salamat nga pala sa mga dumadaan at nagbabasa ng aking blog kahit hindi ito gaano kaganda at siksik ng impormasyon kagaya ng sa iba.. personal blog ko lang naman kasi.. as much as possible ayokong coomercialized siya kagaya ng iba dyan na naghahabol talaga ng daily hits para masabing bigatin ka talaga..
last Friday nga pala tumawag ang Navitaire sa akin.. sabi nila unfortunately eh isa lang hanap nila sa job na apply ko pero they are offering other job a higher than that kasi daw overqualified daw ako sa job na iyon (siya nagsabi hindi ako, kasama kasi sa requirements ang transcript), sa Lunes ang interview ko.. sana makapasa ako sa interviews nila (sabi nila kasi more than one ang interview mode ewan ko lang kung totoo).. amp na Smart yan.. hindi ako maka receive ng text messages tatawagan ko nga sila mamaya.. Medyo Ok na ako ngayon mula sa antiobiotic na yan.. nagagalaw ko na ang right arm ko.. Sige hanggang sa muli! Salamat ulit sa inyong pagbisita..
Jin's day at the Hospital
I never thought na pupunta ako sa isang hospital (and this is the last place in my mind ) at magtatagal dun up to evening. Wala naman akong magagawa mas gusto ko na dito kesa sa clinic sa tabi-tabi (mas safe at reliable pa mga personnel at services).
Around 7am maaga akong nakapunta sa hospital akala ko kasi yung nakalagay dun sa announcement na 7.30 eh sa new patient lang (iyon pala ang time sa am sched sa subspecialty, eh hapon pa ang specialy na pupunkonsulta ko) amp talaga; yung pang hapon na specialty eh 1pm ang naka sked either new or old kaya naman nagantay pa ako up to 1am at ayoko nang umalis since sayang lang sa pamasahe iyon pag umuwi or kumain pa ako (hindi ko kasi ma estimate ang gastos sa gamot kaya tipid mode ako that time), napaka init talaga kahit nasa shade na ako ng puno.
Then at 12nn eh lumapit na ako sa Out-Patient Department nila kasi baka maunahan ako sa pila kasi may quota system bawat sub-specialty sa case ko eh 50 persons lang (up to 5pm lang kasi ang OPD nila, and i know sa ibang hospital ganun din), around 1am (at bago pa man) eh mahaba na ang pila, pumila na lang ako pero hindi ko alam kung tama yung pinipilahan ko then dumating yung nurse sinabi niyang "Medicine" ang pila na pinipilahan ko, so nagmamadaling hinananap ko yung area buti naman at hindi pa masyado mahaba ang pila at pang 23 ako sa list. At 2pm nagtataka ako bakit hindi pa ako tinatawag iyon naman pala eh hindi ko nabigay ang folder sa cashier section (nakalimutan rin nya kasing hingin, buti na lang at nagtanong ako sa katabi ko at sinabi niyang bakit hindi ko pa nabibigay iyon), at ayun tinawag na nga ako. Ang haba ng pila (normal na ito sa isang public hospital), ayun habang nagaantay matawag eh nakipagusap na lang sa mga katabi ko, yung isa kwento nya ung malpractice na nangyari sa asawa niya dahil intern na doktor ang napuntahan nila (pwede pala ang ganun.. hindi ba dapat assist mode lang sila for exp kasi mahirap na baka kung anung mangyari sa patient), yung isa naman bladder problem ata parang may UTI na yung anak nya for 4 years na.
At 4pm natawag na rin ako, ayun sinabi ko yung mga nangyari bago ako nagkaroon ng sakit then present ko yung lab results, nagbigay ng reseta at alam ko namang injection ang isa dun bukod sa tablets, sinabi ko sa kanya kung pwede ba sya na mismo ang mag administer ng injection pero sabi niya OPD iyon at palagay nya eh hindi na ako aabot since marami pang pasyente ang nagaantay.. ayun pinilit ko pa rin dahil gusto ko na talaga gumaling within this week, sabi nya sa ER Dept ako pumunta at kausapin yung mga staff nurse dun.. sakto naman that time bumuhos ang ulan.. asar talaga.. ang init na nga takbo pa ako papuntang ER then sabi nila kelangan ko daw ng memo mula kay Dok.. grr balik na naman ako.. gumawa na sya ng memo then balik na naman ako.. ang arte talaga ng ER bakit daw hindi ko kinuha ang pangalan ng doktor kaya balik na naman ako, sa pagbalik ko nakita ko yung kasabay ko sa pila (alam kong pareho kami ng sakit kaya tinanung ko na rin kung bakit siya bumalik rin) ayun pareho lang kaming pabalik balik kasi maarte nga ang ER na yan.. ayun pagbalik sa ER binigay na ang letter; kinausap na kami ng staff nurse, binigay ang gamot - amp! powder sya at hahaluin pa sa water solution, test niya muna kung may allergic reactions muna kami sa gamot kaya ayun nilagay niya sa skin thru syringe.. waaa ang sakit kahit kaunti lang..
After 3o mins.. this is the time.. kinakabahan talaga ako kasi yung 1g na powder eh ihahalo na sa 10mL ng water solution puno yung syringe yellowish ang kulay ng solution.. waaaa.. habang nilalagay unti unti kong naramdaman ang sakit (ganun daw talaga pag antibiotic) ang SAKIT SAKIT TALAGA.. parang binugbog ang balikat ko ng 20 tao nang walang tigil, excruciating pain talaga.. parang hindi na nga ako makahinga sa sakit at paralisado ang kanang braso ko.. lumabas kami sandali para dun na magpahanhin.. patuloy sa pagtulo ang pawis ko sa mukha (pumapatak na nga sa ground) at nanginginig ang binti ko habang nakaupo.. pinagtitinginan na nga kami ng tao dun kasi parang dinidiliryo talaga ako sa sakit.. amp! hirap galawin ng kamay, bawat angat mo eh lalong sumasakit, hindi na nga ako makapagsalita at natahimik ako for 30mins.. ayun 6pm na nang nag decide ako na umuwi na, katatapos na rin kasi ng ulan at medyo nagagalaw ko na nang kaunti ang kamay ko, hindi ko talaga makakalimutan ang experience na ito, ang sakit, ang interaction sa mga tao, mahabang pila.. lahat.. ayoko na ma-ospital talaga!

by
Jinjiruks
April 28, 2007
9:43 AM
Wasted
Went to Navitaire yesterday to take an exam, almost 3 hours nga siya at 6 part iyong last ang important dahil battery test ito ng job. Tawagan na lang daw (sana nga text na lang!) i dunno kung sila ba tumawag sa cell ko, nasa bag ko kasi kaya hindi ko nasagot papatanong ko na lang sa friend ko dun mismo sa loob. Kaasar talaga.. hindi pa ako nakaabot sa OPD up t0 10.30am lang daw eh 10.45 na, nakiusap na nga lang ako kasi itatanong ko lang naman kung anung antiobiotic ang bibilhin ko (nakuha ko na kasi ang laboratory results) sa Friday pa ng hapon ang consultation sa specialist nila, asar talaga ngayon sana eh nagaantay nalang ako ng hapon para magpa consult; magaantay pa ako ng 2 araw ngayon, sana lang hindi pa lumalala ang condition at maging ok na ako just in case magpakuha ng medical exam ang company kung saan eh pasado ako (sana lang!)
by
Jinjiruks
April 25, 2007
11:51 AM
Counting time..
Still waiting for the laboratory results.. I dont know what to feel, mixed emotions probably.. natatakot, malungkot, kinakabahan.. ewan puro negative walang pumapasok na positive.. salamat na lang sa ibang friends ko online at mga kakilala in offline (real-world) there is still hope.. sana nga matapos na itong hinaharap ko ngayon.. promise magbabago na ako..
by
Jinjiruks
April 22, 2007
9:50 AM
Lesson learned.. the hard way
This is one of the most crucial stage of my life right now. Nalilito ako at hindi ko alam ang gagawin ko o mangyayari sa akin sa mga darating na araw, gusto ko man sabihin pero hindi pwede. Ang tanga tanga ko talaga bakit nangyari sa akin ang ganito. Hindi man lang ako nagisip ng maayos at masyadong padalos-dalos. Sana nga maging maayos na ang buhay ko within this coming months at maging OK na ako ulit. Pangako ko sa sarili ko hindi ko na uulitin ang katangahan na ito once na ok na ako. Sana malagpasan ko itong pasgsubok na ito, pray for me!
by
Jinjiruks
April 20, 2007
9:30 AM
Chiken Crossing, Pinoy-style
The First Crossing:
President GMA: 'Because it was right, it was the best thing to do. And so, God took care of the rest of the chicken's journey.'
"Miriam Defensor-Santiago: 'Asking such inconsequential mediocrity is a waste of time. We discuss toads at UP, not fowls. Suffice it to say, I cannot comment on insipid queries involving species of lower life forms.'
"VP Teofisto Guingona: 'I accuse the chicken of violating traffic laws by crossing the road!'
"Sec. Hernando Perez: 'The chicken has a secret nest with hundreds of eggs at the other side of the road.-But we have yet to prove it.'
"Sen. Ping Lacson: 'I will resign from the Senate if Sec. Perez can prove that the chicken has laid hundreds of eggs in a secret nest!'
"NBI Chief Wycoco: 'Was it a chicken? Yes, it was a chicken. It doesn't look like a chicken, though. However, a deeper probe into the animal revealed that it was really a chicken. But do not quote me on that, our forensics experts need to verify if it was indeed a chicken.'
"Clarissa Ocampo: 'I was surprised when the chicken did it. I was one foot away when it crossed the road.'
"Madam Cory Aquino: 'If only Ninoy were alive today, he would be able to explain why.'
"ISAFP Chief Col. Victor Corpus: 'My new witness will debunk claims that the chicken crossed the road. Ladies and gentlemen, my witness-Ador Mawanay!'
"Dr. Jose Rizal: 'Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan/Ay hindi makakalipad sa paroroonan.'
"Meralco: 'How could that be illegal? The government allowed it!'
"Boy Abunda: 'A rooster is waiting on the other side. They'll have a private conversation.'
"Raul Roco: 'How am I supposed to know? I was the last person to be informed. This is unfair. I smell politics here.'
"Imelda Marcos: 'Some chickens are smarter than others.'
"GSIS Pres. Winston Garcia: 'To save a heritage.'
"KMU's Teddy CasiŃo: 'To question the chicken's motives is curtailment of its freedom to cross the road, and therefore a violation of chicken rights.'
"GMA-7: 'It's where the chicken belongs.'
"Janice de Belen: 'God was on its side when it crossed the road.'
"Kris Aquino: 'Sasgutin natin ang tanong na yan sa pagbabalik ng-'The Buzz!'
"Nora Aunor: My brother is not a chicken!
"Christopher de Leon: 'Can I use a lifeline?'
"Fr. Robert Reyes: 'I was running after it.'
"Cardinal Sin: 'It was the moral thing to do.'
"Bro. Wilde Almeda: 'Gagaling! Lalakas! Tatawid sa kalsada! Alelujah! Praise the Lord, mga minamahal!'
"Bro. Eli Soriano: 'Tarantado yang manok na yan! Hindi niya alam ang kanyang ginagawa! Mabuti ka n'yo at hindi nasagasaan!
"Bro. Mike Velarde: "Kagustuhan 'yan ni Yahweh El Shaddai. Amen? Amen!'
"Melanie Marquez: 'Because it has long-legged!"'
The Second Crossing:
President GMA: It is imperative for the chicken to become a member of the “coalition of the laying.”
Jose Maria Sison: To go into exile.
Imelda Marcos: Dahil sa ‘yo.
Senator Ping Lacson: This question is purely harassment and political persecution! Let the chicken cross!
Davao City Mayor Rodrigo Duterte: The Moro Islamic Liberation Front is to blame.
MILF: We categorically deny that we had a hand in the crossing.
Ador Mawanay: First Gentleman Mike Arroyo, Intelligence Chief Victor Corpus and NBI Director Reynaldo Wycoco pressured the chicken to cross the road.
Mike Enriquez: Alamin natin ang dahilan ng pagtawid mula sa ating Saksi! Pasok!
Mareng Winne and Pareng Oca: The topic of our debate tonight: “Which came first: the chicken or the road?”
Cristy Fermin: Ayon sa aking source, kinaladkad s’ya ng tandang. Sinabung-sabong siya. At tinakong pa. Battered chicken talaga siya.
Anjo Yllana: Hindi po totoo na sinabong ng tandang ang chicken kaya ito tumawid ng kalsada. In fact, kasama ko po ngayon sa studio ang chicken para patunayan ang maling balitang ‘yan.
Lolit Solis: Teka, babati muna ako. Hello kay Dr. Vicky Belo, kay Ditas Magno, kay Papa Jesse Ejercito, kay Senator Manny Villar, kay Ronnie Carrasco, kay Gorgy Rula, kay Cong. Jules Ledesma
at saka kay... (Commercial break)
Rosal Rosal: Papasukin na po natin ang ating sunod na mananawagan... ang manok!
Ramon Tulfo: Ang hirap kasi (censored) ‘yang manok na ‘yan. Kung hindi ba naman (censored) ang (censored) ‘yan e di sana hindi (censored)!# $@%^&!
Madam Claudia: Nakakatawa, hindi niya alam na crispy ang chicken.
Amor: It’s not the chicken. It’s the sauce.
Madam Auring: Malakas ang vibration ko na maaaksidente ang manok. Kaya dapat mag-ingat siya sa pagtawid.
Astrologer Zeny Seva: Jupiter and Venus will be on the same orbit. And the other planets would cross the tropic of Cancer. So, expect fowls to be restive. Instead of flying, they would prefer crossing.
Francisco Balagtas: O manok na makapangyarihan/ Kung nais marating ang patutunguhan/ Tatawirin ang lahat/ Marating ka lamang.
Traffic Cop (who witnessed the chicken crossing): Prrrrt... Fowl!
Filipino gay: Anetch? Sinetch namang nag-tsika sa ‘yo na jumawid ang janok? Wa ko knows noh! Chuva lang siguro ‘yon. Promise!
Cherie Gil: That’s nothing but a second-rate, trying hard chicken! (Splash!)
Lualhati Bautista: Dekada Sitenta pa, itinatanong na ‘yan. Hanggang ngayon ba naman?
Bong Revilla: Baka may Agimat kaya ligtas na nakatawid!
Fernando Poe Jr.: Alamat ng Lawin ang alam ko. Hindi alamat ng manok.
Mother Lily: MANOk PO!

April 15, 2007
10:45 AM
Untitled
got this poem from a fellow message board poster.. untitled though..
Why do i have to say goodbye?
To a person i have loved for a long time
And why do I still cry?
When I think of you most of the time
So many questions left unanswered
about what lies ahead
About what you've said
And what I could have possibly did or said
I still remember those days
When I used to say
I love you
And I miss you
I still remember the time I said
I would wait for you
And that I would never leave you
But you were the one who erased what I have said
Why do all good things come to an end?
Why does my love for you have to end?
by
Jinjiruks
April 11, 2007
11:50 AM
Good Friday climb
Grabe antok at pagod pa ako habang nag ne-net ako ngayon sa isang shop. Hindi pa ako nakakatulog.. siguro mamaya pa.. para lang makapag update sa blog.. Kanina lang kami bumaba ng bundok malapit sa amin.. Kagabi around 9pm kami umalis mula sa bahay ni Abundio (kasama kapatid ko, John, Mike at kapatid din niya..) usapan eh 8pm pero alam mo naman pinoy time.. akala ko nde magdadala ng banig or blanket sina Mike kaya nagdala na rin ako.. kasama ng 2 bottles of water.. malaki pinagbago ng trail paakyat.. naging patag na sya na naging less challenging tuloy pero dahil sa ulan at kawalan ng mga puno at bato na susuporta sa lupa eh.. nagkaroon ng landslides sa paligid at lumalim ang mga trench sa paligid nito.. sana next year eh maayos na nila yan.. baka kasi mawala na kaming aapakan pag walang ginawang aksyon mga tao dito.. hindi nakakapagod ang pagakyat.. kaasar nga nde man lang ako hiningal.. at around 11pm kami nakaakyat sa tuktok ng bundok.. ayun naghanap ng mapapahingaan.. almost full moon that time kaya maliwanag ang paligid.. ok pa ang pwesto na pinuntahan namin pero wala akong jacket na dala kaya ang lamig talaga.. buti nadaan sa mga kwento kaya naaliw naman at nawala sa isip ang ginaw.. hanggang umabot na ng umaga at nagpasya na kaming umuwi at kumain ng goto kina Abundio ulit.. sige sa susunod na update na lang.. antok na ako!
by
Jinjiruks
April 7, 2007
9:46 AM
Maulang Maundy Thursday
Kahapon eh nagpunta ako sa Ortigas sa former employer.. para sa tax refund kasama na ang form dun.. ayun mini reunion lang ng mga nde ko na nakikita for almost 6 months na rin.. lalo na si Ryan sa Office Tiger na ata at regular na.. si Guia bebe sa Maersk, si Madam She.. ayun pinoproblema kung paano mauubos ang kayamanan niya hehe; amp talaga.. dahil sa overtime at night shift ko eh mababa lang ang refund.. 175 pesos at naka cheque pa.. anu ba yan.. kulang pa sa pamasahe at pang kwek-kwek ko yan ah.. bakit hindi na lang pinera, nakakahiya naman lumapit sa teller nito.. lumagpas na ng alas-3 bago naibigay iyon kaya naman next Tuesday pa malamang pwede mapa-encash iyon.. sabi nga sa akin.. ipa-laminate ko na lang yan at pa-frame para remembrance.. lol.. tawa tawa ang mga loko.. kasi sila around 600+ ang nakuha nila.. hay buhay nga naman..
Kanina hanggang ngayon eh maulan pa rin, well ambon to be exact pero sana ibuhos na nya lahat ngayon kasi aakyat pa kami ng bundok bukas.. sana nga hindi maputik ang daan.. naasar lang ako kasi bakit sinimento ang daan doon.. para saan pa ang pag akyat nun kung walang hirap na pagdadaanan.. me nalak atang gawing parke ang area ng Grotto.. sobra naman..
Meanwhile.. nung nasa office ako kahapon eh nag kwento ako sa termination ko at tinanong ko sila kung may iba pa akong mukukuha aside from last salary ko.. ayun sabi nila since terminated ka at may papel eh.. dapat daw may separation, termination at 13th month ako dahil since Dec.15 last year ako nag start at its been 4 months na.. eh minimum requirements eh 1 month lang.. hindi ko pa nakakausap ang mahal na management ng GamePal bout this gusto ko muna i consult ito sa tito ko na me alam sa mga labor laws, ayoko kasi ung padalos dalos.. pag pupunta sa giyera eh dapat fully packed ka ng ammunitions mo.. good luck na lang sa kasong ito.. pag alam ko naman nasa katwiran ako eh paglalaban ko yan..

April 5, 2007
10:14 AM
Day 3 - Sa bahay ni Jinjiruks
Holy Wednesday na.. as usual habang ang iba eh last or half day sa office nila at naghahanda na sa mahabang bakasyon eh andito ako tambay sa bahay nagaantay sa paglipas ng oras.. nakakabaliw talaga pag wala kang ginagawa or should i say "tambay" ewan ko paano nagagawa nilang maglibang sa ganitong propesyon.. yung pa yosi yosi laro ng basketball tapos uwi kain then yosi ulit.. tsk tsk.. sa mga tambay.. magbanat naman kayo ng buto.. mahiya kayo sa magulang niyo.. sa sobrang bored ko eh napilitan tuloy akong mag unlimited text sa Globe for two days.. paano kasi mababaliw na ako kakabilang ng mga dahong nalalaglag sa puno malapit sa amin.. ayun buti naman kahit papano eh may nakakausap ako thru text.. si Dan, si Irene (aka Chun-Li at Princess Jannelle daw) pati na rin sina Ronald, Jhayr at iba pang sumusulpot na texters.. ngayon lang ako ulit nakapag text nang matagal.. nakatulog na ako kanina nang alas-2 ng madaling araw at nagising naman ngayong alas-6 ng umaga.. mamaya nga pala punta ako sa isa kong ex-employer para kunin tax refund kung meron man.. mini reunion lang ng mga umalis sa DES.. plano ko nga sana sa Sagada kami mag outing kasama manager naming si Tina.. sige sa next update na lang ulit.. sana next week matawagan na ako at makapag apply na rin sa ibang company.. have a great weekend!!
by
Jinjiruks
April 4, 2007
9:24 AM
Aftermath
Monday na monday eh nasa bahay lang ako syempre tambay. Kanina ko lang nasabi sa amin na wala na nga akong work; kahapon eh sa mga kakilala ko lang. Ayun napagusapan lang namin tungkol sa abroad.. wala talagang magandang job opportunities sa atin, kelangang mag abroad for greener pastures.. napag isipan namin eh either sa New Zealand or sa Canada pero mas ok sa New Zealand bukod sa maraming baka eh tahimik at sariwa pa ang hangin at medyo ok naman ang pasweldo. Problema lang nga eh.. kelangan may show money ka or sponsor para makakuha ka ng visa doon. Ayun habang wala pa eh next week maghahanap muna ako ng new work, hindi pa ako sure kung sa Makati or Ortigas pero as much as possible eh sana malapit lang para tipid sa pamasahe at food.
Nakakamiss talaga mga ka-repapips ko doon sa "ex" employer ko.. Si Orbs (PL1) na pinakatahimik sa amin na katabi ko sa office.. medyo introvert ang guy na iyon kaya ako na mismo ang kumakausap sa kanya, buti naman at medyo nag oopen at nakikipagusap na siya.. Makulit na si Zander.. ang joker na mahilig sa porn.. haha.. si Mark na laging nangaasar sa akin kasi puro byakugan na daw ako (ugat malapit sa mata.. tumatanda na kasi..) Si Chris at Rolly na medyo kalog din at manyak.. haha! sina mam synnie at josan.. ang tahimik pag wala sila.. mga amplifier kasi ang dalawang ito kung magsalita buong office nakakarinig.. tuwing sweldo time naaalala ko pa eh kumakain kami sa Triple V.. yung merienda all you can for 165 kasama na ang iced tea doon.. sawang sawa talaga sa iced tea.. nakaka miss rin ang FF Online.. kung mura lang talaga ang rate eh gagawa ako ng account doon.. sigh.. anu pa nga ba ang magagawa ko.. i have to move on (naks parang break up!) at maghanap ng new opportunities.. maybe abroad.. maybe here.. bahala na!

April 2, 2007
9:31 AM
Black Saturday
sigh.. nakaka frustrating ang araw kahapon.. tama lang ang title.. its a gloomy and black Saturday for us gamers.. pero hindi naman talaga ako nagulat kasi 2 weeks ago pa lang eh sinabi na sa akin ng isa kong friend na teal leader ang mga mangyayari within this month.. at nagkatotoo nga.. MASS TERMINATION ng mga gamers sa GamePal.. and yup kasama po ako doon sa 160 na taong inalis nila.. matatanggap ko sana kung valid ang mga reasons nila sa pagtanggal sa amin.. kaso alam mo na.. just like out bulok na government; maraming hocus-pocus na nangyayari..
points:
1) wala man lang a day or week/s notice sa aming termination, kahit man lang contractual kami eh we deserve that right to be informed.. well since gulatan naman ang nangyayari wala na akong magagawa doon.. puro kasi mga isip-bata..
2) ang dahilan nang pagkakatanggal sa akin eh hindi ko daw na reach ang standard nila or yung performance metrics na binigay nila.. hello.. sa mga Final Fantasy Online gamers diyan.. makakaabot ba kayo ng 20 levels sa loob ng 8 hours na work niyo.. maski ang FF manager namin dito inaming napakataas naman ng quota na iyan at maski ang hardcore na player eh hindi makaabot nang ganyan sa given time na binigay nila.. halatang naka plano na ang mangyayari sa mga gamers since imposible talagang maabot iyon.. nanghihinayang talaga ako since napamahal na rin sa akin ang FF kesa sa WOW.. ilang weeks ko lang na enjoy ang game.. nakakabitin talaga..
3)maraming nagrereklamo sa amin na nagpaalam naman sa mga team leader pero AWOL ang nilagay na reason nang pagkakaterminate.. eh wala naman palang kwenta mga TL niyo eh bakit hindi nyo rin sinama na ma terminate.. ARE YOU SURE NA QUALIFIED LAHAT NG TL'S NA NILAGAY NIYO? karamihan kasi diyan hatak lang or may boyfriend or ka buddy kaya nagiging TL.. tingnan na lang natin kung makakaya nila ang work ngayon kaunti na lang sila.. ang siste kasi ikaw pa ang dapat magtanong sa pag absent mo eh.. parang ganito.. sir bakit ba ako absent kahapon.. hindi ba parang katangahan iyon.. ako pa amguusisa kung bakit absent ako.. sa simula pa lang naman hindi na fair ang system nila..
4)isa pa sa mga dinahilan nila eh "kulang daw sa requirements" wow.. ngayon ko lang narinig yan ah.. na terminate dahil kulang samantalang next week pa ang deadline nang pagpasa ng mga iyon sabi nila.. sabagay notorius naman sila sa hindi pagtupad ng mga sinasabi nila.. kagaya na lang ng ATM.. pinamamadali pero asan na.. cash pa rin ang sahod.. mga araw ng pasahod.. pasabi sabi na bukas.. pero may mga nakatanggap ng sahod nung gabing iyon.. marami pang mga "magic" ang nangyayari pero wag na nating banggitin.. para saan pa.. wala naman mangyayari. Sana nga lang eh makatulog sila nang maayos sa mga ginagawa nila sa ibang gamers.. ang unfair treatment.. buddy system.. incompetent management..
sensya na binuhos ko na dito sa blog mga hinaing ko sa company since.. inutil naman ang mga TL namin at wala man lang nagawa sa desisyon ng management.. at mga gulatan na nangyayari.. ah ewan.. its not worth it na isipin pa yan.. ang mahalaga ngayon eh makahanap ng new work na hindi kagaya ng GamePal.

April 1, 2007
9:29 AM
Subscribe to:
Posts (Atom)