang buwan ewan ko na lang kung anu gagawin ko sa sarili ko, pagod na ako at ilang taon nang nagtratrabaho na wala man lang akong napapala sa sarili ko, puro sila na lang.. kelan kaya nila iisipin ang kaligayahan ko naman.. siguro pag wala na ako!

How are you Jin?

3 Reaction(s)
Oo na magaling lang talaga ako magyaya pero pag actual day na eh hindi naman ako pumupunta. Iyon siguro ang naiisip ng mga ka-berks ko na nasa AnimeFest ngayon sa Megamall, balak ko naman talaga pumunta kaso as usual may mga financial constraints na naman na nangyayari na palagi na lang kaya hindi ako nakakapunta sa mga ganitong event. Ewan ko ba sa sarili ko, puro na lang ang sa bahay ang priority ko at medyo hindi ko na naayos ang social life ko ever since. Boring siguro akong kasama talaga pag yayaan ang paguusapan, halata naman sa testi na binibigay nila sa akin. Hehe! Wala naman sa akin iyon, makakabawi naman ako sa ibang paraan.

Sa work,
OK naman ako sa far sa work ko ngayon, ever since na mag-live production na kami eh medyo naging serious mode na at talagang naka-monitored ako sa daily stats and my performance so far, yesterday I was able to talked with my Supervisor regarding about the Employee feeback, since go live na kami, we should expect more of this especially the scorecards that describes in general our current performance and where do we stand from there, medyo matagal ang usapan at umabot nang halos mga 50 minutes, I'm really flattering to know na isa ako sa mga "well-balanced" employees when it comes to productivity, yung iba kasi productive nga erroneous naman while others were reversed, kaya nga natutuwa si Jason sa akin and eventually bibigyan nya raw ako ng mga admin/managerial task para masanay na raw kami and a hefty experience na rin if we would want to pursue for higher position in the coming months or years, natutuwa rin naman ako at si Boss Jason ang bisor ko ngayon, kahit bagong function lang kami eh na set aside ang pagpunta niya sa Davao for the mourn of his Dad, at inuna pa niya ang work kesa sa family; few people would do that actually sacrificing your personal matters over busines. Bow kami sa iyo Boss Jason, sana nga eh maging model ka at positive reinforcer sa amin. Amen to that! Sana nga ma meet na namin at ma modify ang productivity goal namin and makakuha ng awards/recognition sa mga efforts na ginagawa namin daily on work.

Sa lovelife,
Hmm.. kagaya ng mga artista dyan, busy sa career kesa lovelife. Kidding aside, wala pa talaga akong plano right now sa part na yan. Hindi naman mawawala yan at handa naman akong mag-antay for the right person to come in my life, nakakapagod na kasi yung hanap nang hanap tapos hindi naman pala siya ang para sa iyo, masasaktan ka lang eventually in the end pero nevertheless it gives me strength to stand and learned from my mistakes. Pero minsan talaga hindi mo maiiwasang mainggit talaga sa iba na alam mo na sweet talaga, napapa-"sigh" na lang ako at sabay tingin sa langit kung kelan ko makikita ang para sa akin, pag dumaraan ang sa MRT parang gusto ko gumawa ng MTV ng "It might be you..". Hayz ganun talaga ang buhay siguro, puro hirap muna sa simula at sinusubukan ka lang nang nasa taas kung saan ang tibay mo. Pero sa ngayon masaya naman ako at in good terms pa rin kami ng aking ex at nagkikita kami once in a while para samahan ako sa lakad ko, manood ng sine. Mahal ko pa rin siya pero hindi pa talaga siya handa talaga at sigurado na magiging kami ulit. Hihingi muna ako ng signs mula sa taas siguro.
Sa family,
Lagi naman sila ang priority ko sa ngayon, hindi na nga natuloy ang plano ko na mag-dorm na lang dahil sa kanila, kahit gusto ko na maging independent at matutunan namang magsarili sila pa rin ang naiiisip ko, kung anu na ang mangyayari sa kanila pag si Papa lang ang magtratrabaho sa haus, hindi naman sapat ang kita niya pati sa tindahan, isa pa itong kapatid ko na wala pang work sa ngayon kaya hindi pa makatulong, ang daming gastos sa bahay at hindi ko na alam kung anu ang uunahin talaga, bawat sahod na lang parang hangin lang na dumaan sa kamay ko ang sahod ko, sabi nga ng mga kasama ko na magtira naman ako para sa akin at kahit papano eh reward yourself sa hard work na ginagawa mo. Ewan ko, siguro saka na iyon, sila muna bago ako, gusto ko na nga makapag abroad itong kapatid ko para kahit papano eh mabawasan ang mga iniisip ko sa buhay, nakakalbo na talaga ako dahil diyan. Sana nga guminhawa na kami kahit hindi medyo maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa natin.

Sa barkada,
Actually wala naman talaga akong problema sa kanila at andyan naman sila lagi when I needed them and vice versa. Nagtatampo lang talaga ako sa ibang hindi man lang nagrereply sa text message mo kahit naka ilang SMS ka na sa kanila eh wala pa ring dating, tapos pag nakapagyaya akala mo eh hindi nakasakit ng ibang tao sa hindi nila pagtugon sa message mo. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan, siguro hindi na lang muna ako pupunta pag nagyaya sila para mapag-isip isip nila kung san sila nagkamali. Mga classmates ko naman nung elementary at high school eh miss ko na rin ilang taon, dekada na nga na hindi ko nakakausap o nakikita man lang ang iba, anu na kaya ang nangyari sa kanilang buhay, san na sila ngayon?, may anak na ba sila? nag-abroad na ba ang iba? sa totoo lang mahirap mag organize talaga lalo na't in spite of your effort eh wala namang darating kahit mag haus to haus ka na sa kanila, kusang loob na lang siguro ang aantayin ko, pero sana within this year or next year eh may maglakas loob at magkusa na mag organize kasi ako ayoko na, mahirap na.. lagi na lang kasi ako nasisisi kapag palpak ang get together, siguro it's time na ako naman mang bulyaw sa inyo, joke!

Hobby right now,
Sa ngayon wala naman ako masyado ginagawa sa bahay since paguwi sa bahay eh pagod at medyo watch lang ng TV tapos tulog na then gising na naman (monotonous ba?), ganun lang naman ang daily routine ko sa amin, sana nga eh may bagong adventures naman para hindi nakakasawa ang buhay, pera lang talaga ang hadlang minsan kaya hindi ko nagagawa mga bagay na gusto ko kagaya ng mountain hiking/trekking, bakasyon sa province. Kung bakit pa kasi na-imbento ang pera na siya nagpapahirap sa mga tao at cause ng evil sa mundo. Yung book na pinahiram ni Jason sa akin eh nababasa ko naman nang paunti-unti, mga 2 weeks na siya sa akin at dapat matapos ko na siya para makahiram pa ako ng mga books sa kanya, nasa third book na ako sa 5-part series niya, kaya kahit medyo common na ang story pero tumataas na ang climax niya at may bagong mga place to explore yung hero ng story na si Cadderly. Mamaya eh marathon reading ang gagawin ko at sana makadami ng pages. Hehe! Sana makapag bakasyon sa Sagada pag may time ang buong team, i would prefer nature tripping kesa sa beach na lang palagi ang nasa isip nila. One more thing nakaka -miss minsan yung paglalaro ng Playstation, nostalgic na naman ako during those days na andun kami sa tambayan at ilang oras na bonding thru PS RPG games na nilalaro namin, sana nga maulit ulit iyon this time sa ibang platform naman. Nakaka-miss ang barkadahang PS Boys ng Omega. Hehe!


Directions?
Hindi ko pa alam kung saan patungo ang buhay ko ngayon, pero sa ngayon eh kuntento naman ako sa outcome ng mga events na nangyayari at sana eh maganda naman ang employment ko sa Chase this coming year kahit medyo may US recession na mangyayari lalo na't direktang tatamaan ang line of business ng bank namin which is the mortgage sector, iniisip ko pa rin ang pag aabroad kasi hindi talaga ako nakakaipon kahit medyo malaki na ang sahod ko kesa sa mga former companies na pinag-trabahuan ko, kasi yung classmate ko nga kahit malaki na ang sahod eh hindi pa rin sapat eh anu pa kaya ako? Hindi pa ako makapag decide pero just in case maipit na ako sa situation eh wala na talaga akong choice but to find work at greener pastures. Medyo senti pa rin akong tao pag medyo nakaka-relate ako sa situations eh hindi ko mapigilang umiyak sa sarili ko at malumbay sa mga pangyayari sa wala sa aking kontrol. Basta gagawin ko na lang lahat ng makakaya ko para mapabuti ang buhay ko at ng mga tao na nakapaligid sa akin. Sailing through turbulent waters, testing the courage, faith and hope of my body and soul.

Son's Letter to his Dad

0 Reaction(s)
Bye Daddy.

Cheers to you. I have become a stronger person because of you. You have given me character. You have been both my challenge and drive. And you have given me a jawline like none other (and my brother his height).

I know you're proud of me and my brother--what we have become and the men we will both turn out to be.

May God tighten his embrace on you, as we remain in yours.

Love,
Jason

-----
got this message from the Multiply site of my supervisor who lost his Dad last Saturday, on behalf of the team we would like to give our condolences to your family and relatives Sir Jason, kaya nyo yan!