Blaglayp at Xienah
Pero pangarap kong makita si Super Xienah dahil siya ang inspirasyon ko nung nagsisimula palang akong bilang blogger. Nakakaaliw ang mga post niya. Ang pakikipagsapalaran niya sa paglaban sa mga masasamang nilalang. Pagiging nars sa umaga at superwoman sa gabi (o baliktad). Nakakatuwa pagiging mataray at pranka niya sa kanyang mga post. Lalo na ang BlogSikret segment niya na pwede kang magtanong sa kanya at sasagutin niya ito nang walang pagaalinlangan. Lagi mong pinapasaya at gaan ang buhay ko Xienah. Mahal na ata kita.
Wala pa rin si Nanay
Si Te Bebe lang minsan ang kasabay ko mag-stroll sa kahabaan ng Makati pagkatapos naming kumain ng lunch (at 1am), marami kaming napaguusapan lalo na ang pangingibang-bansa. Of course Ok na ako sa job ko dito pero open naman ako sa possibility na umalis ng bansa. Mas gusto ko kasi ng tahimik at simpleng buhay. Dun sa lugar na hindi ako kilala, magagawa ko ang gusto ko nang walang mga matang laging pumupuna sa bawat kilos na gagawin mo. Si Te Bebe mukhang sa Europa naman ang punta pero hindi ko alam kung desidido na ba siya talaga pag bibigyan ng pagkakataon ngayon. Magaan ang pakiramdam ko kay Te Bebe kasi good listener siya at naiintindihan niya mga pinaguusapan namin, sinasabi rin niya ang mga raket at diskarte niya sa pang araw-araw na pamumuhay. Nag-aalala na ang lahat kung ano ba ang nangyari sa kanya at ilang araw nang wala ang aming Nanay.
Jinji loves Alexa
Akalain mo since 2000 pa pala naka register ang blog ko at 2006 lang ako nagsimula maging active, dami ko pang kakaining bigas dahil rank 2m palang ako.
Relative demography. Ibig sabihin ba nito "in" pa ako dahil around 18-24 age group ang dumadaan sa site ko. Puro mga nasa graduate school pa, nagpapakadalubhasa sa pag-intindi sa mga sinusulat kong kalokohan sa blog. Mas madalas na sa work tumitingin kesa sa bahay. Mas popular pa rin ako sa mga girls at malamang single pa mga ito dahil halos walang mga anak. Hehe!
Hmm. Sa dami ng blog visits sa akin nung kasal nina Jay at Sarah Jane parang mas marami pa ata ang nagpunta dito kesa sa kasal nila. Up to know sa statcounter ko, yung mga page visits naka-link pa rin sa wedding pics nila, samantalang forwarded lang naman sa mail ang mga iyon. Pero salamat na rin sa kanila at umarangkada up to 50k hits ang aking blog. Pero hindi ako mamimihasa na gawin lagi ito. Nagka-interest lang ako sa kasal nila at no-way na puro celebrity na lang ang ilalagay ko dito or kung sinong pulitiko diyan. Bihira mong makikita na maglalagay ako ng post sa mga current events. Ang buhay ko ang balita at hindi sila.
The progress report ng aking blog/website for 3-months, maganda mood ko dahil puro green nakikita ko despite na hindi ganun ka-active ang blog ko and im writing for myself lang at bonus na lang ang pag-view ng mga kaibigan natin sa blogosphere at sa iba pang mundo.
Aydiyal Wan
Ang Cold mo na!
Nagkausap nang kaunti sa isa pang blogger hanggang sa na-add ko na siya sa social network site, ym at contact info na rin niya. Bandang gabi ka-text ko siya. Hanggang sa nagkatawagan. Na-curious lang kasi ako sa latest entry niya. Kilala ko sa name ang ex niya dun sa online game na nilalaro namin last 2006 pa. HIndi lang ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Siya ang topic ng usapan namin. Nag-kwento na siya sa buhay niya. Marami siyang reservations kaya siguro maraming naiinis o nagagalit sa kanya. Naiintindihan ko siya dahil ganun din ako dati - hindi lang ganun ako kadali magtiwala sa isang tao at sigurista ako. Umabot ng mahigit 2 oras ang usapan namin sa phone. Medyo inaantok na ako kaya tinapos ko na ang usapan namin. Sabi niya nakukulitan daw siya sa akin pero masaya daw siya.
Kinabukasan, nakahanda na sana ako punta ulit kina Angelo pero tumawag muna sa Smart, as usual walang kwenta na naman ang customer service nila. The usual scripts na lang ng mga agents nila naririnig ko palagi. Wala namang solution. Tumawag muna ako kina Angelo para sabihin na pupunta na ako sa kanila. Pero nag-dalawang isip siya at nagdahilan kaya hindi na naman natuloy. Kahit hindi niya sabihin alam ko ang dahilan ng pagbabago niya - kaka-break-up lang ng ilang taong girlfriend niya. Naintindihan ko kaya tinanggap ko na lang ang alibi niya. Ganito siguro kapalaran ng mga PS Boys (PlayStation) - palagi na lang single dahil game ang priority.
Naka-leave dapat ako ngayon. Pero dahil sa nangyari nung umaga, nagbago na naman ang isip ko. Nahihiya na ako sa supervisor namin dahil pabago-bago ako ng isip at 3rd time na ito na nag-request ako ng leave pero hindi ko naman tinutuloy. Na paranoid pa ako dahil nanghiram na naman sila sa akin ng pera. Sagad na sagad na ako at pamasahe ko na lang ang natira sa akin. Pati ba naman iyon kukunin niyo. Naka-budget na nga iyon sa pagbabayad ng iba ko pang utang. Na-compromise pa. Kaya naman kinausap ko sila lahat at humingi ng paumanhin na kung pwede kapag nakaluwag na ako or sa susunod na payroll na ako magbabayad sa kanila. Mabuti na lang at mabait sila kaya naman pumayag sila. Nung mga oras na iyon, naiinis at nalulungkot ako dahil bakit laging ganito. Hanggang kailan ang ganito. Habambuhay na bang ganito. Kailan kaya mawawala ang mabigat na pasan sa aking likod. Salamat na lang sa advice ng isang kaibigan kaya bumalik na ako sa aking senses na lahat ng bagay may dahilan at walang binigay sa iyo na hindi mo kakayanin.
Kanina nabasa ko sa isang blog entry na malamig na daw ako sa aking pakikitungo sa ibang tao. Sa akin lang, intindihin niyo naman ako na hindi ko kayang i-pleased kayong lahat. Marami rin akong iniisip na tao at problema. Naguguluhan na ako kung ano ang gagawin ko. Hindi lang kasing-dalas ang text ko kagaya ng dati - nagbago na ako? Magulat ka kapag hindi na ako nagte-text o nagpaparamdam sa inyo. At least ako - sa part ko, ako lagi ang unang nagpaparadam sa iba. Kahit pa - kahit isang reply man lang wala akong natatanggap sa karamihan - pero Ok lang iyon. Baka may dahilan kung bakit hindi nila magawang mag-reply. Kaya pasensya na kapag hindi ako nagpaparamdam pero bumabawi naman ako kapag may libreng oras ako.
Wallachian Vacation
Day 1: you will most likely arrive at Bucharest Otopeni Airport. Our guide will be waiting for you and lead you to the car/s or minibus/es. You will then travel to the horseshoe of the Carpathian Mountains to the rural mansion you will be accommodated in. You will have the welcome dinner, followed by a welcome party, if the group size is appropriate.
Day 2: Visit to Sighisoara Citadel. You will have lunch at "Casa Vlad Dracul" Restaurant inside the building where Vlad Dracula Tepes (the Impaler) was born. You will have plenty of time to visit all the other attractions of this medieval place. In the evening, we will organize the horror movie night with special props.
Day 3: Visit to Poenari Fortress. You will climb 1480 stairs to one of the most spectacular views you can imagine. On your way back, you will stop to see the bones of First World War heroes. In the evening, you will compete in the archery tournament.
Day 4: Visit to Bran Castle. As this will be a shorter ride, you will customize the rest of the day according to your needs and expectations. Watch the clip to see other attractions of the area. Your day can also include horseback riding.
Day 5: Visit to Targoviste Royal Court. In the evening you will learn how to cook traditional Romanian pie, followed by a tasting ceremony.
Day 6: Visit to Snagov Monastery followed by camp fire with hot wine and medieval songs.
Day 7: Our guide will take you to the airport for departure.
Wet meetups
Umuwi na ako bandang 5pm and nagmamadali talaga ako kasi hindi pa umuulan pero nagbabadya siya based na lang sa itim ng cumulunimbus clouds present sa area na iyon. Then ayun na nga naabutan na ako pero buti na lang at nasa loob na ako ng jeep nung lumakas ang ulan. Anyways naging Ok naman ang meetups namin, sinabi ko sa kanya na ayoko makisakay sa issue ng ibang mga bloggers diyan na nagkakaawayan daw. I don't give a damn. Basta ako i blog for myself, for what I'm feeling, I'm thinking and hindi kung sa anung mga nangyayari sa paligid. Sana nga next time ibang bloggers naman ma-meet ko kahit simpleng get together lang and please spare me from being an organizer kung meron man - sakit na ng ulo ko sa ganyang pag-contact sa mga yan.
Sarap matulog
At eto po ang trip ko after lunch, kapag hindi kami naglalakad sa kahabaan ng Ayala with Ate Bebe, blog hopping muna at pag me entry na interesante makikita mong nag-comment ako. Sobrang monotonous.
One monotonous day is followed
by another monotonous, identical day.
The samethings will happen, they will happen again -the same moments find us and leave us
A month passes and ushers in another month.
One easily guesses the coming events;
they are the boring ones of yesterday.
And the morrow ends up not resembling a morrow anymore.
Monotony
Teh 41 Questions
Practical, traditional and organized. Likely to be athletic. Not interested in theory or abstraction unless they see the practical application. Have clear visions of the way things should be. Loyal and hard-working. Like to be in charge. Exceptionally capable in organizing and running activities. 'Good citizens' who value security and peaceful living.
Careers that could fit you include:
EDSA at Dawn
Hindi ko naramdaman kanina na nag brownout pala, pero hindi naman ganun kalakasan ang ulan. Buti na lang at umulan at kahit papano napawi ang init ng hapon. Sarap-sarap matulog pero kailangan ko nang pumasok. Nakaka-miss ang ganitong mga pagkakataon - parang nanumbalik sa aking diwa ang buhay estudyante. Mga ilang minuto pa'y bumalik na ang kuryente. Kumain lang at naggayak. Tapos umalis na rin. Nakaka-manga ang eksena na nakita ko paglabas habang nag-aantay ng masasakyan. Ang ganda ng kabundukan na tanaw lang mula sa kinatatayuan ko. Animo'y parang sinaunang lugar na nababalot pa ng ulap na nakakadagdag sa pagiging misteryoso ng tanawin. Kung patuloy ang pag-quarry ng mga tao sa bundok na ito. Malamang hindi na makikita ito ng ilang susunod na salinlahi.
Bye Cabal, hello to Angel
Sunday. After mag-jogging (after a lapse of 2 weeks), dumaan na ako kina Angelo para maglaro sa kanila ng Angels Online (since matagal naka-install na sa PC niya at ilang weeks na rin siyang naglalaro nito). Yung isang sup kasi namin naglalaro rin at pinilit kaming maglaro at bibigyan kami ng money/items online. Naka-register na kami dati iyon nga lang sa ibang server (Forcast server) pero nasa Havoc yung sup ko kaya lumipat na rin kami since hindi pa naman ganun kataas ang level namin. Ayoko na mag-mage kahit pa ito gusto kong class, kaya pinili ko 2nd malapit sa puso ko - Archer. Para long range na rin pero dealing both physical/magical damage.
So far ok naman ang Angels Online although hindi naman siyang kasing ganda kagaya ng ibang MMORPGs to date. It's still the community pa rin, since niyaya na ni Angelo iba pa naming berks na maglaro nun kaya na-engganyo na rin ako. Nakakatuwa kasi nasa macro na yung parang bot in-game pero hindi naman siya nakaka-apekto dahil marami pa namang real players online. Tinalikuran ko na ang Cabal Online at magsisilbing "dagdag sa game roster" ko na lang sa gaming career ko. Dahil diyan nagkasiraan kami ng friend ko na mabuti na lang hindi ko nakausap para ganun pa rin ang friendship status namin. Kung magkakaaway lang kami, anu pa ang silbi ng paglalaro ko kung hindi naman sila makakasama ko at ibang tao na hindi ko pa kilala. Medyo nagsisimula na akong mag-enjoy sa game na ito at excited na ako sa next-weekend para maglaro ulit.
Monday. Napagusapan namin na this weekend, punta sa Wawa Dam sa aming mahal na bayan. Although taga dito kami napaka-dalang na pumunta kami sa area na ito lalo na sa Avilon Zoo. Siguro dahil busy lang at walang budget kadalasan. Pero ngayon since si Angelo na ang nagyaya - kung sino na lang ang makakapunta at kung ano na lang ang pwedeng madala. Maganda sana na weekdays punta para kaunti lang ang tao pero iyon lang kasi ang araw na maraming makakapunta. Excited na ako mamangka sa ilog at pa-picture na naman and being one with Nature again. Sana nga lang hindi maulan para hindi masayang o re-sched. Eto nakakapag-update ako kasi down na naman ang system namin (sana nga pinauwi na lang kami).
Lovelife? Ayoko nang pag-usapan ang bagay na iyan. Meron akong nililigawan for almost 3 months na. Up to now hindi ko pa rin alam ano ang lagay ko sa kanya. Ayoko ng ganitong pakiramdam na nakabitin ako sa ere na hindi ko alam kung b abagsak ba ako o lilipad pataas. Hindi ko naman siya masisisi na gusto niyang makilala pa ako nang personal hindi iyon sa text lang kami nagkakausap. Hirap kasi hanapan ng oras lalo na't nightshift ako at pang-umaga naman siya maski sa weekends naman hindi naman siya pwede dahil up to Sat may work siya at pag Sunday naman pahinga niya kaya baka ma-istorbo ko lang siya.
Pero minsan na libre kaming dalawa saka naman pumasok ang tatay niya na may sakit na babantayan niya sa hospital. *sigh* Ewan ko ba kung ayaw talaga kami ng tadhana kaya pilit kaming pinaglalayo. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako sumusuko sa kanya. Pakiramdam ko kasi mga ganitong tipo ng tao ang dapat mahalin dahil sa ugali nila at isang malaking challenge sa akin. 2 beses na akong nawalan ng loob magpatuloy pa pero ewan ko kung bakit binubulong sa akin na pagsubok lang yan at tiyaga pa nang kaunti. Napapagod na kasi ako. Anung assurance na magiging kami, maski appreciate man lang niya ginagawa ko, hindi ko maramdaman. Martir na ba ako. Pero umaasa pa rin ako sa sinasabi niya. Ewan. At isa pang ewan. Tanga mo Jeff.
MRT. Nakakainis bakit kaya kaunti na lang ang sumasakay pa-southbound sa MRT tuwing past 7pm. Hindi kagaya ng 7am ride na siksikan na. Hindi ko na tuloy magawa yung mga extra-curricular activities ko pag masikip. *naughty* Kagaya kanina na lang. Me nagpaparamdam, kaunting push lang kelangan nito para bumigay. Ika nga kelangan niya lang ng signal. Kaso dahil kaunti lang ang tao, hindi pwede - lalo na iyong isang malapit sa amin na nakamasid. Gaganti sana ako sa kanya na bukas ang zipper niya pero hindi ko na tinuloy. Wahaha! Ang bad ko talaga. Na brought-up ko lang kasi more than twice nang me nagparamdam na hindi ko lang pinapansin. Ang lamig ng panahon sayang at hindi niya ako nabigyan ng init.
Work. Eto kaya nakakapag-extend ako ng blog entry ko dahil system down pa rin at mukhang aabutin pa ito ng madaling-araw pero ok lang. Minsan lang naman ito mangyari. Kaya kahit anu-ano na lang ang napaguusapan namin magkakasama lalo na ang sup namin. Me panahon pa ako makabasa ng mga balita online. Makapagbasa ng blog ng iba. Makapag browse pa sa ibang site that interest me. Hindi naman makagala sa labas kasi umaambon. Hindi ko alam kung ano magiging future ng function namin lalo na't maraming halimaw sa team. Mahirap magbigay ng forward looking statements lalo na't hindi mo hawak ang pag-iisip nila. Sana lang nga makayanan ko ang everyday work at pakikisama sa mga officemates. Ika nga sa quote "Don't pray for easy life, pray how to be a stronger man.."
Missin this game show
Ilang buwan o taon na nga ang nakalilipas simula nung sumali ako sa gameshow na ito. Dati ko pa gusto sumali sa mga trivia-based shows like "Weakest Link and Who wants to be.." pero nauunahan ako ng pag-aalinlangan dahil nakakahiya ma-exposed sa TV. Pero hindi na ako nag-dalawang isip sa show na ito at mula nung pinalabas ang video na ito. Nag-text agad ako that time. At sa kabutihang palad naman eh natawagan ako isang linggo pagkatapos mag-text. Hindi ko makakalimutan ang taping na iyon. Marami akong nakilala na kaibigan lalo na dun sa pag-aantay sa turn namin.
Nakakalungkot nga lang at hindi na na-extend ng season2 ang palabas na ito. Siguro eh dahil hindi ganun kataas ang ratings na nakuha. Pero sabi ko sa sarili ko after that experience, once na may gameshow akong nagustuhan eh sasalihan ko agad siya. Me mga hint last Nov.2008 na magkakaroon ng Season 2 ang show na ito. I guess i have to ask yung ex-officemate ko na writer na ngayon sa ABS-CBN. Pag nagbukas talaga ulit ito, hindi ako magaatubiling sasali. Nakaka-miss lang kasi.
Bukas na
Naalala ko pa ang panaginip ko nung hapon, binigyan daw ako ng 500 ng 3 tao. Ano kaya ito? numero kaya sa lotto o jueteng. 2 weeks na akong hindi nakakapag-jogging ah. Dahil akala ko kasi hindi pa nalalabhan yung sapatos ko. Hindi pa rin ako nakakabili ng bathroom scale dahil wala pa akong pera at panahon. Bumigat na naman ako talaga ngayon. Sana nga manalo na ako sa lotto para makapag-lipo na kina Belo.
Medyo sem-retire na muna sa gaming, lalo na nung event last month lang na nagkasiraan pa kami ng classmate ko dahil lang sa laro na iyan. Up to now hindi pa rin kami nagkakausap and bahala na siya kung may balak ba siya o wala. Sana Ok na ang computer shop na pinapagawa ng friend ko sa haus nila. Hindi ko alam kung ano ang lalaruin ko, pero susubukan ko ulit yung Angels Online since naglalaro yung isa naming sup dun at baka bigyan niya ako ng mga items, armors etc.
Trip ko mula nung isang araw pa - pagkuha ng video sa labas habang umuuwi sa train/jeepney. Tapos saka ko panonoorin. Medyo nakakaantok kasi walang magandang angle since hindi ko naman pinapanood habang kinukuha ko. Wala lang, hawak ko lang siya at bahala na kung anu angt makunan ng camera.
Patalastas: Best wishes nga pala sa kasal ni Nerissa Reynosa na high school classmate ko. Congratz kay William at tatay na siya ng baby boy na si Gabriel. Pati na rin si Joel sa baby girl. Mukhang panahon ngayon ng pag-aanak ah. At napagiiwanan na naman ako sa mga classmate ko na lumagay na sa tahimik. Pero Ok lang masaya naman ang buhay single. Mahahanap ko rin ang para sa akin.
Question: 27 y/o ka na, bakit hanggang ngayon single ka pa rin?
Answer: Choice ko naman ito kung bakit single pa rin ako up to now. Wala naman akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Pakiramdam ko kasi guilty ako at kelangan kong bumawi sa aking parents na nag-sacrifice sa akin para makatapos lang ako ng pag-aaral. Parang kulang pa nga ang ginagawa ko. Gusto ko kasi bago ako mag-isip ng mga ganung bagay. Kelangan stable na sila at kampante na ako na masaya na sila sa buhay nila ngayon. Hanggat hindi nangyayari iyon, siguro patuloy ko pa rin silang paglilingkuran kahit pumuti na siguro ang buhok. Ganito lang talaga ang kapalaran ng isang mabuting anak para sa kanyang pamilya. Sila muna bago ako. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ko magagawa ang aking tungkulin sa kanila. Napapagod na ako minsan.
Self-Help - Appreciation
It was true when we were children, when we were teenagers, in our twenties, thirties and forties … and it is still true today: Whatever our age, we want to feel appreciated – it will be so until the day we die. There is nothing that can give us back that spark and energy to face the rest of the day or week, like a sincere word of appreciation. There is nothing that can change our attitude in an instant, like a surprising word of appreciation. There is nothing that can calm us down when we are on the attack, like a word of appreciation. There is nothing that can help us to appreciate other people, like when we receive a word of appreciation ourselves. Appreciation comes in all kinds: ‘Thank you for helping me out when I was in trouble’; ‘Thank you for being there for me’; ‘Thank you for understanding’; ‘Thank you for letting me feel valued’; ‘Thank you for your cooperation’; ‘Thank you for being the person you are’; ‘You made a difference to my life’; ‘You’ve done a great job here’.
The fact that we all have this ‘craving to be appreciated’, leads to potentially two different outcomes in the workplace. If the general feeling is that we are not appreciated at work, we tend to become more and more self centered. Whether you are the boss or a subordinate, if you don’t feel appreciated for your efforts, contributions, hard work and commitment, your thoughts begin to centre around yourself rather than the vision or purpose of the organisation, the role you can play, and other people’s needs. Your thoughts probably go in the direction of ‘what is it that keeps me here’. In the false hope that financial compensation will make up for the lack of people’s appreciation you try to motivate yourself with the security argument or thoughts of financial reward that still might come your way. In the meantime, you will simply go through the motions and try to keep your expectations of work enjoyment and sense of significance as low as possible.
The other possibility is that the work environment is one where in general people do feel appreciated - for their work as well as for the value of the relationships that they have with each other. People in such an environment snowball in a different direction - away from self centeredness to other centeredness: ‘What can I do to make the new member of our organisation feel more welcome?’; ‘What can I do to assist an overstressed colleague?’; ‘What can I do to improve our work processes?’; What can I do to let those who feel marginalised feel valued and appreciated?
We all know which of the two environments we would like to work in. What is the key to a positive work environment of appreciation? Leadership behaviour and leadership attitude. In simple terms it is to take the lead in showing appreciation rather than waiting for it. Our biggest obstacle in doing so is when we find it hard to appreciate ourselves. Hand in hand with appreciating ourselves is the ability to forgive ourselves and to get rid of the false belief that successful people never fail.
The following words of guidance (taken from The Seasoned Campaigner) can help you develop the right perspective on your own disappointments and sense of failure and put you in the positive frame of mind that will make you appreciate other people:
"The vast majority of highly successful people didn’t just fail once; they failed countless times before they achieved success. Where they differ from everyone else is that after every failure they sit back and asked themselves what they needed to adjust/tweak/change with the next attempt – they know that, in order to develop, grow, and become successful, they have to experience failure".
No matter how many mistakes they make, high achievers never let their mistakes devalue their worth as a person because they recognise the fact that God uses people who fail – there just isn’t any other kind of person around! In their walk through the difficulties they encountered on their road to success every high achiever cultivated seven abilities that were responsible for giving them the ability to stand up, dust themselves off, and keep on running.
These are the seven:
1. Reject Rejection: They never berate themselves for failure. They keep their self-worth intact because they don’t base their self-worth on any one performance in isolation. Their internal system never allows them to say “I’m a failure” – it only permits them to say “I missed that one” or “I made a mistake”. If you blame yourself when you fail you condition yourself into believing that you are worthless or talentless. Yes, you have to take responsibility for your actions and failures but you don’t have to take failure personally.
2. See Adversity as a Valuable Teacher: Successful people see any predicament as merely a temporary condition and not as a hole in which they are stuck forever. They have the confidence in themselves and in their abilities to know that setbacks happen and that their response to any setback is far more important than the setback itself. They are on the constant lookout for knowledge and know that this is often buried in adversity, so they are not afraid to confront adversity because they discard the baggage adversity brings and carry the diamonds they found buried under it in their pockets – and just keep on walking.
3. See Failures as Isolated Incidents: When high achievers fail they see the failure as a momentary event, not as a lifelong epidemic – it’s not personal – just the wrong move at the wrong time. They never let any single incident colour the view they hold of themselves.
4. Keep Expectations Realistic: The greater the objective you want to achieve, the greater the mental preparation required for overcoming the obstacles that you will encounter. You have to develop a dogged determination to “stay the course until the race is finished”. It takes time, effort, and ability to overcome setbacks, so why set yourself up for a painful experience with unrealistic expectations. High achievers approach each day with reasonable expectations in the knowledge that they can only take one step at a time. In this way they prevent their feelings getting hurt when things don’t turn out perfectly, and they are also able to take corrective action with the next small step they are about to take.
5. Focus on Strengths: High achievers always focus on their strengths. There are just a few things they do extraordinary well, so well in fact that they would never dream of hiring anyone to do them. There are many things that they do better than most – so they keep on doing them. Everything else – things they are not good at doing, or even hopeless at doing – they get other people to do for them. Winners concentrate at all times on what they can do, not on what they can’t do. If a weakness is a matter of character you need to devote a lot of attention to fixing it but if not, there are many people who have as strengths precisely those aspects you are weak in – find those people and team up with them!
6. Vary Approaches to Achievement: High achievers keep trying and changing until they find something that works for them. They are not afraid to push themselves to the limit because they have conditioned themselves into being highly adaptable to any set of circumstance. They vary their approaches to problems merely to find out what works best. They treat every setback as an opportunity to discover something new about themselves and about the environment in which they operate.
7. Bounce Back: All successful people have one thing in common – the ability to bounce back after an error, mistake, or failure. They view life as a series of outcomes. When the outcome was what they wanted, they figured out what they did right. When the outcome was not what they wanted, they figured out what they did so that they could avoid making the same move into the future. The ability to bounce back lives in your attitude towards the outcome.High achievers are able to keep moving forward no matter what happens because they know that failure does not make them a failure. They know that the only time they fail as a person is when they give up and walk away.
Each of the above techniques is embodied in the attitudes of highly effective people – people who are simultaneously high achievers. This was not some special gift they were born with because no amount of talent will equip you with the ability to just shrug off abject disappointment, frustration and loss. Every one of these people learned how to fail forward and formed habits of effectiveness in the process.’
Reversal
Hot-Headed
Wok Wit Bebe
(Masyado pa kasing bata ang gaming industry natin, im into gaming and this is my passion - i was a powerleveller before sa isnag gaming company and during that time - masaya ako sa ginagawa ko at nagpla-plano na ng career that time pero dahil nga sa bata pa at unstable ang work na ito, mga ilang months lang na-terminate kaming lahat due to some reason i rather not to discussed anymore.)
Sabi ko kay Bebe, 2 choice lang naman pinagpipilian ko - since Ok na naman magpasahod ang firm - either mag-stay ako or hanapin ang kapalaran ko sa ibang bansa lalo na sa New Zealand na matagal ko nang target. Iyon nga lang kelangan makapasa ka sa requirements nila at may mag-sponsor sa iyo mula sa kanila. Marami akong magandang naririnig kasi sa bansa na iyon. Sobrang sariwa ang hangin/environment na parang nasa Paraiso ka/unang Panahon. Sa tingin ko nga baka dun ko na mahanap ang "Peace of Mind" na gusto kong ma-regalo sa akin tuwing Christmas party. Pero matagal pa iyon, wala pa sa isip ko at pag may pagkakataon lang naman. Si Ate Bebe naman balak sa Turkey gusto pa atang maging Bebe Bektas. Ahehe! As usual may ka-chat siyang taga dun at gusto raw papuntahin siya dun. Hindi na lang namin namalayan na malapit na kami sa building - umakyat na kami then back to work ulit.
Kaninang umaga pag-uwi ko naman sobra akong naawa sa aso sa kalsada sa may Commonwealth Avenue. Akala ko nga nasagasaan na siya at patay. Laking gulat ko na buhay pa pala ito pero nasagasaan na ang kalahati ng kanyang katawan. Awang-awa ako sa eksenang nakita ko pero anung magagawa ko, hanggang tingin lang ako at habag at hindi ko naman alam kung ano ang gagawin. Nagpupumilit pa siyang tumayo pero paano pa tatayo - lasog-lasog na ang bandang ibaba ng kanyang katawan. Hiling ko lang na sana na madaliin na ang kanyang kamatayan kesa naman maghirap pa siya dun. Sobra na talaga ang cruelty ng tao sa ibang hayop. Kaya minsan mas maganda siguro na tao naman ang sagasaan natin nang ganun din at isabit sa may pako kagaya ng mga kambing dyan sa Litex sa tuwing bumababa ako. Mga peste kayo.
He Says
I wished someday I could also find someone to say "I Love You, Man" without malice. Someone who represents the freedoms most men hesitate to give themselves, maybe through fear of ending up alone, arrested or locked inside behavior that looks fun when you're young but crazy when you're older. I wished I could also find that LOVE that doesn't speak its name - that of one straight guy for another."
-Wanted: Best Friend Forever, Kunejo's Better Black & Blank
I share the same sentiments with Kunejo, although marami naman akong masasabing close friend (lalo na mga kababata), still hindi ko pa rin mahanap sa kanila ang masasabi kong pinaka-BFF ko. Mula pagkabata kasi naging mapili ako sa aking mga kaibigan lalo na't nagka-trauma na ako dati na nagpabago na pagtingin ko sa ibang mga tao. Kaya iwas ako na makipag-kaibigan lalo na't pag malapit lang sa aming lugar. Hindi na nabago ang pananaw kong ito hanggang sa ako'y nagtapos ng pag-aaral at ngayong nagtratrabaho na. Parang hirap sa akin na lapitan sila at makipag-kaibigan sa takot na baka maulit lang ang nakaraan.
Pero sa isang banda nakakalungkot kasi kahit na andyan ang mga kaibigan mo, still may mga bagay na hindi madaling sabihin sa kaibigan mo. Alam ko may phrase na "kung kaibigan ka nila, maiintindihan ka nila", hindi sa I don't trust them pero hindi natin alam kung anung magiging reaction nila and mas mabuti nang ikimkim ko sa sarili ko ito kesa naman sila ang magbago. Kaya nga hinahanap-hanap ko rin ang taong iyon na masasabihan mo ng lahat ng mga problema at sikreto mo. Makakasama mo sa mga kalikutan ng isip mo, mga trip mo at kung anu-anu pang hindi mo maiisip na pwedeng gawin.
Hindi naman kasi pinipili iyon, kagaya ng minamahal eh kusa rin iyong darating sa iyo sa oras na hindi mo inaasahan. Sana nga hindi na ako mag-antay na kasing-haba ng paghahanap sa special someone. Malay natin andyan lang pala siya at nagsisimula nang makipag-kaibigan sa akin at hindi ko lang siya napapansin dahil sa hindi ako tumitingin.
Gala sa Trinoma
Umakyat na agad kami since nagyaya siyang na manood ng sine at matagal na naming pinaguusapan na panoorin ang Friday the 13th. Huli kong punta pa ata sa sine eh nung kasama ko ang aking mga kabarkada at nanood kami ng Silent Hill that time eh ang tagal-tagal na nun. Maski day or nightshift wala na talaga akong social life, talagang panindigan ang pagiging anti-social character. Balak sana namin sa may SM North na lang manood kaso wala sa list nila ang movie kakainis nga. Sa Trinoma kasi parang Gateway mall kasi na once ka lang pwedeng manood and you have to vacate the seat after. Sayang naman kasi ang movie ticket niya kaya ginamit na lang namin sa Trinoma.
5.40pm pa naman ang next showtime kaya bumaba muna kami at kumain sa Chowking - nag-halo-halo lang kami tutal busog pa naman kami. Kwentong chat lang tungkol sa nangyari last week sa kanila. Then umakyat na kami. Parang kagaya rin ng Robinsons Moviehouse ung area, iyon nga lang alphanumeric coordinated ang mga seats. Panget ang lugar na naupuan namin kahit pa kaunti lang ang tao paano kasi na sandwich kami ng katabi naman left and right. Nakalimutan na naming lumipat at no choice naman.
About the film, parang naumay na kasi ako sa typical American bloody/gore thing kaya hindi na ma-appeal sa akin ang effects na ito. Nadaan na lang sa sound effects ng gulatan kaya nagkaroon ako ng motivation para ituloy pa ang panonood. Alam mo na yung usual na alam mo na ang mangyayari pero andun pa rin ang thrill kung saan lalabas at mangsasaksak si Jason sa mga teenagers. As expected hindi na naman namatay si Jason at balak pang ituloy ang pang 13th movie franchise ng series na ito. Tanga kasi kung bakit hindi na lang nila pinugutan ng ulo si Jason para hindi matapos na ang series niya sa mundong ito. Hehe! Next time na panonoorin na naman namin (as usual horror/thriller/suspense genre) The Haunting in Connecticut - tiwala ako na maganda ang movie na ito since Lionsgate ang nag-produce na well known sa mga gory movies.
After watching gumala muna kami sa mall. Parang siyang flower na merong alleyway kada corners nito. Kaya lahat naman ng boutique eh pinuntahan na namin. Naghanap ako ng bathroom scale sa Landmark and nagulat na lang ako na out of stock na daw. Whoa. Ganun ba ka in-demand ang item na iyon at naubos agad siya or obsolete na at pinapaubos na lang nila. Another thing was yung denim jacket ni Oliver (officemate) na kursunada ko. Halos lahat nalang ng stall nila sa department store pinuntahan ko na, talagang out of stock rin at pinaubos na raw last year mga ganung item. Sayang nga eh, astig pa naman ang jacket na iyon at maganda ang design. Siguro maghahanap nalang ako ng iba or aantay ko na lang magkaroon ulit sila ng supply.
After that kumain ulit kami sa Chowking and siya naman nanlibre this time pero sobrang dami naman binili niya na hindi ko alam kung mauubos ko ba siya. The chat pa rin tungkol sa office updates kung ano na ang balita sa kanila at sa iba pang tao sa office. Wala lang tamang daldalan lang sa buhay-buhay. Then at 9.30pm we decided to left the mall and umuwi na, sa bandang south pa siya kaya hinatid ko na muna siya bago ako umuwi sa amin. Around 11pm na ako nakauwi sa amin. Ang nauna na umuwi sina mama sa akin na galing pa sila sa kamag-anak namin sa Tanay.
Kaninang umaga lang, nagulat ako sa dami ng prutas na dinala nila sa bahay. Mga pakwan, buko melon at mangga pati na rin bigas at uling. Mukhang mapapadalas ang pagpunta nila sa Tanay para bumili ng mga ganung bagay since libre namang nakukuha at pwedeng mabenta pa namin sa iba. Nagkwe-kwento nga sila kung paano kaganda at asenso ang pamangkin nila regarding sa mga livestock at prutas sa lugar na iyon. Almosty 500k square meters ang sakop. And gusto nga nila Mama na mag-business na lang dun kagaya ng sa kanila na babuyan, manukan at pagtatanim ng gulay at prutas. Sinabi ko nga sa kanila bago ako umalis na magtanong kung may nagbebenta sa lupa sa area na iyon kasi kapag nakapag-ipon or hiram ng capial eh payag rin ako na bumili na rin dun. Hindi ko alam kung kailan pa mangyayari iyon. Para maiba naman siguro toxic at stressfull kasi ang worklife na para kahit papano every weekend balak ko magmuni-muni muna sa area na iyon and enjoy the countryside.
P.S.
Kaka-text lang sa akin ng ka-officemate ko. Opo nag-enjoy po ako at nabusog. Thanks po at sa uulitin. Binabasa niya kasi itong entry na ito.
Muntik na
Added pa sa kamalasan ko, kahapon nadukutan pa ako ng coin purse at MRT card. Buti na lang kamo at piso lang ang laman nun. Sana binato na lang niya sa akin pabalik kasi kelangan ko ng wallet kahit yung piso sa kanya na iyon at ung card. Bibili na naman tuloy ako nito. Mag-2 taon na pa naman ang purse na iyon. May sentimental value na sa akin. Huhu!
Bus and the Furious
Actually no choice kasi walang MRT kaya naman nag-bus ako (tuwing ganitong holiday lang naman), pero Ok na rin kahit medyo napapamahal ako sa pamasahe. Natutuwa lang ako kasi iba kasi ang view pag nasa MRT ka compared pag andun ka sa kalsada mismo ng EDSA. Yung mga nagbebenta ng pirated DVD, mga sapatos sa Guadalupe. Mga nag-aaway na mag-asawa at mga taong nagmamadali sa pag-uwi sa may Shaw. Ang ibang billboard na mas pansin dito sa baba kesa sa taas. Ang walang kupas na Farmer's Plaza na hindi nawawalan ng tao. Ang mga nagjo-jogging sa Quezon Circle.
And ngayon nag-eestimate ako kung anung oras ako aalis sa bahay. Mga 5.30pm na ako umalis at 6.30pm nakarating sa Commonwealth. Eto na naman ang sakit ko na namimili na naman ako ng masasakyan. Gusto ko kasi ung kaunti lang para makapili ako ng masasakyan. Nagugulat lang ako sa mahal na ng pamasahe papunta compared sa pauwi eh same route lang naman ang pinupuntahan. Kaya kahit masakit sa loob ko eh nagbayad na ako para lang makapasok. Hehe! Maaga naman akong nakarating sa office (mga 7.30pm), eto update lang sa mga files, ayos ng system.
Kahit Holy Week hehe, sige trabaho pa rin. Ewan ko gusto ko magpahinga pero sayang naman ang double pay. US Holiday lang ako nakakapagpahinga talaga. Regarding naman sa Wawa na outing ng berks, mukhang madaming tao nagpupunta kaya nag-SMS na lang ako sa kanila na maganda na next week na lang gawin para kaunti na lang ang tao. Wala pa silang reply bout this. Ang hirap talaga mag-text sa mga taong hindi naman nagrereply sa iyo. Kakainis minsan. Kaya nakakatamad mag-load. Happy nga pala ako kay Ace at nakahanap na siya ng partner niya. Ako kaya kelan pa o kung may darating pa ba. Ewan. Hindi ko na iniisip mga bagay na yan masyado. Sumasakit lang ang ulo ko kaka-daydream sa mga taong hindi naman talaga nage-exist.
Salamat sa Pipti-tawsan
Paalam Mukamo..
Kanseladong pag-akyat
Isa sa mga masayang event iyon dahil napapatawa nila talaga ako. Lalo na't puro joker mga ka-berks ko kaya walang katapusan ang hanggang sa makarating sa taas. Sayang talaga at ginawang quarry site ang lugar. Wala na talagang magawa ang mga tao ngayon, patuloy pa rin ang pagsira sa mga kabundukan. Nanahimik ang lugar saka nila gaganyanin. Panata na ito taon-taon ng mga nagsisiaakyat. Babalewalain lang nila dahil sa greed nila na yumaman habang nasisira ang lugar at wala nang pagkakataon makaakyat ang mga tao. Sa ngayon hindi ko alam kung cancel ko na rin ang leave ko this Friday since para saan pa kung wala namang dadatnan dun. Nag-message sa akin isa kong kasama na mag Wawa na lang daw kami. Pinag-iisipan ko pa kung makakasama ako o hindi.
Clip: Pagsibol - Himig Heswita
Pagsibol
Himig Heswita - Jesuit Music Ministry
Bawat huni ng ibon sa pagihip ng amihan
wangis mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan
init mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
puso'y dalisay kailanpaman
ipahintulot mong ako'y mapahandusay
sa sumasaibayong kaginhawahan
Nangungulilang malay binulungan ng tinig mo
nagdulot ng katiwasayan
paghahanap katwiran nilusaw mo sa simbuyong
karilagan ng pagmamahal
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
puso'y dalisay kailanpaman
ipahintulot mong ako'y mapahandusay
sa sumasaibayong kaginhawahan
dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang
Patalastas: The Trapo Way
Mga gago talaga kayong mga trapo. Mas iboboto ko pa ang isang taong hindi masyado exposed sa media at tahimik na pinaglulungkuran ang kanyang tungkulin. Ano na naman kaya ang susunod niyong gagawin - magtutulak ng kariton sa may Tondo? o makikikain sa mga tao malapit sa riles. Tama na ang gimik. Kung talagang handa niyong paglingkuran at mahal ang sambayanan. Sakripisyo niyo na ang sarili niyo. Spare us sa pagkakalugmok ng bayan. Wag na kayo tumakbo pa. Mga bwisit kayo. Dapat sa inyo pagpapatayin hanggang sa kamag-anak niyo para mawala na ang kultura ng kurapsyon. Kagaya ng History professor ko nung high school na si Mr. Tan we all need a "bloody revolution" para mapaalis ang mga anay sa lipunan.
Record talaga, hanep!
Last Friday, we did a "getting to know" event again sa new sup namin, si Sir Simels - bubbly and light personality niya at nakikita naman ang aura niya. Bigla kong naalala si Sir Gags during my college days - super manyak at kwela sa klase kaya naman hindi naantok ang mga classmate ko kahit programming pa ang class niya. Sana ganun din bago naming sup. Medyo Ok naman siya at first glance at mukhang makakasundo namin. Nanlibre pa nga ng Istarbaks and galante - sana huwag siyang madala sa amin.
Kahit sanay na sa pang-gabing shift, hindi maiiwasan na magka-headbang pa rin usually around 2am. Kaya naman the usual na pampaalis ng antok after mag lunch - strolling around Makati City sa alanganing oras. Last Friday pinuntahan namin ung area na nde pa namin naaabot sa aming pagliliwaliw - Salcedo Park, Ok pala ang lugar na ito pag gabi, parang nasa Luneta ka lang. Lol! Mas maganda rin architecture ng mga building sa area na ito. Unlike sa mga nasa harap ng Ayala, na nanluma na sa araw-araw na polusyon sa mga tambutso ng mga sasakyan na dumaraan dito.
Still looking for an apartment or kahit room lang to rent around Makati. Mahirap kausapin itong mga kasama ko kasi dayshift sila at sa email lang kami nagkakausap or minsan sa SMS kapag may load ang mga loko. Sana nga this time makahanap na kami at hindi choosy itong mga kasama ko. Ang hirap kaya na araw-araw eh almost 3 hours ang travel time mo na dapat nagpapahinga ka na nga eh nasa biyahe ka pa rin at umaabot ng 100+ ang transportation. Pagod na rin kasi ako sa kaliwat-kanang gastos. Hindi na ako makapag-ipon para sa sarili ko.
Trying to organize myself again. After a couple of failed relationships. Siguro it's time to make a backtrack and isipin kung bakit lagi na lang ganun ang nangyayari. Anung mga kulang sa akin, mga dapat alisin, mg dapat baguhin, mga dapat dagdagan. Paiba-iba kasi ang timpla ng tao at dapat bagayan mo na lang at willing mag-sacrifice, kainin ang pride for a relationship to last. I'm courting someone right now, and medyo challenge ito sa akin dahil huhulihin ko pa ang kiliti nito. Gusto ko siya sa simula pa lang na magkita kami at nagkakasabay kami nung dayshift pa ako sa paglakad along Ayala. Buti na lang we still have communications and sana this time makuha ko ang puso niya at siya na ang huli. Over-rated na ang phrase na "Pagod na ako". I won't expect too much para hindi masaktan.
Burger Day no more
He Says
"He was calling out your name, so as to let you know how much he loves you, but you cupped your ears with your bare hands. Your deep set eyes were closed to notice his existence and your shoulders remained cold. He’ll be gone forever that even if you beg to reclaim him from Triton’s bastion, he’ll never come back. Now it’s your turn to raise your voice and plead."
-Yet Another Fiction, Finding Eben
Honga pala, patalastas muna. Congratz nga pala sa classmate kong si Raniel (for a healthy baby Girl) at sa officemate kong si Oliver (for a bouncing baby boy). Wag niyo ako lapitan para mag-ninong sa binyag. Haha! Ayoko nang may inaanak. Aanakan muna.
I am a Magician
Eleoquent and charismatic both verbally and in writing, you are clever, witty, inventive and persuasive.
The Magician is the male power of creation, creation by willpower and desire. In that ancient sense, it is the ability to make things so just by speaking them aloud. Reflecting this is the fact that the Magician is represented by Mercury. He represents the gift of tongues, a smooth talker, a salesman. Also clever with the slight of hand and a medicine man - either a real doctor or someone trying to sell you snake oil.