Hablig

0 Reaction(s)
C,

Musta ka na, natatawa talaga ako sa iyo. Nung umaga umuusok ka sa galit na magkalimutan na tayo, then pagdating ng hapon eh mangungumusta ka. Baliw ka rin pala kagaya ko. Siguro hindi na ako mag-eexpect na maging tayo, Ok na sa akin na magkita tayo paminsan-minsan na lang pag hindi busy isat'-isa. Binabawi ko na ang mga sinabi ko sa iyo kahapon pero hindi mo naman alam mga sinasabi ko dito sa blog. Hehe! Dapat masanay na ako sa takbo ng pag-iisip mo na parang laro lang ginagawa natin kaya makikisabay na lang ako sa trip mo. Kagabi kahit hindi ka na naman nagpakita sa akin eh Ok lang iyon, wala namang nawala. Mamaya pag hindi pa rin, wala pa rin sa akin iyon, dapat hindi na ako maapektuhan sa mga tampo at mood swings mo palagi. Nakakalungkot lang dahil ganito pala ang gusto mo at hindi ka seryoso sa akin. I'll play your game then.

She Says

0 Reaction(s)
"We have our disagreements; we each have hopes, & ambitions that drive and divide us, be they personal, ethnic, religious & cultural. But we are one nation with one fate. As your President, I care too much about this nation to let anyone stand in the way of our people's wellbeing. I will let no one – & no one's political plans – threaten our nation's survival."

Effortless

2 Reaction(s)
C,

Natatawa lang ako sa text message mo kaninang umaga. Kaya ba wala akong syota ngayon kasi effortless ang panliligaw ko at hindi mo nararamdaman? Look who's talking. Ako pa kaya lalo, hindi ko maramdaman na minamahal mo ba talaga ako. Kung gugustuhin naman na magkita maraming paraan, kaso puro dahilan ang naririnig ko sa iyo. Kung kailan nakabihis na ako at handa na para sa pagkikita natin saka mo sasabihin na next time na lang. Alam kong busy ka sa choir pero kahit papano man lang sana maramdaman ko ang concern sa part mo, puro demand na lang ang naririnig ko sa iyo. Mahal mo lang ang sarili mo hindi ako. Hindi na ako mag rereply sa text messages mo dahil ayoko maging kagaya mo. Mas makabubuting dito ko na tatapusin ang isang linggong lokohan lang natin sa isat'-isa. Kung nagtagal-tagal pa eh ako na naman ang lalabas na kawawa. Good luck na lang sa mga future suitors mo, sana makatagal sila sa taas ng pride mo at pagiging selfish. Hindi na kita pag-aaksayahan pa ng pagod at "effort" and this entry will be the last thing na mababanggit kita.

Lamig

0 Reaction(s)
Wala bago during the weekends, the usual na ginagawa ko lang. And as usual parang wala lang kami nang prospect ko dito sa may amin. Busy masyado sa anniversary nila (INC - kahapon lang), member kasi siya ng choir. Wala na ngang panahon na makipag kita pag-uwi niya lagi pang pagod dahil nilalakad lang niya pauwi. Ewan ko sa kanya, tapos nag-text kagabi na kung gising pa ako, matapos ang buong araw na pag-text sa kanya wala man lang reply. Medyo naiinis na nga ako sa ganung setup, hindi pa naman kami kaya Ok lang. Mabuti pa dati nung hindi pa kami magkakilala, ang eager niya mag-text sa akin na kapag hindi ako nag reply eh magtatampo ngayon reversal na ata. Ayoko na umabot sa punto na mukha na naman tanga sa situation namin. Napapagod na ako talaga, lagi na lang ganun. Siguro hindi na muna ako paparamdam sa kanya kagaya ng lamig ng tag-ulan.

Stranded again

0 Reaction(s)
Bweset na gabi yan, kagabi anung oras na ako nakauwi sa amin. Sumakay pa naman ako ng bus papuntang MRT-Buendia para iwasan ang mahaba at nakakapawis na pila sa MRT-Ayala para makauwi nang maaga dahil medyo nagbabadya na ng ulan. Pagdating sa MRT-Quezon Ave, saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Mga isang oras din akong nag-antay sa may baba pero walang tigil at malakas pa rin ang buhos. Nakakainis, bukod sa mainit na eh daming tao sa baba. Tuwang-tuwa naman ang mga vendor kasi mabenta ang chicharon, taho, mani, fishballs at ang pamosong payong na isang gamitan lang at sira na maya-maya.

Wala naman akong nagawa kundi mag-antay na tumigil, pero walang signs na titigil kaya naman nung humina na ng kaunti eh tumakbo na ako gamit ang aking bag na pang-payong. Ayun nabasa ako at walang masakyan na dyip, mukha akong basang sisiw talaga pagpasok sa jeep at nagtinginan pa sila sa akin. Mga 9pm na ako nakauwi sa amin, ayun dahil walang payong na dala takbo na naman papasok sa subdivision. Pagkauwi eh nagpalit agad ako ng damit at uminom ng Neozep kasi nagsisimula na ako bumahing at sinisipon na ako. Kung kelan talaga wala kang dalang payong saka naman umulan nang ganito. Nakakaasar talaga.

Sulat

0 Reaction(s)
C,

Alam ko namang hindi ka nagbabasa ng blog or mahilig mag Internet kaya Ok lang na magsalita ako dito. Badtrip talaga ako sa iyo kagabi. Nagmamadali pa naman akong umuwi mula sa office at halos tumatakbo na ako at hindi na naglalakad, mabilis na naligo at nagbihis. Inaantay ang text mo but then sinabi mo na hindi tayo magkikita. Alam ko namang pagod ka rin at hindi maganda ang pakiramdam mo kahapon, pero sana man lang eh sinabi mo nang maaga para hindi na ako umasa at nagmadali kahapon.

Ngayong umaga naman, nung sinabi ko ang mga frustrations ko sa iyo, ikaw naman ang galit ngayon. Sabi ko gagawin ko ang lahat para magtagal tayo (na lagi ko nang sinasabi.. pero nahihirapan namang gawin), eto yung mga hindi ko ginagawa dati eh pilit kong ginagawa alang-alang sa iyo, tapos hindi mo man lang ma appreciate at ikaw pa ngayon ang galit? Bakit ka ganyan? Alam ko naman na busy ka this week sa Church nyo at naiintindihan ko naman iyon. Pero sana intindihin mo rin ako kahit sandali man lang. Kung pareho lang tayo nahihirapan sa isa't isa eh mas mabuting huwag na nating ituloy ito para hindi na umabot pa sa matinding pag-aaway natin. Mamayang gabi sana magkita tayo para maayos na natin ang lahat na ito. Umaasa ako na magiging mabuti ang kalalabasan. Mahal kita at sana mahal mo rin ako. Gusto kita pero kailangan mag adjust tayo at mag meet halfway to settle our differences. And again ako na ang huminhingi ng sorry sa mga nasabi ko kagabi at kanina.

Mawnin Tots

0 Reaction(s)
Cross train na naman kami sa new function mamayang hapon. Para maging mabenta kami sa pagdating ng mga panahon. Kanina wala namang bago the usual na routine. Kahapon kinapalan ko na mukha mo kakahiram sa mga officemate ko ng extra money, kasi tuition time na naman at medyo nagigipit na naman ako. Good thing me mga nagpapahiram pa ngayon and I'm expecting a second round after. Talagang bumabalik sa iyo kapag mabait ka sa kanila. Wakoko! Tahimik pa rin ang lovelife.. wala pa ring dumarating sa buhay, or kung may darating pa kaya?

Mukamo Advice

3 Reaction(s)
Dear Mukamo,

Kung sakaling crush mo ang friend mo na syota naman ng friend mo rin, na nahuli mo namang niloloko siya nito (nanliligaw pa ng iba, nakikipag date etc.) and parang taken for granted siya..pero sobrang martir naman at mapaguusapan naman daw iyon nilang dalawa. anu ang gagawin mo na alam mo namang crush na crush mo siya? please advise. thanks.

1st Response..
kung ako sa yo, iko confront ko yung friend mo at sasabihin ko sa kanya na hindi tama ang ginagawa nya sa panloloko sa syota nya na kras mo. dun mo malalaman din kung tunay syang friend mo at makikinig sya sa yo at ititigil nya yung panloloko na ginagawa nya. kung makita mo naman na magbago sya then continue your friendship and maintain mo lang yung distance mo sa crush mo. pero kung hindi sya magbabago at tuloy parin ang panloloko, nasa yo na ngayon kung ano ang dapat mong gawin, at kung ako sa yo sasabihin ko sa friend mo na may gusto ka sa syota nya. e ano ngayon kung magalit o kung ano man ang sabihin nya sa yo, so what.

2nd Response..
ang importante ay yung malaman nya na may pagtingin ka sa syota nya at baka bitiwan din nya yun. at mabuti din na malaman din ng syota nya na may gusto ka sa kanya and who knows, baka magka gusto din sya sa yo dahil pinapakita mo na care na care mo sya talaga at pinu protektahan sa mga kalokohan ng hudas mong friend, haha. kaya lang ang problema ay yung syota, baka to much ang pagka martir at kahit alam na nya na niloloko sya sige parin ang buntot at habol dun sa friend mo. sana naman hindi ganon. That's their problem. Not yours.Your problem is you're a stalker. And for that kinakawawa mo lang ang sarili mo. Why limit yourself on just one girl?.

C'mon, kung yung friend mo nga nanliligaw at nakikipag-date sa iba, why don't you likewise? just keep on giving the girlyour advices. maybe your friend'semotional attachment to her boyfriend is just too strong for her to see that shedoesn't deserve this kind of treating.maybe in time, she'll realize that the guyis not worth of the love she's giving him. when it comes to love, people really tryeverything to salvage the relationshipeven if it's really not worth it. just pray that she wakes up and realizethat it's all a waste of time and effort.tell her she deserves better than this....

third one..
Ayan... basahin mo yang lyrics na yan... Hehehe! Bagay sau itong kantang ito. I-feel mo na ikaw yung kumakanta. Hehe!

Ruff Endz - If I Was The One

I see the way he treats youI feel the tears you’ve cried
And it makes me sadAnd it makes me mad
There’s I can do baby Cause your lover is my best friend
And I guess that’s were the story ends
So I gotta try to keep it inside you will never be, never be mine

Chorus
But if I was the one who was loving you baby
The only tears you’d cry would be tears of joy
And if I was by your side
You’d never know one lonely night

And if it was my arms you were running to
I’d give you love in these arms of mineIf I was the one in your life
If I could have just one wishI’d wish that you were mineI would hold you nearKiss away those tearsI’d be so good to you baby

You’re the one I want next to me
But I guess that’s just not meant to be
He’s there in your life sharing your nights
You will never be, never be mine

Chorus
I wanna reach out and feel you beside me (right here beside me babe)
Take you in my arms right now
Scream I love right out loud
Someday I pray that ill find the strength
To turn to you and say…
Chorus (x2)

and the last one..
At least you know where you are. And you're not lost. The girl made her decision...... to stay..... even she's hurt. You have to respect that.Pag nalaman pa yan nung guy na nakikialam ka.. malaking away yan. So I suggest that you stay away from this conflict. nd you're right, the moment the girl decided to get off the rough rail, then that's the only time you'll have your chance.But..... again, that's hoping in the dark. You keep on looking at her situation, you'll get hurt likewise. tart getting busy somewhere else. Don't let this situation hinder your growth.

Wish List.. I-Mate Ultimate 6150

0 Reaction(s)

Unwind sa Mall

3 Reaction(s)
Kahapon mga 10am eh nagpunta ako sa SM Fairview para bumili ng sapatos at dahil mid-year clearance sale pa kaya na engganyo akong pumunta. Grabe ang mahal na talaga ng pamasahe lahat halos Php2 na ang taas sa pasahe, sabi nga ni manong driver eh bakit hindi na lang itaas nila sa Php70/liter para todo na ito at hindi iyong suspense lagi ang ginagawa nila. Nakakainis nga lang SM Loob ang nakalagay pero sa may entrance lang kami binababa. Asar ka talaga manong.

Supposedly eh magkikita rin kami ni Raniel dun for the 2nd time para pakita yung car niya at ilibre ako ng lunch/dinner pero mga 5pm pa daw siya makakarating, iniisip ko tuloy anu ang gagawin ko para malibang at kumain ng oras. Kaya ayun gumala gala muna ako sa mall, talagang bawat part at shop eh nilibot ko. Sa Booksale tumingin lang nga mga books unfortunately eh walan g fantasy at puro sci-fi ang theme ng mga books nila, hinanap ko ang Bioresearch pero hindi ko mahanap, saang pwesto na kaya sila. The tumingin muna ako ng mga damit papasok sa Department Store nila and ayun, bumili ako ng striped ones para naman magmukha akong payat. As usual black and blue na combi, sayang yung green stripes kasi wala nang Large na size at yung Medium eh alanganin naman sa akin.

Mga 1pm, dumaan na ako sa shoe section nila para tumingin, ayoko manira ng ibang product pero yung Rusty Lopez na iyan, wag kayo bumili diyan.. hehe! kasi once na mabasa yung suwelas ng inyong sapatos eh karton lang pala at hindi leather talaga ang laman nito, kaya parang lupa na na-eerode hanggang sa maging manipis na siya at kagaya nung nangyari sa akin last week eh napasukan ng tubig at nabasa ang aking medyas, buti na lang at hindi kamo nangamoy ito kundi nakakahiya talaga sa office. Asar talaga ako that time, buti na lang at bigay lang iyon at hindi bili. Nag text ako sa friend ko kung anung magandang brand ng sapatos sabi niya yung tito niya Jarman ang gamit pero sobrang mahal naman nito (around Php2,500++) and yung budget ko talaga eh Php1,500-2,000 lang. Sabi niya Ok rin daw ang Swatch (dunno kung related ba siya sa watch ah pero iba ang icon eh, ship siya), yung mga 30% discounted shoes nila eh wala nang size 8-9 puro mga 7 na lang at masikip sa paa ko. Then tumingin ako sa 10% and sabi ng salesman eh marami pa daw stock yung sa area na iyon, kaya ayun kasya sa akin ang size 8, binili ko na rin at umalis na.

Sa loob ng ilang oras eh pagala-gala lang ako, kumain sandali sa foodcourt, gala ulit, daan sa Quantum. Uuwi na sana ako nang bandang 3pm kaso biglang bumuhos ang malakas na ulan, nagpatila lang ako sandali then by around 4pm eh naglakad na ako palabas, at naasar ako dahil baha pa at traffic at mainit pa rin kahit kakatapos pa ng ulan. Mga 5pm na ako nakauwi sa amin, pahinga lang.. kain.. nood TV then tulog na. Langya ka Raniel pag sa 3rd time wala ka pa rin, bahala ka sa buhay mo, sisirain ko yung kotse mo.. har har! Maganda rin pala na mag unwind ka nang kaunti, maglibot at nakakawala talaga ng stress pag nalilibang ka. Siguro next week baka mag mall ulit ako.

July 18 earthquake, Verum Est?

0 Reaction(s)
2008 predictions of Mr. Jucelino Nobrega Da Luz (misspelled:Juseeleno Nobrega Daroose)

- Will find the medicine for AIDS and Dengue
- 18th July, Philippine will get 8.1 earthquake, thousands people will die
- The Empire State Building New York will get terror attack in September.
- 13th of September, China will get 9.1 earthquake in Nanning and Hainan, at the same time will get 30 meters Tsunami, millions people will die, the tsunami may go to Japan Directly.

Ngayon natin malalaman kung totoo nga itong propesiya ng taong ito. Anytime and anywhere naman pwede magkaroon ng ganung kalakas o kahina na lindol. Mas mabuting handa tayo anumang oras. Keda mag panic sa isang prediction na wala namang basehan.

***

Update: Mukhang lumindol nga.. lumindol ang career ng bulaang propeta na ito dahil wala man lang nangyaring lindol sa loob ng araw na iyon. Nasa baba ang ebidensya kung saan eh wala man lang nangyaring lindol sa Pilipinas sa loob ng araw na iyon, ang datos na ito ay mula pa sa US Geological Survey at up to date or real-time ang earthquake list na ito..

Tospasa

0 Reaction(s)
Minsan talaga nakaka bwisit ang ulan na iyan, nakakasira ng get-up talaga, pero ayoko naman ng mainit. Mabuti na ito kesa pagpawisan ako nang todo. Pero kelangan ko na talaga palitan itong sapatos ko dahil napansin ko na manipis na siya at may kaunting tubig nang pumapasok sa paa ko. Hindi naman ako makabili dahil nga sa oras ng work ko at pagod pa ako sa biyahe, last Saturday sana kaso nga gabi na rin iyon, nung Sunday naman tinamad ako. Hmm.. kelangan bibilhin ko eh yung makapal ang swelas talaga at hindi lumulukot pag na torture na siya sa paglalakad. Ayoko na ulit magpatuyo ng medyas sa office.. nakakahiya, mabuti walang amoy ang paa kundi may comment na naman ako maririnig. Mukha namang mabuti na ang panahon ngayon at sana bukas eh hindi na muna umulan pag papasok na ako. Di bale nang mabasa pauwi wag lang papasok sa work.

Prospect

0 Reaction(s)
Met I**** at the MRT Southbound, wala lang. Sana mag-text or call siya within the day. Nakakainis at may kahawig siya kaya naiilang ako sa kanya. Gusto ko pa sana mag-usap kami nang matagal kaso busy siya right now and papunta siya sa Cavite. Siguro next time na lang. Ayoko mag expect pero sana siya na nga hinahanap ko. Weh!

Update: Sabi na eh, iyon ang una at huling kita ko sa kanya.. Nagmukha lang akong tanga.

Sentimyento

2 Reaction(s)
"Living in this kind of world seems to be very physical and sexual.. But everyone gets tired, love and relationship still matter... I know where my heart is :-)"

Ako nga napapagod na rin talaga, sa mga kamunduhan na iyan.. hehe! pero totoo mga sinabi niya, talagang tinamaan ako dun. Maski ako gusto ko na talaga magkaroon ng relationship na magtatagal talaga. Pagod na kasi ako kakahanap yung para sa akin, marami nang nasayang na panahon, nadudurog lang ang puso ko sa bawat pagkakamali na ginagawa ko sa aking buhay. Hindi ko pa talaga kilala ang sarili ko, kung ano ba talaga ang gusto ko at anung mga bagay ang makakapag-pasaya sa akin, nakakalungkot minsan habang napapatingin na naman ako sa mga magkasintahan na holding hands, hugs, kisses etc.

Naiinis ako sa sarili ko bakit sobra kung tanga pagdating sa ganitong bagay. Pero hanggang kailan ako maghihintay for the right person for me, baka magka-uban na ako wala pa rin. Isa pa eh wala akong masyadong kaibigan na nakakaalam ng aking totoong pagkatao. Lalo lang akong nahihirapan sa hindi ko pagsasabi sa iba ng aking mga nasasaloob. Baka mamaya sumabog na lang ito at hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko, pakiramdam ko unti-unting lumulubog ang aking sarili sa mga problema, depresyon. Kung sino ka man, sana dumating ka na sa buhay ko.. tulungan mong ibalik ang dati kong sigla at magkaroon ng kulay ulit ang aking mundo.

Teh Week that was

2 Reaction(s)
Friday. Dumaan muna ako sa Sm Fairview para tumingin na rin ng sapatos at damit. As usual naabutan ko na naman si Raniel sa may Quantum naglalaro ng Tekken, kulang na lang siguro gawaan siya ng characters dun sa kaadikan, wala ka hindi mo pinakita ang bagong car mo, asensado ka na talaga, kaya lang wrong timing kasi mahal ang gas ngayon, pa convert mo na lang iyan sa LPG haha. Bago umuwi eh nagkita rin kami ni Semaj sa may FCM, usap-usap lang -- hindi pa ako handa sa suggestion mo, wala pa akong lakas ng loob para gawin ang mga bagay na iyon. Inggit nga ako sa iyo at nasabi mo iyon, ako ewan ko kung kelan. Bahala na siguro. Kelangan ng matinding pag-iisip sa bagay na iyan.

Saturday. Tanghali na ako nakarating sa office for overtime work, paano ba naman kasi, inaantay ko ang tawag ng BPI nung umaga (7am) hanggang sa umabot na lang ng 8.30am eh wala pa akong natatanggap na tawag. Bahala nga sila, ayoko talaga nang pinapaantay ako sa wala, ang daming oras na nasayang nung araw na iyon. Kung ayaw nila approve ang application ko, bahala sila. May cellphone naman ako para mag-text or tumawag sila or even i can go personally sa main office nila (which is malapit lang sa workplace), na confirm na naman nila yung lanline ko, hindi pa ba sapat iyon. Asar sila!

Sunday. Dahil sa ulan, hindi man lang ako nakapag lakwatsa man lang kahit sadali, kaya basa lang sa haus, pagdating ng mga 10am eh nagpunta sa Net Cafe para mag update sa mga social networking sites, message boards and even sa job application ng kapatid ko.

Tipid mode

2 Reaction(s)
Sa mga nakalipas na mga araw eh grabeng pagtitipid ang naranasan ko na ultimo yung pamasahe ko eh kinakabahan ako kung sapat pa ba siya para makauwi ako. Sana hindi na mangyari ulit iyon sa akin, sobrang bait ko kasi na pati ang pang transpo ko eh nabibigay ko pa sa bahay. Grabe na talaga, mukhang alila na talaga ako sa amin at parang border na lang ang tingin nila sa akin. Hehe! Pero Ok lang iyon sa akin, alam ko namang krisis talaga at hindi pa nakakahanap ng work kapatid ko at nagsisimula pa lang si Papa sa new work niya, kaya tiyaga muna ng ilang buwan, ewan ko pero ako naman ang kawawa kasi yung mga kailangan ko sa sarili ko hindi ko naman mabili. Palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko, sana manalo na sila ng lotto para yung sahod ko eh sa akin lang, kahit hindi na ako humingi sa kanila.

Bad Trip na naman

0 Reaction(s)
1. Nag alarm nga ako nang maaga (4.45am) at sinabi ko kay Mama na gisingin pa rin ako dahil pag hindi ako nakabangon eh matutulog ako ulit. Mga 6.30am na ako nakaalis which is late na sa usual routine ko.

2. Ang tagal dumating ng jeep sa terminal mga 15 mins na ako nakasakay.

3. Dahil broke ako ngayon, naubus na ang store value ticket ko, napilitin akong makipila (na parang prusisyon sa Nazareno) sa may MRT kung saan siksikan at ang init-init pa, pagpasok sa loob, the usual sardinas sa sikip at halo-halong amoy.

4. Ayoko na talaga kumagat sa drama ng mga tao sa bahay na pagbibigay lang ng pera ang silbi ko sa kanila, na kapag ako naman ang humingi eh ako gagawa ng paraan, naasar talaga ako sa buhay kong ito.

Da Yusuwal

0 Reaction(s)
Hirap talaga pag walang pera kung kelan mahaba ang pahinga saka naman na walang laman ang bulsa at pitaka mo, kaya as usual tambay na naman sa bahay. Hindi naman ako makaalis kasi umuulan at nakakatamad at mas mabuting masarap na lang matulog pero ayaw ako dalawin ng antok. Kaya napag pasyahan ko na lang na basahin at tapusin na ang book na binili ko last week about Dracula's biography by Florescu and McNally. Marami akong natutunan talaga sa pagbabasa nun at talagang naiba ang pananaw ko at lalo pang lumalim ang pagkakakilanlan kay Vlad the Impaler na hindi kasing babaw nang nababasa lang natin sa mga local books. Kaya naman tuloy pa rin ang pangarap ko na makapunta sa Romania at sumama sa isang Dracula tours na isinasagawa sa bayan nila.

Nung nag Internet naman ako eh the usual din, updates lang ng blog, post sa forums, upload ng mga pics. Medyo nakakaantok talaga dahil walang magawa, hindi ko na alam kung paano papasayahin ang sarili ko talaga. Lahat ata ginawa ko na, kulang lang talaga ng adventures at spice ang aking buhay.

Tanghali Tots

2 Reaction(s)
Nakaka-miss rin minsan yung mga dating mung crush nung high school up to sa college. Kumusta na kaya sila? Iniisip kaya nila ako o wala lang.. Kung pwede lang ibalik ang panahon eh gagawa ako ng paraan para pansinin niya ako para matigil na ang "what-if" na umiikot sa isip ko. Hayz, ewan umaasa na naman ako sa wala. Alam ko namang happy na sila sa buhay nila ngayon at lalong lang hindi maganda pagpumasok pa ako sa buhay nila. Ang cute pa rin niya hanggang ngayon at andito siya sa aking cellphone, tuwing gabi pinagmamasdan ko siya at iniisip anu kaya ang buhay namin ngayon kung magkasama pa rin kami.

Nakaka-miss na ring maglaro ng online games, mga ilang taon na ring hindi ako nakakapaglaro dahil na rin sa financial reason, iba na kasi ang priority ko ngayon at medyo sa huli na ang paglalaro pero gusto ko sana kahit once in a while eh alam mo na bumalik ako sa dati kong nakahiligan na bisyo, kesa naman sa sigarilyo at drugs eh mas Ok na dito sa video games pero dapat lahat eh in moderation. Sana nga eh makabili na ako ng PC or even laptop para may libangan ako kahit sa offline games lang.

He Says

4 Reaction(s)
I miss my old self..
-me