8/14 Pers Deyt

5 Reaction(s)
Friday afternoon. Meet kami ng hubby ko sa MOA. Buti na lang at hindi ako na-late sa usapan namin at kararating ko lang. Naiyak naman ako habang sakay sa bus habang nasa biyahe kasi pinapanood ang Black Hawk Down na naman, naaawa lang ako sa mga soldiers na nagbuwis ng buhay para lang sa peace and order. Around 4pm na ako nakarating sa MOA. Nagkita kami ni hubby sa may McDo. Kumain lang saglit sa Chow. Cute ni hubby that time, wearing eyeglass pa. Kinikilig na ako sa mga ganung looks. Hehe! Can't helped na pisilin ang cheeks niya. Sabay kiss pag walang tumitingin. Naglakad-lakad sandali. Then napagusapan na watch na muna ng movie bago pa dumami ang tao pag gumabi na. Hubby sorry na at hindi Harry Potter pinanood natin, sa IMax lang kasi at ang mahal, not worth the money. Kaya pinanood lang namin G.I. Joe, actually purop mixed reviews narinig ko. Sabi ng iba Ok daw while others hindi kuntento.

Around 6pm pa ang movie, kainis kasi sureseats siya and 1-time viewing lang, kung alam lang namin na ganito policy lumipat nalang kami ng mall ni hubby. Bili lang sandali ng popcorn and drinks. Nag-antay sa may couch sa labas. Nang makapasok at wala pang tao. Siyempre kiss agad ako sa hubby ko. Hehe! Minamanyak ko na siya literally. Hanggang sa unti-unti na ngang dumami ang mga moviegoers. Ok naman ang movie, naastigan ako sa car-chase part. Ganda ng action, talagang adrenaline rush pag ikaw mismo ang andun sa movie. After the movie, stroll lang sandali sa mall. Then we decided na dumaan na kina Micko para sa toma session nila ni hubby. Nag-taxi na kami para maabutan sana sina Ian/Jatjat kaso nasa biyahe na daw sila at nung hapon pa dumating. Mga 10pm na nakarating kina Micko, kasama niya sina Dicko, alvin, Kuletz at si Ivantot. Medyo naiilang lang ako at shock kasi hindi talaga ako sanay at hindi nagpupunta sa ganitong inuman.

Hindi naman kasi ako umiinom at sinamahan ko lang si hubby para makilala ko yung iba. Kumain lang sandali sa pares kasi sarado na ang Mcdo/Jolly sa area nila Micko. Grabe ang init ng panahon. Usap lang kami ni hubby sa buhay-buhay, hanggang sa bumalik na kami kina Micko. Ayun usap-usap lang din at maraming tanong mga tao sa amin. Late nang dumating si yell at humabol pa sa amin. Hindi ko na pina-inom ng masyado si hubby kasi nga ayoko malasing siya masyado. Umabot ng 5am sila, pinapasok ko na si hubby sa loob ng haus para rest mode kami saglit. Grabe ang lagkit-lagkit ng pakiramdam ko. Pawis nga si hubby kaya pinunasan ko na rin siya pati sa likod. Mga 7am umalis na kami kina Micko - sumakay na ako ng bus and bid goodbye kay hubby. Medyo nakatulog nga at hindi ko namalayan na dun na pala ako sa Litex, buti at ginising ako ng konduktor.

Happy ako sa pers deyt namin ni hubby, though may kaunting shock pa pero dagdag experience na naman sa akin ito. That night, kahit papano nagkausap kami bout sa life namin and lalo pang tumibay ang bonding namin. Super bait niya sa akin kaya tinutumbasan ko rin. I'm praying na mas lalo pang maging strong ang relationship namin. Hubby mahal na mahal kita. Thanks for being there for me.

Christian ways to Reduce Stress

2 Reaction(s)
An Angel says, "Never borrow from the future. If you worry about what may happen tomorrow and it doesn't happen, you have worried in vain. Even if it does happen, you have to worry twice."

1. Pray

2. Go to bed on time.

3. Get up on time so you can start the day unrushed.

4. Say No to projects that won't fit into your time schedule, or that will compromise your mental health.

5. Delegate tasks to capable others.

6. Simplify and unclutter your life.

7. Less is more. (Although one is often not enough, two are often too many.)

8. Allow extra time to do things and to get to places.

9. Pace yourself. Spread out big changes and difficult projects over time; don't lump the hard things all together.

10. Take one day at a time.

11. Separate worries from concerns . If a situation is a concern, find out what God would have you do and let go of the anxiety. If you can't do anything about a situation, forget it.

12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary purchases.

13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key buried in the garden, extra stamps, etc.

14. K.M.S. (Keep Mouth Shut). This single piece of advice can prevent an enormous amount of trouble.

15. Do something for the Kid in You everyday.

16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.

17. Get enough rest.

18. Eat right.

19. Get organized so everything has its place.

20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality of life.

21. Write down thoughts and inspirations.

22. Every day, find time to be alone.

23. Having problems? Talk to God on the spot. Try to nip small problems in the bud. Don't wait until it's time to go to bed to try and pray.

24. Make friends with Godly people.

25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.

26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is often a good "Thank you Jesus."

27. Laugh.

28. Laugh some more!

29. Take your work seriously, but not yourself at all.

30. Develop a forgiving attitude (most people are doing the best they can).

31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).

32. Sit on your ego.

33. Talk less; listen more.

34. Slow down.

35. Remind yourself that you are not the general manager of the universe.

36 . Every night before bed, think of one thing you're grateful for that you've never been grateful for before.

8/13 Coffee Amour

5 Reaction(s)
Umaambon kanina nang makarating ako sa MRT-Shaw to meet Ar. Masyado kami excited na makita isa't-isa kaya eto nagkita na naman kami. Breakfast lang daw kami, hanggang sa makarating kami sa Metropoint sa likod ng Ortigas Center.

Went to Starbucks, then umakyat na sa 2nd floor. Ayos sabi ko sa sarili ko, wala pang tao. Rest lang kaunti. Ate our breakfast. A little bit of kisses and hugs. Then kwento na anything under the sun especially Greek myths kung saan dun kami nagkakilala dahil kay Bellerophon. Kwento lang about life, our family, mga kasama namin sa f193.

Hanggang sa dumami na ang mga peeps. We decided to left the area at 9am. Ayoko kasi mapuyat si Ar pati na rin ako pero bigla kong naalala na rest day pala niya kaya Ok lang sa kanya na mapuyat. Hehe! Natatawa lang ako dahil kahit sa taxi hindi pa rin mawala ang sweetness namin. Hindi na ako nahihiyang hug at kiss siya kahit nakatingin pa mga tao sa amin. Hehe! Masaya lang talaga ako at wala akong pakialam sa iba.

He Says

4 Reaction(s)
"I am glad that you came into my life. I have always wanted the love of my life to be understanding, loving, caring, and faithful. I wanted someone who would accept me for who I am. I know that I’ve found that person in you. My heart told me that my partner was there when I first said hello to you over the phone."
-Turning Points, JayVee's blog

Solace

2 Reaction(s)
Condolence sa family ng kababata/klasmeyt/kaibigan kong si Kenneth. His mother died yesterday (of cardiac failure) and nakakalungkot pa nito - kakaalis lang ni Ken abroad (almost a week palang siya). Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ng kaibigan ko lalo na't ilang milya ang layo niya dito sa Pinas. Bro be strong for your family. Andito kaming mga kaibigan mo para kahit papano maibsan ang lungkot na nadarama mo ngayon. We will do whatever we can para tumulong sa family mo dito sa atin.

Eksayted

4 Reaction(s)
Buhay na buhay na naman ang text-life ko mula pa nang nagkaka-text kami ni Ar. Pakiramdam ko kulang lagi ang load ko pag kausap ko siya. Parang hindi umaandar ang oras na kahit sakit na ng daliri ko kaka-pindot sige tuloy pa rin. Pero iba pa rin ang personal na nag-uusap kesa sa SMS lang. Pero for now, iyon lang naman ang pinaka-mabilis at direct communication ko sa kanya.

Excited na ako sa aming first formal date. Hindi ko alam ang dapat kong unahin na gawin pag nagkita na kami. Well hindi naman ito ang first time na magkikita kami, bale second na ito at informal ang una. Saan kaya kami kakain. Ano kaya ang paguusapan namin. Ano ang mga gagawin namin. Maraming pumapasok sa isip ko. Pero kalma lang dapat and one at a time dapat.
Kahit papano thru text messages marami na akong alam sa kanya. Kaya doon ako dapat mag concentrate. Good luck na lang sa akin this weekend!

8/11

13 Reaction(s)
On this day, eto na naman po si Jinji, sasabak na naman sa isang relasyon. Pero ngayon, maingat na po siya na huwag maging emosyonal masyado at hindi padadala sa nararamdaman. Magiging cautious sa simula pero tingnan na rin ang mga mangyayari sa pagdaan ng mga araw.

Here I go again, after several heartaches. Susugod na naman sa laban na hindi alam kung masasaktan muli o hindi. Basta alam ko sa oras na ito, masaya ako at umaasa kagaya ng dati na siya na nga ang para sa akin.

F193 GEB

10 Reaction(s)
Happy Birthday Best Yohan ulit. Finally na-meet na rin kita along with other peeps. Salamat Ivantot na makulit. Blaster na lakas tama. Kulet ang tahimik mo. Sayang nga lang at kulang sa oras at hindi ko masyado nakausap sina Hubo, Hubad, Tigz, Yumiko, 3GTrip, alvin at si Loi. Umalis na rin kami ni Arch since me pasok pa kami ngayong gabi.

Hopefully sa next EB mas marami na ang pupunta at makilala. Salamat po ulit guys. Till next time!

X-files Marathon (Season 3)

0 Reaction(s)
*Yawn*

Ep 5 - "The List" - A death row inmate makes good on his promise to come back from the dead and kill the five people involved in his death. The fear of his retribution has everyone scrambling to determine if they are on the list, while Mulder and Scully attempt to determine how he has returned to execute his tormentors.

Siguro nagsasawa lang ako sa ganitong eksena kung saan puro negro ang nakakulong at nagbabalak ng masama para makatakas. Naiisip ko palagi ang The Green Mile sa sobrang bagal ng plot. For the sake na tapusin ko lang at mapanood lahat eh tinapos ko na rin.

Ep 19 - "Hell Money" - A string of mysterious deaths of recent Chinese immigrants brings Agents Mulder and Scully to San Francisco’s Chinatown. The Agents team up with a Chinese-American detective to better understand the language and customs of the Chinese culture, but one thing remains frightening clear — all of the bodies are missing various internal organs.

Kagaya nung kanina, common ang story. Oriental horror na mas mabuting panoorin nalang sa movie kesa sa isang TV series. Hindi ko naramdaman na may ginawa sila Mulder/Scully sa episode na ito at pagiging X-File niya.

Shocking
Ep 13 - "Syzygy" - Agents Mulder and Scully visit a small town to investigate a series of bizarre deaths, mainly among high school teenagers. Evidence points to a Satanic cult. Moreover, people in this village, including Mulder and Scully, seem to be changed by the events — the weak and aggressive features of a person’s character are turned inside out. Mulder drinks, Scully smokes, a peace-loving school director becomes leader of the mob. Eventually Mulder notices some coincidence with strange astrological phenomena, and two teenaged girls turn out to be main suspects as a consequence.

Nakakagulat lang kasi ang scene na ito kasi for the first time makikita mo si Mulder na umiinom at si Scully naman nagyoyosi. Natawa naman ako sa linya nila na "Sure, Fine, whatever"

Ep 12 - "War of the Coprophages" - A small town is plagued by deaths in which the bodies are found covered in cockroaches. Working from home, Scully has scientific explanations for all of them but Mulder — at the crime scene with an attractive bug expert — suspects the insects may not be organic, or earthly.

Mass hysteria about sa ipis. Grabeng panic na ginawa nito sa isang town. Saka sa episode na ito, nagselos nang kaunti si Scully sa bagong girl ni Mulder na ka-share ng interest niya.

Terrifying
Ep 14 - "Grotesque " - Agents Mulder and Scully join Mulder’s former mentor, the FBI’s chief profiler, on a case involving a serial killer who claims to be possessed by a demonic force. The case gets even more mysterious when the suspect is apprehended and the murders continue. Mulder gets involved more deeply than expected and Scully as well as Skinner are deeply concerned.

Natakot lang ako sa pagiging "dark" ng episode na ito lalo na sa scene sa studio house ng killer. Puro gargoyles at mga totoong tao ang nasa loob ng clay figure nito.

Libra-Pisces

0 Reaction(s)

If this pair really wants this to go well then it stands every chance of doing so. Both the Pisces and Libra are both very affectionate and romantic, and they will adore finding someone who they can be themselves with. The attraction will be very strong especially when they are ‘alone’. The Pisces will love to show off his/her Libra mate to everyone and will enjoy going out a lot in public wanting everyone to see their beautiful, classy Libra lover.These two have a good chance of making a go of things with a family as well. They are both very loving as parents and fun to be around.


Once again the Pisces sensitivity comes into play. Although the Libra is quite an emotional person too, there aren’t many people who can cope with the trials and tribulations of the Pisces emotional state. Libra enjoys socialising and being around people, and can’t always understand why their Pisces mate has opted out from joining in. It is true, these two are different, and as a rule Air and Water doesn’t really mix that well due to the Air signs need for change and freedom. But I can see something in this pair that really could be quite sweet. OK, maybe not forever, but a nice interlude perhaps?

The trouble is that both signs are looking for their ideal soul mate to come along and rescue them from this cruel world, and I do doubt that they will find that in each other. The Pisces may feel that the Librans love is somewhat superficial at times and lacking in deep emotion. I do think though that with the Pisces and the Libra that if each other is committed to the other equally and especially if family is involved, then this has every chance of working. I just have a feeling. Good Luck!
source: Love-Astrology

Ang init

8 Reaction(s)
Sobrang maalinsangan panahon ngayon, pero mas Ok na ito kesa naman umulan hanggang sa mabasa ang pantalon ko na naman. Mabuti na nga lang at mahangin nung nasa jeep ako. Pero nung pagsakay sa MRT, nagmamadali nga ako kaya sumakay agad ako kahit puno na. Panay ang paypay ko sa loob dahil hindi sapat ang aircon. Tapos ang sikip-sikip pa sa looban dahil nakisiksik lang ako sa bandang pintuan. Hanggang sa pagpasok sa office, haggard na ako. Sana man lang nga may shuttle service kahit sa Cubao man lang para maibsan man lang ang aking paghihirap.

Sunday ng hapon. Nagkita kami ni Angelo sa may Mercury ulit sa usual gym routine namin, kasama sina Mike at Adar. Tiningnan muna nila ang area and mukhang nagustuhan naman nila kaya next week babalik daw sila. Siyempre bonding time ng barkada ito. Salamat nga pala kay Mike tinuruan ako ng routine para sa upper body workout lalo na ang chest at sa biceps/triceps. Pagkauwi dumaan lang sandali sa Pares haus hanggang sa umuwi na kami.

Saturday ng hapon. Napag-usapan namin ni Angelo na dumaan kina Cyril para tumambay at laro ng video games. Akala ko PS3, iyon pala PC game, yaman talaga ni Cy at maganda ang LCD monitor niya. Sila lang naman naglaro ng Street Fighter, hindi ako mahilig sa fighting games  kaya nag settle nalang ako sa PSP niya na Crisis Core ang bala. Gabi na rin kami umuwi nun. Sayang nga lang at hindi makakasama si Cy sa gym dahil nag-iba na ang sched niya.

LSS - Say You'll Never Go - Neocolors

2 Reaction(s)



Say You'll Never Go
Neocolors

How can I make it through the day
Without you
You have been so much a part of me
(and if you'll go)
I'll never know what to do
How can I carry on my way
The memories
When all that is left is the pain of my history
Why should I live my life today

I cannot live out on my own
And just forget the love you've always shown
And accept the fate of my condition
Please don't ever go
For I cannot live my life alone

Say you'll never go
Say you'll never go out my way
Say you'll never go
For we can still go on
And make it through
Just say you'll never go
Say you'll never go away

How can I make my dreams come true
Without you
You were the one who gave love to me
(And don't you know)
You are my fantasy

I cannot live out on my own
(I can't do anything at all)
And just forget the love you've always shown
And accept the fate of my condition

Please don't ever go
For I cannot live my life alone

Say you'll never go
Say you'll never go out my way
Say you'll never go
For we can still go on
And make it through
Just say you'll never go
Say you'll never go away

Say you'll never go
Say you'll never go out my way
Say you'll never go
For we can still go on
And make it through
Just say you'll never go
Say you'll never go away

Seduction Style

3 Reaction(s)
nakisama na rin sa bandwagonn (mula kay Kuya Aris),


Typo

2 Reaction(s)
gusto na talaga ng iba mamatay si Pandak! har har!

Nakaka-miss ang..

2 Reaction(s)
- Pag-gising nang maaga (mga alas-5 ng umaga), ang malamig na hangin habang nasa jeep ka. Ang mahabang pila habang nag-aabang ka ng darating na jeep sa may Litex papuntang MRT-Quezon Ave.

-Ang siksikan sa MRT-North lalo na't rush hour pa naman.Miss ko na yung tipong hindi ako makahinga nang maayos, nasusugatan o nababalian sa kamay, yung tipong makakapasok ka na lang bigla sa train kahit hindi ka kumikilos at siyempre yung naughty things na pwede gawin pag masikip. Haha!

- Ang mag-trabaho kasama ng mga kasabayan mong shift dati. Ang kanilang tawanan, biruan, daldalan, sigawan at kung anu-ano pa. Ang pagkain sa tanghali sa jolly-jeep kasama ang ibang mga office buddies.

- Ang pag-uwi sa hapon nang "normal" kasama ang ibang empleyado na nagtratrabaho din sa Lungsod ng Makati. Kasama na rin ang pagkain muna ng kwek-kwek kasama si Rain bago sumakay sa MRT.

-Ang mga palabas sa TV lalo na ang balita sa gabi na hindi ko na gaan nasusubaybayan. Nagsasawa nako sa cartoons sa umaga. At siyempre ang matulog nang "kumpleto" - 8 oras hindi yung 4 na oras na mas kaunti pa.

Pero siguro tadhana na ang nag-decide kung bakit napunta ako sa ganitong shift at sa ganitong mga kasama sa function. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ako daldalhin ng aking kapalaran sa shift na ito.

He Says

2 Reaction(s)
"Falling in love doesn't necessarily need to get through with sex. It is knowing the other person with who he was, he is. It is accepting his past, his present and his future. It is conscience. It is selflessness. It is trust."

-a Letter, Mico's Blog

Huling Sulyap

2 Reaction(s)
Salamat ulit sa malakas na ulan sa bandang Commonwealth at basang-basa ang aking pantalon. Paguwi sa amin, agad kong sinabit sa hanger at pinatuyo. Akala ko pa naman matutuloy ko ang panonood ng X-Files marathon kaso busy ang mga tao sa amin sa panonood ng libing ni Tita Cory.

Sabi ko kay Mama na sa taas na sila manood kaso nga mapilit siya at sinabi i-akyat ko na lang ang DVD player, para namang may jack yung TV sa taas para sa DVD. Kaya ginawa ko since hindi pa naman expired ang load ko, Smart Uzzap muna. Makibalita sa mini-EB nila sa Robinsons Ermita.

Kasabay nun eh pinanood ko na rin ang telecast ng mass ng yumaong si Tita Cory. Iba na talaga ang technology ngayon, kung dati puro radyo lang halos at delay pa ang mga video feeds. Ngayon real-time A/V, where it happen & as it happen. Lalo na ang Sky Patrol ng Dos, pinapakita ang route kung saan daraan hanggang Memorial Cemetery.

Natatawa na lang ako sa mga intermission ng mass, naging ASAP live nang kaunti dahil halos sila-sila rin ang pinili ng mga Aquino na kumanta para sa mass. Kinilabutan talaga ako nung kinanta na ng APO at ng iba pang artista ang "Handog ng Pilipino sa Mundo", nagkaroon ako ng positive reinforcement dahil dun at naging proud ako na naging Pinoy ako.

Hindi ako nakatulog nang maigi kakapanood, halos isang oras lang ako nakatulog at pag-gising ko pinanood ko ulit. Natatakot na akong ma-late kaya maaga palang umalis na ako, hindi ko na nahintay na ilagak sa huling hantungan ang ating mahal na Presidente. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit hindi gaano nakatulog, hindi palaging ganito. Minsan lang natin mararanasan ito at were watching history in the making na naman.

Bakit kailangan pang may mamatay na Cory Aquino, para lang magising tayo ulit sa ating pagkaka-comatose na isabuhay ulit ang kanyang pinaglaban na demokrasya. Kung gusto mo ng pagbabago simulan mo sa sarili mo. Sana nga maging catalyst ito para sa pagbabago nating mga Pinoy tungo sa ikauunlad ng bansa natin.

Emo

2 Reaction(s)
"taking a chance"

Jowk

0 Reaction(s)
Nanay: Ayusin mo kama mo!

Badong: "Nay, magugulo naman iyan ulit. Bakit ko pa aayusin? Para lang akong nagmahal tapos masasaktan lang muli.

She Says

2 Reaction(s)
"Agent Fox Mulder lost consciousness at approximately 4:30 this morning, the 12th of March. There is nothing more I can do for him, or for myself. Supplies are exhausted, no food or liquid consumed for over 24 hours. The outer hull most probably flooded, though for now the inner hull is supporting the ship's mass. Among Halverson's belongings, I found a children's book of Norse legends. From what I can tell, the pictures show the end of the world - not in a sudden firestorm of damnation as the Bible teaches us, but in a slow covering blanket of snow. First the moon and the stars will be lost in a dense white fog, then the rivers and the lakes and the sea will freeze over. And finally a wolf named Skoll will open his jaws and eat the sun, sending the world into an everlasting night. I think I hear the wolf at the door. "
-Dana Scully, "Dod Kalm", The X-Files, Season 2 Episode 19

First Ever Late

0 Reaction(s)
Salamat sa malakas na ulan, baha sa harapan ng aming bahay, ang heavy traffic at ang kakupadan ko maglakad. More than 20 minutes akong late sa office.

He Says

0 Reaction(s)
Kuya Knox araw-araw lalo akong nakaka-relate sa mga blog entries mo..

"The time of peace is upon me. More than my attempts in the past months, I shall seek my direction hoping that this time, the path ahead would lead me back to the days when bliss used to be within an arm's reach."
-Thirty One Days of Kindness, Knox Galen's Blog

Retrotonous

0 Reaction(s)
- Usual routine pa rin pag weekends, eto umaabot na naman ako sa point na satiated na ako sa ginagawa ko, meron akong gustong gawin pero hindi ko magawa. Kung bakit kasi kailangan pa ng ibang tao para matuloy-tuloy. Nakakasawa na rin mag social networking. Wala nang bago. Maski sa YM nakakatamad na rin mag-chat. Puro virtual na lang. It's time na mas bigyan ko ng panahon ang reality.

- Maski sa pagpunta sa gym, kelangan may kasama pa ako. Hindi pa rin ako sigurado kung itutuloy ko pa siya. Pero mas malaki ang desire ko na ma-trim ang taba ko sa katawan kaya lalabanan ko ang katamaran na ito.

- Kumusta na kaya si Kenneth, hindi pa rin siya nag-eemail sa akin after niya umalis ng bansa. Musta naman kaya yung iba pa naming elementary classmates, pati na rin sa high school. Hindi na kasi natutuloy ang reunion namin. Puro plano nalang palagi. Sana nga next time may mag-organize na at yung tipong may authority na mapipilitang pumunta ang bawat isa.

- Yung computer shop ni Angelo, wala pa ring pagbabago. Kaunting ayos na lang sa bintana at mga computer equiptment masisimulan na siya. Mas anxious pa ako na magsimula ang business niya kesa sa may-ari mismo.

- Excited na rin ako sa incoming GEB doon sa group na kinabibilangan ko sa Uzzap. Finally kahit papano masasabi ko na "at home" na ako at ma-eexpress ko na mga nasasaloob ko nang walang restrictions whatsover.

-Lovelife? Asa. Hindi ko na muna iniisip yan ngayon. Ilang beses na akong nabigo ngayong taon palang at ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Marami na akong iniisip at ayoko nang madagdagan pa iyon.

die Wahrheit ist heraus dort

0 Reaction(s)

Favorite Episodes so far..

"Ice" Season 1 Episode 8
When the Government funded Arctic Ice Core Project's final transmission is a crazed geophysicist saying, "We are not who we are", Mulder and Scully join the team sent to investigate. Along with geologist Dr. Denny Murphy, physician Doctor Lawrence Hodge, toxicologist Doctor Nancy Da Silva and their pilot Bear they travel to Icy Cape, Alaska. On arrival at the Arctic base they discover that the geophysicists all killed themselves or each other. The Ice Core Project's mission was to drill in to the Arctic ice and extract core samples to analyse Earth's climate all the way back to the dawn of man. Further investigation reveals that there was a pathogen in the latest ice core samples recovered. It appears that this pathogen got loose among the geophysicists and that it is capable of inducing a killing frenzy in it's host. When the discovery of an infected dog which attacks the group leads to the pilot Bear being infected, Scully orders a quarantine to prevent the pathogen spreading. But Bear refuses to stay and has to be restrained as he attempts to leave, during the scuffle something is seen under his skin, it is surgically extracts and turns out to be some sort of parasitic worm. The location that the ice core sample came from is traced to a meteor buried deep in the ice indicating the possibility that the organism is alien in origin. With the possibility that other members of the group could be infected it soon becomes apparent that the first thing to die is trust.

"Firewalker" Season 2 Episode 9
When contact is lost with a volcanic research team working on Mount Avalon, Mulder and Scully are approached by Adam Pierce, a technician at the Californian Institute of Technology's Volcanic Observatory. Pierce is able to remotely activate the cameras on the research team's survey robot, Firewalker. The picture shows the dead body of one of the members of the team and the shadow of something moving around in a cavern with temperatures in excess of 300 degrees. Pierce asks Mulder and Scully to join him in an investigation. Mulder is concerned about Scully condition following her recent abduction and return but Scully tells him she is back working on the X-files. When they arrive at Mount Avalon, they find three members of the research team, Jason Ludwig, Jesse O'Neill and Peter Tanaka. They describe how the team leader Daniel Trepkos went berserk, smashed the radio and destroyed the base. Shortly after Pierce is strangled by Trepkos. Meanwhile Mulder uncovers Trepkos' notes which seem to indicate the discovery of a silicon based life form living in the Volcano. And that Firewalker accidentally brought back this fungal life form which infected the members of the research team. Trepkos is killing the infected members to ensure the infection does not spread. Scully's medical expertise is invaluable once more, her research indicates that infection only occurs if a person is exposed at the moment that the fungal spores are released, so Trepkos lets them leave.

credits: The X-Files Episode Guide

In Memoriam - Former Pres. Corazon C. Aquino

5 Reaction(s)
Cory Aquino dies

By Maila Ager
INQUIRER.net
First Posted 05:18:00 08/01/2009

MANILA, Philippines -- Former President Corazon Cojuangco Aquino has passed away.

She was 76.

Her son Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III confirmed that she died of cardio respiratory arrest at exactly 3:18 a.m. Saturday at the Makati Medical Center. Mrs. Aquino has been diagnosed with colon cancer early in 2008 and has been confined at the Makati Medical Center for more than a month. Mrs. Aquino, widow of Senator Benigno Aquino Jr., will be remembered as an icon of democracy, having led a military-backed popular revolt in 1986 that ousted a dictator who ruled the country for 20 years.

He Says

0 Reaction(s)
"What I know is that I am tired of being left out and that the heavy baggage that continues to burden me will linger for sometime. Unless one teaches me the patience of truly realizing love."
-Dear Cubaoboy, Knox Galen's Blog

En nombre de la compasión del uno mismo

8 Reaction(s)
Tangina, naawa ako sa sarili ko. Kung bakit kasi mahal ko ang taong may mahal nang iba. Kahit Ok na sila ng partner niya, pilit ko pa rin silang ginugulo. Ngayon lang, nagagalit na siya sa akin, wag ko na daw sila pakialaman. Kung bakit kasi pipili ka lang, dun pa sa may sabit. Masyado na akong desperado sa pagkakataong ito. I need to cry. I need someone to comfort me. I'm sick of this f***ing life. Lagi na lang ako ang iniiwan.

Oo, pag-uwi kanina - iniyakan ko siya pero sambit ko sa sarili ko, na ito na ang huli. Habang kinakanta sa sarili ang "One Last Cry". Makaka-recover rin ako at patuloy pa rin mag-aantay sa taong para sa akin. Hanggat maaari, ayoko nang danasin sana itong heartache na ito. Baka next time, hindi ko na kayanin at ewan ko na lang kung anung pwede kong gawin sa sarili ko.

Teh Boxer

0 Reaction(s)
 
 handa nang tumumba ng tao
  
  right upprcut, parang totoo!
 seryosohan na ito

Badly needed

2 Reaction(s)
Hindi ko alam kung luho ba ito o hindi pero hopefully sa next payday dapat makabili na ako ng mga ito..

1) USB Bluetooth - para sa mga MP3's, ayoko na ng wires
2) SE P1i accessories - battery charger at headset
3) Laptop - sa kasamaang palad baka sa 13th month ko pa mabibili dahil sa dami ng gastos

Rizal doin FaceBook

2 Reaction(s)

Shards of Wisdom

0 Reaction(s)
Learn to trust the perfect time..

So that you may discover that all the pain found in waiting has a magnificent and awesome purpose

Random Tots

2 Reaction(s)
Imagine even at 8pm, me mga nakaka-hookups pa pala kahit kaunti ang tao sa MRT. Nakaisip tuloy ako ng idea bigla, effective pala pag tatagilid ka. Haha!

Ang tsakit-tsakit ng katawan ko mula pa kagabi, dahil na rin siguro sa workout last Monday afternoon sa gym. Pinasubukan pa naman sa akin ang lahat ng possible equiptments na gagamitin.

Usually sa haus, ako ang pinaka-kritiko sa mga niluluto nila. Pag ayoko ng ulam, sinasabi ko kung bakit. Pero kanina masarap yung niluto ng kapatid ko, kahit simpleng potatoes and egg lang iyon.

Season 1 Episode 14 na ako sa X-Files marathon ko, i dunno kelan ko matatapos ang series na ito pero nag-eenjoy ako bawat episode. Nanariwa na naman ang dekada 90 sa aking isipan.

He Says

5 Reaction(s)
I don't get this reality. i really, really, really don't. i've been a good person. a really nice guy. I've been there when people needed me, even when they weren't there for me when i needed them. I figure that by now, I would have enough good karma to actually deserve a break from this shitty life, and meet someone nice who will totally adore the awesomeness of me.


but no.

...and i'm just really, really, really tired.
-Sat, Apr. 11th, 2009, 07:00 am entry, Immam's Blog

Pangako

2 Reaction(s)
Kinahapunan ng Lunes. Anung bago. Umuulan pa rin. Kung kelan mo gusto umulan saka naman aaraw. At dahil patuloy pa rin sa pag-ulan, natuloy ang Plan B (na pumunta sa gym). Dahil na rin sa pambubuyo sa amin ni Kenneth na mag work-out para mabawasan ang mga taba namin sa katawan. Napag-planuhan na magkikita sa may Mercury Drug sa bayan. Nauna kong nakita si Angelo, tapos pinuntahan nalang namin si Kenneth sa may Premier Bank, siyempre andun kasi ang nililigawan nito na elementary crush pa niya. Sana nga mag-click silang dalawa.

Sumakay sa motor ni Ken, akala ko pa naman malayo - eh pwede namang lakarin. Nasa 3rd floor ang gym, Ok naman siya, kaya lang naalangan ako na sa computer shop pa ang daan niya. Na-miss ko tuloy ang Cabal Online. Nadatnan lang namin dun eh yung isang babae na nasa thread mill. Wala ang may-ari at sa hapon pa daw dumarating. Tanghali nagpupunta si Ken kasi walang tao at solo niya ang area kaya malaya niya piliin ang anumang equiptment na nais niya para sa workout niya. Habang wala ang trainer and since gamay na naman ni Ken ang routine, siya na muna ang nag introduce sa amin ng mga usual stuffs.

Warm-up sandali, then nag cardio nang sandali, 10minutes palang - grabe na ang pawis namin ni Angelo. Halatang walang ginagawa sa bahay. Hehe! Hindi ko kabisado ang mga pangalan ng mga equiptments na pinasubukan sa amin ni Ken pero nakakapagod siya at ramdam ko ang muscle group na madedevelop just in case nagtuloy-tuloy ako dito. Then sparring session naman sa boxing trip nina Angelo at Ken, cooldown na ako picture mode nalang gamit cellphone ni Angelo.

Buti naabutan namin ang may-ari ng gym. Pinakilala kami ni Ken at ayun baka next week na ang start namin ni Angelo. Iyan ang pangako namin kay Kenneth bago siya umalis ng bansa. Ang maging kagaya ng katawan niya pagbalik niya rito 2 taon mula ngayon. Mahirap kung iisipin pero wala namang madaling paraan na hindi makakasama sa katawan. Ika nga "No Pain, No Gain". Good luck na lang sa amin ni Angelo.

The X-Files marathon

0 Reaction(s)

Nasira kasi nang ilang araw ang DVD namin kaya kahapon lang ako nakapanood ng The X-Files ulit. Although marami na siyang re-runs sa ibang channel mapa-local o cable. Hindi ko naman kasi naabutan. At syempre laking X-Files ako (early 90's), every Monday at 9pm sa Channel 9 nakatutok agad ako. Dito nagsimula ang aking curiousity sa mga paranormal phenomena lalo na sa UFO's up to the point na bumibili na ako ng ibang reference books about it. Medyo luma na ang TV series na ito, classic na siya pero malaki ang cult following. Pinagarap ko ring maging FBI agent kagaya nila Mulder nung kabataan ko.

Sa ganitong rate na ilang oras lang ako nakakapanood at meron pang 8 season ang series na ito. Ewan ko lang kung ilan linggo o maging buwan ko matatapos ito.

Bonding

0 Reaction(s)
Sabado ng hapon. Kahit makulimlim, text pa rin ako kay Kenneth na dumaan kina Angelo para pag-usapan yung tungkol sa Wawa hiking. Dala niya pa rin ang motor niya. Kahit ayokong umangkas, sumakay na rin ako. Hindi talaga ako sanay sumakay sa mga ganyan dahil mas mataas ang risk maaksidente compared sa ibang vehicle.

Nakarating kina Angelo bago pa bumuhos ang malakas na ulan. Mag-isa lang siya sa haus. Excercise mode daw siya, natawa na lang kami. Ayun, reminisce lang about our elementary days. Kung saan dun pa nakatira sila Kenneth sa harapan ng paupahan sa may G. Bautista street, kung san tambay si Angelo sa kanila minsan (at ako naman na tambay sa haus ni Angelo para maglaro ng SNES).

Mga crush nung panahon na iyon hanggang sa high school. Kung ano na ang nangyari sa ibang mga classmate namin. Pinag-usapan rin namin ang hotseat of the day na si Kenneth, kinuwento niya lang niya ang mga gigs niya, ang mga babae niya at since gymfit itong kababata namin hinimok niya kaming mag-workout sa gym at binigyan pa kami ng challenge na dapat pagkabalik niya sa Pinas eh pareho na kami ng katawan. Mukhang napasubo ata ako dito pero wala namang masama kung susubukan ko na rin. Kinuwento rin niya ang work ng Dad niya at siya mismo, Captain Waiter kasi ang dad niya at sinasama siya nito minsan pag may buffet-type party. Kung paano siya sumisimple sa pagtatago ng pagkain at inumin. Natatawa nalang kami at natatakam sa kwento niya.

Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras sa sarap ng usapan namin. Hanggang sa bago umuwi napag-usapan na kapag maganda ang panahon, diretso kami sa Wawa pag hindi naman eh diretso na kami sa gym na kung san regular siya dun na nagwo-workout. Then umuwi na rin kami pagkatila ng ulan.

Nagsisisi talaga ako kung bakit ngayon lang namin ginagawa ang ganitong bonding na kahit sa simpleng pag-uusap lang eh solve na rin. Kung kelan aalis na si Kenneth para mangibang-bansa saka pa nag-push through mga ganitong event.

Bro ilang araw na lang at aalis ka na. Sa sandaling panahon ng pagsasama nating tatlo nina Angelo, nag-enjoy ako sa mga oras na iyon. Muli kong nakita ang kasiyahaan nung aking kabataan na hindi ko na nahahanap ngayon. Salamat a pagbahagi ng parte ng iyong buhay sa amin. Ingatan mo ang iyong sarili. Tuparin mo ang pangako mo pagbalik at ganun din kami sa iyo.

baby Xylene's Christening

5 Reaction(s)
baby Xylene w/ his Dad's college classmates (me, tere, neri, charlene & arnold)

Saturday morning. Akala ko pa naman makakauwi ako nang maaga para sa binyag ng anak ni Raniel. Pero dahil na rin sa mga hindi inaasahang pangyayari, nakauwi na ako mga pasado alas-8 ng umaga. Kaya naman dali-dali akong kumain sandali, naligo (kahit kakauwi pa lang - masamasa katawan), bihis at umalis din agad. Kahit puyat sige biyahe pa rin ako. Around 9am na ako nakarating sa Commonwealth. SMS sina Arnold and company. Grabe ang traffic sa Regalado, ginagawa kasi ang kalsada (alanganin talaga kung kailan tag-ulan). Text sina Neri antay umalis na daw sila sa SM Fairview meet nalang daw sa Aristocrat malapit sa STI.

Then ayun nasa car na ni Bro kasama sina Neri, Tere at Charlene. Kaunting chit-chat. Past 10am na, hindi namin alam kung makakahabol pa kami sa binyag. Nag-desisyon na lang kami na diretso na lang sa reception sa Dencios' sa Capitol Hills. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na iyon. Mind Level-up! (sa Brave Fencer Musashi (PSX) kasi kapag nakakapag-lakbay ka sa unknown area, up sa Mind stats mo.) Nag-mesg kay Raniel na andun na kami sa reception. High-end talaga itong lugar na ito. Na-OP kami. Haha! Around 11am dumating na sila at mga bisita sa binyag. Chit-chat again kay Raniel at sa ibang mga classmates na nakita ko dun.

Habang kumakain, kwento lang sa mga buhay-buhay. Kung ano na ang updates sa kanila. Sa mag hiwalayan, panliligaw at iba pang buhay pag-ibig. Hindi namin naramdaman ang paglipas ng oras. Hanggang sa oras na ng pag-uwi. Hindi na kami nakapag-usap nang matagal ni Raniel dahil busy rin siya. May utang pa sa akin yang scandal na ilang taon na niyang pangako. Na-miss ko tuloy ang college days na kakulitan ko ito sa mga kamanyakan. Ngayong tatay ka na Raniel, malamang behave ka na ngayon at piliting matutunan ang buhay ng isang Padre de pamilya. Wishing you all the best sa career at family life.

Umalis at 2pm, napag-usapan lang na dumaan muna kina Mark para kumustahin. Wala siya dun pero antayin lang dahil pauwi na rin. Si Dexter ang naabutan namin, dumating ang parents niya, pinag-merienda pa kami. Dumating si Mark, unting chat, kinuha number niya. Good luck sa business nilang magkakapatid. Kaya nyo yan! Nagpaalam at umalis na rin. Mga 3pm dumating sa SM Fairview, humiwalay sandali. Grabe antok na ako at medyo nahihilo na. Bumili lang ng jacket, kaunting reward para sa sarili. Kinita ulit sina Neri para magpaalam. Dumating sa bahay mga 6pm na. Naligo after pahinga. Around 8pm knockdown na. Isang nakakapagod na araw pero sulit at masaya dahil nakita ko ulit mga college classmates.

Napag-usapan namin na hindi lang sa ganitong mga pagkakataon dapat kami magkita. Nakakasawa na ang puro house na lang palagi ang reunion. Bukod sa out of town trip na idea. We need to go extreme minsan. Lalo na sa mga babaeng kasama namin. Sila pa ang may ganang mag hiking, mountain climbing, spelunking at wakeboarding pag may pera at pagkakataon. Aprub ako sa idea na iyon. Para maiba naman paminsan-minsan. Bago man lang mawala sa mundo maranasan mga ganitong kakaibang experience.

Clip: Ikaw na nga Parody - LokoMoko High

0 Reaction(s)

Secret behind the Name

0 Reaction(s)
from a Facebook apps..

J :
Jealously.
I : You are always smiling and making others smile.
N : You like to work, but you always want a break.
J : Jealously.
I : You are always smiling and making others smile.
R : You are a social butterfly.
U : You feel like you have to equal up to people's standards.
K : You like to try new things.
S : You are very broad-minded.

I : You are always smiling and making others smile.
K : You like to try new things.
A : You can be very quiet when you have something on your mind.
R : You are a social butterfly.
I : You are always smiling and making others smile.

Jealously. You are always smiling and making others smile. You like to work, but you always want a break. You are a social butterfly. You feel like you have to equal up to people's standards. You like to try new things. You are very broad-minded. You can be very quiet when you have something on your mind.

He Says

2 Reaction(s)
"And I know that someday, when the time is right, we shall be together again. Five years ago, I told myself that you are the person that I want to grow old with. This stays true until today. I love you. When we are both ready, I will spend the rest of eternity proving that to you."
-Always be my Baby, Dale's blog

Testi

3 Reaction(s)
Napadaan lang ulit sa isang social networking site na hindi ko na binubuksan ng ilang taon, nakita ang isang comment mula kay Lani, kababata ko at classmate nung elementarya. Madalang na lang kaming magkita, pero somewhat magka-synch ang aming ineterest lalo na sa mga quiz bee at iba pang trivia. Miss you! Sana matuloy na ang elementary reunion na ilang taon nang hindi matuloy-tuloy.


Antok

0 Reaction(s)
Grabe epekto ng sunod-sunod na OT na ginagawa ko ngayon. Anung oras na ako nakakatulog pag tanghali. Mga 2 na ng hapon. Tapos gigisng pa ako ng 5pm. Ilang oras lang ang tulog ko. Kaya pagdating sa gabi, sobrang inaantok ako na kulang na lang banig at unan pwede na ako matulog. Salamat naman at makakapag-pahinga na ako this weekend.

Oh Ti

2 Reaction(s)
2nd na ng Post-shift OT ko. Kariran na ito. Kahapon umabot ako ng 10am dito sa office. Haggard na ako masyado. Baka hindi ko na kayanin pag extend pa ako ng tanghali. Baka mamaya mag collapse na lang ako sa labas. Na-miss ko ang pag-uwi ng ganitong oras sa Makati.

Yung rutang Enterprise - Greenbelt - Landmark - MRT. Syempre hindi ko rin pinalagpas ang kwek-kwek. Ilang buwan rin ako hindi nakakain nun. Dati-rati kasabay ko si Rain (officemate) kumain bago umuwi. 16 balls binibili namin at tig-walo kami. Ewan ko ba kung bakit Green day kahapon. Mula MRT to Terminal sa amin, mga nakakatabi ko naka-green.

Nakaka-miss mga dati kong kasama sa dayshift. Nung inabot ko ang sched nila, kinausap ko sila at kaunting kumustahan. Magkikita pa naman kami eh sa paglipat namin by September at ang Cebu trip namin this October. Excited na ako.

O siya, work muna. Puyatan na naman ito. Hindi naman ako pumapayat. Asar!

He Says

4 Reaction(s)
nakaka-relate ako sa iyo Aris..

“Kung maaari nga lang kitang mahaling muli. Pero hindi na iyon ganoon kadali…”
-Nakaw na Sandali, Aris' Blog

Loyalist

4 Reaction(s)
Pinutol ko lang ang list kasi mahaba na masyado. Sino kaya ito? More than 9 hours nakatambay sa blog ko.

Total Solar Eclipse

3 Reaction(s)
On Wednesday, 2009 July 22, a total eclipse of the Sun is visible from within a narrow corridor that traverses half of Earth. The path of the Moon's umbral shadow begins in India and crosses through Nepal, Bangladesh, Bhutan, Myanmar and China. After leaving mainland Asia, the path crosses Japan's Ryukyu Islands and curves southeast through the Pacific Ocean where the maximum duration of totality reaches 6 min 39 s. A partial eclipse is seen within the much broader path of the Moon's penumbral shadow, which includes most of eastern Asia, Indonesia, and the Pacific Ocean.

Watch the solar eclipse here -> Live Eclipse 2009!


source: NASA

Gray Clouds

0 Reaction(s)
Ang sarap ng hangin na dumampi sa aking pisngi nung magising ako kinahapunan. Sumilip ako sa labas ng aming bahay at nakita ang mga mala-abong ulap na nagsisiksikan sa kalangitan. Nagbabadya na naman ang pagbuhos ng ulan.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko ng ganitong panahon despite na maaasar lang ako sa pagbuhos ng ulan. Natutuwa kasi ako pag tinitingnan ang mga ulap na ito. Parang hinahalintulad ko sa sarili ko. Madilim at walang kasiguruhan ang buhay. Wala naman talagang permanente sa mundong ito. Kailangan lang natin mag-adapt sa mga pagbabago na nangyayari sa ating buhay.

Pasensya na at emo lang ako ngayong panahon na nag-uuulan. Eto nakaupo sa isang madilim na sulok. Nilalamig. Naghahanap ng makakayakap. Makakapag-bigay ng init sa panahong hindi alam kung saan patungo ang buhay.

Masakit pa rin

2 Reaction(s)
Kheed nung kaninang nag-uusap tayo sa may SM. Tinatanong mo kung Ok na ba ako. Sa totoo lang, pinipilit ko lang maging Ok ngayon. Pinipilit ko lang maging matapang. Deep inside nasasaktan pa rin ako at nasasayangan sa mga pangyayari nitong nakaraan Linggo. Ang hindi ko inaasahang pagbaril sa akin sa gitna ng giyera. Pag-gising ko na lang bigla na lang bumulaga sa akin ang isang bangungot na pilit kong iniiwasang isipin.

Marami akong pangarap sa relasyon namin. Iniisip ko sa sarili ko, this is it. Finally, nahanap ko na siya. Pero false hope lang pala. Ang bait-bait niya sa akin at nararamdaman ko ang sincerity niya. Nakakasama nga lang ng loob masyado siyang mahina at patuloy siyang nabubuhay sa nakaraan. Naiinis ako sa sarili ko bakit pumasok ako sa ganitong setup na wala naman akong panalo. Naiinis ako dahil hindi man lang ako binigyan ng tsansa ipakita ang pagmamahal ko sa kanya.

Boring Monday

14 Reaction(s)
Hay, katamad nang araw na ito. Akala ko naman makakapag-pahinga ako ngayong araw na ito. Tuwing Lunes hindi naman ako nakakatulog talaga kahit pilitin ko.

So ayun, chat lang sa Uzzap with my friends at 193. Walang bago sa room puro flirt na lang. Hehe! Wala naman akong kinakarir sa mga iyan. Natutuwa lang ako na unti-unting napupuno ng mga member pics ang Friendster account namin. Sana nga lang magkaroon na ng GEB para makilala ko na sila.

Inagahan ko ang pasok dahil supposedly magkikita kami ni Kheed dahil nga ipapahiram niya sa akin ang HP5 dahil gusto kong panoorin muna iyon bago ang HP6. Grabe sobrang antok ako sa biyahe samahan mo pa ng manaka-nakang pag-ambon. Kung pwede nga lang humiga sa jeep ginawa ko na. Usap lang kaunti pagkakita ng Kheed, sa mga updates at kwento ko sa kanya yung last heartbreak (kuno) ko!

For the 7th time, lilipat na naman kami ng pwesto at sana for good na ito. Nakakapagod na ang palipat-lipat lalo na ng floor at lugar. Miss ko na ang Bulletin Board area. Gusto ko kasi mag-post ng function stats namin pero dahil squatter kami walang mapaglagyan. Sige hanggang dun na lang at medyo inaantok na ako.

Bagong Simula

6 Reaction(s)
Pagkatapos ng ulan,
balik sa normal ang lahat;
Napawi na ang pait ng kahapon
at oras na sa bagong panimula ulit.




Buong araw na tulog mula pa nung Sabado, binawi lang ang mga kulang na oras tuwing weekdays. Nakakatuwa dahil ang katawan na mismo ang gumagawa ng paraan para makabawi.

Kinahapunan. Welcome Home Eben mode. Kinita si pareng Eben sa Robinson MetroEast para kunin ang epektos mula pa sa Singapore. Sayang nga lang at hindi ganun katagal ang usapan dahil inaantay siya ng Mama niya sa Sta. Lucia naman pero masaya ako at finally nagkita na kami ni Eben at nakapag-usap kahit papano. Naniniwala naman ako na hindi pa ito ang huli sa aming pag-uusap. Salamat ulit parekoy! Message na lang ulit sa YM at Twitter.

Kinagabihan. Nagulat nang makatanggap ng text message mula kay Kenneth, isa sa mga kababata ko dito sa lugar namin. Pasyal daw muna kami bago man lang siya umalis ng bansa sa katapusan. Pumunta kina Angelo, mabuti at gising pa ang mokong. Ayun usap-usap na parang mini-reunion ang eksena. Napagpasyahan na sa next Sunday, punta ng Avilon Zoo ulit kasama na ang iba pang pwedeng sumama. Mga ala-una na nang makauwi. Masaya na naman ako dahil bumabalik ang mga dating nagbibigay sa akin ng kasiyahan kahit sa munting paraan.

Salamat sa inspirasyon at handa ko nang harapin muli ang bagong simula!

MAC Team at Gerry's

0 Reaction(s)
Saturday morning, Gerry's Insular

Sa Gitna ng Ulan

5 Reaction(s)
sa kung saan nagsimula,
sa patak ng ulan din natapos ang lahat..




Single and broken again..

Clip: Kasalanan Ko Ba - Neocolors

3 Reaction(s)


Kasalanan Ko Ba
Neocolors

Ibang-iba ang nadarama
Ng puso ko sa iyo
'Di ko na kaya ang
Umiwas pa sa piling mo

Alam ko mayroon ng nagmamahal sa iyo
Bakit ngayon ka pa
Natagpuan sa buhay kong ito

Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga

Nagtitiis at nangangamba
Sa tuwing kasama mo siya
Hanggang kailan ko ba madadala
Ang pagdaramdam

Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga

Umaasa pa
Magising akong kapiling ka
At 'di na mawawalay pa

Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga
Kasalanan ba

Teh July 22 Earthquake/Tsunami Prediction

0 Reaction(s)
eto na naman tayo, panahon na naman ng predictions at open challenge sa mga teorya - ayoko nang alamin pa kung totoo o hindi pero nakakatakot kasi kasama ang ating bansa sa tatamaan ng kalamidad na ito ayon sa hula..

Nakalutang sa Hangin

2 Reaction(s)
Be,


Di ko nadin alam kung ano gagawin ko ****. Alam ko alam mo nahihirapan ako. Alam ko naman na nahihirapan ka din. Naiintindihan kita. And honestly, nararamdaman ko na mahal mo ako at maganda intentions mo saken. Pero ****, wag muna masyado. Baka nga di kita masalo kapag nahulog ka saken. Masasaktan ka at lalo nako. Ayoko na may nasasaktan dahil saken. Lalo pa na katulad mo na napakabait na tao (not to mention sarap halikan). Di ka mahirap mahalin ****.

Kung nagkakilala lang tayo na single ako baka tayo na ngayon. Di mo pa ko masyado kilala. You still need to see my flaws. Skin flaws tsaka flaws ng ugali ko. May mga dahilan at kasalanan din nman ako kung baket di kami ok ng lover ko ngayon.

Be, wag ka na muna masyado magisip tunkol saten. Alam ko ang dami mo na iniisip. Wag mo na ako isali dun. Asikasuhin mo muna mga dapat mo asikasuhin, sa bahay, sa trabaho, sa sarili mo. If things turn out well between us, then good. Pero if not, wala tayo magagawa. Ganun talaga. Ang pagibig, sugal yan. We take the risks for whatever possibilities that comes with the word "love". We wouldnt know what's ahead of us until we get in and face the challenges of it.

Mag-pahinga ka na. ok? Na-miss kita. Muah. Wag mo papabayaan sarili mo.


Love,
Myx

Usbong

4 Reaction(s)
Sa simula akala ko, isang simpleng pagkikita lang ito. Inaasahan ko na sa sarili ko na walang mangyayari matapos ang pagkikita na iyon. Na lilipas din iyon at magkakalimutan rin kami.

Pero sa pagdaan ng mga araw, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko mas naging concern ako sa kanya. Bakit siya ang laman ng puso at isipan ko. Bakit gusto ko na lagi siyang makita, mahagkan at mayakap palagi. Bakit gusto ko siya.

Kaso hindi lahat ng nangyayari kagaya ng sa nababasa natin sa mga fairy tale. Merong mga isyu pa rin sa kanya kaya hindi niya tuwirang masagot sa aking mga tanong. Hanggang ngayon, hindi pa rin maayos ang closure ng kanyang relasyon ngayon. Sinabi niya sa akin, magpakatatag ka lang. Pag naayos na ito, ikaw ang babalikan ko. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na darating ang araw na iyon.

Lumipas ang ilang araw. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya na hindi pa dapat dahil nga masyado pang maaga. Masyado akong atat ngayon at gusto ko na ng kasagutan mula sa kanya. Hanggang kailan ko itutuloy itong kahibangan na ito? Meron ba akong mapapala sa matagal na paghihintay? Kung bakit kasi kailangan ko pang danasin ang ganitong yugto ng pakikipag-relasyon. Marami na nga akong iniisip sa buhay. Dadagdag pa ito.

Hindi ako nagrereklamo. Hindi ko lang alam kung tama ba ang landas na tinatahak ko ngayon.

He says

27 Reaction(s)
"What irritates Cubaoboy is that he keeps on hoping. Hoping that those wonderful dates he had with this person were somehow real and that they really bonded and that they reciprocally enjoyed each other’s company."
-Who Needs Misery, Cubaoboy's blog

Puro Pera na lang

4 Reaction(s)
Minsan parang ayoko nang umuwi sa amin. Sa pagpasok palang sa pintuan, wala kang maririnig na "nakapag-loan ka na ba?", "overdue na ang Meralco natin!", "Kuya, asan na ang tuition fee ko", "pahiram muna ng pera para sa tindahan!".

Hindi naman ako madamot lalo na pag oras na ng sahod. Nagbibigay ako ng higit pa sa kalahati. Na halos pati personal allowance ko, sasagadin na. Sa totoo lang sobrang sakripisyo ang ginagawa ko sa kanila ngayon. Sarili kong pangangailangan isinasantabi ko na para lang sa kanila.

Pero ano pa ang mapapala mo. Magagalit sa iyo dahil kulang palagi ang pera. Anu pa ba ang dapat kong gawin para ma-pleased lang kayo. Kinakapalan ko na ang mukha ko kahit kanino kung kailangan talaga ng pandagdag na pera. Ako nagbabayad sa mga utang, ako na ang hinihingian tapos ako pa ang masama.

Bakit ako lang ba ang tao sa amin. Itong isa kong kapatid na sobrang batugan at tambay lang sa bahay. Paalisin nyo na yan at pag-abroad-in para makatulong naman kahit papano. Ayoko kasing sa akin pa lahat ang sisi samantalang ginagawa ko naman ang lahat para sa kanila.

27 anyos na ako pero nakatira pa rin ako sa amin. Hindi ko pa nararanansan maging independent, hanggat hindi pa nagiging financially stable sila. Pero hanggang kailan ako ganito. Tumatanda na ako. Napag-iiwanan na ako ng iba. Naaalala ko na naman ang MMK story kung saan bida si Eugene Domingo. Nakaka-relate ako sa story niya na sinakripisyo ang personal na kaligayahan para sa pamilya.

Hay buhay, sakal na sakal na ako sa pesteng buhay na ito.

Paunawa: Hindi po ako galit sa aking magulang o kahit sino. Nadala lang po ako ng aking emosyon. Tao lang po ako, napapagod at nagkakamali.

Enter at your own risk

4 Reaction(s)
The hotel only opens at 6PM-6AM, check the website here

Brawn-awt

0 Reaction(s)
Sana lang hindi ako ma-headbang dito sa work ko dahil isang oras lang ang itinulog ko kanina. Kung minamalas ka nga naman, kung kailan patulog ka na (katanghalian) eh saka naman mawawalan ng kuryente.

Kumportable akong natutulog malapit sa terrace ng bahay namin nang biglang nawalan ng kuryente. Siyempre, tapos nang umulan nun at lumitaw na ang Haring Araw kaya todo init bigla. Buti kung tulog na ako nung nangyaring brownout eh, kaso gising pa ako.

Hindi pa naman ako makatulog kapag mainit at pawisan. Grr. Bumaba ako at sinubukang magpa-antok pero wala pa rin. Puro paypay lang ang ginawa ko at asar na asar na ako. Sinubukan kong palipasin ang oras sa pag-login sa Uzzap kaso sa sobrang antok, nabitiwan ko ang cellphone ko at salamat na lang - sa rubber shoes ko nahulog at hindi sa semento.

Mga bandang alas-2 salamat na lang at bumalik na ang kuryente. Hindi agad ako nakatulog dahil gusto ko pa kausapin ang baby ko. Pero nakatulugan ko rin siya. Pasensya na talaga. Mga Alas-3 na ako nakatulog at nagising naman bandang 4.45pm dahil na rin sa alarm. Kakapagod ang ganitong routine. Huhu!

Badly Needed right now

3 Reaction(s)
Nakakainis kung bakit kasi ngayon pa nagloloko ang current charger ko for SE P1i. Asar!

Clip: Muntik nang Maabot ang Langit - True Faith

5 Reaction(s)


Muntik nang Maabot ang Langit
True Faith

Muntik nang maabot ang langit
At makupkop ka sa `king mga kamay
Karapat-dapat nga bang mapasa akin
Ang pag-ibig na `yong taglay

Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang `yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit ohhhh
Walang papantay sa `king katapatan

Higit pa talaga sa kanilang kayamanan
Saan nga ba ako nagkamali
At ako ay iyong pinahirapan
Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo

Upang ang `yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit
Muntik nang maabot ang langit

Ang langit sa `yong puso muntik nang mailapit
Nguni't `kaw na ngayo'y alaalang kay pait
Muntik nang maabot ang langit
Oohh ang langit

Best Night I've Ever Had

2 Reaction(s)
forget about July 1, and hello July 11..

Last night was one of the best night I've ever had. For the first time in my life, naramdaman ko ang real happiness and caring mula sa isang special someone. Although kagabi lang kami nagkakilala, parang matagal ko na siyang kakilala at napaka-gaan ng loob ko sa kanya.

Hindi ko akalain na ganito lalalim ang pagmamahal ko sa kanya, i dunno if this is just infatuation pero to be honest, nararamdaman ko ang honesty at affection niya towards me. Nung mga oras na iyon, parang tumigil ang mundo para sa amin. Ilang minuto rin ang aming halikan at yakapan na walang halong sekswal na motibo. Just being plainly romantic.

Ang saya-saya ng pakiramdam ko kagabi, pakiramdam ko nahanap ko na ang taong pupuno sa aking pagkatao. Alam ko masyado pang maaga para mag-expect sa iyo nang malaki, pero ngayon palang sobra mo akong napasaya. Basta tatandaan mo minahal at mamahalin kita sa iyong pagkatao at hindi sa ibang kadahilanan. Umaasa akong magiging makulay, masaya at lalo pang lumalalim ang ating ugnayan.

Walang mapaglagyan ang kasiyahang aking nadarama. Sana ikaw na ang kasagutan sa aking dasal.

He Says

0 Reaction(s)
"Kung hindi mo pa itatapon ang mga pangit na alaala ng isang tao, baka mabulok lang yan sa utak mo. Dapat laging may puwang ang utak para sa mga bagong magagandang alaala."
-Al, Facebook

Sakayan at Lokohan

0 Reaction(s)
Beb kakarating ko lang, Late nko nakapasok.. may hika nga ako dahil sa pag kakaiyak. Beb miss na kita. Hay!

Hindi mo lang alam kung gaano kita na-miss kung pwede lang na puntahan kita dyan ngayon para hug at kiss. I miss you more!
 Be bang sweet naman. Hay…muah
 
Alam mo naman kung gaano kita kamahal beb. auko na magkamali this time
 
Beb, don’t get me wrong pero… don’t invest too much… auko ng ganun, Kelangan ng even tyo… kelangan. Chill lang muna. Since yung set up din naman ntin wala pa naman commitment.. Beb chill lang po.. ok.. love you….
 
Beb nde naman ganun, syempre meron pa rin akong tira dito sa sarili ko. medyo naguguluhan ako sa part na walang commitment. so it means na your still open for other courtships.
 
Nope…di ko naman kasi priority yong mga nagcocourt sakin ngayon. Basta ang alam ko ikaw yong nandyan..Kung sakali man na nadapa ako at hindi ikaw yung sumalo sakin. Magsasabi poko beb,
 
Hindi ko alam sasabihin ko. mas ok wag na natin lagyan ng label para hindi ako masaktan. wala naman ako maipagmamalaki sa iyo kundi ang aking katapatan pero kung ano ang pasya mo, wala naman akong magagawa kundi sumunod. hindi ko alam anung assurance ang makukuha ko mula sa iyo para ituloy ko itong ginagawa ko sa iyo.
 
Beb wag nating guluhin kung ano man ang meron tyo. Natatakot lang ako syo beb.. chill lang po kasi..muah…
 
Natatakot na ma obsessed ako sa iyo? hindi naman ako aabot sa ganun punto. pag ayaw na sa akin, hindi ko pinagpipilitan sarili ko.
 
Beb don’t make things complicated for you…sna ginawa ko nay un agad.. you don’t need to pleased me ksi gusto ko yung gingawa ko sayo at masya ako. Yun yung pinaghahawakan ko…
 
Just like in life, there is no sure thing in love. You just have to trust. There is no answer – you just know. Yet there’s no way to ‘know’, especially if you pick it apart. Eventually love will be destroyed by all the prodding, analyzing and dissection.
 
Beb what’s with message? What if you weren’t able to pick it apart, apparently you reap it apart. There’s always a room for trembling and groaning relationship, you can’t take it away. Sounds like give and take, receive and forgive
 
What are you suggesting me to do then?

Galit ka ba? Ganun padin. Walang magbabago…

...

Hay.

I understand beb. masyado pang maaga para mag expect ako mula sa ating relationship. kaka 1week lang natin. gusto pa kitang makilala nang lubusan, hahayaan ko na lang ang destiny na mag decide para sa atin!

Yes beb.. that right,, love you

Love you too

Pers Taym Anlikol

4 Reaction(s)
Sinubukan yung promo ng Smart na UnliCall (for a week lang naman). Kala ko direct na tatawagan. Kelangan may *6400 + cp# pa. Ang arte. Hehe!

First kong tumawag ever since mula nang magka-cellphone ako. Opo hindi ako ang tumatawag, ako ang tinatawagan. And mostly pang-SMS lang talaga ang silbi ng cellphone for me, bonus na lang yung camera functions, music etc.

Nagugulat lang siguro at hindi sanay mga peeps na sinubukan kong tawagan kasi nga nasanay na sila na nag-tetext lang ako sa kanila. Kaya minsan binababa nila ang calls or cancel then magte-text na "May sakit ka ba?", "Himala, tumatawag ka!" and magte-text lang na "Bakit ka miskol?". Lolness talaga mga ito.

Anyways, post nyo nalang number nyo. hehe! Para may kakulitan ako for a week!

A Love Letter

0 Reaction(s)
You seem to want a definition…yet I don’t have one. I will never have one. Love, at least to me, includes so many things that I don’t even know where or how to begin. Yet if you can’t just trust that you love someone – that you think of them more fondly than others in a peculiar way; admire them for the things that make them who they are and respect them for these very same attributes – then maybe you will never be able to love. Love is and will always be a leap of faith. Just like in life, there is no sure thing in love. You just have to trust. There is no answer – you just know. Yet there’s no way to ‘know’, especially if you pick it apart. Eventually love will be destroyed by all the prodding, analyzing and dissection.


If there is any way to ‘know’ love – any sort of way to describe or define it – this is highly subjective. Love, at least to me, is selfless yet completely selfish. I love you for who you are and would do most anything for you if you needed me to. This selfless love is something quite gradual that grows as I get to know you better and catch glimpses of your innate, immutable qualities – your kindness, your integrity, your character. While human beings are continuously mutating creatures, I do believe that there are things in us that are tested by life and time, yet do not change. This is the foundation of a human being, maybe it’s the soul, I don’t know – but these are the very things that I see in you every day. I can’t help but love who exhibits many of the qualities that I admire, and also hope to possess. Selfless love leads to selfish love. I also love you for my own sake – for how you improve my life by driving me to be kinder and more understanding; changing the way I see myself and the world; making me question and even strengthen my beliefs and values. Yet it’s also just as simple as the fact that you make me feel wonderful and help me enjoy life just a little more than I would without you.

-XII, Love Letters To & From

Kulang sa Alaga

7 Reaction(s)
Aalis ka sa bahay. May ubo't sipon. Buti na lang wala kang lagnat. Uminom ka na ng gamot plus Multivitamins plus 1000mg ng Vitamin C.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na biyahe at limang sakayan (4 na jeepney at isang MRT), aabutan ka pa ng manaka-nakang pag-ambon. Resulta - Haggard pagdating sa office. Mukhang matatagalan pa bago ako gumaling. Laging napapawisan at basa ang likod ko. Samahan pa ng polusyon ng kalakhang Maynila.

Kaya wag magrereklamo ang iba na napapagod sa biyahe. Ano pa kaya ako kumpara sa inyo. Hindi ako nagrereklamo dahil wala naman akong magagawa.

Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang maramdaman na may nag-aalaga sa akin. Oo andyan ang pamilya pero natural lang iyon sa kanila na alagaan ang miyembro ng pamilya. Pero iba pa rin ang pag-aalaga ng mahal mo. Yung mararamdaman mo ang pagkalinga niya, ang kanyang haplos, ang kanyang yakap, ang kanyang matiyagang pagbabantay hanggang sa ika'y gumaling. "Pa confine ka na lang kaya para may nurse na mag-aalaga sa iyo!", biro sa akin ng mga kaibigan ko.

Pasensya na po, senti lang. Hindi ko pa kasi nararanasan na alagaan ng mahal ko.

ABCD of me

3 Reaction(s)
Yay, survey na naman. Na-miss ko ang ganito..

A - Age: 27 na po ako! Ilang taon pa wala na sa calendar!

B - Bands I'm Listening To Right Now: Wala masyado, pero into anime music and sometimes Classical, ok rin mga Christian bands.

C - Career: Empleyado ng Banko daw!

D - Drink or Smoke: Laking seminaryo, no vice! and i'm proud of it!

E - Easiest Friends To Talk To: Kapwa gaymers and yung mga kababata ko

F - First Crush: I dunno kung crush iyon nung elementary since ang gwapo ng dating ko dati na mula Grade 1 to 6 laging may ka-loveteam ako! Pero secret na iyong totoong crush!

G - Gadgets: SE P1i, pinag-iisipan pa ang PSP at yung HTC TouchPro.

H - Hobbies: Video gaming, surfing the Net, reading Fantasy Books, almanac at iba pang world statistics, trivia/general information na rin!

I - In love: In love sa mga taong love din ako, sana si Beb ganun din!

J- Junk Food You Like: mga sitsirya sa tindahan namin, minsan kung anu makita sa Mercury sa may amin like chips and nachos

K - Kidz: Wala pa sa plano pero ayoko sa mga toddlers

O - One Wish You Have Now: I wish mawala na ang kasamaan sa mundo pero sabi nila evil is the half of the perfect sphere.

P - Phobias: Afraid of heights at sa ipis - lalo na pag lilipad-lipad na siya, eww!

Q - Favorite Quote: Human stupidity is infinite!

R - Reasons To Smile: Love and appreciation sa akin ng aking mga friends and loved ones!

S - Sleeping Time: since taong-gabi po ako. around 11-12nn pag lagpas na dun mahihirapan na ako matulog, kainis kasi tanghaliang tapat matutulog ka at ang init!

T - TV Channels: kung saan may informative at entertainment programs dun ako

U - Unknown Fact About You: Unknown nga eh, siyempre hindi pa alam

V - Vegetable You Hate: Okra - hindi mo ako mapapakain niyan

W - Worst Habit: maging mabait masyado

X - X-rays You’ve Had: Chest lang siguro, muntik na ung Dental x-ray buti na lang hindi natuloy!

Y - Yummy Foods: Siguro Laing at Adobong Atay ng Manok. Dessert naman yung Leche Flan or Brazo de Mercedes.

Z - Zodiac Sign: Pisces

Hindi nauubos!

2 Reaction(s)
Kakaiba ito. Mukhang hindi na ako mahilig magtete-text ngayon. Usually kasi kapag may load ako. Bago pa man umabot sa expiration date, inuubos ko na siya; sayang naman kasi. Pero ngayon, nagugulat na lang ako kasi me mga 10-20 SMS pang naiiwan madalas at hindi ko na nagagamit.

Siguro nagsawa na rin ako at shift naman into calls or chat. Nakaka-adik kasi itong Smart Uzzap, kaya lang ako nagpapa-load ngayon dahil dito. Marami na kasing akong nakikilalang friends lalo na sa peborit kong Room 193. Kilala na rin nila ako at akala ng iba regular na ako dun samantalang kaka-1 week ko palang last Monday. Mabilis na napalagay na ang loob nila sa akin, kulang na lang nga GEB para magkakilanlan ang lahat.

Siguro next time try ko rin itong Unlicall nila. Medyo nakakapagod na rin kasi mag-text sa mga taong hindi naman nagrereply sa iyo. Magte-text lang pag may kailangan, pero maski greet or good morning wala kang maririnig sa kanila.

Teh Teacher

0 Reaction(s)
Stories like this, always have a way of putting the right perspective on life.

Jean Thompson stood in front of her fifth-grade class on the very first day of school in the fall and told the children a lie. Like most teachers, she looked at her pupils and said that she loved them all the same, that she would treat them all alike. And that was impossible because there in front of her, slumped in his seat on the third row, was a little boy named Teddy Stoddard.

Mrs. Thompson had watched Teddy the year before and noticed he didn't play well with the other children, that his clothes were unkept and that he constantly needed a bath. And Teddy was unpleasant.

It got to the point during the first few months that she would actually take delight in marking his papers with a broad red pen, making bold X's and then marking the F at the top of the paper biggest of all. Because Teddy was a sullen little boy, no one else seemed to enjoy him, either.

At the school where Mrs. Thompson taught, she was required to review each child's records and put Teddy's off until last. When she opened his file, she was in for a surprise. His first-grade teacher wrote, "Teddy is a bright, inquisitive child with a ready laugh." "He does his work neatly and has good manners...he is a joy to be around."

His second-grade teacher wrote, "Teddy is an excellent student well-liked by his classmates, but he is troubled because his mother has a terminal illness and life at home must be a struggle."

His third-grade teacher wrote, "Teddy continues to work hard but his mother's death has been hard on him. He tries to do his best but his father doesn't show much interest and his home life will soon affect him if some steps aren't taken."

Teddy's fourth-grade teacher wrote, "Teddy is withdrawn and doesn't show much interest in school. He doesn't have many friends and sometimes sleeps in class. He is tardy and could become a problem."

By now Mrs. Thompson realized the problem, but Christmas was coming fast. It was all she could do, with the school play and all, until the day before the holidays began and she was suddenly forced to focus on Teddy Stoddard.

Her children brought her presents, all in beautiful ribbon and bright paper, except for Teddy's, which was clumsily wrapped in the heavy, brown paper of a scissored grocery bag. Mrs. Thompson took pains to open it in the middle of the other presents.

Some of the children started to laugh when she found a rhinestone bracelet with some of the stones missing, and a bottle that was one-quarter full of cologne. She stifled the children's laughter when she exclaimed how pretty the bracelet was, putting it on, and dabbing some of the perfume behind the other wrist. Teddy Stoddard stayed behind just long enough to say, "Mrs. Thompson, today you smelled just like my mom used to."

After the children left she cried for at least an hour. On that very day, she quit teaching reading, writing, and speaking. Instead, she began to teach children. Jean Thompson paid particular attention to one they all called "Teddy."

As she worked with him, his mind seemed to come alive. The more she encouraged him, the faster he responded. On days where there would be an important test, Mrs. Thompson would remember that cologne. By the end of the year he had become one of the smartest children in the class and...well, he had also become the "pet" of the teacher who had once vowed to love all of her children exactly the same.

A year later she found a note under her door, from Teddy, telling her that of all the teachers he'd had in elementary school, she was his favorite. Six years went by before she got another note from Teddy. He then wrote that he had finished high school, third in his class, and she was still his favorite teacher of all time. Four years after that, she got another letter, saying that while things had been tough at times, he'd stayed in school, had stuck with it, and would graduate from college with the highest of honors. He assured Mrs. Thompson she was still his favorite teacher. Then four more years passed and yet another letter came. This time he explained that after he got his bachelor's degree, he decided to go a little further. The letter explained that she was still his favorite teacher, but that now his name was a little longer. The letter was signed, Theodore F. Stoddard, M.D. The story doesn't end there. You see, there was yet another letter that Spring. Teddy said he'd met this girl and was to be married. He explained that his father had died a couple of years ago and he was wondering...well, if Mrs. Thompson might agree to sit in the pew usually reserved for the mother of the groom. And guess what, she wore that bracelet, the one with several rhinestones missing. And I bet on that special day, Jean Thompson smelled just like...well, just like the way Teddy remembered his mother smelling on their last Christmas together.

THE MORAL: You never can tell what type of impact you may make on another's life by your actions or lack of action. Consider this fact in your venture thru life.

Clip: Katrina-Hayden Spoof (LokoMoko High)

0 Reaction(s)

Teh 2009 (un)Happy Planet Index

0 Reaction(s)
Teh Top 20 "happy" countries according to Happy Planet Index (HPI)

MANILA - The Philippines ranked as the 14th happiest place in the world but reported a low life satisfaction rating, according to the 2009 Happy Planet Index (HPI) published by the New Economics Foundation, an independent think tank.

The HPI measures happiness according to a country's average life expectancy, quality of life data, and environmental track record.

A total of 143 countries were scored from 0 to 100 based on three index targets: high life expectancy, high life satisfaction, and a low ecological footprint. A low ecological footprint is defined as the country's fair share of the world's natural resources, which must not exceed 2.1 global hectares (gha). Life satisfaction, meanwhile, is measured under the World Database of Happiness, which determines how residents of a particular country are satisfied with "their life as a whole these days, all things considered."

The Philippines scored better than its neighboring countries like China (20th), Indonesia (16th), and Malaysia (33rd). It is also the only Asian country that ranked in the survey's top 20 happiest countries, besides Vietnam (5th).  Previously, the Philippines ranked 17th on the 2006 HPI.

The Philippines scored 59.0 out of 100 on the happiness index, based on the country's relatively high life expectancy (71.0) and good ecological footprint (0.9 global hectares).  However, the country scored poorly on life satisfaction (5.5) - the same life satisfaction rating reported by countries like Albania (54th), Macedonia (111th), and Bulgaria (82nd).


'Happiest place in the world'

Meanwhile, the "happiest place in the world," according to the HPI, is Costa Rica, which reported the highest life satisfaction rating in the world (8.5) and the second highest average life expectancy in the region (78.5). This boosted its HPI score, despite its poor ecological footprint (2.3 gha).

The least happiest place in the world is Zimbabwe, which scored 16.6 out of 100 on the index.

There was also a marked absence of first world countries on the HPI's Top 10 happiest countries, with more Latin American and Caribbean countries scoring higher on the index. The 2nd happiest place in the world is the Dominican Republic, followed by Jamaica, Guatemala, Vietnam, Colombia, Cuba, El Salvador, Brazil (the only G20 country to rank high), and Honduras.

Although many poor countries performed well on the happiness index, the HPI report noted that the world is still far from achieving happiness, sustainable living and ecological efficiency. The report said that countries around the world are still generally "unhappy" because of glaring socio-economic inequalities, poverty, war, environmental degradation, and a rapid exhaustion of natural resources.


source: abs-cbn news
for complete data: download here, PDF file

Si Mang Jack at Potpot

4 Reaction(s)
Tuwing umaga bago umuwi sa amin, dumadaan muna ako sa computer shop nina Mang Jack, pero si Mang Potpot ang nagbabantay palagi. Mga 7am bukas na sila kaya dun ako pumupunta para mag MafiaWars (Facebook, adik talaga!).

Kakaiba lang sa kanila kasi, me isang chatroom silang pinupuntahan kung saan pinagmumura nila ang mga chatters. Nung unang rinig ko sa pagmumurahan na iyon, siyempre nagulat ako kasi hindi ko naman inaasahan na ganun pala sila. Humingi naman sila ng paumanhin sa akin. Hindi ko na inusisa kung saang website may ganyan.

Nasisira lang ulo ko kina Mang Jack sa tuloy-tuloy na pagmumura at panlalait nila sa ibang chatter. Pero mukhang masokista rin at trip lang din ng mga tao na ganunin sila kaya wala namang nagrereklamo. Maski asawa ni Jack sumasali na rin, madalas puro P***** I** M* ang naririnig ko sa kanila at iba pang mga maseselan na salita na hindi ko na babangitin pa.

Minsan talaga magugulat ka na lang sa ibang pag-uugali ng mga tao sa paligid mo.

He says

4 Reaction(s)
"Ang sinabi ko sa kanya, mahalin mo muna ang aking mga kakulangan (imperfections). Para pag natutunan mo nang mahalin iyon, wala nang magiging issue pa sa aming relasyon at patuloy na uusbong at lalalim ang aming pagmamahalan."
-best Yohan to Jinji talking about his "technique"

Webwatch - Codex Sinaiticus

0 Reaction(s)
snapshot of the Codex Sinaiticus website

Codex Sinaiticus is one of the most important books in the world. Handwritten well over 1600 years ago, the manuscript contains the Christian Bible in Greek, including the oldest complete copy of the New Testament. Its heavily corrected text is of outstanding importance for the history of the Bible and the manuscript – the oldest substantial book to survive Antiquity – is of supreme importance for the history of the book.

It is one of the most important hand-written ancient copies of the Greek Bible. It was written in the 4th century in uncial letters. It came to the attention of scholars in the 19th century at the Greek Monastery of Mount Sinai, with further material discovered in the 20th century, and most of it is today in the British Library. Originally, it contained the whole of both Testaments. The Greek Old Testament (or Septuagint) survived almost complete, along with a complete New Testament, plus the Epistle of Barnabas, and portions of The Shepherd of Hermas.