Lamat

Dan,

Nasaktan talaga ako tungkol sa nangyari sa kahapon. Alam mo namang lahat ng sikreto ko sa iyo ko lang sinasabi, lahat ng mga problema ko, mga gusto kong mangyari sa buhay, mga frustrations - lahat iyon sinasabi ko sa iyo. Wala akong iniiwan na hindi mo nalalaman a buhay ko - maski mga naging gusto ko sinasabi ko sa iyo. Pero kahapon mula nang nagsimula ka nang maglihim sa akin, nagbago na ang lahat. Alam ko small deal sa iyo ito pero hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang impact nito sa akin. Wala akong tinatago sa iyo pero heto ka ngayon naglilihim ka na sa akin. Ayaw mo na sa akin ipaalam ang mga bagay na usual naman nating pinaguusapan. Isa ka na lang sa mga kaunting tao na sinasandalan ko ngayon at pag nawala pa kayo patuloy na akong guguho at malugmok sa kawalan.

Malaki ang tiwala ko sa iyo at ilang taon na rin tayong magkaibigan. Ganun na ba "sila" kahalaga sa iyo at binabelewala mo na ako ngayon. Ganun ba sila ka importante sa iyo kaya hindi mo masabi sa akin. Dahil ba sa hindi ko mabigay ang gusto mo nung mga panahon na iyon (alam mo na kung ano iyon - kahit patutsada lang nila Nald at Keith). Ewan ko - alam ko namang nagbabago lahat ng bagay pati na ang tao pero hindi ganito kabilis - i was caught unprepared. Alam ko hindi na dapat maging issue ito pero gusto ko lang ipabatid sa iyo na labis akong nasaktan sa nangyari kahapon. Pakiramdam ko "you betrayed me" - kahit nag-sorry na ako sa iyo at ikaw sa akin. Andito na sa utak ko at hindi ko alam kung kailan siya mawawala. Wala na talaga akong kwentang tao kahit kanino. Lahat iniiwan ako.

Pasensya ka na sa lahat ng istorbo na nagawa ko sa iyo. Sa pagiging shock absorber mo lagi. Pasensya sa mga bagay na nde ko nasusuklian na ginawa mo.

0 Reaction(s) :: Lamat