Baguio Reloaded - Day2

0 Reaction(s)
Sa sobrang lamig ng panahon, tinanghali ng gising. Napakagandang tanawin ang bumungad sa akin. Bumaba na sa lugar namin ang hamog na parang ulap na gumagapang sa kalupaan. Mararamdaman ang tindi ng lamig mula rito na kelangan naka-jacket ka talaga kundi ika'y magkakasakit sa sobrang ginaw. Hmm. Itenerary. Gining kami ni Mami ng 5.30am pero sa kabagalan namin, mga pasado alas-7 na kami nakaalis.

kapal ng fog na bumabalot sa buong village

zero visibility, parang nasa Silent Hill lang ako

to the unknown..

Ginala sina Jay, Jayson at Christian sa pinakabayan ng Baguio. Kumain sa pamosong Good Taste resto. Kaunting tawanan at kwentuhan at pa-picture. Napuntahan rin ang Mine's View park, The Mansion, Wright Park, Burnham Park at Botanical garden. As usual mga cam whore kong mga tropa, hindi maawat. Siguro naka-200 na picture sila sa araw na iyon.

gutom na ang tropa, yay! garlic buttered chicken ulit!

meteor garden, Baguio edition!

istorbo yang malaking ulo na yan sa view ng Mansion!

pose sa Baguio Cathedral

pahinga sa Wright park, kanina pa kasing lakad nang lakad

sa Botanical Garden..

Kinagabihan, napagpasyahan nilang mag-inuman at yayain si Mike na friend ni Yanah, kaunting videoke. Sumaglit at umalis din siya. Ako naman sa sobrang kahapuan ay napagpasyahan nang mauna na at matulog. Hindi na ako nakisama sa kanila dahil hindi naman ako nainom. Pero naalimpungatan lang ako at nakikinig sa usapan nila. Hanggang sa natapos na sila at pareho na kaming lahat na nahiga at natulog ulit.

Baguio Reloaded - Day1

0 Reaction(s)
After ng team dance competition, nakahinga na rin ng maluwag at nag-ayos na ng gamit. Iniwan muna sa locker ang iuuwi ko para sa Lunes at dadalhin naman ang para sa pag-akyat sa Baguio. Medyo natagalan sa pag-alis sa office dahil iniisip ko pa kung paano pagkakasyahin ang mga gamit ko sa maliit na paper bag pati na ang sapatos.

Imbes na nakaalis na ako ng 5am, 30 minutes na ako nakaalis sa office at gahol na ako dahil may usapan pa kami ni Jay na magkikita sa MRT Cubao at hahabol na si Christian at Jayson. Hindi na ako nag-antay pa ng jeep at nag-bus na ako para mabilis. Alas-6 na ng umaga nang makasakay ako sa MRT sa Guadalupe, mula sa paglalakad at pagtakbo. Pagdating sa Cubao, nakita ko nalang si Jay na nakasimangot dahil isang oras na siyang nag-aantay sa akin.

Sobrang init ng panahon kahit umaga palang, pawisan na ako habang naglalakad sa kahabaan ng footbridge sa Aurora intersection. Hanggang sa makarating kami sa Victory Liner. Hingal at tagaktak ang pawis ko na parang tumakbo ng ilang lap. Halos sabay-sabay lang nakarating sina Marc, Christian at Jayson sa terminal. Nakakahiya talaga dahil parang basang-sisiw ako sa terminal. Pumili at nagbayad ng ticket, buti naman at nakahabol pa sa alas-7 na biyahe.

Pumuwesto na kami at nag-antay nalang ng pag-alis ng bus. Bandang 7.10am nang umalis sa terminal ang bus pa-norteng ruta. Bumili na kami ng makakain at inumin. Nakakatuwa tingnan ang mga first timers sa Baguio. Lalo na nang paakyat na ang sasakyan at namalas nila ang foggy environment sa Baguio. Gaya ng inaasahan halos ala-una na nang makarating kami. Napahiya pa nga ako nang dagliang bumaba dahil akala namin eh iyon na ang lugar na kikitain kami ni Yanah.

Kaunting kwentuhan at tawanan nang nagkita kami ni Mami. Ilang buwan rin mula nang bumaba siya para asikasuhin ang papeles niya papuntang Canada. Though pababa ang subdivision nila, parang nasa Forbes Park ka sa ganda ng mga bahay dito. Dahil nde kami pwede sa kanila eh dun kami sa transient haus na pinapaupahan nila kami lalagi ng mga ilang araw. Inayos agad namin ang mahihigaan hanggang sa nakatulog sa haba ng biyahe.

 parang Bahay ni Kuya lang sa Baguio

Team Marc pics - Tribute to MJ

0 Reaction(s)
team Marc with Boss Darwin

hats off

team dine-out after the team competition

Praktis kay Emdyey

2 Reaction(s)
Isang linggo na kaming nagpra-praktis para sa Michael Jackson tribute dance. Nangangapa sa simula pero sa pagdaan ng mga araw, nakakabisado na rin. Nawala pa nga kahapon ang jacket ko. Tinulungan pa ako ni Lei na hanapin siya at nag-email pa sa buong floor. Buti nalang at nabalik rin kanina at nakuha ni manong guard. Tenk Yu po. Mag-iisip pa kami ng mga showdown na gagawin. Paguusapan ang formation mamayang gabi pati na mga costumes, hindi ko na nga alam ano ang susuotin ko dahil masikip na ang pants ko tapos hahanap pa ako ng plain shirt. Sana ma-plantsa na siya mamayang gabi para sa Huwebes bago umakyat sa bundok paguwi makakaraos na kami dito. Bahala na kung magkalat ang importante ang presensya at nag participate.

Is this your name?

0 Reaction(s)
la magawa, went to this site, inputted my cybername Jinjiruks Ikari,

Top 5 Facts for this Name:

- 43% of the letters are vowels. Of one million first and last names we looked at, 19.5% have a higher vowel make-up. This means you are well envoweled.

- In ASCII binary it is... 01001010 01101001 01101110 01101010 01101001 01110010 01110101 01101011 01110011 00100000 01001001 01101011 01100001 01110010 01101001

- Backwards, it is Skurijnij Iraki... nice ring to it, huh?

- In Pig Latin, it is Injiruksjay Ikariway.

- People with this first name are probably: Male or female... We don't know yet. We're working on it!

3 Things You Didn't Know:

- Your personal power animal is the Arabian Ostrich

- Your 'Numerology' number is 7. It would mean that you are spiritual, eccentric, and a bit of a loner. Introspective and analytical, you think deeply and prefer seclusion.

He says

0 Reaction(s)
"But the best medicine I had was when you said "I love you" as I am lying down on that hospital bed.."
-Musing, Doc Mike's Secret Inhibitions

Jinji's Online Gaming Portfolio

0 Reaction(s)
Philippine Ragnarok Online. Ito pinakaunang online game na nilaro ko.  Hanggang ngayon nakatago pa rin sa bag ko ang mga old game prepaid cards lalo na ang LevelUp card before the actual Ragnarok designs. Nabuyo ako ni Rene na maglaro nitong game na ito habang nasa kolehiyo pa ako. Playstation era pa kaya nagdadalawang isip ako kung tutuloy ko ba ang PC gaming lalo na't heto after ng Beta play eh may charge na aside pa sa PC rental sa netcafe na pinaglalaruan namin. Gusto ko mag Wizard kasi dati palang iyon na gusto ko fast kill at less physical. Di naglaon, umabot na sa post-beta at may charge na, naka-ilang cards din ako nun, umabot lang ng lv.69 ang character ko, while may hunter pa ako sa ibang server. Marami akong memories sa game na ito dahil kinarir ko ito mula kolehiyo hanggang sa maka-graduate ako. Game Status: MMORPG/Active/Current-Episode XXI, Account: Purged/Inactive/Retired.

Gunbound. Kasabayan lang ng Ragnarok mga ilang months later ang game na ito. If your a Scorch Earth fan, makakarelate ka sa game na ito along with Worms sa Playstation. Typical terrain based strategy game wherein you'll gonna play as a tank obliterating the opponents on your path. Bigfoot Jr. ang palagi kong tank, imbes na direct hit eh binabaon ko ang kalaban immobilizing them hanggang sa hulugan nalang ng bomb hanggang sa ma-deds. Hehe! Parang immigrant ang account ko na palipat lipat, kinuha ng Mobius mula sa Softnyx then iniwan na naman nila. Hanggang sa hindi ko na na-update ang account ko at tuluyan na siyang nawala. Last rank ko, double silver hammer. Not bad eh! Game Status: Strategy/Local-Inactive, International-Season 2, Account: Unable to migrate the account/Purged.

Khan Online Philippines. Actually accident lang ang pagkakakilala ko sa game na ito. Habang nasa World Trade Center sa Pasay City kami for the launch of Ragnarok's Episode V: Juno, merong booth ang Khan online dun, so might as well try it. Hula ko nga mga GMs ang andun, sana kinilala ko muna sila. Sa simula hesitant ako dahil nga may character na ako sa Ragnarok at ayoko ng maraming gastos. Pero nabuyo parin ako na maglaro since they're boasting na this is the first 3-D MMORPG game sa local market. Memorable sa akin ito dahil marami akong nakilalang kaibigan dito, iba ang community niya compared sa Ragnarok, mas madalas na magdaldalan kami habang nagpapa-level at damakmak ang mga events (Lucky Rasp anyone?), inaabot na nga ako ng umaga sa magdamagang paglalaro nito kahit post-beta na siya. And again Sorcerer ang class ko dito, damage wise at in-demand din sa party. Me chance rin ako makapunta sa Gamer's EB nito sa Greenhills. Kagaya ng ibang game, pag natigil ang pagdedevelop ng patch nito sabay na rin ang pagbagsak nito. Nakaka-miss ang gaming community nito, lalo na sa KhanPowerBoards ang pagspam namin ni necron. Game Status: MMORPG/Local-Inactive/Thailand-Active. Account: Purged

Tantra Online. Though hindi ganun katagal ang gaming exprience ko sa Tantra. Gameplay/Graphics wise, masasabi kong may edge ito over Khan na competitor nung panahon na iyon. Malawak ang area nito compared sa Khan, well defined ang mga areas at class. Deva or the male sorcerer's class ulit ang napili ko. Magastos lang ang game na ito at kelangan mag grind ka talaga para makabili ng mga in-game items. Meron mga hack issues ito at nagpapamigay ng mga GM stuff kaya na rollback siya for a couple of days. Kaya mula nun nawala na rin ang drive ko sa game na ito. Promising sana siya at mahirap talaga siyang solohin compared pag may guild ka. Kaunti lang mga nakilala ko dito at nagkaroon pa ng issue ito nang mag-post ako sa boards nila about saying goodbye to Tantra and hello to Granado Espada na bagong game ng Hanbitsoft nun. Game Status: MMORPG/Active/Server Manas unavailable. Account: Retired/possible Purged.

Maple Story. Hindi ko siya nilalaro nang madalas. Usually pag bored lang talaga at gusto balikan. Ok ang game na ito. Cartoony nga lang siya. Ang kulit ng environment at buhay na buhay ang market nito (tambay ako sa Basil Market). Though walang local server siya, hindi naman siya laggy dahil maraming rooms siya at hindi napupuno ang ibang channel. Syempre Mage na naman ang player ko. Kukulit ng mga mini-quest niya. Hindi ko lang ma gets talaga ang circuit quest niya at nangangapa pa ako sa mga boss fights. Bagal magpa-level unless may group ka. Kahit delikado sa high leveled area hahanap ako ng spot para pa-level. Game Status: MMORPG/Active/Maple NorthAmerica. Account: Active/Semi-retired.

Cabal Online. After a couple of months sa pagsesemi-retire sa paglalaro. Nagbalik ako para maglaro ng Cabal Online. Si Rene ulit as usual ang nagbuyo na naman sa akin. Full 3D Environment ang promise niya. Maiba naman at Force Archer ang nilaro ko, kasawa na ang puro mage pero heto long range pa rin naman. Kagaya ng Ragnarok, kinarir ko ang game na ito up to the point na bored na naman ako dahil kagaya ng ibang Korean-based games, puro grind lang ang ginagawa at walang gaanong quest na nakakatulong or brought some zest sa game. First time kong bumili ng premium item dito gaya ng pet etc. Nakasama ko pa dito sa Aryeh, college classmate na dahil dito eh umabot sa pagkakasiraan namin hanggang sa unti-unting bumalik ang pagkakaibigan. Gulat nalang ako nang na delete ang account ko, wala akong sinisisi dahil pinamigay ko na naman ang account na ito sa guild. Hindi ko lang sure kung na-purged o intentional ang pagkakabura ng character ko. Sayang iyon at halos lv.120+ na rin. Game Status: MMORPG/Active/ Current-Secrets of Radiant Hall. Account: Purged/Deleted.

Pirate King Online. Sandali ko lang nilaro ito. Mga ilang buwan lang kasabay ng Gunbound. Sa simula akala ko maganda pero habang tumatagal. Nauumay ako dito. Explorer ang class ko, using Coral as Energy sa mga skills. Siguro sa impluwensya ng OnePiece kaya nagoyo ako maglaro nito. Hanggang lv.20+ lang ako nito at tinigilan ko na rin ang paglalaro. Singapore ang server niya, paminsan-minsan lag, pero Ok naman generally. Sa mga mahihilig sa mga chibi type na games recommended ito kagaya ng Rose Online. Hindi ko na ma-access ang account ko dahil hindi ko na alam ang PIN number niya. Huhu! Pero palagay ko i won't bother going back to this game na rin naman. Game Status: MMORPG/Active-Singapore based. Account: Unknown.

Angels Online. Si Angelo at ang supervisor ko dati ang nagyaya sa akin na maglaro ng Angels online, kagaya ng Rose at ng Pirate King Online, chibi rin ang game na ito. Ilang weeks ko lang siya nilaro then give-up na ako dahil kaunti lang kakilala ko, less interaction sa ibang players (International lang kasi that time at hindi localized). Though pasalamat ako kay Sir Floren sa pag build nang kaunti sa character ko pero eventually hindi ko talaga siya nagustuhan kaya itinigil ko na siya. Hindi ko na rin alam ang account info sa game na ito. Game Status: MMORPG/Active. Account: Unknown.

Final Fantasy Online. Wala talaga akong account dito. Part siya ng trabaho ko as a Powerleveller nung nasa GamePal pa ako (sigh, those were the Days). Unlike ngayon, medyo hindi pa ganun ka smooth ang graphics engine ng game na ito. Pati na rin ang movement eh parang less gravity mode. Hindi pabor na mag solo sa game na ito dahil once pagtuntong mo sa Level10 eh kelangan makisali ka na sa grupo. Dahil once na hindi mo kinaya ang mga kalaban eh susundan ka nito hanggang sa home city mo which is kinda odd na dapat eh restricted siya dun sa labas lang. Hindi ka titigilan hanggat hindi ka namamatay. Iyon ang panget sa game na ito that time. Hindi rin malinaw ang mga quest, magulo ang pinaka-inn area mo, auction system worse. Pero well defined ang quest at talagang may progress ka sa story mode niya. Played as a Dragoon sa Alexander server kahit papano na enjoy ko rin naman ang game na ito. Though super bagal talaga niya laruin literally. Game Status: MMORPG/Active/Current - Wings of the Goddess. Account: N/A

World of Warcraft. One of the best MMORPG in the world. Hindi ka mabo-bored sa game na ito. Hindi puro hack and slash thing gaya ng mga Korean games. US based siya gawa ng Blizzard. Aside sa maraming class na pagpipilian per race marami siyang quest at lugar na ma-eexplore. Over 12million players worldwide. 220+ US servers. San ka pa? Wala nga lang local server siya at kadalasan sa US nakiki-connect ang mga Pinoy (lalo na sa Bonechewer server kung san maraming Pinoy naglalaro), kagaya ng FF Online, part rin ito ng trabaho ko sa GamePal. Masyado lang siyang mahal at account ang binibili mo dito aside pa sa monthly subscription rates to maintain the site. Since wala pa ako ganun kadaming resources para maglaro sa live server, nag-resort na lang po ako sa private server at sa ngayon semi-retire mula nang magsara ang shop ng friend kong si Angelo. Tauren Druid ang character ko. Kinakarir ko talaga ang build nito, tumitingin pa ako sa mga builds ng ibang player kung anu ang maganda. Siguro pag tapos na ako sa aking mga obligasyon saka na ako makakapaglaro nito Live. Game Status: MMORPG/Active/Current-Wrath of the Lich King/Soon-Cataclysm. Account: N/A/Private Server only.

missin my Balat princess

0 Reaction(s)
Friday morning, nagkaroon ako ng pagkakataon na makadaupang palad ang mga ka-batch kong officemates. Na miss ko ang pang-umaga, lalo na ang biruan at tawanan during deadtime kagaya ng alas-dos ng hapon. Yung tipong game sa biruan ang bawat isa.

Isa na rito si Diane aka Balat. Wag nang tanungin kung bakit balat, hehe! Siya ang katambal ko sa kalakohan tuwing umaga hanggang sa paguwi namin. Lagi kasi kaming nali-link sa isa't-isa nung kapanahunan na iyon. Lagi kaming tinutukso. Mabuti nga at game rin itong si Diana at sinasakyan rin. Nagtitirahan kami sa tuksuhan lalo nat Balat at Panot ang tawagan namin. Wala lang sa kanya kung binu-bully na siya at pagsasabihan ng kung ano. Kaya naman ang saya-saya ng team lalo na't gagatungan pa ng ibang kasama namin.

Mabait si Diane at hindi pikunin. Madaling mapatawa at minsan gullible masyado. Kagaya ko nagiging maingay lang siya pag may katabi o may kausapan. Madalas kami pa ang pasimuno sa mga kalakohan, hanggang sa sumakit sa tiyan kakatawa ang mga kasama namin at pati na rin ako. Kapal muks din ito, pero laging positive, lagi niyang sinasabi na ubod siya ng ganda, model ang katawan at prinsesa at pantasya ng mga kalalakihan. Haha! Lagi niya sinasabi fling lang niya mga lalaki niya (pati na ang current boyfriend niya) at sinasabi katawan lang daw ang makukuha namin pero ang puso niya hindi. Hehe!

Na-miss ko talaga siya nang magkausap kami at magkabiruan nung Biyernes, parang nanariwa ang nakaraan at nabuhay ang mga masasayang sandali. Sa gabi kasi kadalasan tahimik ang palagid na parang sementeryo, manaka-naka lang ang tawanan. Kaya seryoso at focus mode ako. Hayz, mami-miss ko ang aking prinsesa. Hehe! Kita-kitz sa kasal.

teh Groomsman and the Bridesmaid

2 Reaction(s)

Water Power

3 Reaction(s)
Correct timing to drink water, will maximize its effectiveness on the Human body.

Two (02) glasses of water - After waking up - Helps activate internal organs
One (01) glas of water - 30 minutes before meal - Help digestion
One (01) glass of water - Before taking a bath - Helps lower blood pressure
One (01) glass of water - Before sleep - To avoid stroke or heart attack

Race Results

0 Reaction(s)
After ng ilang linggong boycott ko sa hindi paginom ng Milo (weh!), dahil sa pagmamaktol sa kanila kung bakit wala ang name namin sa results - finally nilabas na nila ang revised and final tally ng race results ng 34th Milo National Marathon (Metro Manila leg), 5k fun run. First race ko kasi ito kaya dapat memorable, ma-eedit ko na rin ang certificate of completion race details. Yay! Thanks Milo!



She Says

0 Reaction(s)
"I feel time like a heartbeat, the seconds pumping in my breast like a reckoning. The luminous mysteries that once seemed so distant and unreal, threatening clarity in the presence of a truth entertained not in youth, but only in it's passage. I feel these words as if their meaning were weight being lifted from me, knowing that you will read them and share my burden, as I have come to trust no other. That you should know my heart, look into it, finding there the memory and experience that belong to you, that are you, is a comfort to me now as I feel the tethers loose and the prospects darken for the continuance of a journey that began not so long ago, and which began again with a faith shakened and strengthened by your convictions, if not for which I might never have been so strong now. As I cross to face you and look at you incomplete, hoping that you will forgive me for not making the rest of the journey with you. "

"In med school I learned that cancer arrives in the body unannounced, a dark stranger who takes up residence, turning it's new home against itself. This is the evil of cancer, that is starts as an invader, but soon becomes one with the invaded, forcing you to destroy it, but only at the risk of destroying yourself. It is science's demon possession. My treatment, science has attempted exorcism. Mulder I hope that in these terms you might know it and know me, and accept this stranger that so many recognize but cannot ever completely cast out. And if the darkness should have swallowed me as you read this, you must never think there was the possibility of some secret intervention, something you might have done. And though we've traveled far together, this last distance must necessarily be traveled alone. "

"I have not written to you in the last 24 hours because the treatment has weakened my spirit as well as my body. Mulder, it's difficult to describe to you the fear of facing and enemy which I can neither conquer nor escape. Penny Northern has taken a downturn. I now look at her with a respect that can only come from one who is about to walk the same dark path. Seeing her I can't help but see myself in a month or a year. I pray that I have her courage to face this journey. Mulder, I feel you close though I know you are now pursuing your own path. For that I am grateful, more than I could ever express. I need to know you're out there if I am ever to see through this. "
-Dana Katherine Scully, Memento Mori, The X-Files Season 4 Episode 15

Milestones

4 Reaction(s)
11, 284, 135th (Alexa page rank)
93, 478 hits (as of July 18, 22.15 PST, Statcounter)
72, 223 visits (since June 12, 2006, Clustermap)
64, 750 unique visitors (Statcounter)
54, 915 visitors (annual average, Statcounter)
18, 200 links (Altavista)
15, 579 hits (annual average, Statcounter)
9, 164 backlinks (Yahoo)
4, 690 links (All the Web)
3,038 words (Website word count)
2,111 profile views (Blogger Profile)
1369th blogs post (Blogspot)
55 followers (Google Friend Connect)
50 sites linking (Alexa.com)
3rd rank (Google PageRank)
3rd blog (and current, Blogspot)
2nd blog (Tabulas, started at September 2005)
1st blog (Livejournal, November 2004)

Happy 4th Anniversary "Jinjiruks. blogspot.com" (since June, 2006), and 6 years as a blogger!

More blogging years to come!

07.18 Wallpost

0 Reaction(s)
Last Friday shift + 8 hours OT= double shift + red eyes + dizziness. I dunno kung masusundan pa ito.

Mark, hindi mo sinasabi nasa Singapore kana pala, hindi ka man lang nagpadespedida sa amin ni Zander, nangako ka na paguwi mo, dala mo na ang pasalubong at tsibog sa amin. Aantayin ko yan.

After mawala ng days, pinagalala mo kami Angelo ng iyong mga kaibigan lalo na ng mother mo. San ka ba nagpunta, kala ko RPG na naman ang nasa isip mo at nagsimula ka sa iyong tiny adventures. Hope to see you soon. Thanks nga pala sa mga tumulong sa pag desiminate ng information about his whereabouts.

I miss playing World of Warcraft, hayz. Kelan kya ako makakapag laro ulit nito. Kahit sa private lang, happy na ako. Pero syempre mas masaya kapag online na. Kaso la pang resources para sa PC, Connection at sa Game. Daming hadlang. Sana next year or hopefully later this year magawa ko na iyon. Cy and others, antayin nyo ako! Hehe!

Been thinking about moving out sa amin, kaso wala pa akong makakasama para may kahati ako sa pagbabayad ng upa at daily na gastos, hayz. Nag backout kasi ang isa kong officemate at hindi pinayagan ng ate niya. Yung isa naman, kinumbinse ko pa, up to 3 person ang pwede daw. Sana makahanap na ako ng housemates.

Nagiisip na rin about applying for another internal position sa company, its been months since i last applied and epic failed. Hehe! Kakapagod na rin kasi ang function at minsan nagsasawa na rin dahil ganun palagi ang ginagawa. Thankfully tine-train ako sa mga duties at task ng isang supervisor. Nahahasa ang skills ko at dumarami ang bala ko pag sasabak na ako sa war room. Hehe!

Kakaadik itong Heroes, malapit ko nang matapos ang Season 1 mamaya siguro pagkatapos kong mag-net. Akala ko hindi ko siya magugustuhan, but I was wrong. Akala ko kasi typical superhero thing na gaya ng smallville, iyon pala marami palang twist. Ayoko mabitin kaya hahanap na ako ng kasunod na season niya para makahabol ako sa story.

Ilang araw na lang, aakyat na ulit ako sa Baguio with my tropatext fwens. Kakatakot nga lang kasi, tag-ulan nga at yung landslide threat eh andun. Hayz, not financially sound kaya I dunno kung mag-push through ba ako pero kakayanin ko siguro. Daming gastos sa bahay kasi, meron pang mga utang na sa inako ko pa kaya naman hindi ako makapag-ipon talaga. Hirap ng ganito. Nag-iisip na ako na mag-abroad nalang siguro ako.

Iyon muna for the meantime. Another weekend na naman ang natapos, sana naging makabuluhan ang naging weekend mo rin!

The Last Time - Eric Benet

0 Reaction(s)
 

The Last Time
Eric Benet

The first time I fell in love was long ago.
I didn't know how to give my love at all.
The next time I settled for what felt so close.
But without romance, you're never gonna fall.

After everything I've learned;
Now it's finally my turn.
This is the last time I'll fall... in love.
The first time we walked under that starry sky,
there was a moment when everything was clear.

I didn't need to ask or even wonder why, because each question is answered when your near.
and I'm wise enough to know when a miracle unfolds, this is the last time i'll fall in love.
Now don't hold back, just let me know.
Could i be moving much too fast or way too slow.
'Cause all of my life, I've waited for this day.

To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
You'll never know what it's taken me to say these words.
And now that I've said them, they could never be enough.
As far as I can see, there's only you and only me.

This is the last time I'll fall in love.
Last time i'll fall in love.
The last time i'll fall... in love.

Usapang Ebs

0 Reaction(s)
Ebs na Multo - ang tipo ng ebs na pakiramdam mo lumabas na sa puwet mo pero pagtingin mo sa inidoro wala naman.

Ebs na malinis - ang tipo ng ebs na lumabas, nakita mo sa inidoro, pero wala sa tissue.

Basang Ebs - ang tipo ng ebs kung saan napunasan mo na ng 50 beses ang puwet mo pero pakiramdam mo meron pa rin. kaya ang ginagawa mo ay maglagay ng tissue sa pagitan ng puwet mo para di matagusan ang pantalon mo.

Ebs the second time around - tapos ka nang umebs, nasuot mo na ang panty o brief mo tapos mararamdaman mong there's more to come...

Ebs na pamputok ng litid - ebs na kulang na lang ay mapatid a ng litidmo sa kakairi.

Ebs na ala Sharon Cuneta - sa dami ng ebs mo, mangangayayat kang talaga.

Ebs ala Antonio Sabato - ebs na sobrang laki at haba na nakatatakot na i-flush dahil baka maputol.

Ebs na maingay - ang ebs na napakaingay ng pagbulusok sa inidoro na lahat ng nakakarinig ay natatawa.

Ebs na ala Mais - lam mo na to eh. don't tell me di ka pa umebs ngganito.

Mahanging Ebs - ang tipo kung saan gusto mo umebs pero puro utot lang ang lumalabas.

Ebs na Ectopic - ebs na ang hirap ilabas, feeling mo pahalang siya kung lumabas.

Basa ang pisngi mo ebs - ang tipo ng ebs na sa sobrang bilis lumabas eh tumalsik ang tubig sa pisngi ng puwet mo.

Aristokratang ebs - taong feeling niya ay walang amoy ang ebs niya.

Ebs na ayaw mawala - ang ebs na nakakailang flush ka na pero meron at meron pa rin maliit na bilog na ebs na lumulutang.

Wrong timing ebs - tipo ng ebs na di na panira ng timing. halimbawa, nasa party ka, o may outing, o kaya ay presentation o exam tapos bigla ka na lang matatae. actually, uutot ka pero sumasama na siya, kaya kung maglakad ka para kang tanga.

Won't Let Go Ebs - ang ebs na matindi ang kapit at ayaw malaglag kahit umiri ka na nang umiri at igalaw-galaw mo pa ang puwet mo.

Taguang Pong ebs - ebs na lalabas, papasok, lalabas, papasok uli, lalabas...

Ebs de Kambing - ebs na maliliit na bilog na walang tigil sa kakalabas. Titigil ka na lang sa kakaebs kasi bored ka na at ang tagal mo nang nakaupo sa inidoro.

Basyang Aftermath

2 Reaction(s)
Satellite Picture at 10 p.m., 14 July 2010

PAGASA Track as of 8 p.m., 14 July 2010



Severe Weather Bulletin Number TWELVE

Tropical Cyclone Alert: Tropical Storm "BASYANG" (CONSON)
Issued at 11:00 p.m., Wednesday, 14 July 2010


Tropical Storm "BASYANG" continues to move away from the country.
Location of Center: (as of 10:00 p.m.) 290 kms West of Dagupan City
Gustiness of up to 100 kph / Movement: Northwest at 19 kph
Forecast Positions/Outlook: Thursday evening:
610 kms West Northwest of Laoag City
All Public Storm Warning Signals now lowered.
courtesy: PAG-ASA

5.15am nang umuwi ako mula sa work. Buong magdamag, sobrang lakas ng hangin at tuluyan nang nabalot nang kadiliman ang Metro Manila bandang ika-11 ng gabi noong Martes. Ang wooden platform na naiwan sa tabi ng pader ng building ay walang tigil sa paghampas sa hagupit ng bagyo. Nag-shift sa generator ang source ng electricity ng building habang kami ay tuloy pa rin sa trabaho.

Buti nalang at hangin lang ang malakas at manaka-nakang pag-ambon lang ang aking naabutan. Unang tumambad sa aking mga mata ang makalat na paligid na parang dinaanan ng isang buhawi. Nagkalat ang dahon, tangkay o sanga ng puno, maski ang mga mabibigat na bagay gaya ng paso ay nabasag din.

Suspendido ang klase ng mga mag-aaral sa lahat ng antas at pinayuhang lumagi sa bahay ang mga wala namang importanteng gagawin sa araw na iyon. Madali naman akong nakasakay ng bus at umupo agad sa bandang bintana nito. Namalas ko ang pinsalang natamo ng parte ng EDSA - natanggal hanggang sa ugat ang ibang halaman na tinanim ng MMDA, ang tarpaulin ng mga naglalakihang billboard at ang gutter lenght na lalim ng tubig-baha sa kalsada.

Mapalad ang mga nakatira bandang Commonwealth/Sandiganbayan dahil hindi sila nawalan ng kuryente. Pagkauwi naman sa amin, inaasahan ko nang walang kuryente sa amin at sana meron na habang sinusulat ko ito. Mabuti nalang at humupa na ang lupit ng El Nino at bahagya nalang ang nararamdamang init ng panahon, sa tulong na rin siguro ng sama ng panahon.

Hindi rin ako nakatulog nang matagal dahil naalimpungatan ako bandang tanghali at mula noon ay hindi na ako nakatulog. Nagpalipas nalang ng oras sa pakikipag-usap sa mga kasama sa bahay at inaalagaan ang pusang may-sakit. Mahirap talaga pag nasanay na may kuryente parang nakakainip nang walang ginagawa. Nag-text sa mga kakilala kung may kuryente na sa kanila, sa Cubao daw bandang 3 ng hapon ay bumalik na raw at ang MRT Operation ay hanggang Shaw palang. Buti nalang at naging fully operational siya pagsakay ko nitong hapon. Malaking perwisyo talaga ang dulot ng mga bagyo na dumarating sa ating bansa. Wala naman tayong magagawa kundi maging matatag at laging handa sa anumang sakuna na dumating.

Team Dayn Awt

0 Reaction(s)
pang limang serving..

mga gutom na..

8.30pm Nagsimula nang tsumibog ang team. Halos 3-6 na chicks ang naubos namin sa loob ng ilang oras na ginugol namin. Sabayan ng kwentuhan, tawanan at iba pang bonding na ginawa ng team. Me pagkakataong na-highblood (epekto ng chicks), pinagsabihan ang waiter dahil sa tagal ng order (biro lang naman ang iba). Sana hindi nila seryosohin kami. Hehe!

10.00pm Busog ang lahat sa kinain at bottomless na drinks. Matapos ang pa-picture, napagpasyahan nang umalis at magsasara na ang mall. Sumaglit rin ako sa supply station para bumili ng card.

10.15pm Lakad-lakad para pawisan at mabawasan ang calories na naipon habang kumakain. Dumaan sa Glorietta at nag dessert sa Conti's. Picture ulit. Kaunting announcement si Marc. Then tawanan at usapan ulit.

11.15pm Bumalik na rin sa office at resume ng work.Sobrang busog talaga. Buti at hindi nakatulog kahit malamig. Habang monitor pa rin ang lagay ng panahon lalo na't may sama ng panahon.

Worst MRT Ride

0 Reaction(s)
3pm Nagising sa ingay ng jackhammer sa labas ng aming bahay. Natawa nga ako dahil parang personal alarm ko pa iyon dahil tiyempo namang ganitong oras ako dapat gumising.

4pm Naghanda na ako at nagbihis dahil kailangan at 6pm nasa SM Makati na ako para sa Chicken All-u-Can promo ng Max's.

5pm Makulimlim ang kalangitan, bunga ng papalapit na bagyo na kasalukuyang tinatahak ang direksyong pa-Norte. May Storm Warning na ang Metro Manila. Nagsimula nang lumakas ang ulan nang bandang nasa Commonwealth Avenue.

5.45pm Nakarating sa MRT-Quezon Avenue. Naka-ilang skipping train, mukhang nagbabadya nang nakaimbang perwisyo sa mga pasahero.

6.00pm Usad-pagong ang andar ng MRT. Bawat station huminto. Naka-red signal daw dahil may defective train bandang Guadalupe samahan pa ng malakas na hangin.

6.15pm Stranded sa MRT-Cubao. Ilang minutong tumigil. Naiinip na ang mga tao. Mainit na ang ulo ng karamihan. Ang iba naman naiinis dahil late na sa meeting o sa oras ng pagpasok. Ako naman sakit na ng paa ko at pupulikatin ata ako sa mahabang minuto na nakatayo lang ako. Aware pa ako sa likod ko dahil baka mandurukot siya dahil ang likot likot niya.

6.30pm Stranded ulit sa MRT-Buendia, isang station na lang sabi ko sa sarili ko. Nakakainis dahil nahinto na naman. Kaya pagpasok sa MRT puro pag-text nalang ang aking inatupag para maaliw ang sarili.

6.45pm Nakarating sa MRT-Ayala. Grabe ang dami ng taong nag-aantay sa platform area, bawat station naka stop entry na. Maski mga nagaabang sa ticket area jampak rin. Napa-iling nalang ako sa nangyayari ngayon. Anung oras pa kaya makakauwi ang mga pasaherong ito, traffic naman pag nag-bus sila.

6.55pm Nakarating sa meeting place ng Team, dinaan sa kain lahat ng sama ng loob sa experience sa pagsakay ngayon sa MRT. Naka-ilang piraso rin ng chicken at bottomless Pepsi. Alam ko hindi pa ito ang huli sa mga hindi magandang pangyayaring mararanasan sa MRT lalo na't panahon na ng bagyo.

Antukin

0 Reaction(s)
Buong linggo walang ginawa kundi matulog lang. Nung Saturday evening, nakatulog at hindi nakapagtext kay Pooch pati na rin sa iba. Paggising ko naman hatinggabi na at tulog na ang lahat. Nagpaantok lang hanggang 3am. Nakatulog na naman at hindi nakapag-text sa iba. Nagising na naman nang Matanglawin na. Nakatulog ulit at nagising na naman ng bandang hapon. Hindi man lang nakapag-mall dahil walang budget. Nakakatamad ang ganito na walang ginagawa. Gusto mo umalis pero kailangan magtipid.

Can't Cry Hard Enough - Bellefire

2 Reaction(s)


dedicated to you my friend, literally..

Klatch

0 Reaction(s)
Ilang araw na ang lumilipas, apektado pa rin ako at malungkot sa nangyari kay Dan. Unang beses ko palang kasi ito mawalan ng isang kaibigan. Ganito pala ang pakiramdam, naiintindihan ko na ang pinagdaraanan ng ibang tao at maging sa mga napapanood ko sa mga pelikula. Dagdagan mo pa ng guilt ko na kung bakit ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa kanya. Na hindi man lang ako nakadalaw sa hospital hanggang sa wake at cremation niya. So much to tell yet so little time. Kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari sana we could spend more time with him at kahit papano napasaya siya sa pag-stay niya rito kasama kami.

Naiisip ko siya sa tuwing napapatingin ako sa kalangitan tuwing umaga pag nakasakay ako sa bus pauwi na mula sa trabaho. Kinukumusta siya kung Ok lang ba siya dyan at kung gaano siya kasaya siya ngayon sa taas. Na sana bantayan niya kami palagi at wag kalilimutan kasi ganun din kami sa kanya. Kahit sa maiksing panahon na pagkakakilanlan natin marami akong natutunan sa iyo at humahanga sa iyong sakripisyo at pagmamahal sa pamilya mo, na handa mong ipagpalit ang sarili mong kaligayahan para lang guminhawa at mapasaya ang pamilya't kaibigan mo. Saludo ako sa iyo Dan. Mawala ka man dito sa lupa pero ang iniwan mong alaala ay mananatili sa puso't isipan namin.

He says

2 Reaction(s)
"Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan."
-Parekoy, Dan's MoronMe

"Di ba ang sabi mo, hindi naman mahalaga kung anong makikitang repleksyon. Dahil ang mga salamin ay dekorasyon lamang. Ang imahen na ipinapakita nito ay bahagi lamang ng iyong sarili...hindi ang iyong kabuuan..hindi ang iyong pagkatao. Pero bakit ngayon, muli kang nagpapaalipin at nabubulag sa iyong nakikita? Hanggat patuloy kang matatakot at maduduwag sa iyong imahen, hanggat patuloy kang magpapaalipin sa iyong sariling salamin... Hindi kakikitaan ng ngiti ang iyong mapupulang labi.. Kaya habang may panahon pa, basagin mo na ang sarili mong salamin. Dahil baka masugatan ka pa kapag ito ay winasak ng iba habang ikaw ay nanalamin. "
-Salamin, Dan's MoronMe

Ang daya mo!

2 Reaction(s)
"Pero ang daya mo. Hindi ka man lang nagsabi. Wala ka man lang pinagkatiwalaan."

Ang hilig mo manggulat. Gusto kitang intindihin. Ang dahilan ng pananahimik mo pero nahihirapan ako. Siguro, hindi ka naman sasagot kung tatanungin kita. Ipipilit mo na hindi ka maiintindihan dahil magkaiba tayo ng daan na nilalakbay. Pero sana binigyan mo kami ng pagkakataon na pakinggan ka. Narito kaming lahat. Hinahanap ka ng mga pamangkin mo. Buo na naman ang angkan.

"Wala na siya"


-----------------------------------
Namatay si insan sa edad na 26 sa sakit na Leukemia. Biglaan ang pangyayari dahil walang nakakaalam ng kanyang karamdaman. Saan man siya ngayon, nawa'y maging mapayapa ang kanyang paglalakbay. Nakakalungkot isipin na nagkakaroon lang ng malaking pagtitipon sa panahon na may aalis. Paalam, Insan!"
-Maligayang Paglalakbay, Dan's MoronMe


Dan,

Parang inulit mo lang ang ginawa mo sa pinsan mo. Pero this time ako naman ang sasambit ng mga salitang ibinigkas mo noong panahon sinusulat mo ito. Ang daya mo.

In Memoriam.. Dan Erick Acuna

10 Reaction(s)

Dan,

Ang daya-daya mo, hindi mo sinasabi sa akin na may-sakit ka na pala at matagal mo nang tinatago sa amin ni Elias. Nung huli tayong nagkita, malakas ka pa nun at masigla, walang bahid nang kung anung sakit.

Huli ko na nang malaman na iniwanan mo kami noong nakaraang buwan. Hindi ka man lang nagparamdam sa akin o nakausap. Pag hindi pa ako nakapag-browse ngayon sa Facebook hindi ko pa malalaman kung anu ang nangyari sa iyo. Ang daya mo, hindi ka nagsasabi.

Naalala ko pa ang unang pagkikita natin with Elias sa AkoMismo DogTag day, ang init-init nung pero sinuong natin para lang makakuha ng DogTag na yan. Then sumunod nga itong sa Riverbanks with Elias pa rin. Plano pa nga nating pumunta sa Sagada at nakahanda na ang plano natin. Kaso sa hindi inaasahanng pangyayari ay ako lang ang natuloy at hindi kayo nakasama.

Mula noon naging madalang na ang komunikasyon natin. At huling txt mo pa nga at hindi kayo makakasama dahil nga na-short kayo ni Piglet at ganun din ang dahilan ni Elias. Nag-text ka sa akin na may-sakit ka at nagpapagaling, iyon pala ay malala na at nasa hospital ka.

Wala akong kamuang-muang na ganun na pala ka-grabe ang sakit mo. Hindi man  lang kita nabisita. Tanga-tanga ko, hindi man lang ako nakasama kahit sa mga huling araw mo. Maski sa wake at burial mo, hindi rin ako nakasama. Nalulungkot ako ngayon sa nalaman ko. Hayz, ayoko nang ganitong pakiramdam. Unang beses ko palang mawawalan ng isang kaibigan. Masakit pala lalo na't hindi man lang tayo nagkausap.

Kung saan ka man naroroon alam kong masaya ka ngayon sa kinalalagyan mo sa langit kasama ng mga angel. You will always be remembered na tahimik pero masayahing tao. You will always be in my heart. Salamat sa pagakakaibigan though hindi ganun katagal. Marami pa sana akong gustong sabihin at pagusapan natin. Pero makakapag-antay naman iyon, wait for us there. Salamat sa lahat. Salamat sa pagkakaibigan.

Mashi Kowt

0 Reaction(s)
Ryan: Mela alam mo bang ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Mela: Thank you
Ryan: Wala na siguro akong mamahaling iba gaya ng pagmamahal ko sa iyo, And all my life I will regret the day that I lost you
Mela: Ryan
Ryan: Shhh, I will not force you naman eh.. maghihintay ako para sa iyo..Baka dumating yung isang araw, pag-gising mo, baka sakaling muli pang tumibok yan para sakin..
-Dahil mahal na mahal kita (1998)

teh Tweining [again..]

0 Reaction(s)
Grabe tinatamad na naman ako pumasok at masakit ang katawan ko, ngayon palang nararamdaman ang epekto ng marathon last Sunday. Pero syempre trabaho ito at kelangan maghanap-buhay. Waited for the race results nung umaga pero wala pa rin.

Continuation ng product training, after systems checkup. Ok naman at smooth mula introduction hanggang sa processing of accounts ng mga new hires. Medyo nakakaantok nga lang dahil ang tahimik. Tomorrow morning side by side naman sila sa mga tenured para makita nila ang actual process.\

For the meantime, nag generate muna ng reports at team stats, then nag browse na for race results updates. na upload na ang results for 10k, 21k and 42k, hmm. Kelan naman kaya for 5k kung saan kami kasali. Nagbasa lang ng ibang running program para next time handa na kami.

Grabe, sobra ang antok ko habang biyahe pauwi, I dunno why. Sapat naman ang sleep ko. Siguro kelangan pang bumawi ng katawan. Pagkauwi sa bahay nakatulog agad at tanghali na nagising.

Teh 34th Milo National Marathon [kaya mo yan..]

0 Reaction(s)
As early as 3am, naghanda na kami para sa big event. Hindi ako nakatulog sa excitement siguro. Kumain saglit bago naglakad papuntang Quirino Grandstand suot ang aming marathon outfit. Medyo nakakailang kasi pinagtitinginan kami ng mga tao pero Ok lang. At 4am nakarating na rin kami sa Km.Zero. Marami rami na rin ang andun since 4am pa nagsimula ang 42k run followed by 21k by 5am then it's our turn at first beam of light at 6am.

Patuloy na dumadami ang mga participants habang naguumaga. Merong matatanda, bata, mag syota, barkada, pamilya.. All under one cause, to give a pair of shoes for the children and at the same time promotes camaraderie and bonding with your friends and loved ones. Tama lang ang tema this year.. "Kaya mo yan!", na nagpapa-motivate sa amin na tumakbo.

Then at the gunsignal from Mayor Lim, nagsimula na kaming tumakbo, sa simula palakad-lakad lang then finally nung nagkaroon ng space saka kami nagsimula mag-jogging and eventually tumakbo na talaga just like the other guys. Kakatuwa na nakakasabay mo ang maraming tao sa ganitong event, it's actually our first time kaya please bear with us kung hindi kami masyado nakaka-catchup sa leader of the pack. Wala kasing practice kaya sa simula palang ayun hingal na hingal.

Merong mga water stations and even Gatorade kaya sinamantalaga namin iyon. Patigil-tigil minsan para antayin ang mga kasama. Sana nga lang makahabol kami sa 1hr quota designated for the 5k fun run. Ok naman ang pagbabantay ng mga marshalls, iyon nga lang marami pa rin ang nandadaya sa karera at sumasampa sa kabilang lane. Sana next time hindi ganito. Pag U-turn namin, kumuha ulit ng drinking water kinuha ang race ribbon.

Nakasabay pa namin ang AirForce runner kaya may running chant sila para hindi mapagod ang ibang runner, sumabay kami sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas, malapit na kami sa Finish line sa Quirino Grandstand, grabe ang hingal na namin. Hindi kasi sanay tumakbo nang ganito kalayo. Kahit ako na every weekend nag jogging sa school oval namin eh malapit nang sumuko and trying hard to catch our breath. Then ilang meters na lang at finish line na, so inubos ko na lahat at tinodo ko na sa huling run to the finish line. We managed to stay beyond the designated cut-off at nakarating nang sabay-sabay around 52 minutes with seconds interval for the four of us.

We grab our certificates, binigay ang race barcode na nasa bib sa organizers na nag-aantay sa finish line and nagpahinga na along with other runners. Grabeng pagod pero masaya. Hindi na muna namin dinala ang phone/digicam dahil as expected, nagkaroon nga ng aberya sa baggage counter bout nawawalang mga gamit at yung iba ay inapak-apakan lang, though me pinatago kami pero it's just the race kit sa envelope. After a couple of minutes pa-picture mode na kami sa loob ng runner's area sa Grandstand. Umuwi bago mag 10am, sakit ng hita at paa. Pero Ok lang, kaya pa naman.

After mag refresh sa haus nina XT, we decided na mag-lunch muna at Karate Kid sa Robinsons Manila, nakita pa namin sina Jayson dun kasama si Rubi. We parted ways pagkatapos kumain. Si XT eh magpapahinga nasa kanila tutal nilalakad lang niya ito. Sabay pa kaming nag-LRT na tatlo, humiwalay na si Jay pagbaba ng LRT-EDSA. Kami ni MP sabay sa MRT, bumama siya sa Boni then ako naman sa Quezon Avenue. Tanghali na nang umuwi ako sa amin. Ka-text ko ung isang friend ko and sinabi nga niya na nakita nga sila sa TV ang marathon maski sa bahay, naabutan ko pa ang balita.

Ayaw pa nilang maniwala sa bahay na sumali ako sa marathon kaya naman inuwi ko ang race bib at singlet ko kaya napa-oo nalang sila. After mga ilang minuto, nakatulog na rin ako at gabi na nagising ulit. Thanks Milo for the experience. Makakaasa kang andun ako sa 35th edition niyo and this time handa na kami and we might even try the 10k challenge.

the 5k route map

posing with our race certificates

napagod sa pagtakbo

sana nga lang may laman ito

with the running shoes mascots

sa Kilometer Zero at the start area

seryoso ah, asan na ang soccer ball

jay, xt, jin and mp, job well done!

Bisita kina XT

0 Reaction(s)
After work (Saturday morning), dali-daling umuwi sa amin. Pahinga lang nang kaunti then bago mag tanghali, umalis na ng haus para kitain si Jay, MP at Kuya Leon sa G4. Naunang dumating si Jay then MP. Nag-text si kuya Leon na sa harapan ng Glorietta na kami kitain. Dumaan muna ako sa foodcourt kung saan kikitain ko sina Jay at MP. Then meet si Kuya Leon bandang Ascott.

Sakay ng chedeng ni kuya, tinahak ang Robinsons Ermita. Makulimlim pero buti nalang at hindi natuloy. Inantay si XT sa mall. Tingin sandali ng phones and desktop PCs. Kumain sa Shakeys, though lagi akong dumadaan sa ganitong fastfood, first time kong kumain dito. Daming applicant sa labas. After kumain, paalam na si Kuya Leon dahil meron pa siyang aasikasuhin. Bait talaga ni Kuya Leon.

Bago umalis sa Rob Ermita, tumigin muna ng Lenovo desktop PCs para may idea ako kung ano ang pag-iipunan ko. Naglakad nalang papuntang Baywalk. Hindi na ako nagulat sa dami ng basura pero nagulat ako at nagkaroon ng buhangin sa area na puro bato lang dati. Biglang napag-isip habang tinititigan ang alon ng dagat. Dumaan sa US Embassy na ang laki-laki na ng sakop niya.

Hanggang sa makarating sa pagdarausan ng Milo Marathon kinabukasan. Kaunting pa-picture at dalaw sa runner's area. Excited na kami para bukas. Kumain saglit sa Mang Inasal para hindi na kina XT kumain. Dumating kina XT bandang 9pm. Ok din ang room niya, daming koleksyon. After ilatag ang mga gamit, nag-net kaunti sa kanyang laptop. Then naligo bago humiga, pahinga at matuloy. Tomorrow will be a big day for us. First time namin sumali sa ganitong marathon kaya excited. Hanggangs sa muli!

Tweining

0 Reaction(s)
Whole shift training with the new hires sa function namin. Hindi nga lang na-cover ang mga system na kailangan sa function kaya todo hataw na naman sa pag introduce sa mga system sa Lunes.

[F]ringe season [two]

0 Reaction(s)

-opening theme


-teaser trailer