Lamig

2 Reaction(s)
Katatapos lang ng pag-ulan, kakaiba ang lamig ng simoy ng hangin ngayon; Pumapasok sa aking kalamnan hanggang sa aking puso. Nararamdaman ko nang lumalamig na ang dati'y mainit na pagtibok nito. Panahon na lang makakapag-sabi kung ito'y mawawalan na ng init at patuloy nang bumalik sa dating tigas na parang adobe.

Pero umaasa pa rin ako at laging binabasa ang linya na ito mula sa blog ni Dale..

"but you have a new life now. It may not be much but it's fixable. You look at your new partner and you wish fervently. You hope that you have not committed the same mistake. You hope this time things will be different... you look at and you know that there are no guarantees, that the best you have is Hope."

Mga Kasabugang Tanong

0 Reaction(s)
sa Mukamo forums, merong segment sila na "Most Wanted" kung san eh nasa hotseat ang isang Mukamo member at obligadong sagutin ang mga tanong nila, ang inyong lingkod at napasama sa hotseat na ito last November 2006 pa, heto ang ilan sa mga makukulit na tanong nila..

1. bakit jinjiruks ang handle na napili mo?
nasa page 1 ng RSD ko po.

2. magkakilala na kayu ni Owel? iy yes.. papano?
si owel nlang makakasagot dyan.

3. ano naman ang masasabi mo tungkol sa spammers united?
nde po ako spammer. ok lang naman. kso nakakasawa na minsan mag spam.

4. sino ba dito sa mukamo ang sa palagay mo eh talagang suplado?


5. sino naman sa mga moderator at admin dito sa mukamo ang madaling lapitan?
halos lahat naman nalalapitan. wala pa namang nang snob sa akin.

***

Oist!

Ano ba mga pinapanood mong palabas ngayon?
walang time eh. pero mukhang maganda ang Avatar: The Legend of Aang (The Last Airbender)

Anong genre ng mga sumusunod ang trip mo?:
anime? wala naman akong pinipili basta maganda ang story.
music? alternative, senti, poprock, classical
books? Bram Stoker fan (Dracula and Lair of the White Worm)
games? RPG syempre. (FF series, Chrono series) Strategy rin. pero never ang arcade at FPS.
movies? fantasy, sci-fi (sa totoo lang Harry Potter at LOTR series lang pinanood ko.)

Yun lang, wala na ako maisip...
 
***

oi jinji.. napadaan lang ako sa mukamo.. kaw pala most wanted..

eto tanong ko..

1. bakit ka spammer?
sa simula lang siguro pero ngayon hindi na. less than 10 post / day nlang ako.

2. bakit boy reklamador tawag sayo?
ni boy saging. ewan ko sa kanya.

3. yung taong nasa loob ng mascot... ngumingiti rin ba pag nagpapapicture?
hollow man iyon. walang laman.

4. nilalanggam din ba ang langgam pag namatay?
yup, dinadala nila sa isang graveyard ng mga patay na langgam. im serious about this.

5. eh yung langaw? nilalangaw din bah?
hindi, inuuod lang sila.

6. wala bang sense tanong ko?
meron naman. smart answers from dumb questions.

7. anong age mo balak mag asawa?
wala pa sa isip ko. masarap buhay single. no strings attached.

8. sino mga kaibigan mo sa mukamo?
kayong lahat. safe answer.
 
***

1. ba't nawala na ang pusa mo?
pinalayas ko na. ang panghe kasi ng bahay pag andyan sila.

2. pusa mo ba talaga yung avatar mo dati?
wish ko lang. haha. pusa-kal lang mga pusa namin. bale 2 pusa at 3 kuting.

3. wala lang... gusto ko lang sabihin sobrang suplado itsura nung itsura nung pusang yun... pero cute rin
haha. bakit mo naman nasabi?

4. anong gusto mong maging sa buhay?
maging mayaman at pumangit (sawa na sa pagiging gwapo. lol.)

5. anong masasabi mo tungkul sa mabilis na pagka panalo ni pacquiao?
kawawa naman yung nagbayad ng mahal sa mga mall at sa HBO Pay per View.

6. ano libangang mo?
video games lang.

7. anong favourite mo na toilet paper.
kahit anu basta magamit.


***


1. You work best in a group or on ur own?
it really depends.

2. Everybody has one thing or another they would like to change about themselves..ano ang sayo?
ah yung course ko ngayon. gusto ko sana education at acct. not comsci.

3. Do u enjoy entertaining people?
sabi nila joker daw ako. gusto ko kasi masaya sila at nakangiti, nakakawala ng pagod.

4.What is responsibility?
A detachable burden easily shifted to the shoulders of God, Fate, Fortune, Luck or one's neighbor. In the days of astrology it was customary to unload it upon a star.

5.Define LOVE..
A temporary insanity curable by marriage or by removal of the patient from the influences under which he incurred the disorder. This disease, like caries and many other ailments, is prevalent only among civilized races living under artificial conditions; barbarous nations breathing pure air and eating simple food enjoy immunity from its ravages. It is sometimes fatal, but more frequently to the physician than to the patient.

***

Ay si Bossing

1) goodboy kana ba ngayon dahil hindi kana pusa?
yung penguin kumakain din ng baby.

2) ano ang mga ginagawa mo sa mga sanggol?
anung klaseng sanggol?

3) ano ang mga skills ng pusa?
Hearing: The two great auditory pavilions extended and movable permits us to recognize from the outside their excellent hearing. The cat can perceive and correctly situate any noise no matter how weak and distant they are. He hears sounds up to a frequency of 65 kilohertz, while human audition is of 20 kilohertz.

Sight: Cats sight is very developed. With his eyes sensible to light, the cat can distinguished perfectly its prey and attack it with precision.

On the dark, its pupils dilate to the maximum. This way, he utilizes in the best way the smallest light available. In return, in clarity, its pupils narrow.

Smell: the sense of smell is not excessively developed in the cat.

Taste: sense of taste is not accentuated either. Its preference with food is more of an hereditary type.

Tact: cats perceive sensations through its sensorial hairs that are highly sensible, the whiskers and the sensible hairs over its eyes. This hair function like an antenna, thanks to which they can orientate themselves perfectly.

4) kung bibigyan ka ng 100,000,000 pesos, ano ang gagawin mo dito?
bahay at lupa, sariling net cafe.

5) kung ikaw ay ako, ano ang dapat na maging 5th question ko sa iyo?
kung kilala mo ba ako?

***

Ano ang kasiyahan para sa iyo? ito ba ay absolute (the same one for everybody) or relative (many different forms)?  Ano ang kasiyahan para sa iyo? ito ba ay objective (there is a "line of truth" kung ano ang masaya at hindi masaya) or subjective (it depends on the opinion ng tao)?
ewan ko syo pooch. puro philo nlang. nope. yung kasiyahan. depende naman sa tao iyan eh. maaring sa isang magsasaka ang kasiyahan nya eh makarami ng ani, sa isang guro ang makapasa lahat ng students nya sa klase, sa akin ang yumaman at pumangit. haha. biro lang. ganun lang.

***

1. kung ikaw ay makakapaglakbay sa nakaraan, ano ang iyong babaguhin?
wala akong babaguhin dahil baka lalo pang magkagulo gulo pag may binago ka.

2, kung ikaw ay makakapaglakbay sa hinaharap, ano sa tingin mo ang iyong iuuwing babala sa mga tao sa iyong kasalukuyang panahon?
wala pa rin. mahirap na pakialaman ang hinaharap.

3. kung ikaw ay isang anime character, sino ka at bakit?
ako. wala naman in particular. a typical high school happy go lucky guy siguro na may power to control the elements.

4. paano mo na formulate ang iyong username?
username/handle name ko. ---> page 1 ng RSD ko

5. what is your recent achievement?
wala pa naman. kung meron man eh minor lang.

6. kung ikaw ay magiging isang bagay, ano pipiliin mo sa dalawang ito, band-aid or sanitary napkin?
bakit naman napkin ang pipiliin ko? bad. haha. band aid nlang general purpose pa.

***

1. What is your favorite animal?
pusa

2. What is your favorite book?
The White Company, Treasure Island, Dracula

3. What is your favorite question?
wala pa akong naiisip eh.

4 What have you learned about Mukamo people since you've joined?
interaction, socialization, pinoy community.
5. Shino ako?
kamaganak ka ata ng penguin ko. 
 
***
 
ano po ba ito?
most wanted po. kung saan pipili ng isang mukamo member tapos parang hot seat sya kagaya ng nangyayari sa akin ngayon.

bakit penguin ka?
nakikisakay lang kina tito aga at killa. 
 
***
 
1. Galit ka ba kay Gloria Macapagal-Arroyo?
hindi naman. bakit mo naman naitanong.
 
1.1 if yes, magbigay ng mga dahilan bakit ka galit or naaasar...
hindi nga eh.
 
1.2 if no, magbigay ng dahilan kung bakit labs na labs mo sya...
hindi ko rin sya labs. ayoko na makisawsaw pa sa magulong mundo na yan.

***

batch 2 batch 2 batch 2!!

1. Ilang beses kang maligo sa isang araw?
1-2x depende pag mainit at nagiinit.
 
2. Para sa iyo, salot ba si Honasan o isang bayani?
common tao na madulas pa sa isda. tapos na ang time nya eh.
 
3. May PS1 ka ba?
wala poor lang me.
 
4. May brick game ka ba?
dati. may game n watch pa nga.
 
5. May betamax ka ba?
wala po eh. vhs lang naabutan.
 
6. Anong koleksyon meron ka?
snoopy at mga lumang quiz/other test papers ko since elementary up to college.
 
7. I am thinking of two consecutive numbers. their sum is 67. What are the numbers?
33 and 34. math olympiad ba?
iyon lang po muna..  
 
***
 
1) Paano kumain ng sanggol ang penguin?
nilalakihan ang mouth.
 
2) Ano ang mga skills ng penguin?
wala pa. beta pa kasi.
 
3) Kung gutum na gutum ka na at dalawa lang ang pagpipilian mo na makakain para mabuhay, alin dito ang kakainin mo, penguin or pusa?
wala. papakamatay na. i love animals so i dont eat them.
 
4) Nakakain ka na ba ng pusa?
nevah.
 
5) Sino mananalo pag naglaban, ang penguin o pusa?
depende sa stats.
 
6) Masarap ba ang pusa sa siopao?
na try mo nba?
 
7) Sino ako?
tikpusa?  

***

kuya Jinji
 
1.Napanood mo ba ang MAdagascar? Ano masasabi mo sa mga Penguin dun?
hindi pa eh. nde type ganyang genre.
 
2.Showing na ang Happy Feet, manonood ka ba nito?
nope. harry potter nlang antay ko.
 
3.Kilala mo ab c badbatzMaru?
nakikita ko. pero nde ko idol.
 
4.Ano naman ang masasabi mo Kay Penguin na kalaban ni Batman?
nde sya Linux user.
 
5.Ayon kay Steve Irwin (Sumalangit nawa ang kaluluwa nya) ang mga Penguins daw ay monogamous.. ikaw ba ganun din? maniwala ka sa kanya.
 
6.Anong klaseng penguin ka?
blogger penguin.
 
salamat pla sa pagsagot sa mga tanong ko.. =) 
 
****

1. . Six kings of England have been called George, last one
being George the Sixth. Name the previous five.
george I 1714-1727 (House of Hanover)
george II 1727-1760 (HoH)
geroge III 1760-1801 (HoH)
george IV 1801-1820 (HoH)
george V (1910-1917) House of Saxe0Coburg-Gotha (1910-1927) House of Windsor

2. How many commandments was Moses given? (approximately)
aside from The Ethical Decalogue (10).. may ritual decalogue pa..


Quote:
1.Worship no other god than Yahweh: Make no covenant with the inhabitants of other lands to which you go, do not intermarry with them, and destroy their places of worship.
2.Do not cast idols.
3.Observe the Feast of Unleavened Bread for seven days in the month of Abib.
4.Sacrifice firstborn male animals to Yahweh. The firstborn of a donkey may be redeemed; redeem firstborn sons.
5.Do no work or even kindle a fire on the seventh day. Anyone who does so will be put to death.
6.Observe the Feast of First Fruits and the Feast of Ingathering: All males are therefore to appear before Yahweh three times each year.
7.Do not mix sacrificial blood with leavened bread.
8.Do not let the fat of offerings remain until the morning.
9.Bring the choicest first fruits of the harvest to the Temple of Yahweh.
10.Do not cook a goat in its mother's milk.

3. What time is it when the big hand is on the 12 and the little hand is on the 5?
0500 and 1700 hrs po.

4. Advanced math. If you have three apples how many apples do you have?
may nagbago ba?

5. Spell -- Bush, Carter, and Clinton
BUSH: _ _ _ _
CARTER: _ _ _ _ _ _
CLINTON: _ _ _ _ _ _ _
 
***
 
tingnan mo nga naman talaga yan oo..ikaw pala ang wanted ngayon..
pooch tapos na po! may nagpahabol lang.

1. kung papipiliin ka, gusto mo bang maging isang batang lumaki sa lungsod o isang batang lumaki sa probinsya?
probinsya syempre
 
2. ano ang katalinuhan para sa iyo?
innate
 
3. naabutan mo ba iyong 5 1/2 na diskette?
oo naman. commander keens at dangerous dave pa.
 
4. mahaba ba ang pasensya mo?
unfortunately nde. kaya wag subukan.

PS Boys Update

0 Reaction(s)
- Simula nang magka-shop si Angelo, regular customer na ako sa shop, para matulungan berks ko sa dream business niya. Medyo nakakatuwa dahil nagsisimula na siyang kumita at mukhang next month magdadagdag ng PC at papalitan mga chairs.

- Si Thomas (high school classmate) tuwing weekends naglalaro na rin.

- Si Factor (kasama kapatid niya) nag-install ng mga games para dun na rin maglaro

- Rene, busy sa bahay kaya hindi makaalis sa kanila pero nangako naman na dadalaw siya.

- Si Adar, kaka-text ko lang at kakagaling ng Komikon kahapon, daraan daw next week.

- Si Cyril, la na ako balita sa kanya. Pero sa Facebook curious siya dun sa bagong online game na nilalaro ko kasi  parang Persona daw.

- Si Billy - nasa palengke lang naman at madali nang kausapin.

Clip: Shin Megami Tensei: Imagine Trailer

2 Reaction(s)

Yay! Mukamo is Back

0 Reaction(s)

He Says

4 Reaction(s)
I can't believe that I am into the 2nd year of the two most wonderful years of my life. I used to envy my friends whose relationships would reach that point where they start counting the years and not the months they were together.

Thinking about it now, I don't think we even started counting the months. It all happened so fast, *** seemed like yesterday. I guess you don't really notice time when you're enjoying yourself-- or when you're in love.

-My 2nd Year Anniversary, Jae's IceKnight

Buhay na naman

0 Reaction(s)
Mula pa kahapon, active na ako sa online gaming. Eto na ang siguro ang pagbabalik at gamer's blood rush, ilang buwan rin kasi akong semi-retire at ngayong nagbabalik ako. Dagdag gastos na naman ito hehe! Pero kahit papano nakakapag bonding ako sa mga ka-berks ko na adik rin. Dito kami nagkakilala lahat at dito na rin siguro kami mamamatay. Haha!

Sinusubukan ng Shin Megami itong patience ko dahil sa halos lahat ng gagawin mo eh manual at walang auto man lang sa game. Malaking challenge ito dahil kung nag quit ako paano pa kaya sa real world. Habaan dapat ang pasensya at maging matiyaga.

Random Quotes

3 Reaction(s)
Kapag nagmahal ka pumunta ka doon sa mabuti, hindi sa mabait. Piliin mo iyong yayakapin ka kahit hindi ka pa naliligo. Iyong hahalikan ka kahit bagong gising ka. Piliin mo iyong magpapaluha sa iyo sa kakatawa, hindi iyong iiyakan mo para ikaw at mapatawa.

Piliin mo iyong makakasama mo sa bawat araw ng buhay mo, hindi iyong puro sa gabi lang. Mahalin mo iyong kayang hawakan ang kamay mo sa harap ng buong mundo; at higit sa lahat piliin mo iyong kailangan ka dahil mahal ka niya, hindi iyong mahal ka kasi may kailangan lang sa iyo..

-via SMS

Tropical Storm "Lupit" (Int'l Codename)

3 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
"Victory comes with determination - even when struggles have to be won, one battle at a time."
-Totoy Batak Chronicles Three: Palaban, Knox Galen's Soul Jacker

Mawnin Date

4 Reaction(s)
Nagkita kami kanina ni mahal sa may Ortigas. Na-miss ko lang siya kahit na last Sunday nagkita na kami. Natutuwa ako sa kanya kasi nakikita ko ang effort niya sa aming relationship. Kaka-2 months lang namin last 11. Ang I should say mas mahal ko siya ngayon compared before. Pinagusapan lang namin kaninang umaga mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay at yunh ngayon at kung san patungo ang aming relasyon. Pinagusapan namin mga pagkukulang namin sa isa-t-isa at kung paano mapupunuan iyon.

Iba talaga pag personal kayong nag-uusap kesa sa text lang. Mas naipaparating ko sa kanya ang aking nararamdaman. Nangako uli't kami sa isa't-isa na gagawin ang makakaya para sa aming relasyon. Looking forward for many more monthsaries and even more anniversary. Love u mahal!

Hayz Late

0 Reaction(s)
Sa kasarapan ng tulog, 5.30pm na ako nagising, 7pm na wala pa ring masakyan na jeep papuntang crossing sa amin. Napilitan nalang akong mag tricycle (mga swapang na driver - ang mahal-mahal ng singil).

Isama mo pa ang super traffic na Commonwealth pati na ang driver na halos kada kanto na lang tumitigil at umaabot ng 5minuto ang pagtatawag niya ng pasahero. Tumakbo na agad ako mula MRT hanggang sa the Fort bus then sa building. Me kasabay pa akong halos late na rin kaya nagtatatakbo.

Hindi na rin naman ako nakahabol at 2mins akong late. Asar na asar ako sa jeep na iyon. Kung hindi lang siya nagbabad bawat kanto, hindi pa sana ako late ngayon.

He Says

0 Reaction(s)

Madara Uchiha talking to the Kages, Vol 50 Ch 467 - Declaration of War, Naruto Shippuden

An Angel's blogsite

0 Reaction(s)
if you have some spare time please visit Baby Daniel's blogsite (officemate Oliver's son) who currently (and critically) needs financial support from biliary atresia..

Back to Online Gaming

0 Reaction(s)
after a couple of months na inactive sa online gaming; Cabal online pa ata ang last game na iyon. Heto nagbabalik muli si Jinjiruks sa aksyon at sa ngayon ang nilalaro niya ngayon - Shin Megami Tensei..

Clip: World of Warcraft: Cataclysm

2 Reaction(s)

Thinking too much

7 Reaction(s)
Jinji (10/12/2009 7:09:14 PM): ebentot
Eben (10/12/2009 7:09:37 PM): yep jepot
Jinji (10/12/2009 7:09:46 PM): talagang proud canon user
Eben (10/12/2009 7:09:52 PM): hehehe
Jinji (10/12/2009 7:10:13 PM): kainis me hawig ka dun sa geb ng clan kagabi
Eben (10/12/2009 7:10:25 PM): hahaha
Eben (10/12/2009 7:10:27 PM): di nga?
Jinji (10/12/2009 7:10:32 PM): nde naman halos
Eben (10/12/2009 7:10:33 PM): bat naman kainis??
Jinji (10/12/2009 7:10:41 PM): ung stature mo at ung resemblance ng face mo
Jinji (10/12/2009 7:10:48 PM): na miss ko lang si ebentot
Eben (10/12/2009 7:12:03 PM): wushu
Eben (10/12/2009 7:12:09 PM): musta naman ang buhay buhay?
Jinji (10/12/2009 7:12:23 PM): eto hayz ewan ko eben
Jinji (10/12/2009 7:12:28 PM): nasa crossroads na naman ako
Jinji (10/12/2009 7:12:32 PM): o paranoid lang talaga ako
Jinji (10/12/2009 7:12:36 PM): 2months na kami
Jinji (10/12/2009 7:12:46 PM): pero i still dunno kung tama ba itong pinili ko
Eben (10/12/2009 7:14:14 PM): y think too much?
Jinji (10/12/2009 7:14:20 PM): dunno bro
Jinji (10/12/2009 7:14:29 PM): am still having doubts
Jinji (10/12/2009 7:14:38 PM): lalo nat sa chatroom ko lang ng uzzap siya nakilala rin
Jinji (10/12/2009 7:14:47 PM): lam mo na
Eben (10/12/2009 7:14:48 PM): kung palagi ka mag-iisip.. nililimitahan mo lalo yung sarili mo na makaramdam
Jinji (10/12/2009 7:14:51 PM): pero matino naman siya
Jinji (10/12/2009 7:14:58 PM): pero eto nagiisip pa rin ako
Jinji (10/12/2009 7:15:11 PM): am trying to divert my attention
Eben (10/12/2009 7:16:56 PM): i was reading your previous posts
Eben (10/12/2009 7:17:01 PM): happy ka naman
Jinji (10/12/2009 7:17:21 PM): false happiness lang kaya?
Eben (10/12/2009 7:17:47 PM): di ako naniniwala sa false happiness e
Eben (10/12/2009 7:18:02 PM): kasi pagsinabi mong happy
Jinji (10/12/2009 7:18:21 PM): happy but still having doubts after na nde na naman kayo magkikita
Jinji (10/12/2009 7:18:31 PM): palagay mo am too clingy na?
Eben (10/12/2009 7:18:59 PM): kelan lang ba kayo nagkikita?
Jinji (10/12/2009 7:19:11 PM): nagkikita naman kami halos every week
Jinji (10/12/2009 7:19:24 PM): pero minsan kasi me mga panahon na alam mo na parang praning mode ako
Eben (10/12/2009 7:20:49 PM): hmm
Jinji (10/12/2009 7:21:13 PM): does it mean na wala akong tiwala sa kanya
Eben (10/12/2009 7:21:16 PM): jeff
Jinji (10/12/2009 7:21:30 PM): or ako lang ang mali sa relasyon na ito
Eben (10/12/2009 7:21:30 PM): dapat binibigyan niyo rin mga sarili niyo ng space
Jinji (10/12/2009 7:21:40 PM): dude ginawa ko nman yan
Jinji (10/12/2009 7:21:47 PM): nde ko naman iniisip un most of the time
Eben (10/12/2009 7:29:55 PM): basta wag na masyado mag isip
Eben (10/12/2009 7:29:59 PM): lagi ba kayo nag aaway?
Jinji (10/12/2009 7:30:14 PM): nade naman kami nagaaway
Eben (10/12/2009 7:30:34 PM): jin
Eben (10/12/2009 7:30:44 PM): enjoy mo lang mga mments na magkasama kayo
Eben (10/12/2009 7:30:50 PM): dont think too much
Jinji (10/12/2009 7:30:50 PM): its just ako lang may problema siguro
Jinji (10/12/2009 7:30:54 PM): im thinking too much
Eben (10/12/2009 7:30:59 PM): exactly
Jinji (10/12/2009 7:31:01 PM): thats my problem
Eben (10/12/2009 7:31:06 PM): you are what you think jeff...
Jinji (10/12/2009 7:31:12 PM): im attempting na maging ok at perfect ang relationship na ito
Jinji (10/12/2009 7:31:17 PM): since nasa huling biyahe na rin ako
Eben (10/12/2009 7:31:55 PM): ano ba ang definition mo ng perfect relationship?
Jinji (10/12/2009 7:32:04 PM): wala namang p[erfect eben
Jinji (10/12/2009 7:32:46 PM): hayz
Eben (10/12/2009 7:32:56 PM): kaya nga
Jinji (10/12/2009 7:33:01 PM): buti kpa nga at medyo ok at happy ka naman ngaun
Jinji (10/12/2009 7:33:21 PM): nde ko lang alam paano mawawala or alleviate din fears/doubts sa kanya
Eben (10/12/2009 7:33:41 PM): para mag work ang isang relationship kailangan nandun yung trust
Eben (10/12/2009 7:33:46 PM): yung pagiging open
Eben (10/12/2009 7:33:56 PM): lalo na sa communication
Jinji (10/12/2009 7:34:49 PM): trust, faith, open communication
Jinji (10/12/2009 7:35:00 PM): sinasabi ko naman sa kanya mga nasasaloob ko
Jinji (10/12/2009 7:35:12 PM): its just nde ko lang makuha ang affection na inaasahan ko sa kanya
Eben (10/12/2009 7:35:32 PM): is she aware sa mga expectations mo?
Jinji (10/12/2009 7:35:41 PM): alam naman niya
Jinji (10/12/2009 7:35:48 PM): pero wala naman siyang ginagawa
Jinji (10/12/2009 7:36:00 PM): nde ko naman siya sinasakal at pinapa impose na gawin niya un
Jinji (10/12/2009 7:36:17 PM): its just alam mo na. pag ako nagtatampo ako pa rin ang lalapit sa kanya
Jinji (10/12/2009 7:36:24 PM): i mean walang effort sa kanyang part
Eben (10/12/2009 7:36:42 PM): what if
Eben (10/12/2009 7:36:46 PM): subukan mong wag lumapit
Eben (10/12/2009 7:37:22 PM): vocal ba sya sa nararamdaman niya sa yo?
Jinji (10/12/2009 7:37:32 PM): wag lumapit?
Jinji (10/12/2009 7:37:34 PM): how?
Eben (10/12/2009 7:37:45 PM): halimbawa sa tampuhan niyo
Eben (10/12/2009 7:37:52 PM): since lagi ikaw ang lumalapit
Eben (10/12/2009 7:37:56 PM): for a change ba
Jinji (10/12/2009 7:38:21 PM): ewan ko dude
Jinji (10/12/2009 7:38:25 PM): walang effort eh
Jinji (10/12/2009 7:38:47 PM): pero pag nagkikita nman kami ginagawa naman niya ung alam niya para comfort ako
Jinji (10/12/2009 7:38:50 PM): pero nde ko maramdaman
Jinji (10/12/2009 7:38:57 PM): sinasabi ko sa kanya. kahit kaunting effort pa.
Eben (10/12/2009 7:39:43 PM): on your part ba, is there something na hinihiling nya sa yo?
Jinji (10/12/2009 7:40:00 PM): wala nga eh
Jinji (10/12/2009 7:40:05 PM): ako pa demanding ngaun
Jinji (10/12/2009 7:40:28 PM): ewan ko eben
Jinji (10/12/2009 7:40:33 PM): baka ganun lang personality niya
Jinji (10/12/2009 7:40:41 PM): alam mong maiksi lang pasensya ko
Jinji (10/12/2009 7:40:46 PM): pero binabago ko sarili ko para sa kanya
Jinji (10/12/2009 7:40:52 PM): sobrang hinahabaan ko na
Eben (10/12/2009 7:41:30 PM): have you tried asking him kung masaya ba sya sa relasyon niyo?
Jinji (10/12/2009 7:41:47 PM): happy naman daw siya
Jinji (10/12/2009 7:41:53 PM): ewan ko eben
Jinji (10/12/2009 7:41:57 PM): nde ko maintindihan sarili ko
Jinji (10/12/2009 7:42:10 PM): happy ba ako o am just thinking too much
Eben (10/12/2009 7:42:23 PM): you're just thinking too much
Eben (10/12/2009 7:42:39 PM): wag palagi naka focus sa doubts jeff
Eben (10/12/2009 7:42:48 PM): see yourself outside the relationship
Jinji (10/12/2009 7:43:12 PM): easy for you to say
Jinji (10/12/2009 7:43:29 PM): i just dont know where to start
Eben (10/12/2009 7:43:38 PM): inaamin ko madali talaga sabihin
Eben (10/12/2009 7:43:48 PM): i've been to a similar situation before
Eben (10/12/2009 7:43:54 PM): i think too much
Eben (10/12/2009 7:43:57 PM): i felt less
Eben (10/12/2009 7:44:06 PM): ang ending hiwalayan
Jinji (10/12/2009 7:44:16 PM): un na nga iniiwasan ko
Jinji (10/12/2009 7:45:38 PM): hayz pare
Jinji (10/12/2009 7:45:43 PM): ang hirap hirap nang ganito
Eben (10/12/2009 7:45:54 PM): sabi nga ng song
Jinji (10/12/2009 7:45:59 PM): minsan iniisip ko
Eben (10/12/2009 7:46:01 PM): nobody said it was easy
Eben (10/12/2009 7:46:04 PM): hehehe
Jinji (10/12/2009 7:46:11 PM): iwanan ang l;ahat at magsimula nang spiritual journey
Jinji (10/12/2009 7:46:14 PM): to know myself more
Eben (10/12/2009 7:46:41 PM): anytime na marealize mong ready ka na for that, just do it
Eben (10/12/2009 7:47:05 PM): kasi kung tatapusin mo 'to, tapos mag sisimula ka ng panibago, pero ganun pa rin ang mindset mo, wala pa rin
Eben (10/12/2009 7:47:15 PM): nagiging cycle na sya
Jinji (10/12/2009 7:47:41 PM): yeah true true
Jinji (10/12/2009 7:47:59 PM): hayz
Eben (10/12/2009 7:48:11 PM): anukaba..
Jinji (10/12/2009 7:48:13 PM): itong journey na ito.. kelangan ko bang pakalayo layo
Eben (10/12/2009 7:48:17 PM): 2 months pa lang yan
Eben (10/12/2009 7:48:25 PM): dami pa pwede mangyari
Jinji (10/12/2009 7:48:26 PM): alam ko pare
Jinji (10/12/2009 7:48:29 PM): testing the waters
Jinji (10/12/2009 7:51:24 PM): thanks bro
Eben (10/12/2009 7:51:39 PM): walang anuman
Eben (10/12/2009 7:51:44 PM): bee happy!
Jinji (10/12/2009 7:51:47 PM): sana nga
Eben (10/12/2009 7:51:49 PM): ako nga
Eben (10/12/2009 7:51:53 PM): im single pero happy naman
Eben (10/12/2009 7:51:54 PM): hehehehehe
Jinji (10/12/2009 7:51:56 PM): happiness is a subjective word
Eben (10/12/2009 7:52:30 PM): kung magagawa mo maging masaya kahit sa mga simpleng bagay... ok na rin yun
Jinji (10/12/2009 7:52:39 PM): hehe
Jinji (10/12/2009 7:52:46 PM): un nga wala sa mga tao ngaun
Jinji (10/12/2009 7:52:54 PM): appreciation of small things
Eben (10/12/2009 7:53:06 PM): korek
Jinji (10/12/2009 7:53:30 PM): oks. o sya nde na kita iistorbohin. pero salamat sa iyong advice pare.
Eben (10/12/2009 7:53:50 PM): hahaha i didn't do much naman
Eben (10/12/2009 7:53:53 PM): nakinig lang ako
Eben (10/12/2009 7:53:57 PM): sige thanks din
Eben (10/12/2009 7:54:02 PM): see you sa december
Jinji (10/12/2009 7:54:05 PM): take care always
Jinji (10/12/2009 7:54:12 PM): looking forward sa pagbabalik mo
Eben (10/12/2009 7:54:15 PM): oks
Jinji (10/12/2009 7:54:18 PM):

Maple Story anyone..

7 Reaction(s)

Task

4 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
“Hindi mo dapat iniiyakan ang nakaraan.Isipin mo,bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang iyong hinaharap...”


-Mula kay Doraemon, Erik's Period

Hay Brownout na naman

0 Reaction(s)
-Paguwi kaninang umaga sa bahay. Brownout. Bweset. Wala namang bagyo. Dapat sana nadamay na kami nung nawalang ng kuryente ang Cainta/Antipolo kaso hindi eh. Wala namang reported na maintenance sa kanilang website. Ewan. Pasalamat sila at malamig ang panahon at nakatulog ako. Kung hindi na naman ako makakatulog nito.

-Hapon na nagising, wala paring kuryente. Buti sana kung may tubig eh kaso wala rin. Mabuti pa sa tiyahin ko kahit brownout merong tubig. Buti na lang at puno ang drum ng tubig, sandali lang naligo at umalis na rin. Medyo umaambon-ambon sa labas.

-Pagdating sa Ayala-MRT, pagsakay sa The Fort bus, grabe naman ang traffic sa McKinley road, ilang minuto rin ang inabot. Buti na lang nakarating ako sa office on-time at hindi late.

-Sana pag-uwi may kuryente na. Kainis!

Pwede naman pala eh!

0 Reaction(s)

Nag-iisip

8 Reaction(s)
Ang dami-dami kong iniisip ngayon na hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ngayon. Lalo na ditong sa mga huling pinagpo-post ko sa aking blog. Talaga nga bang natural o pinipilit ko lang ang pagmamahal na itong nararamdaman ko. Nakakainis, hindi ko na sana iniisip ganitong bagay not until nabasa ko ang isang entry from a fellow blogger.

Iniisip ko kasi sa sarili ko, gusto kong magtagal ang relationship namin. Pero hindi ko alam or ma-assess kung tama ba itong path na tinatahak ko ngayon. Marami na akong na-invest emotional, physically at lahat ng "ly" dito, masasaktan lang ako nang labis pag hindi nag-workout ito. Hindi naman nawawala ang risk sa bawat action na gagawin natin sa buhay, kasama na dito ang relasyon natin sa ibang tao lalo na sa iyong minamahal.

Ewan ko, kelangan ko siguro ng isang tao na magpapaliwanag sa akin kung nasaan na mismo ako at kung ano ang palagay niya sa landas na dinadaanan ko ngayon. Kung masasaktan ba ako? Kung masisiyahan ba ako? Pero sino ba naman makakapagsabi kundi sarili mo lang sa estado ng relasyon mo ngayon sa kanya.

He Says

2 Reaction(s)
demet, kainis ka Kane - bakit ko ba sinusundan ang blog mo, siguro there is something that connects us sa situation mo ngayon.. Grr!

"Your intellect will war with your emotions kasi. There might come a point in time where you might have to force yourself to like him? As opposed to naturally liking him.."

"But now, you are re-evaluating your relationship and allowing yourself to see aspects of him which you didn't allow yourself to see before. Maiinis ka, you might be irritated by certain things and you will have to decide if he is still worth it.."

".. you've always followed your instincts. You've always trusted it. Just remember, the heart is as important as the mind. It will tell you about the soul. Whatever you decide, it must be absolute. If you decide to cut him off, it must be absolute or else there will be points of stress as he will want to communicate."

"If you decide to fight for him, it must be absolute also. You must want it completely, absolutely, or else there will be leakages. The heart and mind must be one.."

-Of Fates That Could Be , Kane's Human, All Too Human


not related sa previous quotes pero nag-iwan na naman ng pitak sa aking puso, don't worry JM nasa mabuting kamay na ang kaibigan mo, bumaba man siya sa biyahe tiyak kong may papalit naman para sumakay kasama ka sa landas na tinatawag nating buhay..

"Sabi ko wag muna at ako ang mauuna. Dahil sa’yo, mas naintindihan ko ang mga importanteng bagay sa mundo. Dahil sa’yo, nagbago ang buhay ko. Naging mas maayos. Katulad ng pangako natin noon sa isa’t isa, walang kalimutan.

Natutunan kong saglit lang ang itinatagal ng bawat isa. Kailangang maging bukas ang sarili para sa magagandang pagkakataon. At kahit anong pilit na isakay ang mas maraming tao, kailangang may bumaba muna para may makasakay na bago. Bago na kayang baguhin ang buhay mo, katulad ng sinundan niya. "

-Goodbye Matt, JM's Works, Garbage, and a Piece of Paper

Pers Taym Nong

2 Reaction(s)
Naalimpungatan ako kanina sa kasarapan ng aking pagtulog mula sa ingay na naman ng TV namin habang pinapanood nila ang Wowowee. Ayun sa kasamaang palad hindi na ako nakatulog after. Sinabi na lang sa akin na dumating si Rene (berks/kababata) para ihatid sa akin ang invitation para sa binyag ng kanyang bunsong anak. Nawala sa isip ko na bukas na pala iyon at isasabay sa pista sa kanilang barangay. Kinausap ako na pwede ba daw kaming mag ninong kasama si Cyril sa kanyang anak. Pumayag naman kami kaya eto, dali-dali nagpunta sa mall para bumili ng pang regalo.

Mga dapit-hapon na rin iyon nang makarating ako sa mall. Nabili ko naman agad siya at nag extra curricular nalang ako. Supposedly makikipagkita ako sa isang ebay seller para sa item. Pero dahil nga sa hinanap ko pa yung healthy options para bumili ng fish oil medyo nagtagal ako kakahanap na wala na naman palang stall. Takipsilim na nang umalis ako at dumiretso na sa MRT para pumasok.

Bukas maaaga naman ako dapat dahil alas-10 ang binyag. Actually 2nd na dapat na inaanak ko ito (nag proxy lang ako sa una pero ako pa rin ang hinabol at ginawang ninong). Puyatan na naman ito. Hehe!

Happy Birthday Mahal

8 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
Worthiness..

"I'd like to think I'm a good judge of character. But I have been wrong before. Does that mean I shouldn't trust again? There are no guarantees in life. I just have to trust myself, trust you and hope that we are indeed worthy of each other."

Promise of Love..

"When you saw me the first time I was in complete desolation. Full of grief yet filled with hope. And now, here you are, trying to complete my wholeness. I hope you can be my twin flame while I traverse the pitfalls and goodness of life."
-So Goodbye, These Days Are Gone, Kane's Human, All Too Human


"I have thought a lot about this. I think this is what is happening. M is trying to find out who he is and what he wants. He has options and he is coming into his own self as an adult, as an individual. He needs someone who can walk him through his options, but not impose on him who he is and is not, who he should be and should be not, what he should do or not do.

I think for awhile, I tended to "parent" him. I did mean well, I wanted what I thought was best for him. But I realized you have to make people make their own decisions, even if you think it's a mistake. I also realized there are times when he simply wanted me to listen. That he didn't need me to say what I think."
-I Hope, Therefore, I am, Kane's Human, All Too Human

Almost Perfect

0 Reaction(s)
Hayzt ang sarap ng weather kaninang hapon. Sana laging ganun. Sky was overcast (white and gray cumulunimbus clouds). Sarap ng malamig na hangin na dumadampi sa iyong pisngi. Pakiramdam ko nalinis ang aking katawan at kaluluwa. Sana ganito lagi ang panahon. An almost perfect weather to me.

Back to Normal

2 Reaction(s)
Yesterday morning, feeling ko lalagnatin ako. Nagpaulan kasi ako last Friday night at siksikan pa sa MRT-Ayala that time. Pagkauwi sa bahay, nagpaantok lang sandali pero nilalamig ako kaya nagkumot na usually hindi ko ginagawa.

Wala nang sama ng panahon at nagbabalik na sa dati ang lahat pagkagising ko. Wala rin namang magawa sa bahay. Wala paring GPRS sa aming area kaya hindi ako makapag-Uzzap. Maski ang SmartCall wala ring silbi. Ewan.

Kinagabihan. Sobrang bored. Naglakad-lakad lang sa labas namin. Nilakad ko papuntang Mercury, bumili lang ng ice cream and chips then umuwi na rin. Pagkauwi nanood ng DVD, natapos ko na rin ang X-Files (for about 3 months), medyo nabitin ako sa ending kaya dapat mapanood ko ang movies nito dahil andun ang sequel. Hayz, anu naman kaya ang susunod kong panonoorin.

Madaling araw na ako nakatulog. To kill time, i opened up my digicam, tiningnan mga old pics. Natatawa nalang ako sa mga pictures namin sa CosPlay with my berks. Miss their company, sila lang nakakapag-patawa sa akin nang ganun. Iba talaga pag barkada at kababata mo. Alam nila ang kiliti mo at kung hanggang san lang distansya nila para hindi ka masaktan. Hindi katulad ng ibang tao. Walang pakialam sa iyong nararamdaman.

2010 National Election Campaign Posters

4 Reaction(s)










Random: A week in Asia

0 Reaction(s)

courtesy: Accuweather

She Says

3 Reaction(s)
"huwag mong ipilit ang mga bagay na parang bang inubos mo na ang buong lakas mo sa pagtulak sa pader. kahit anong gawin mo, hindi yan gagalaw, hindi yan mabubuwag, hindi yan mahuhulog sa iyo. ito yung klase ng hiling na alam mong hinding hindi tutuparin ng bathalumang sinasamba mo dahil kapag pinagbigyan ka niya, maaring pagtawanan lang siya ng mga santo at anghel sa langit.

hindi mo sinadya na puro kapintasan ang nakikita mo. ang bait mo pa nga ng lagay na yan dahil hinahanapan mo pa siya ng magandang ugali na maaaring maging palusot sa lahat ng ito. dakila kang maituturing dahil nagpasensiya at naghintay ka–kahit kailan hindi mo natural iyon. binigyan mo ng panahon ang puso mo para makakita ng rason para magpatuloy pero tulad ng dati, binigo ka na naman nito. masyado ng mahaba ang panahong ginugol mo para sa paulit ulit na pagbubulagbulagan. hindi nga yata pagbubulagbulagan ang salita pero aminin mong ginawa mo rin iyan. masaklap pero tinanggap mo ito ng maluwag habang lumuluha ka pauwi sakay ng tricycle at nalaman mo na wala pa palang panukli si manong drayber kaya mas lalong nanghinayang kang mabuhay."
-Broken Heart, Xienah's Chiksilog

Piscean

2 Reaction(s)
nagkaroon na naman ako ng interes dito sa horoscope, akala mo me ibang mga bagay na tugma talaga kaya naman naging inetersante sa akin ang site na ito..

Pisces is the twelfth sign of the astrological year and is known by its astrological symbol, the Fish. Pisces natives are in touch with their emotions, though not to the point of mawkishness. With Neptune as the ruling planet, they are apt to be idealists. Pisces natives are physically and emotionally strong but may put their hardiness to the test if they try to resolve others' emotional conflicts.


The Pisces Man
The man born under the Pisces sign has great warmth and charm. He is not afraid to show vulnerabilities -- in fact, he displays them with pride. He connects with others on an emotionally satisfying level. As a parent or guardian, he may try to relive or remake his early relationships to spiritualize them. If his work or profession does not provide the self-expression he needs, he will look for it in hobbies. Relationships make up the primary focus of this man's life.

The Pisces Lover
Pisces men and women have an idealistic view of love and romance. Because of their sensitivity, they often prefer a fairy tale scenario to the real thing. Pisces know their vulnerabilities and are sometimes afraid the magic "bubble" will burst. The Piscean individual who is deeply in love may sacrifice themselves for their lover.

The Pisces Friend
Friendship comes naturally to Pisceans. Their commitment to easing the pain of others often draws them to less fortunate individuals. But pity is not involved. Although they may seem weak or unfocused, they are sympathetic listeners. They have strong links to the past and are likely to keep the same friends for years. Also, because of their intense family ties, Pisces natives may count a sibling or other relative among their closest friends.

A Pisces born on February 27 has great empathy for others. They are protective of those they love. Somewhat lacking in analytical skills, they show their intelligence in other ways. They have skill at managing the lives of others and often take charge of situations outside their circle.

Friends and Lovers
February 27 individuals inspire loyalty from friends. Because of their sensitive approach to helping others, they have a "life mentor" reputation. They want more than a lover or a partner -- they want to find a soul mate. They often experience disappointment in love.

Children and Family
February 27 people don't come into their own until they leave childhood behind; childhood is often a time of emotional suspended animation. They understand the imaginative world of their children. Although strict, they are nurturing and loving.

Health
Many February 27 people are not physically robust. Their fast-paced lifestyle sometimes gets them into trouble. Few people are as accident prone. They need to adopt as healthy a lifestyle as possible to keep their physical and spiritual energies intact.

Career and Finances
February 27 people have the ability to shine at almost anything and often turn to helping others. They are fearless when stating their opinions, and they can effect change and understanding. They have respect for money but put people before possessions.

Dreams and Goals
It is the goal of those born on February 27 to help people who are unable to help themselves. On a personal level, they are on a path to find their true nature. They are not afraid to examine even the most difficult periods of their life to find the answers they need.

Current Storm Positions

1 Reaction(s)

Photo shows predictive storm paths of TS Ketsana (16), TD Parma (17) and another unnamed LPA (18).
Courtesy: Japan Meteorological Agency

Tenk Yu Poh

2 Reaction(s)
Salamat nga po pala sa mga nag-text at email po sa akin kung Ok na po kami ng aming family mula sa matinding pagbaha na dulot ng bagyong si Ondoy. Pasensya na po kayo at hindi ako nakakapag-text dahil mula Biyernes ng gabi palang nawalan na kami ng kuryente at halos paubos na ang battery ng aming cellphones. Saka lang ako nakapag-reply nung bumalik ang kuryente kinagabihan ng Lunes.

Maraming Salamat Po! (Pulitiko/Artista tone)

Teh Ondoy Aftermath

2 Reaction(s)
Friday 2000H - Usual heavy rains na naman. Tiningnan ang weather bulletin ng PAG-ASA, naalarma kasi naalala ko na naman ang typhoon track na ito kagaya ng dati na pag tumatawid malapit sa amin (Rizal ) ang bagyo, asahan mo na pinsala na naman at matagalang brownout at walang tubig. Pero still praying na hindi nga maging ganun.

Saturday. 0630H - Got out from the office. Grabe ang itim ng ulap. Any moment babagsak na siya. Nagtaas na ng public storm signal sa ibang area ng Luzon. After a couple of minutes, lumakas na nga siya at nagpatuloy at biglang humina nang palapit na ako sa terminal.

0800H - Just got home, naabutan ko pa silang nagpapatuyo ng sahig dahil pinasok na naman sila ng baha at malakas daw ang ulan kagabi. Nakanood pa ako ng X-Files at ibang show bago naantok.

1200H - Nagsimula na namang lumakas ang ulan at kasama na ang hangin. Sa aking tantya malapit na sa amin ang mata ng bagyo base na rin sa gustiness ng hangin.

1500H - Naramdaman na namin ang full force ng bagyo. Grabeng lakas ng hangin. Ngayon ko lang naranasan ang ganito na halos mabali na ang mga sanga ng puno at bubong ng bahay sa lakas ng hagupit ng bagyo. Samahan mo pa ng malakas na buhos ng ulan. Nakatulog ulit dahil sa lamig ng panahon sa taas ng bahay namin.

1600H - Tuluyan nang nawalan ng kuryente (kasama na ang tubig) sa aming area. Samantala patuloy ang pagpasok ng tubig sa aming bahay. Malakas ang pasok ngayon at sa loob lamang ng ilang minuto, hanggang sakong na ang tubig. Waterworld na naman sa akin ulit, lutang ang ibang tsinelas. Inakyat na namin mga pwedeng maabutan ng tubig-baha.

1700H - Hindi na ako nakatulog mula nun, simula nang patuloy sa pagbuhos ng tubig-baha sa aming bahay sa harap at likuran. Pati mga kapitbahay namin eh hindi rin nakaligtas sa hagupit ni Ondoy. Pinanood nalang namin ang mga taga sa amin na naliligo at naglalaro sa baha. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

1900H - Dahil walang kuryente, nagpalipas ng oras ng pagbabasa ng ilang libro sa tanglaw ng kandila. Hanggang sa makatulog na bandang hatinggabi. Dumating si Auntie dahil nag-aalala dahil hindi pa umuuwi ang aking pinsan dahil walang signal ang lahat ng network at empty batt na halos kami, wala rin kaming nagawa kundi pagdasal nalang na nasa mabuting kalagayan siya pati na rin si Papa na hindi rin namin makontak.

Sunday 0830H - Tinanghali na ako ng gising. Naaninag ko na ang sinag ng araw mula sa loob ng bahay. Pagbungad mo agad sa labas, mga nakatumbang mga sanga ng puno at ilang yero. Mabuti na lang at walang nasaktan sa aming lugar.

1000H - Pumunta sa bahay ng aming tita sa pag-aakalang nabalik na daw ang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar. Sa aking mga narinig mula sa balita sa paligid. Pasalamat pa kami at mababa lang ang tubig-baha sa amin, hindi tulad sa ibang lugar na malapit sa may ilog na halos umabot na sa bubong ang tubig at stranded na ang karamihan. Makikita mo sa kalye mga taong putikan mula sa paa pataas. Pumipila sa mga tindahan pantawid-gutom mula pa kagabi.

1100H - Pagdating kina Auntie, halo-halong kwento pa ang aming narinig. Yung ibang subdivision, hanggang bubong at ilan sa kanilang ari-arian ay naanod ng baha. Sobrang laki ang itinaas ng ilog na umabot siya sa kalapit na mga resort na kung saan nasilayan ko mismo ang sira-sirang pader at maputik na swimming pool. Dumaan ako sa Mercury para bumili ng supplies (dahil sarado ang palengke at mga grocery stores), mahaba ang pila at generator lang nagpapagana dito. Nagkakaubusan ng tubig, kandila ilang pagkain gaya ng instant noodles. Patuloy ko paring narinig ang ilang mga kwento ng mga nasalanta ng baha, mayaman man o mahirap.

1300H - Nasa bahay lang at dahil walang kuryente at empty batt na rin ako, walang magawa kundi magbasa lang ulit ng libro hanggang sa kinagabihan. Nakauwi na rin ng ligtas si Papa (na sumabit na lang para lang makauwi) at aking pinsan (na mula Regalado, stranded sa may Litex, napilitang umangkas papuntang San Mateo hanggang sa makauwi na rin).

Monday 0800H - Wala pa ring tanda na magkaka-kuryente. Mula pa Biyernes ng gabi nawalan ng kuryente at umaasa kami na sana magkaroon na, the sooner the better. Lahat ng tao sa amin, nag-iigib na sa tubig poso para sa pampaligo at pumipila sa mga water station para sa tubig. Hindi pwedeng laging ganito. Tiyak marami ang magagalit kung tatagal pa ng ilang araw na walang kuryente at tubig. Manaka-nakang umaabon pero hindi na kasinglakas kagaya noong Sabado. Basa lang ulit ng libro to kill time.

1600H - Pumunta kina Auntie para makiligo. Hayz, sana magkaroon na ng kuryente sa aming lugar. Palagi na lang kami ang least priority ng Meralco. Hindi pa ako nakakasagap ng balita sa labas dahil na rin walang kuryente at empty batt ako. sa ngayon unti-unti nang bumabangon ang aming lugar at sa loob ng ilang mga araw inaasahan kong babalik na sa normal ang lahat. Umaasa ako sa kakayahan nating mga Pinoy na sa kabila ng kabila-kabilaang unos eh makakaraos pa rin tayo at babangon.

Current Mood

4 Reaction(s)

"being alone"

Sa ngalan ng ATM

0 Reaction(s)
Hindi ko alam kung system issue ba ang nangyari sa bank kung kayat hindi niya tinatanggap kahit anung transaction mula sa aming card or kung dahil iba ang connection/network ng The Fort hindi kagaya sa ibang area. Imbes na sumakay na kami at umuwi na, napagpasyahan namin ni Garry na maglakad-lakad muna hanggang sa makahanap ng ATM sa EDSA.

Nakarating kami sa Guadalupe at dun na nakapag-withdraw sa isang tagong branch. Level-up na naman ang mind ko dahil sa bagong lugar na napuntahan. Inabot na kami ng ulan sa pag-uwi. Pero tumila na rin siya hanggang sa makauwi ako. Nakakatawa lang na sa ngalan ng pera eh magagawa naming maglakad at maghanap ng available ATM mula sa Estrella hanggang sa Guadalupe.

He Says

0 Reaction(s)
pareng Yoshke, your sooooo cheesy sa post na ito,

"The greatest thing is that you have been giving me that hormone-rush so often but oh so effortlessly. We have not had a date expensive enough to regret it. You have not done anything grandiose enough to make me feel unworthy. You have not done anything that could be bigger than you. You just give me you. And you are enough, really.

...

These are things I had not blogged about. But these memories will always be with me.

...

I fell in love with you more than six months ago. Later on, I decided to continue loving you. I know you’d made that decision, too.


With or without those hormones, there will always be fireworks. And for that, thank you."
-Fireworks, Hormones, and this Blog Post, Yoshke's Blog

Kaka-miss

0 Reaction(s)
Naabutan ko pa kanina ang kaulapan bandang hapon. Gaganda ng kulay ng mga ulap. Parang cotton candy na masarap abutin at kainin. Naalala ko na naman ang aking kabataan lalo na nung elementarya.

Tuwing recess time namin at maulap. Nahihiga ako sa damuhan sa oval area ng paaralan namin. Sabay tingin sa kalangitan. Nakakawala ng pagod at mga problema ang pagtingin kong iyon. Iniisip ko ang aking mga pangarap at mga landas na aking dapat tahakin habang naamoy ang bango ng sariwang damuhan.

Dahil na rin sa aking trabaho, mapa-umaga man o gabi. Wala na akong pagkakataon na masilayan ang mga ulap tuwing takipsilim at mamalas ang kakaibang tuwa na nararamdaman habang pinapanood ang mabagal na paglubog ng araw at paggalaw ng mga ulap na ihip-ihip ng hangin. Maski sa weekends, nagiging busy na rin ako.

Pipilitin ko pa rin na magkaroon ng panahon para sa ganitong bagay hindi lamang sa pagmalas sa mga ulap ngunit pati na rin sa mga bituin sa kalangitan pagsapit ng gabi.

Currently Playing

2 Reaction(s)
Sobrang busy sa work at sa lovelife. Nakakalimutan ko na ang video gaming. Hayz nakakamiss ang buhay high school ko, sobrang infused ako sa mga video games mapa Playstation or PC pa siya.

Sa ngayon, nilalaro ko lang puro browser based games at mga apps sa FaceBook. Aside from MafiaWars (lv.250+), hinikayat akong maglaro ni Toning ng Naruto Apps (Lv.5 palang ata) parehong game engine ang ginagamit. Another one was the Ninja RPG. Dito ngayon naka focus ang attention ko. Yung money maker, nagsisimula ko nang pakinabangan, samantalang ang main account ko, pinapa-rank hold ko muna para max stats bago umakyat ng next level.

Uhaw na rin ako sa paglalaro ng online games, kelan nga ba huli kong laro nito? AFAIR, Cabal Online last na nilaro ko at mga 6-8 months ago na iyon. Naumay na kasi ako sa ganung hack and slash Korean style MMORPG. Unlike dito sa World of Warcraft na nde ka aantukin sa dami ng quest, items other things na pwedeng gawin aside sa pagpapa-levelup. Sana mahanapan ko ng time ang paglalaro ng WoW.

Da Port Pers Dey

3 Reaction(s)
Pers taym na pumunta sa Global City. Kaya nakikiramdam muna lalo na sa bus kanina, panay ang tingin ko sa map dahil baka lumagpas na ako. Binilang ang mga bus stops. Pang-lima, nagtanong tanong dahil hindi ko pa tanaw ang building, naglakad-lakad.

Nagkaroon ng orientation/mini-tour sa ilang floors ng building. Pahapyaw lang at medyo nagmamadali si Boss. Naninibago lalo na't bago lahat ang lahat sa akin. Nangangapa pa rin at kinakabisa ang ilang mga lugar sa building. Pasasaan ba't masasanay rin ako.

Grabe sobrang lamig ang workarea. Nakailang idlip ako sa harapan ng PC. Kainis kahit naka jacket kapa, tumatagos sa mukha mo ang lamig. Naka-leave kasi iba kong mga kasama kaya walang makausap, nakadagdag pa sa antukin ko.

Longest 8 Hours

4 Reaction(s)
Last day sa PhilAmLife. Kanina andami kong iniisip tungkol sa bagong lilipatan. Nakaka-challenge na nakakatakot kasi bagong working environment. At hindi ko alam magiging buhay ko mula bukas. Kung anu na ang ruta ko papasok at pauwi. Ang oras na kailangan kong ilaan. At syempre ang gastos na dadagdag mula sa aking bulsa. Nag-message pa ako kay mahal na natatakot ako sa paglipat namin bukas, buti nalang binigyan nya ako ng moral boost para harapin mga ito.

Deyt sa Beywok

6 Reaction(s)
Kahapon excited akong makita ang aking mahal, usapan namin sa MOA at 5pm. Umaambon pero manaka-naka lang throughout the travel. Akala ko late na ako 5.15pm na tinawagan ko siya. Hayz katatapos palang niya maligo. Anung oras na naman kaya ako mag-aantay sa kanya, sabi ko. I waited for 2 hours sa kanya. Tinubuan na ako ng ugat sa aking kinauupuan. Around 7.45pm dumating na rin siya. Sobrang inis ko talaga that time, everyday nalang na magkikita kami nagkakaroon ako ng record sa long wait para sa kanya.

Well kailangan kong ilabas ang galit na ito kaya naman nasabunan ko siya nang kaunti. Hindi naman niya gaano pinansin at siya na ang sorry sa akin. Ganito lang talaga ako, once na na release ko na ang inis at galit ko, wala na ito at Ok na ako. Anung magagawa ko hindi ko magawang magalit sa kanya kasi mahal ko siya. Wala kaming mahanapan na kainan since sa oras na iyon jampacked lahat ng resto sa MOA sa we decided na magpunta nalang ng Robinsons Malate at dun kumain sa isang fastfood. Unting usap then lumabas na kami.

I have no idea kung san kami after kung hahatid ko naba siya pauwi or liwaliw muna. Niyaya niya ako na magpunta sa Baywalk. Kala ko naman nawala na ito nang pinagaalis ni Mayor Lim, iyon pala yung mga bazaar lang. Daming mga lovers, hindi kami makapwesto. Naglakad-lakad na lang muna. Natatawa nalang kami sa isa't-isa nang inangkas ko siya at binuhat sa aking likuran. Tawa nang tawa naman si mahal. Hanggang sa makarating sa Star City, potek mahal ng rides. Hehe! Next time nalang siguro.

Binanggit ni mahal na may pasok pala siya bukas ng 10am, nainis ako kasi bakit hindi niya sinabi agad sa akin. After that dali-dali kaming naghanap ng apartelle para makatulog siya at umalis nalang nang maaga. The rest is history. Hehe! Nagising kami kanina mga 4am, nag-ayos at naglakad-lakad na pauwi. Masaya ako kasi never pa akong nakapunta sa area na iyon at though a bit culture shocked sa mga nakikita (mga beer garden, maraming nasa bangketa natutulog, madumi at hindi kanais-nais na tanawin); mabilis namang nasanay ang aking mga mata sa mga tanawin sa kalakhang Maynila. Masarap dahil madaling-araw nun at medyo malamig pa.

Iniisip ko, sana tumigil ang oras para sa amin. Ang saya-saya ko pag kasama ko siya. Parang paraiso kapag kasama ko siya. Ayoko nang sumakay nang bus nang mga sandaling iyon at gusto ko na makapiling pa siya ng kahit ilan pang minuto, pero kelangan na niyang umuwi dahil may pasok pa siya. Nagpaalam kami sa isa't-isa bandang 6 ng umaga. Ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mukha habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Sana maging madalas ang ganung pagkikita namin ni mahal.

Clip: 'Di na Mababawi - Sponge Cola

2 Reaction(s)


'Di na Mababawi
Sponge Cola

Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

Chorus:

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

*Repeat Chorus

Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin
Ang ginugol na panaho'y na saan? (panaho'y na saan)
'Di ba't sayang naman? (Di ba't sayang naman)
Giliw yeah yeah yeah yeah

Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Public Service: Help for baby Daniel

2 Reaction(s)
message from my fellow officemate Oliver..

Dear Brothers and Sisters in Christ,

My name is Oliver Ignacio Samson. I am a father of two, named Gwyneth Ann and George Daniel. We are residing living at Blk 8 Lot 43,Barangay San Rafael 1, San Jose del Monte City, Bulacan,Philippines.

I wrote to you this letter to ask for financial help for our baby George Daniel. My son Daniel was born with a life threatening disease called “Biliary Atresia”. It is a congenital condition characterize by the absence or closure of the bile ducts that drain bile from the liver. Biliary Atresia is a progressive inflammatory process that begins very soon after birth. In Daniel’s case, he was diagnosed with Biliary Atresia when he was already 2 months old. During that time, there was already a significant amount of damage to his liver. White blood cells invaded the ducts, which became damaged or closed completely. Bile was trapped inside the liver and rapidly caused liver cirrhosis.

An operation called “Kasai Method” was done on Daniel by Surgeons Dra. Minas, Dr. Baluga and Dr. Miguel at the UST Hospital last June 10, 2009. It is an operation that removes the damaged biliary ducts outside the liver. Then, the small intestine is directly attached to the liver at the spot where bile is found or expected to drain. This procedure is not a cure but rather a temporary solution to be able to give Daniel some more time to find the necessary funding for his operation and the matching liver type. Unfortunately, although the operation was done, his liver continued to fail. Our doctors told us that there is no other course but to have a liver transplant.
Unfortunately, liver transplant is not yet available locally but it can be done in Taiwan for P3 million pesos. This amount is simply beyond the means of our family. If my son will not be able to have a liver transplant soon, he will die. All we want is to see our son live that’s why we are appealing to your charity and compassion.

Donations can be deposited to:
Bank of the Philippine Islands branch under the account name Oliver Ignacio Samson, S.A. No.0039-1384-92 . Every peso counts. I beg you, please help us.
Thank you for your time in reading my letter and we are hoping for your kind help.

God Bless,
Oliver Ignacio Samson
Tel. Nos.: (+632) 393-0043, cellphone +63918-4600335, email dudparemy@yahoo.com

Matthew 5 : 7-8 ‘Blessed are the merciful,for they will be shown mercy, Blessed are the Pure of heart, for they shall see God’

16 Hours

5 Reaction(s)
Orientation kanina sa paglipat namin sa new site. Hayz, hanggat maaari - ayokong lumipat. Pero la naman akong magagawa kaya pikit-mata kong tatanggapin ang drastikong pagbabago na ito. Sa Martes na opisyal na paglipat namin sa Bonifacio Global City. Bagong challenge na naman sa akin ito lalo na sa travel time at gastos. Good luck na lang sa akin. Dagdag pagod, enerhiya, gastos at pawis. Hehe!

Pero malay natin, paglipag ng ilang linggo o buwan, masasabi ko na ring "I love Net Plaza".

Burnt

4 Reaction(s)
Pakiramdam ko ngayon, pagod na pagod ako. Siguro dahil sa ilang araw na ubo. Walang bagong nangyayari sa buhay ko. Status quo ang lahat. Walang adventure. Ultra boredom. Ewan. Hapong-hapo ako na gusto kong magpahinga ng isang buwan sa isang liblib pero payapang kabukiran o kaya sa dalampasigan or sa bundok. Wala namang nag-aalaga sa akin. Kailangan pa ba sabihin dapat nilang gawin. Puro na lang ako nang ako ang nagsasabi. Nakakasawa na.

after 1000..

5 Reaction(s)
1001th blog post

Cuff.. Cuff..

3 Reaction(s)
Me sakit si Jinji ngayon, huhu! Inuubo kahapon pa. Dahil siguro sa nabasa siya sa ulan nung weekends at hindi nakapag-take ng supplements lalo na Vitamin C. Hopefully within this week maging na sana. Hayz, sana andito si mahal sa tabi ko para alagaan ako. Thanks nga pala kay Pipo sa mga relationship tips & advices.

Sinamahan pa nito na nde nakakapag-charge yung phone niya ngayon. Kaya naman naka-depende sa Universal Charger ang inyong lingkod at planong mag spare battery nalang kesa naman mag-antay pa ng one week at dagdag gastos na naman just in case marami pang ma diagnose na sakit yung phone.

Tri In Wan

2 Reaction(s)
Wan. Internet sandali. Check at verify lang ng mga emails. Check ng messages sa Ebay.Ph. Adik na sa The-Ninja pero try pa rin check Facebook at GaiaOnline. Nakausap rin saglit si Kuya DK at si Semaj sa YM.

Tu. Punta sa clinic at nagpa-lightcure sa mga "butas" sa ngipin. Ito kasi pinakamalapit na accredited dentist ng HMO namin. Buti na lang at mabilis lang ang "operation", ginamit ko na ang limit na 2 amalgam/2 lightcure per year. Mabait talaga si Doktora Genet, pinapaliwanag niya kung ano nangyayari sa procedure at iba pang info pag nagtatanong ako.

Tri. Pagupit na naman. Mukhang mapapako na ako sa semikal na looks. Frustration ko pa naman na sana humaba ang hair ko kaso nasa genes kasi namin na manipis lang ang hair.

Hindi ko naisip na magagawa ko ang tatlong gawain na yan sa loob lang ng ilang oras, tamad pa naman ako lalo na't makulimlim at may pasok pa ako sa gabi.

***
P.S. Pasensya na po kung hindi ako masyado makapagsulat nang maayos at puro mga maiiksing entries lang nagagawa ko. Super busy po ako sa aking karera at sa aking lovelife; *kilig* na maski weekends, hindi ako makikitang naka-pirmi lang sa bahay dahil quality time minsan sa aking mahal. Pasensya na rin po sa ibang kaibigan kong bloggista kung hindi ko nadadalaw ang inyong blogsite. Hayaan niyo at babawi po ako sa inyo sa pagdating ng mga araw. Kailangan ko lang balansehin ang aking oras at enerhiya at mga prioridad sa buhay. Salamat po!

Frustrating Realizations

4 Reaction(s)
You find the perfect love,
but in a wrong time;

You find the perfect one,
but he's not in love with you;

You find the perfect one,
but you must be loyal to someone else;

You got the perfect looks,
but no one takes you seriously;

You meet the perfect personality,
but your bound to be just friends;

You got brains,
but you got a frail heart;

You find the courage,
but it's just too late;

Your ready to love,
but you don't know where to start;

How ironic life can be..

40 Hours

4 Reaction(s)
Last week na namin sa Philamlife at lilipat na kami sa NetPlaza. Hayz. Kung dati excited ako, ngayon hindi na. Dagdag gastos, pagod at pasakit na naman ito. Paalam sa Makati, mahigit isang taon din tayo nagkasama. At ngayon, panibagong hamon na naman sa pagharap ko kay Bonifacio Global City.

9/11 Teh 1st

8 Reaction(s)
"Waa expired na pala ako, text kita later. thanks Jeffrey, ok tayo na, officially. August 11, 2009 8.38pm. Jeff sana ganyan ka palagi sa akin, thanks talaga. Pinasaya mo ako lalo, mahal na mahal kita."

-SMS Received: 08/11/2009 8:40pm


Happy 1st monthsary!

Clip: Hiling - Silent Sanctuary

3 Reaction(s)


Hiling
Silent Sanctuary

Minsan di ko maiwasang isipan ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

(Chorus)
At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

Ala ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan kana kaya, aasa ba sa wala

(Chorus)
At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Bridge: (bridge ba tawag d2? hehe ewan)
Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ko lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...

(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

9/9 Tampo

0 Reaction(s)
Kaninang umaga, tampuhan na naman kami ni Arc. Medyo emote mode na naman kasi ako. Regarding sa hindi na naman siya nag-eefort para sa relationship namin. Dunno kung paranoid lang ako sa bagay na ito. Kelangan ko pa siyang kilalanin pang maigi. Na-badtrip siya sa akin nung umaga dahil sa pinagsasabi ko sa kanya.

Samantala habang pauwi na naman ako, nagkaroon ng eksena sa bandang zigzag area sa may QC-Rizal boundary. Me nasusunog na kotse, kaya hindi makadaan ang mga motorista dahil sa takot na sumabog ito. Rinig ko sa mga usisero, yung isang lalaki binuhusan ng gasolina ang sasakyan at dinamay na rin ang asawa't anak nito na sabay ring natupok sa loob. Wala na akong narinig pagkatapos nun at nakita ko nalang kanina sa TV Patrol na binabalita ito.

Pagkauwi kanina, empty batt - charge mode. Supposedly nood ng X-Files, kaso naunahang nadalaw ng antok. Malamig ang panahon. Sarap matulog. Nagising nalang ako bandang 2pm, hindi na ako nakatulog since then.

Binuksan ang Uzzap, kinausap si BFF Yohan bout sa problem ko, kinausap ko si Arc at nag-sorry. Buti at hindi siya galit at inis lang. Nawala na rin pagkatapos at Ok na kami ulit. Salamat ulit kay best at andyan siya palagi kapag may problema ako. Hanggang sa nagbalik sa normal ang lahat hanggang gabi. Naging sweet ulit kami. 2 Days to go!

Pahabol. Happy Birthday sa bunso namin sa grupo. Yelltot! Bansot ka pa rin!

He Says

2 Reaction(s)
"Let this serve as a warning to those who start to love to make sure that it really is it. If you plan to just play the game as an experiment to test if you guys are really compatible - then by all means have the balls to be vocal and lay down the ground rules right from the start. This way, it should be easy to run to the fire exit if one can't take the heat anymore and not worry about burning the other person too much in the process.

Let this also serve as a warning to those who believe in fighting for love - that fighting by yourself will only get you only so far. Remember that it's a relationship between two individuals and that it should be fought side by side. One will definitely lose fighting a battle built for two individuals anyway. Go ahead for the experience but just guard yourself in the fact that it can get really ugly.

Let this also serve as a notice that if one is looking to grow old with another person - then stop looking for ideals, for other people, for past loves, and for unrealistic expectations/compromises. Just be real and work together with whoever you're with for it. Soulmates are rare to come by anyway."
-Finding Lukayo, Lukayo's Blog

Tinamatad

0 Reaction(s)
Nakakatamad talaga ang panahon ngayon. Dahil siguro sa madalas na paguulan kaya naging dormant na rin ang utak ko sa pagpost ng bagong entry. Sana naimbento na ang nakakapag translate into words ang mga iniisip mo para hindi ka na mag type pa. Super katamaran na ito. Maski social networks ayoko na munang bisitahin. Hindi ko alam kung anung motivation ang dapat gawin para magka-interest ulit ako kagaya ng dati.

Honga pala advance Happy 1st Monthsary Ely-Arch!

RoboGeisha

3 Reaction(s)

Antukin

0 Reaction(s)
Nitong nakaraang mga araw napapansin ko na mas madalas na ako antukin ngayon hindi kagaya ng dati. Binabawi ko naman ang tulog ko kada restdays. Pero mukhang kulang pa rin at gusto ata ng katawan ko na matulog ako ng 8 oras na tulog at hindi 2-4 oras lang. Gusto ko na tuloy bumalik sa umagang shift. Pakiramdam ko lalong nagde-deteriorate ang health ko lalo na't ung body clock ko pabago-bago at hindi ako nagigising nang sa oras.

Sobrang antok ko minsan, slouch mode ako sa chair at pipikit ang mata sandali p kaya yuyuko hanggang maabot ng noo ko ang keyboard. Lalo na't mga bandang 2-3am, sobrang headbang. Sana nga lang at ngayong week lang ito. Na-miss ko bigla si ate Bebe yung paglalakad namin sa kahabaan ng Ayala at sa likod na kalye nito. Mga kwento sa CamFrog at abroad. Good luck sa bago mong work. Text-text nalang siguro at malapit na rin naman ang Cebu team building natin at kasama ka pa rin dun.

Bagong Kinaadikan

0 Reaction(s)
sawa na ako sa MafiaWars sa Facebook kaya eto na at muli akong bumalik sa dati kong kinaadikan, salamat kay Freelanxer ^^;

theninja-rpg.com

Ingredients

2 Reaction(s)
just like what kuya "el toro" said (ingredients for sustaining a relationship),

       trust.

             faithfullness.

      open communication.

Current Mood

6 Reaction(s)

Nada Importante Sucedido

0 Reaction(s)
Monday. Dumaan lang sa computer shop para mag-update sa mga activities online. Hindi agad nakauwi dahil naabutan ng ulan. Ang again nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi. Mas pinili ang hindi nalang pumasok para "quality time" sa family. Buong araw watch lang ng Season 5 ng X-Files. Paputol-putol dahil manonood sila ng peborit nilang mga palabas. Disappointed na nalamang full VL ang declared at hindi HL. Natapyas tuloy ang kakarampot na VL's na natitira pa. Buong araw Smart Uzzap din with my online buddies lalo na sa 193. Siyempre kausap ko rin si Ar. Medyo excited dahil malapit na rin ang monthsary namin.

Sunday. Nagdadalawang isip kung pupunta ba sa gym. Makulimlim at malapit nang umulan. Masarap matulog. Nag-text kay Abundio, gym daw siya. Napagkasunduan na puntahan si Angelo para sumama. Malaki na improvement ng future computer shop ni Angelo. Gawa na ang bintana at mga computers na lang kulang. Hopefully mga 3rd week ng September makakapagsimula na siya.

Sumama na rin siya sa amin mag gym. Wala yung trainer. Usual routine ang ginawa. Mga tanghali na umuwi. Dumaan sa pares. Weird na naman si Angelo. Sabi niya tulungan daw si Cyril pag may problema, eh siya ang mukhang meron at mabigay kumpara dun sa isa na cool lang. Pinilit ko mag-open si Angelo, at iyon na nga. Sinabi niya mga bagay na nakakapagpabagabag sa kanya. Hopefully sundin niya ang binigay naming advice para kahit papano maibsan bigat ng kalooban niya.