SoMin visit: Day 1 - Dole Philippines plantation and Trappistine Monastery

1 Reaction(s)
Sunday morning. Masakit pa rin ang paa dahil sa nangyari kagabi. Nilagyan muna ng Hot compress at liniment. Breakfast mode muna. Hiyang hiya si Marvin sa nangyari pero sabi ko kasalanan ko at hindi ako nag-ingat. Formally introduced to his parents si Mang Gerardo and Aling Delia, both were service awardee (20 years+) sa Dole Philippines. Niyaya ako ng father ni Marvin na pumunta sa Dole Plantation malapit sa kanila. Isang researcher/agriculturist kaya may access siya sa area na ito.

in a few months, plantation will produce a sweet, sun ripened pineapples ready for harvest

saglit na pa-picture sa Dole employees area dahil bawal

The Order of Cistercians of the Strict Observance (O.C.S.O.: Ordo Cisterciensis Strictioris Observantiae) is a Roman Catholic religious order of cloistered contemplative monastics who follow the Rule of St. Benedict. A branch of the Order of Cistercians, they have communities of both monks and nuns, commonly referred to as Trappists and Trappistines, respectively. Current Trappists order in the Philippines: 1] Our Lady of the Philippines Trappist Monastery, Jordan, Guimaras, 2]Our Lady of Mt. Matutum Trappistine Monastery, Landan, Polomolok, South Cotabato  -source: Wikipedia

with a Trappist monk at Monastery Church

Amen!

1st time na kumain ng Durian, in fairness hindi naman talaga siya mabaho pero yung nabiling variety ni Marvin eh mapait talaga siya sa panlasa ko though ang sarap sarap niyang tingnan at ma krema ang itsura

South Mindanao visit: Day 0 - General Santos City Airport

0 Reaction(s)
Nag file ng VL for Friday shift para hindi magahol sa oras. Medyo umaambon pa nung umalis ako sa amin ng alas-8 ng umaga. It would be my first time to ride an airplane which is 1pm bound to General Santos city. Nag research regarding the shuttle na dumadaan sa NAIA. 20 pesos ang fare niya.

Around 10am nang dumating ako sa Terminal. Lumapit agad ako sa Cebu Pacific crew kung pwede nabang mag checkin na pero mga 11am pa daw. Kumain muna sa fastfood while waiting. Ang laki laki pala ng Terminal 3 and in fairness free wifi siya.


Then nag weigh-in na ng baggage, nagbayad ng terminal free, na check na yung mga gamit then punta na sa Departure area. Daming foreigner mostly mga Kano ang andun. Then nagpunta na ako sa waiting area ng Cebu Pacific, at first kaunti lang tao pero as soon as malapit na ang boarding time eh unti unting napuno siya. Inaliw ang sarili sa panonood ng Discovery Channel regarding ancient Alien ang topic.

Then by 1pm, sumakay na sa plane. Then the usual protocol sa plane. Medyo masakit lang sa tenga ung change ng pressure lalo na nung pababa na parang sasabog ang tenga mo. Pero hindi ko man lang naramdaman na 1 1/2 hour ang byahe. Nag enjoy rin kakabasa na rin ng Smile magazine nila.

Arrived at 3pm sa General Santos airport, siyempre kasama sa flight namin si Bamboo and his crew at meron atang gig sa Gensan na nag participate rin siya sa mini contest ng Cebu Pacific sa name that Artist. Nagaabang na doon si Marvin which is my neighbor nung nasa Montalban pa siya bago umuwi dito sa Mindanao.


Nagpunta muna kami sa SM GenSan para bumili ng mga pagkain na gagamitin namin sa trekking, then dumaan din sa RDex para tumingin ng Tuna products in which dadaanan ko bago umuwi. Then sumakay na ng Bus sa Bulaong Bus Terminal headed to Marbel (Koronadal City), ganun pala ang way ng transpo nila at paputol-putol din. Sumakay ng tricycle sa Polomolok papunta sa kanila.

Then andun na ang unfortunate event na nangyari sa akin. Masyadong madilim sa daraanan, akala ko pa naman eh lupa ang nasa gilid ng kanal, iyon pala hollow space at medyo malalim siya. Natapilok ang right foot, gasgas ang left and right arm. Sobrang sakit ng pakiramdam ko nang dumating ako sa kanila. Dali daling naglagay ng cold compress at pinunasan ang sugat ko sa kamay at nagpahinga na ako sa araw na iyon.

Hindi ko alam kung matutuloy pa ba ang 5 days na itenerary ko sa pangyayari na iyon. Bahala na kako, sana gumaling na agad para tuloy tuloy ang byahe namin.

LSS - Where are you now? - Honor Society

0 Reaction(s)



nostalgic..

Tao

0 Reaction(s)

"Naniniwala ako marami tayong natututunan matapos ang isang mahabang araw. Minsan hindi lang natin napapansin o ayaw nating pagtuon ng pansin. "Learning is a continuous process" ika nga nila. Sa pang-araw-araw nating buhay marami tayong nakakasalamuhang mga taong maaaring magpabago ng takbo ng ating kasalukuyan, at magbigay sa atin ng pag-asa kapag tayo‘y lugmok sa problema. Mga taong nagsisilbing inspirasyon sa atin at pinapakita ang kabutihan tulad ng mga taong nakakasabay natin sa paglalakbay, sa pagkain, at sa kahit ano pa mang bagay. Mga taong may respeto sa sarili at makatao. Mga taong disiplinado at nagpapakita ng magandang halimbawa.

Sa mga taong ito nakakakita ako ng pag-asa. Pag-asang mabago ang mundo, kahit pumupundit-pundit na lang sila tulad ng mga bumbilyang pinagmamasdan ko."
-Bombilya, Hari ng Sablay's Tambay

Asan ka?

2 Reaction(s)

Breaking my 5k/10k PR!

0 Reaction(s)
Endomondo data of my run with Rene starting from Tumana, Markina City to Mayamot, Antipolo City
Iba talaga pag merong running buddy kasi hindi mo mararamdaman ang pagod
Kaya pa nga siguro stretch namin to 15k kaso baka magka-injury naman kami at non-stop yung gawa namin

My Personal Record, so happy na little by little na break ko ung 5k and 10k ko :)
Previous runs ko kasi sa 5k nasa 37-40mins and 10k eh nasa 1hr 20-30 mins naman..

Paghahanap..

0 Reaction(s)

“Buong buhay natin, hanap tayo ng hanap ng magmamahal sa atin…ng mamahalin natin…
Pero pag nandiyan na, paghawak mo na,
madalas pinababayaan lang nating makawala.
I mean, what is it ba? Is it pride? Fear?
Natatakot ba tayong masaktan?
Siguro…siguro natatakot tayong masaktan…na makasakit din…

But you know what Eli? Ganun naman talaga. Di ba?
It comes with all the complications because…
Wala namang perfect love. Di ba Eli?
Minsan kulang. Minsan naman sobra…
It’s never really what we want or what we expect it to be…

And so we keep on searching.,.and searching…
Kahit naman na alam na natin deep down inside. Eto na ‘yon eh.
Di na dapat hayaang mawala pa sa atin’yon. Dahil eto na yung hinahanap natin. Eto na ‘yong totoo.

Eto na ba yung mga imperfections na ‘yan?
Yung love- yung love niyo para sa isa’t isa, that’s what will make everything perfect-
Even you, yourselves are not…
But as I said…
We just let it slip away.
Before we know it…it’s gone.
Wala na…wala na talaga.
Sayang…dahil pinabayaan pa nating makawala…

-Celine to Eli, Maging Sino Ka Man

Ilang araw nalang..

0 Reaction(s)
At sa wakas at makakapag-unwind na rin ako nang totoo. Excited na ako pero hindi ko pa nahahanda ang aking mga gamit. Subukan ko gawin kahit kalahati ngayong araw para sa araw na iyon eh handa na ako. First time kaya hindi ako mapakali at panay ang research at tanong sa mga kakilala. Hayz, sana palaging ganito, nakakainggit minsan yung mga tao na ganito ang trabaho. Mabuti pa sila, pero kahit papano mararanasan ko rin yang ginagawa nila. Sandali nalang..

Lahat nalang ng Gawin may Komento

2 Reaction(s)

Reality

0 Reaction(s)

Wisdom from teh Master!

0 Reaction(s)



In 1963, my father, Bruce Lee, gave my mother, Linda a photo of himself with a note on the back. They had only been dating for a very short time. I love what he wrote. Words of wisdom. -Brandon Lee

of Time

0 Reaction(s)

"I guess the reason time is moving too fast is because we all can’t wait to know what’s going to happen next. The good book told us that if we want something, let’s think that we have already received it and it will be given to us. A good friend told me too that when I do something that would need a result, I’d have to do a mantra to make a positive result, which I think is also the reason I am where I am now. My mentor when I was still struggling told me to fake it til I make it. To cut it short, it all equates to same thing: we attract what we want, well unless, we work hard for it.

Time is everyone’s concern. It is of the essence. Some of us would like time to pause for a while so we can have time to think. As much as it can be possible, most people in the world are more concerned about what’s going to happen next and would really look forward to that. Can’t blame them cuz I’m like that too. Well, I’m bipolar actually when it comes to that. Today, I want you fast either because there’s an event I can’t wait to happen or because I wanna escape from problems then tomorrow, I want you to stop because I realized I wanna be brave enough to make some manly decision and be able to find time to resolve them too."
-Hands of Time, Why You So Fast?, AJSP's Blog

Sa Iyo..

0 Reaction(s)

If in this lifetime, I wont get to have you, I'll make sure that if I meet you in my next life I wont have to think twice on saying that "I waited a lifetime to say I love you.."

Crisis

0 Reaction(s)

" ...And there is this large anchor that holding you back. Responsibilities that you can't just escape. Sometimes you want to disappear and start a new life somewhere - in a place where nobody knows you. But you can't. You are bound by your conscience. Bound by that inescapable ball and chain that limits you every move. You don't know what to do. You go with the flow. But until when."
-Post Quarter Life Crisis, Ben's Blog

Rusted

0 Reaction(s)



it's been a while since ang last na training ko sa pagtakbo, last run ko pa eh nung sa Milo Marathon pa, puro hiking kasi for the couple of months and kapag free naman ako meron namang ibang activity or hindi maganda ang panahon, kinakalawang na ako at baka mabigla ako nito next month sa pagsali ko sa next big race ko which is a jump to 16k from my usual of 10k, Goodluck to me at sana makahanap ng free sked at ganda ng panahon para mahasa ulit ang running skills..

Gotye - Somebody That I Used To Know (feat. Kimbra)

0 Reaction(s)



ayan palaging pinapatugtog sa office, na curious tuloy ako sa video nito, napa-wow nalang ako at 300 million plus hits na siya sa YouTube..

MobileStats

2 Reaction(s)



nice StatCounter, bagong innovation na naman at meron na kayong mobile stats.. ^^;

Missing You

4 Reaction(s)



ilang araw o buwan na nga mula nang hindi ka na nagpaparamdam, pakiramdam ko, mag-isa na naman ako at inaalala mga panahon na kasama ka, oo - masaya ako sa mga sandali na iyon, hindi ko alam kailan pa kaya , mauulit ang pagkakataon na iyon, sabik na akong makita ka, pero ikaw kaya? baka napipilitan kalang at naiirita na sa pangungulit ko, hirap nang ganito, isang dekada nang kinikimkim sa sarili..

teh 2nd Time!

0 Reaction(s)

Filipinas Stamp Collectors’ Club in cooperation with Philpost, Museo ng Maynila , Intramuros Administration, National Press Club , Winners Foundation , Department of Education , GSIS cordially invites everyone to an afternoon of fun ,travel , unravel stories ,nature tripping, my...steries and ghost sightings behind some of the city’s most historical buildings, wilderness areas and sites! Photography is allowed!

The FREE tour is scheduled on on September 16,third Sunday of the month. This will also coincide the club’s monthly meeting . To those who are interested in coming to the tour, maximum number of participants ( 50 ) even before the schedule deadline . Pre-Registration is a must for these FREE Guided tours.

Next tour schedule will be held on October 21, 2012 ( tentative but the public can book for a slot )

Mrs.Josie Tiongson – Cura – ( 0917-9800708 / GLOBE )
Everyday -preferably office hours
Ms. Nena De Guzman – ( 527-00 -96) Postal Museum and Library
Monday to Friday 8am to 5pm only for parking instruction.
Mr.Lawrence Chan – ( 0919-3901671) anytime preferably 7:00am to past 10PM Email:L_rence_2003@yahoo.com.
Mr. Rey Ong De Jesus- Education and Exhibition
(577-1297) Monday to Saturday 8am to 5pm only


Meeting Place: Liwasang Bonifacio fountain area
Assembly Time : 12:30PM to 1PM
Date: September 16 , 2012– Sunday
Itinerary : Arroceros Forest Park, Aduana, Puerta Isabel 2 Gate and Monument, Plaza Mexico, Plaza Roma, Manila Cathedral, Postal Museum and Library, Liwasang Bonifacio, Metropolitan theater, National Press Club grounds , Escolta , Bahay Tsinoy ( optional) with pay Php 100.00 per head. Calvo Building Photography museum ( optional) Php 30.00 per head.

Note: It depend on the participants on how fast or slow the tour will last, some itinerary may not be covered .

Approximate time of tour : 1PM to past 6PM ( approximately 6 hours)

RH Bill [Senator version]

0 Reaction(s)

Sorry

0 Reaction(s)
Sorry sa mga blogmates at hindi na talaga ako nakakapag-bloghop sa inyong mga blog. Kulang na kulang talaga ako sa oras and aaminin ko least of priority ko siya ngayon. Pero i really appreciate yung mga comments niyo po and sorry at hindi ako nakakabalik to return the favor. Sa ngayon kasi, Outdoors ang priority ko pampatanggal stress and would allow me to love, respect and appreciate Nature more. 

Preparations

0 Reaction(s)


less than a month nalang, time to prep up, really really excited..

Lost Hope

0 Reaction(s)

"... I'd be a total, hypocrite liar if I said that I'm not hoping for someone who'll prove me wrong. Sadly enough,  that person already came almost three years ago and proved me wrong: not that I would never find someone that I'll be happy with, but that there was something else much more painful than being alone.

In reality, I still do not find strength within me. My confidence is always impeded by insecurities I know I can overcome, but do not. Whatever the case, I'm slowly inching forward: I find strength in the solace of a separate peace, a silent world only I can see and hear."
-Alone (Part Two), Nox' One Midnight Wolf

teh Plagiarist

2 Reaction(s)
kawawa naman si TitoSen, bawat sabihin niya binabantayan kung kanino niya kinopya ang mga linya niya..


I knew It

4 Reaction(s)
sabi na eh si Obito Uchicha yung naka mask..


Perhaps it's Time..

0 Reaction(s)

Reco

0 Reaction(s)

After a battery of activities mas minabuti ko nang hindi na muna mag jog this morning para makarecover, last Saturday nagbuhat ng mga hollow blocks at then after that umakyat ng bundok, bugbog ang katawan kaya naman 1.5 days na restmode at nasa bahay lang, pero nasasayang parin ako at wala akong nagawa kahapon kundi magbasa lang ng landscape photography books sa National, lolx 

Hike Analysis at Mt. Batulao

0 Reaction(s)
data provided by Endomondo, combined na ang ascend and descend, grabe at inabot kami ng 6 hours sa hike na iyon na dapat inaabot lang 1-2 hours, dahil na rin sa ilang kilometro na putik na kelangan naming sugudin at ilang pahinga na rin sa pagpapa-picture.

Mt. Batulao adventure

4 Reaction(s)
Woke up at 2am, nagising an hour ahead of alarm. Medyo umaambon parin sa labas. Prep-up then umalis sa amin at around 4am. Nakarating sa meeting place sa McDo Pasay Rotonda at 5.30am. Of course true to my word na maaga dapat ako dahil ako ang organizer ng climb. Last na dumating si Jason at nagka-aberya daw sa sinasakyan niya. Nag-skip kami ng bus dahil puno na siya at wala akong balak na tumayo sa loob ng tatlong oras lalo na't merong akong plantar fasciitis. Buti nalang at mabilis namang napuno ang bus at by 6.45am umalis na rin ito bound to Nasugbu. Along the way, kwentuhan lang, geo-tagging, pati yung movie na Reel Steel natapos rin namin panoorin bago kami bumaba pagdating sa Evercrest.

Jump off at Evercrest

stone marker welcoming the mountaineers

low clouds at Batulao, malungkot at umaasa na magkaroon ng clearing pag-akyat namin

fellow dayhikers Tolits and Mark with newbies Jason and Christian

message at Base 1, very moving at inspirational, totoo siya dahil ako mismo napagbago ng pag-akyat ko sa bundok, i've learned to appreciate and respect nature more and suddenly fell in love with its majestic scenery and tranquil environment

and teh trek continues..

teh lone tree

foggy summit

photo-ops at teh summit with fellow mountaineers

registration at the New Trail, Old to New trail kasi ang ginawa namin as suggested by other co-bloggers

parang naalala ko bigla ang Merrell adventure run pero mas grabe ang kalbaryo na naranasan namin dyan sa area na yan wherein "putik" is an understatement, sobrang hirap at sakit sa paa ang inabot namin, merong pagkakataon na nadulas at lumubog ang paa at tsinelas, at sobrang haba ng lugar na ganito ang eksena, isinumpa ko nga bigla ang daan na yun sa hirap na naransan ko, kaya next time summer ko na aakyatin ang lugar na ito ulit

after ng hike, naligo at nagpalit ng damit, diretso kami sa Mushroom Burger, salamat Jason sa panlilibre, sa uulitin, haha!
Salamat ulit sa kid guide namin na si Reynaldo na kahit pasaway kami at naging porter at photographer namin eh walang reklamo, and again to my dayhike barkada Tolits, Mark, Christian and Jason at sana naging masaya naman ang climb experience nyo kahit medyo maulan at maputik along the way. Sabi ko nga diba, kahit umulan pa yan "Go lang ng Go!" Until our next climb and hopefully makapag twin dayhikes or even overnight hike tayo pagdating ng Summer!

Ber na!

0 Reaction(s)

September na! Start na ng Christmas season. Malamig na ang simoy ng hangin. And still.. miyembro pa rin ng singles club. *sigh*